Download App
14.28% Angel wings
Angel wings Angel wings original

Angel wings

Author: Nyxteria

© WebNovel

Chapter 1: Prologue

"Nasaan ba ako? Bakit ba ako nandidito?" sabi ko habang tinitignan ang paligid ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko nga rin alam kung sino ba ako o kung ilan taon na ba ako. Wala rin kong makitang ibang tao maliban sa akin. Kanina ko pa nga iniisip kung patay na ba ako. Pero sana huwag naman. Malaking kawalan iyon sa buong earth.

Takbo lang ako ng takbo kahit wala naman akong patutunguhan. Feeling ko tuloy nasa marathon ako. Pagkatapos puro puti lang ang nakikita ko. Wala man lang ibang kulay! Lahat kulay puti! Wala man lang kulay pink. Favorite color ko pa naman ang pink. Sayang! Pero mamaya na lang ako manghihinayang kasi natatakot na ako! O to the M to the G! Ang creepy kasi dito ihhhh.

Dahil sobra na akong napapagod sa kakatakbo umupo muna ako sa sahig at pinagsasampal ang sarili ko. Pero hindi ako baliw ha. Baka naman kasi nananaginip na naman ako. Pero infairness, nakakaloka yung panaginip ko. Juicecolored. Speaking of juice, wala man lang bang juice o kahit anong maiinom dito? Grabe! Nauuhaw na kaya ako!

"Iha. Ayos ka lang ba?" bigla akong napatingin sa harap ko ng may magsalita. Doon ko nakita ang isang matandang lalaki. Nakasuot siya ng puting t-shirt at pantalon. Meron rin siyang suot na fake wings sa likuran niya. FAKE WINGS. Alangan naman totoo iyon. Siguro baliw itong matandang ito. Pero keri ko na ito, kaysa naman sa wala akong kasama rito. Natatakot na kasi ako sa panaginip ko. Kaloka!

"Ayos lang po ako. Napagod lang po ako sa kakatakbo ko" sabi ko sa matanda habang pinapagpag ang suot kong damit. Ngayon ko lang napansin na nakasuot ako ng white dress at white heels. Wala naman akong natatandaan na bumili ako ng ganitong dress. Pero okay lang, maganda at bagay naman sa akin. Halos lahat naman ng damit ay bagay sa akin dahil maganda ako.

"Bakit ka ba kasi tumatakbo iha? Wala ka naman mapapala kung tatakbo ka?" nakangiting sabi sa akin ng matanda sa harapan ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako tumatakbo. Trip lang?

"Hindi ko rin po alam. Ang tagal po kasing matapos ng panaginip ko. Nakakatakot na. Matatakutin pa naman po ako" sagot ko sa kanya. Mukha namang naguluhan ang matanda sa isinagot ko sa kanya. May nasabi ba akong mali?

"Hindi ito isang panaginip iha. Patay ka na. Nabundol ka ng sasakyan dahil pinili mong iligatas ang isang taong hindi mo naman kilala" kalmadong sabi sa akin ng matanda.

"Alam ko po na patay– ANO PO?!" patay na ako? Impossible! Masyado pa akong bata para mamatay. Madami pa akong pangarap sa buhay. Hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend. Paano na si Mommy at Daddy?! Paano na si Erin at Ella?! Kilala ko yung si Erin at Ella, mamamatay iyon kapag namatay ako.

Teka! Bakit kilala ko ang pamilya at kaibigan ko pero bakit hindi ko maalala ang sarili kong pangalan?! Aiisshh. Mamaya na nga lang ako magtatanong sa kaniya, kailangan kong mag-panic dahil patay na daw ako. Pero malay ko ba kung jino-joke ako ng matandang ito. Malay niyo baka talagang may sayad sa ulo itong matandang ito. Impossible naman na mamatay ako ng basta-basta. Pero kinakabahan pa rin ako. Kasi paano kung totoo pa lang patay na ako. Naku po! Sayang naman yung mga pangarap ko.

"Impossible. Hindi po ako pwedeng mamatay. Paano na po ang pamilya at mga kaibigan ko? Masyado pa po akong bata para mamatay. Paabutin niyo man lang po ako ng mga seventy years old. Please" bigla namang natawa ang matanda sa sinabi ko sa kanya. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Seryoso kaya ako! Natatakot na nga ako dito! Tapos tatawa pa siya diyan! Grrrr.

"Patapusin mo muna kasi ako iha" natahamik naman ako sa sinabi niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya na ang ibig sabihin ay ipagpatuloy na niya ang sasabihin niya sa akin para naman hindi na ako matakot. "Pero bago ka mamatay kailangan mo muna tapusin ang misyon mo"

"Hindi naman po ako secret agent para magkaroon po ng mission. Atsaka mamamatay na nga po ako tapos bibigyan niyo pa po ako ng mission. Hindi po makatarungan iyon!" sabi ko sa kanya.

"Hindi mo dapat siya pagsalitaan"

"Ay kabayo!" sigaw ko na lang dahil may biglang nagsalita mula sa likuran ko. Nang makita ko kung sino ang nasa likuran ko nakita ko ang  isang napaka-gwapong lalaki. Jusme! Ngayon naniniwala na ako na talagang nasa langit na ako. Pero syempre ayoko pa rin na mamatay noh! Mababawasan ng maganda sa earth.

"Siya si Lucian. Pero tawagin mo siyang older angel. Siya ang magiging gabay mo sa misyon mo. Respetuhin mo siya katulad ng pagrerespeto mo sa mga magulang mo. Sundin mo din ang mga bilin niya sa iyo dahil iyon ang makakabuti para sa iyo at sa misyon mo" Wow! So ibig sabihin siya ang magiging guardian angel ako?! Nice!

"So ano po ba ang mission ko? Sumundo ng mga kaluluwa? Magligtas ng mga tao? O kaya..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Lucian. Pero may pagkabastos itong si Lucian ahh. Kitang nagsasalita ang tao. Wait! Tao pa nga ba ako?! Baka naman kaluluwa na rin ako?! Kyyyyyyaaaaaaaahhhh! Wait! Kalma lang. Inhale. Exhale. Dapat hindi ko iniistress ang sarili ko dahil baka mabilis akong tumanda. Hay ang buhay talaga parang life.

"Masyado kang madaldal. Naiirita ako sa boses mo" napataas ako ng kilay dahil sa sinabi sa akin ni Lucian sa akin. Gwapo nga kaso pangit naman ang ugali. Bawas pogi points iyon. Atsaka maganda kaya ang boses ko noh! Pagkatapos siya sasabihin niyang naiirita siya sa boses ko. Great!

"Excuse me! I'm not asking for your opinion" naaasar na sabi ko kay Lucian. Tsk. Onti na lang talaga at mafa-flying kick ko na itong si Lucian. Kahit isa siyang anghel para siyang isang demenyo. Kaasar. Ginigigil niya ako. Grrrrr.

"Tumigil na nga kayong dalawa. Para kayong mga bata" saway sa amin ng matanda. "Ang misyon mo ay baguhin ang isang tao. Si Zairo Mendez. Dati siyang kumakanta at sumasayaw pero tumigil siya ng mamatay ang kanyang kapatid at mga magulang. Nagbago rin ang kanyang ugali. Palagi na lang siyang napapasok sa gulo ng dahil sa ugali niya. Wala rin tumatagal na tao sa kanya dahil sa sobrang sama ang ugali niya. Kailangan mo siyang baguhin para bumalik ulit siya sa dati niyang ugali" sabi sa akin ng matanda na hindi ko pa rin alam ang pangalan.

"Hindi ko naman kaano-ano iyang si Zairo" sabi ko sa matanda atsaka ko binelatan si Lucian. Mukha namang effective dahil parang naasar si Lucian sa akin. Buti nga sa kanya. Bleh. Hindi naman pwedeng siya lang ang pwedeng mangaasar sa akin.

"Hindi ba sinabi ko sa iyo kanina na nabundol ka ng sasakyan dahil may iniligtas ka na hindi ko naman kakilala. Ang iniligtas mo ay si Zairo, ang iyong misyon" nakangiting sabi ng matanda sa akin. Small world. Akalain mo nga naman ang taong iniligtas ko ay ang magiging misyon ko.

"Paano naman po ako lalapit sa kanya. Di'ba ang awkward naman po kung bigla na lang akong lalapit sa kanya at sasabihing 'Hello Zairo. Magbago ka na kasi ikaw ang mission ko' Parang mali naman po kung ganoon" nakangusong sabi ko. Nagulat na lang ako ng bigla akong batukan ni Lucian. Feeling close sa akin itong si Lucian. Akala mo naman friends kami nitong asungot na ito. Kanina lang nagaasaran kami pagkatapos babatukan niya ako ngayon ba para bang magkaibigan kami. Tsk. Siguro bipolar itong si Lucian. Lakas ng trip eh.

"Gamitin mo nga ang utak mo. May utak nga pero hindi naman ginagamit" sabi sa akin ni Lucian. Nakakailan na sa akin itong si Lucian ahh. Calm down self. Anghel iyan. Hindi mo siya pwedeng saktan. Inhale. Exhale. Habaan mo ang pasensyan mo self. "Niligtas mo nga siya kahit hindi mo siya kilala. Atsaka siya ang nagbabayad ng hospital bills mo. Kaya ibig sabihin may koneksyon na kayo"

"Hindi mo naman kasi sinabi agad. Nanlait muna bago sabihin sa akin" sabi ko kay Lucian. "Ano po bang pangalan niyo? Curious lang po" tanong ko sa matanda. Tinawanan muna ako ng matanda bago sagutin ang tanong ko.

"Tawagin mo na lang akong older anghel iha" nakangiting sabi sa akin ng matanda. Ang weird naman ng pangalan niya. Tch. Pero hindi ko na iyan problema. Kung ayan ang trip niya edi go lang.

"Older angel. Pwede po bang magtanong?" bulong ko kay older angel. Tumango lang at ngumiti si older angel sa akin. "Totoo po bang anghel iyang lalaking iyan? Parang hindi naman po" bulong ko habang itinuturo si Lucian. For the nth time tinawanan na naman ako ni Older angel. Ako lang ba ang nakakapansin na parang hindi anghel iyang si Lucian dahil sa ugali niya. Feeling ko hindi talaga anghel ay lalaking iyon. Bahala siya diyan.

"Oo iha. Labing tatlong taon na siyang anghel. Ganyan talaga ang ugali niyan. Pagtyagaan mo na lang. Kung ikaw ang misyon mo ay si Zairo Mendez, si Lucian ang misyon naman niya ay ikaw. Ang tulungan ka ang misyon niya. Kaya pagtiisan mo na lang ang ugali niya" sabi sa akin ni older angel. As if naman may magagawa ako.

"One last question. Ano po bang pangalan ko at ano na po ba ang nangyayari sa katawan ko?" tanong ko ulit sa kanya.

"Ikaw si Delaney Soul Mercado. Half filipino, half korean. Pagkatapos mong maaksidente nacomatose ka ng tatlong taon. At isa pa iha, wala kang pwedeng ibang pagsabihan tungkol sa misyon mo at kay Lucian. Hindi mo pwedeng sabihin sa iba na isang anghel si Lucian. Kundi mapaparusahan ka" Sayang naman. Balak ko pa naman sabihin kay Erin at Ella ang tungkol rito. Pero ayaw rin ko namang maparusahan noh.

"Ito pa iha. Huwag na huwag mong iwawala iyang kuwintas. Kapag natapos mo na ang misyon mo. Maaaksidente ka ulit katulad ng nangyari sa iyo dati. Mabubundol ka ng kotse at iyon ang ikamamatay mo. Pagkatapos babalik ka dito kasama ang kuwintas na iyan. Ang kuwintas na iyan ang magiging pakpak mo para makatawid ka sa kabilang buhay" ng tignan ko ang binigay na kuwintas niya sa akin nakita ko na kulay ginto ito. Ang disenyo nito ay isang susi na may mga pakpak. Medyo nawirduhan ako sa disenyo ng kuwintas pero wala na akong pakielam doon.

"Para saan naman po ang susi?" nagtatakang tanong ko kay older angel.

"Ayan ang susi sa kabilang buhay"

"Ang taray! Totoong ginto po ba ito? Pwede ko po bang isangla?" tanong ko ulit kay older angel pero wala akong nakuhang sagot sa kanya dahil tinitigan niya lang ako ng masama. "Charot lang po! Kayo naman hindi mabiro. Di'ba mayaman po kami"

"Tara na. Ang dami mong sinasabi. Kapag tumagal pa tayo rito baka tuluyan ka ng mamatay" bigla sambit ni Lucian sa akin.

"Hala! Sige tara na. Nami-miss ko na ang pamilya at mga kaibigan ko" sabi ko kay Lucian habang hinahatak ang laylayan ng damit niya. Agad naman akong tinignan ng masama ni Lucian habang tinatanggal ang kamay ko sa laylayan ng damit niya. Kahit kailan talaga ang sungit sa akin ng lalaking ito.

"Alam niyo bagay kayong dalawa" nakangiting sabi sa amin ni older angel.

"No way!" sabay na sigaw namin ni Lucian.

"O'siya. Mauna na kayo at baka matulyan ka na Roseanne. Ikaw naman Lucian, bawas-bawasan mo ang pagiging masungit mo"  bilin sa amin ni older angel. Sabay naman kaming tumango ni Lucian sa kanya.

Pagkatapos bigla na lang akong hinawakan ni Lucian sa kamay at hinatak papalayo kay older angel. Tsansing itong si Lucian ah. Pero sige ayos lang, gwapo naman. Joke lang! Hindi porket gwapo siya ay magpapa-tsansing na ako sa kanya. Pumayag lang ako dahil baka iwan ako ni Lucian dito. Hindi ko pa naman alam ang paalis dito. Pero swerte niya, dahil siya ang unang naka-holding hands ko. Ewan ko din ba kung bakit kay ganda-ganda kong tao pero wala pa akong nakaka-holding hands.

"Paalam. Roseanne, Lucian mag-iingat kayo" sigaw ni older angel sa amin.

"Goodbye din older angel!" sigaw ko pabalik kay older angel habang kinakawayan siya bago ako mawalan ng malay.

To be continued...

~Thanks for reading! Please vote and comment!~


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login