Download App

Chapter 3: Kabanata 1

Hapon na noong natapos sa pangungulimbat sina Marco at Maximo sa Recto. Animo'y mga batang musmos kung titignan pero batikan pagdating sa nakawan. Walang sinuman ang nakakahuli sa dalawang batikan na ito dahil sa taglay na tulin kapag hinahabol ng mga pulis. Hindi alintana ang mga basag na bote at matatalas na bato sa mabasang kalsada.

Labing-limang taon na si Marco at si Maximo naman ay labing-apat. Magkapatid sila at naninirahan sa likod ng terminal ng Bus kasama ang kanilang tatlong nakababatang kapatid na sina Pitoy, Berna at Lauro. Wala na silang mga magulang dahil bata pa lamang ang mga ito ay iniwan na sila ng kanilang ama na alagad ng batas.

Isang pulis ang kanilang ama at ang kanilang Ina naman ay nag-asawa na ng iba at iniwan silang magkakapatid sa kanilang Tiya Rosalinda ngunit hindi rin nag-tagal ay minabuti ng magkakapatid na umalis na lamang dahil hindi nila kayang tiisin ang pang-aapi sa kanila ng kanilang Tiyahin.

"Sabi ko sa 'yo sulit pagod natin dito." puri ni Maximo sa kanyang naka-tatandang kapatid. Nilalaro-laro nito sa kanyang kamay ang hikaw na may bahid pa ng tuyong dugo mula sa biktima.

Naglakad ang dalawang magkapatid papunta sa Quiapo para ibenta ang kanilang nakulimbat. Kilala na ang dalawang magkapatid at sila ang binansagang Duo-hablutero.

Punit na damit, malaki ang tiyan at nangingitim ang mga labi, iyon ang tanging palatandaan sa dalawang magkapatid. Laging basa ang buhok at halos hinahabol na ng naglalakihang langaw dahil sa hindi magandang amoy.

"P'wede ba, lumayo-layo kayo ng kaunti! Minamalas ang tindahan ko sa inyo. Ihagis niyo na lang dito 'yang ibebenta niyo."

Inihagis ni Maximo ang hawak na 24 carat na hikaw sa lalaking kung tawagin nila ay Boy Alahas. Sinuri ito ni Boy Alahas habang ang dalawang magkapatid naman ay nanginginig sa lamig at gutom na kanilang nararamdaman.

"Matagal pa ho ba iyan?" tanong ni Marco.

"Aba nagmamadali kaba? Mas okay na suruin ko ito ng maayos baka mamaya niloloko niyo lang ako." tugon nito.

Napakamot na lang ng ulo si Marco at napa-akbay sa kanyang kapatid. Ilang minuto rin ang hinintay nila bago natapos si Boy Alahas sa pag-tingin sa ibinebenta nilang hikaw.

"Eto Five hundred pesos." Sabay abot sa magkapatid.

Hindi na nagsalita sina Maximo at Marco dahil wala naman silang magagawa kahit na umangal sila. Hindi sila marunong mag-bilang dahil hindi nakakapag-aral, ang mahalaga lang naman sa kanila ay mairaos nila ang araw-araw at maibsan ang kanilang kumakalam na sikmura.

Pasado alas-onse na ng umaga nang makauwi ang dalawang magkapatid sa kanilang tinutuluyan na barong-barong. May bitbit na isang balot na letchong manok at apat na balot na kanin. Kanin na binili nila sa nadaanang karinderya sa halagang sampung-piso kada balot. Ang kanyang nakababatang kapatid na bunso naman na si Lauro ay binilhan niya ng gatas na iinumin nito na pang-hanggang kinabukasan.

Masayang ninanamnam ng mga magkakapatid ang bunga ng kanilang pinaghirapan sa loob ng ilang oras na pakikipag habulan sa mga alagad ng batas. Alam naman nilang mali ang kanilang ginagawa pero wala silang ibang nakikitang paraan para kumita ng pera upang may ipakain sa kanilang mga kapatid.

"Si Lauro timpalahan mo ng gatas." sabi Marco sa kanyang babaeng kapatid na si Berna. Sampung taong gulang. Tumango ang bata at kinuha ang naninilaw na botelya.

Nagpahinga naman ang Duo-hablutero at pinagmasdan ang mga kumikilos na kapatid. Alam nilang nahihirapan ang mga ito pero mas nahihirapan silang dalawa dahil wala silang magawa para makalaya sa ganitong buhay.

Malaki ang galit nila sa kanilang magulang dahil sa ginawa sa kanila. Tatak na sa murang puso at isip ni Marco ang lahat ng sakit na nararanasan nila sa araw-araw.

Hindi rin nagtagal ay nagpasiya ang magkapatid na magtungo sa Quiapo para ipagpatuloy ang kanilang trabaho. Naglakad ang dalawa habang naka-yakapak na animo'y walang nararamdaman dahil sa kapal ng kalyo.

Maingay na tugtugan sa mall, ingay ng mga nagtitindang tao at huni ng mga jeepney sa kalsada ang kanilang naririnig. Nagpasiya ang dalawang magkapatid na mag-hiwalay sila at mag abang sa kabilang kanto kung saan nandoon nakatayo ang Mercury drug store.

Kumilos ang dalawang magkapatid at alam na alam na nila ang kanilang gagawin para sa susunod nilang biktima.

Nakipagsiksikan si Marco sa napakaraming tao at napako ang tingin niya sa babaeng naka suot ng silver na kwintas. Hindi na siya naghanap pa ng iba. Nasa harap na niya ang swerte kaya hindi na niya palalagpasin ang pagkakataong ito.

Sinundan niya ang babae at nagpanggap na walang gagawin na hindi maganda.

"Ate, p'wede ho ba makahingi ng makakain?" sambit niya.

Hindi na nag-atubiling bigyan ito ng babae. Iniabot ang sandaang piso at tinapay na hawak nito.

Naiwan si Marco na nakatulala at hindi naituloy ang binabalak.

Isang malakas na suntok ang gumising sa kanya sa reyalidad. Suntok ni Maximo.

"Tang*na ka! Bakit mo pa hindi kinuha harap-harapan na Marco! Pera na naging bato pa!" reklamo nito.

Nagkalat sa sahig ang tinapay na ibinigay ng babae sa kanya at pinagtitinginan na sila ng mga tao.

"Binigyan naman niya ako ng sandaang piso!" sigaw ni Marco.

"Anong mabibili mo d'yan? Mas malaki kikitain natin doon sa kwintas na suot niya, nag-iisip kaba?"

Napatingin si Marco sa babaeng nagbigay sa kanya ng tinapay na kasalukuyan ng naglalakad palayo.

Matulin na tumakbo si Maximo para habulin ang babaeng kaharap ni Marco kanina. Mabilis na hinablot ng batikang bata ang kwintas ng babae at mabilis na lumihis ng direksyon.

"Tang*na mo Marco takbo!" sigaw nito.

Napatingin nalang si Marco sa babae bago tumakbo papunta sa kinaroroonan ng kapatid.

Konsensya ang lumalamon ngayon isip ni Marco at kanina pa tahimik. Nasa tabi sila ng Monumento at nakangiting nilalaro-laro ni Maximo ang hawak na kwintas.

"Tang*na, bakit mo ginawa 'yon? Binigyan na tayo ng pera tapos ninakawan mo pa!" mahinang sabi ni Marco.

Lumapit si Maximo at binatukan ang nakakatandang kapatid.

"Baliw kaba? Sa tingin mo sapat ang sandaang piso na iyan hanggang bukas ng umaga?"

Napa-iling nalang si Marco dahil sa inasal ng kapatid.

Naawa si Marco sa babaeng kinuhaan ni Maximo ng kwintas, sigurado kasing hinahanap na sila ng mga pulis sa mga oras na ito.

Dating gawi. Pumunta sila kay Boy Alahas at ibinenta ang Silver na kwintas na nakuha nila. Sa halagang tatlong daang piso ay masaya na si Maximo. At hindi pa ito nakuntento hiningi pa kay Marco ang sandaang ibinigay ng babaeng ninakawan nito.

Umuwing naka ngiti si Maximo at nakasimangot naman si Marco. Ngayong araw lang naging ganon katamlay si Marco kaya labis na ipinagtaka ng dalawang nakakabatang kapatid nila ang gano'ng tinuran ni Marco.

Alas singko na at kailangan na nilang maghanda ng makakain para sa hapunan. Nagpasiya si Marco na siya na lamang ang bibili ng kerosene para sa gasera nila.

Wala sa sariling naglalakad ito dahil naaalala niya ang hitsura ng babaeng naging biktima ng kanilang modus.

Alam niyang mali ang mga ginagawa nila pero wala na talaga silang choice. Sumosobra na si Maximo dahil masyado niyang sinasamantala ang kahinaan ng mga taong biktima.

Habang naglalakad si Marco ay nakita niya ang grupo ng mga kabataan na halos ka-edaran lang niya. May hawak na supot at may sinisingot na solvent sa loob. Iyon lang kasi ang nagsisilbing gamot nila para hindi maramdaman ang kagutuman.

Ipinagpatuloy niya ang pagkalakad ng marinig niya na may tumatawag sa pangalan niya.

Si Neneng Sarah. Ang babaeng binansagan na dyosang haliparot ng maynila. Pulang-pula ang labi at hapit na hapit ang suot. Maiksi ang pang-ibabang damit at nakasuot ng maliit na tsinelas na halos binanat para magkasya.

"Kamusta kitaan ngayon?" sabi ni Marco kay Neneng Sarah.

"Wala nga, mahina, ayaw na nila sa akin kasi sobrang laspag ko na daw."

Pinigilan ni Marco ang tawa dahil ayaw niyang panghinaan ng loob ang dalaga. Mas mahirap ang kinakaharap na gawain ni Neneng Sarah dahil kung sino-sinong lalaki ang gumagalaw sa kanya. Si Neneng Sarah nalang ang mag-isa sa buhay dahil nasagasaan ang nanay nito habang patawid sa kabilang kanto.

"Bakit kaya hindi ka na lamang sa 'min tumira?" presinta ni Marco.

Halos umabot sa tainga ang ngiti ni Neneng Sarah dahil sa tinuran ni Marco.

"P'wede ba 'yon? Baka magalit mga kapatid mo, nakakahiya naman." tugon nito.

"Kailan kapa tinubuan ng hiya? Ang kilala kong Neneng Sarah ay hindi nahihiya. Kaya tara na sumama kana sa akin para may magbabantay na din kay Lauro."

Hindi na nakatanggi pa si Neneng Sarah kaya ng matapos bumili ni Marco ng Kerosene ay isinama na niya ito sa kanilang munting mansyon.

Binabaybay nilang dalawa ang lansangan ng Recto at malalakas na tawanan ang kumakawala sa kanilang bibig. Sa sandaling iyon nakalimutan ni Marco ang babaeng ninakawan ni Maximo dahil nalibang siya sa mga kwento ni Neneng Sarah.

"Napaka sarap isipin na kahit ganito ang kalakaran dito sa malawak na tahanang lansangan namin ay nakukuha pa rin naming tumawa ng tumawa." Sabi ni Marco sa kanyang sarili.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login