Download App

Chapter 2: Kabanata 01

"Kuya Mike!"

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang biglang pumasok sa kuwarto ko ang nakakabatang kapatid kong si Venice.

"Ano?" inis kong sigaw. Nakakarindi talaga ang matinis na boses nitong batang 'to.

"Tapos ka na bang mag-impake? Sabi ni mama, malapit na daw dumating yung rental van natin," wika ni Venice habang naka-nguso. 'Kala mo naman cute, mukha namang natataeng pato.

"Malapit na," mahina lang ang boses ko pero sigurado akong narinig niya 'yon. "Labas."

"Fine, fine! Suplado mo talaga, brother dear," maarteng saad ni Venice at lumabas na ng kuwarto.

Nagbumuntong-hininga ako at kinuha ang shoe box na nasa ilalim ng kama ko. Agad ko iyon na binuksan. Kinuha ko ang kuwintas na laman ng shoe box at sinuot ito.

Hindi ko alam kung sino ang nagbigay nito sa 'kin, pero napakahalaga ng kuwintas na 'to na sa 'kin.

***

"Paradise, here we come!"

"Shut up, Venice. Lakasan mo nga 'yang aircon, ang init!"

"Mike, 'wag mong awayin 'yang kapatid mo."

Tinitigan ko ng masama si Venice bago niya in-adjust ang thermostat ng aircon sa van.

"Ma, bakit ba kasi kailangan pa nating magbakasyon sa Cagayan? Ang layo tapos mainit pa. 'Di ba puwedeng sa Batangas na lang?" pagrereklamo ko habang nakahiga sa likurang parte ng van kasama ng mga gamit namin.

"Hay naku, Anak. Masungit na, reklamador pa. Kaya hindi ka nagkaka-nobya kahit bente anyos ka na. Tatandang binata ka n'yan," kalmadong sabi ni Papa at nagtawanan naman silang lahat.

Tumahimik na lang ako. Bata pa lang ako, hindi na talaga ako nagkakagusto sa mga babae, gayun din sa mga lalaki. Napabumuntong-hininga na lang ako at pumikit.

"Matulog muna kayo. Mahaba pa ang biyahe. Sabi nila–" Hindi pa natatapos ang sinasabi ni Mama ay nakatulog na ako bigla.

***

"I hate hiking," paulit-ulit kong sinambit ang mga salitang 'yan habang naglalakad kami papunta sa water falls na sinasabi nila. Habang naglalakad ay walang tigil na nagpapakuha ng litrato si Venice. Minsan kay Mama, at minsan sa 'kin.

"Kuya! Puwedeng pa-picture? Dito oh, sa may puno!"

"Mag-selfie ka na lang!" inis na sambit ko sa kanya.

"Mas maganda 'pag full body, makikita nila yung ka-sexyhan ko!" naka-ngusong sabi ni Venice. Natawa ako nang mahina.

"Sexy mo 'to, eh mas sexy pa nga 'yang puno sa likod mo kaysa sa 'yo!"  natatawang sabi ko. Parang bata na nagdabog si Venice at naglakad papalayo.

Kinuha ko ang tumbler sa bulsa ng back pack ko at uminom ng tubig. Nakakainis, isang oras na kaming naglalakad pero sabi ng tour guide, medyo malayo pa raw yung falls.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang may naramdaman akong kakaiba. Parang may mga bumabaon na karayom sa likod ko at parang mayroong tumititig sa akin nang masama.

'Eto na naman.

Binalik ko ang tumbler at naglakad nang mas mabilis. Gusto ko ng umalis– hindi na ako komportable.

Pagkatapos nang ilang pangungulit ni Venice at ilang kilometrong paglalakad, narating na namin ang sinasabi nilang water falls. Napangiti ako. Ang ganda.

Napakaklaro ng tubig, na parang salamin na ginawang likido. Marami ring bato at puno sa paligid. Maririnig mo yung mga huni ng ibon at iba't ibang ingay ng mga hayop.

"Malalim po ba? Puwedeng mag-swimming?" excited na tanong ni Venice sa tour guide na kasama namin.

"Hindi gaano, seven feet. Mag-ingat ka lang kasi madulas yung mga bato," sabi ng tour guide. Agad na hinubad ni Venice ang kaniyang bestida, at lumitaw ang one-piece swimsuit na suot niya. Tumakbo siya papunta sa tubig at nag-dive.

"Pasensya na po sa kakulitan ng kapatid ko…" naghihiyang sabi ko sa tour guide. Tumawa lamang ito.

"Michael."

"Po?" Napatingin ako sa direksyon ng tour guide ngunit abala na ito sa pag-aayos ng kanyang mga gamit.

"Michael."

Nanlaki ang mga mata ko. Ang boses na 'to –

"Naaalala mo pa pala ako."

"Sino ka?" mahinang bulong ko.

"Sundan mo ang itim na paru-paro…"

Binaba ko ang back pack ko at nagmasid-masid sa paligid. Sa isang malaking bato malapit sa 'kin ay may nakadapung paru-parung itim.

Lalapitan ko na sana ito ngunit lumipad ito palayo, papunta sa mas masukal na parte ng gubat. Hindi na ako nagdalawang isip at agad ko itong sinundan. Mas bumilis ang paglipad nito kaya't halos lakad-takbo na ang ginagawa ko.

Tumigil ito sa isang natumbang puno at dumapo roon. Umupo naman ako katabi ng paru-paro habang hinihingal. Nang mahabol ko ang hininga ko ay lumingon ako sa direksyon ng paru-paro.

Napamura ako nang malakas. Wala na ang paru-paro doon.

***

Kanina pa ako naglalakad pero parang wala namang katapusan ang napakasukal na gubat na ito. Sa sobrang lago ng mga dahon sa mga matataas na puno, na tila bang wala ng liwanag ng araw ang tumatagos dito.

Nakakainis, bakit ko pa ba sinundan ang paru-parong iyon?

Siguro, hallucinations lamang iyon. Pati na rin yung mga kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko, at lalo na yung boses na naririnig kong tumatawag sa 'kin minsan. Mga delusyon lamang.

Pero kung hindi totoo lahat ng 'yun, sino ang nagbigay sa 'kin ng pilak na kuwintas?

Hinubad ko ang kuwintas na suot-suot ko at pinagmasdan 'yon.

Simple lang ang disenyo nito: maliliit na chains na magkakadikit at may bilog na pendant sa gitna na may nakaukit na maliliit na letra. Mga letra na hindi ko maintindihan– parang galing sa ibang lenggwahe. Sa gitna ng bilog na pendant ay may nakadikit na diamanteng maliit.

Nakakalito. Nakakainis. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa 'kin. Napasigaw ako sa galit at binato ang pilak na kuwintas sa putikan.

"That necklace is priceless, Michael. Bakit mo binato?"

Parang tumigil ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses na iyon. Pamilyar... Napaka-pamilyar. Dahan-dahan akong tumingin sa likod at nagulat sa nakita ko.

Isang lalaking naka-suot ng itim na damit. Mukha siyang galing sa ibang bansa– asul ang mga mata, maputi, at matangkad. Ngumiti siya nang mapansin niyang tinititigan ko siya.

"Pasensiya na kung niligaw kita rito, mas may thrill kasi 'pag sa ganitong paraan tayo nagkita, 'di ba? Parang sa sine lang. Naliligaw ang bida at biglang dadating ang prinsipeng sasagip sa kaniya." Sumandal siya sa puno na nasa likod niya at ibinulsa ang kaniyang mga kamay. Napansin ko na kahit nagtatagalog siya ay may accent na halatang pangdayuhan.

"Sino ka?" matapang na tanong ko sa kanya. Kumibit-balikat lang siya at dahan-dahang lumapit sa putikan at pinulot ang kuwintas. Pinunasan niya ito gamit ang kanyang damit at isinuot sa 'kin.

Parang napako ang mga paa ko sa lupa habang isinusuot niya ang kuwintas sa 'kin. Parang may kuryenteng tumatama sa leeg ko tuwing dumadampi ang mga daliri niya. Hindi ko napansin na matagal na akong nakatitig sa kanya nang bigla siyang magsalita.

"Nakakatuwa, bagay na bagay sa 'yo ang kuwintas na 'yan. Tama lang pala na ganito ang binigay ko sa 'yo no'ng kaarawan mo," nakangiting saad niya.

"Ikaw ang… nagbigay sa akin nito?" Parang nagbuhol-buhol na ang dila ko sa gulat. Ngumiti lang siya at tumango.

"Ikaw rin ba ang may kasalanan kung bakit pakiramdam ko palaging may nakatingin sa 'kin?" tanong ko. Tumawa siya nang mahina.

"Oo, matagal na kitang binabantayan," ani niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Ako nga pala si Charleston, you can call me anything you want. Pero mas kilala mo ako bilang si Cacao."

Ngayon, ako na ang natawa. "Cacao? Yung aso namin? Nagbibiro ka ba?"

"Hindi. Bakit naman ako magbibiro?" inosenteng sabi niya. Naka-puppy eyes pa ang hayop.

"Hindi ako naniniwala. Ikaw? Aso? Nilalaro ko si Cacao nang gabing iniwan mo yung kuwintas na 'to sa bintana ng kuwarto ko. Imposibleng ikaw iyon." Tumingin ako sa kanya nang matalim.

"Nilagay ko 'yon doon habang abala ka sa pagkain ng mga handa mo sa kusina ninyo. Nakakatawa nga, ilang oras ka nang nakaupo sa kama mo pero 'di mo pa rin napansin. Kaya tinahulan ko yung bintana," paliwanag niya.

"Pinagtri-tripan mo ba ako?" inis na tanong ko.

"Alam mo, ibang tao na lang ang pag-trip. Nag-iinis ka lang–"

Naputol ang sinasabi ko nang biglang maglaho ang lalaki. Isang asong itim na ang naka-tayo sa puwesto kung saan siya nakatayo kanina. Si Cacao.

"Baliw na ako." Natawa ako nang mahina. "Nababaliw na ako…."

Hindi na kaya ng utak ko ang bilis ng mga pangyayari. Lumabo ang paningin ko, at bigla akong nahilo.

"Michael, ayos ka lang ba? Parang mahihimatay ka yata…."

Hindi ko na narinig ang mga sunod na sinabi niya. Dumilim na ang paligid, at naramdaman ko na lang na tumama ang ulo ko sa lupa.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login