Download App

Chapter 3: Kabanata 1

Nagising ako sa ingay sa baba, mukhang nagluluto na si Ate. Naligo na ako at nagbihis, mamaya pang tanghali ang pasok ko dahil isang subject lang ang schedule ko sa ngayon. Sinusuklay ko pa ang buhok ko nang makababa ako at dumiretso sa kusina.

"Oh, gising kana pala." Tugon niya nang mapansin niya ako. Nang makalapit ako sa kaniya ay humalik muna ako sa pisngi niya bago naupo.

"Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ko. Tiningnan ko ang mga sangkap na nasa lamesa, napakarami nito. Karamihan dito ay mga gulay. "Hindi ko alam na ganito pala karami ang niluluto mo, Ate. Maaga kasi akong naalis, eh tapos minsan ay tanghali na ako magising. Pasensya kana, hindi kita natutulungan."

"Ano ka ba? Madali lang ito para sa akin tsaka di ko need ng tulong, ang kailangan mo lang gawin ay mag aral kang mabuti." Tugon niya.

Kumurba sa labi ko ang matamis na ngiti. Bilib talaga ako dito sa Ate kong ito, lahat ay kakayanin niya para sa akin. Kahit hirap na hirap na siya ay nandiyan pa din siya at gustong mag focus ako sa pag aaral kaysa tulungan siya. Mas lalong nanaig ang pag kadeterminado sa aking sistema.

"Ikaw talaga, te. Tulungan kita ngayon, ah." Saad ko. Tumayo na ako at hindi na siya inantay pang makasagot, alam kong tatanggihan na naman niya ako.

Nahagip ng mata ko ang isang singsing. Nakalagay ito sa may lababo. Kinuha ko ito at pinagmasdan, wala naman kaming ganitong singsing. Sa wari ko ay panlalaki ito dahil medyo malaki pa ito. Nawala lamang ito sa kamay ko nang bigla itong hablutin ni Ate.

"Ayan pala iyong hinahanap ko kanina. Saan mo ito nakuha?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. Sinuksok niya sa bulsa niya ang singsing.

"Ah, dito lang. Kanino iyan?" Tanong ko sa kaniya bago nag hugas ng kamay. Balak kong mag gayat ng mga gulay para huhugasan nalang iyon bago lutuin, kahit papaano ay may naitulong naman ako.

"Napulot ko lamang ito sa daan."

Tumango tango ako. Si Ate talaga, oh. Ang hilig mamulot ng kung ano ano sa daan. Umupo na ako at inumpisahang mag gayat ng mga gulay. Nag eenjoy naman ako kaya't hindi ko namamalayan ang oras. Natauhan lang ako nang magsalita si Ate.

"Baka malate ka niyan? Mag ayos kana sa taas para tayo'y makakain na." Usal niya. Tiningnan ko naman ang relos ko, 11:45 AM. 1 PM pa ang pasok ko pero maaga akong naalis dahil naglalakad pa ako, mayroon naman akong pera pambayad sa sasakyan pero mas gusto kong ipunin nalang iyon para magamit ko sa mga importanteng bagay.

"Oki."

Umakyat na ako sa hagdan nang may mapansin ako sa pintuan ni Ate, pero nilihis ko agad ang tingin ko doon. Nagmamadali ako dahil baka malate ako sa klase, hindi pa naman ako sanay ng ganoon. Naligo ako at nagbihis na ng uniporme. Nang makababa ako ay nakahain na ang mga pagkain sa lamesa pero wala si Ate.

Sinilip ko siya sa may sala at nakitang nakatayo siya sa may pinto at may kausap na lalaki. Sa tingin ko ay ayon ang lalaking nagdedeliver ng mga pagkain sa lansangan, binabayaran siya ni Ate para gawin iyon. Pero minsan lang naman mangyari iyon dahil kadalasan ay si Ate ang nagdedeliver ng mga pagkain.

Matapos mag usap ay bumaling sa akin si Ate. Bakas ang pagod sa itsura niya, pati ang eyebags niya ay kitang kita.

"Nag puyat ka ba, te?" Tanong ko nang makaupo na kami sa hapag. Naglalagay siya ng pagkain sa pinggan niya at tiningnan ako matapos niyang gawin iyon.

"Oo, eh. Hindi kasi ako makatulog kaya nanood nalang ako ng movie. Maganda pa din ako, di ba?" Tanong niya at nag puppy eyes pa.

"Oo na, sige na." Natatawang sagot ko sa kaniya at sinabayan na siya kumain.

Nang matapos ako ay nagpaalam na akong umalis sa kaniya. Pinagbilinan ko siyang magpahinga upang makabawi ng lakas. May mga gabi talagang hindi makatulog si Ate kaya ganoon. Nang makarating ako sa gate ng school ay humarang bigla sa daraanan ko si Rigo.

"Naglakad ka lang?"

"Ay hindi, lumipad ako." Pilosopong sagot ko.

"Sungit."

Jusko. Kitang kita na, magtatanong pa? Ewan ko ba sa lalaking ito. Memasabe lang yata, eh. Bakas ang gulat sa mga mukha ng mga estudyante. Nakakagulat naman talaga pag nakita nilang ang sikat at gwapong basketball captain ay kasabay ng isang magandang anghel. Aba, sabi ni Ate ay maganda at mabait ako, naniniwala ako sa kanya.

"Kita mo ba iyan? Kinikilig sila sa atin." Tawa-tawang bulong niya.

Inirapan ko naman siya. Mukhang ewan talaga itong lalaking ito. Ewan ko ba kung manhid siya o ano, alangan kinikilig iyan dahil nakikita ka nila!

Nakarating na ako sa room kaya't napahiwalay na siya sa akin. Mabuti naman at saktong pagdating ay ang pagpasok din ng Professor namin. Matapos ang klase ay napagpasyahan kong umakyat muna sa rooftop. Hindi pa naman pagabi dahil 5 PM palang kaya may oras pa ako para pagmasdan ang kalangitan mula sa taas.

Humampas sa akin ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin nang makaakyat na ako sa rooftop. Umupo ako sa parteng mapagmamasdan ko ang araw, gusto kong manood ng sunset.

Napatingin ako nang may maupo sa tabi ko, si Rigo. Inabot niya sa akin ang chitchirya at coke in can. Tinanggap ko iyon ay nilagay sa harapan ko. Siguro ay magkaibigan na kami kaya ganito?

"Gustong gusto mo ang nag iisa ka, 'no?" Tanong niya sa akin.

"Oo. Tahimik kasi." Ganoon ako sa twing gusto kong maalis lahat ng negative vibes sa sistema ko.

"Maganda ka naman at matalino, bakit wala kang kaibigan?"

"Kung pangit ba ako at bobo, magtataka ka kung bakit wala akong kaibigan? Syempre hindi, sino ba naman ang makikipagkaibigan sa ganoon, di ba?" Bumuntong hininga muna ako. "Gusto ko iyong kakaibiganin ako hindi sa pisikal na anyo o dahil sa katalinuhan ko kundi dahil gusto nila akong maging parte ng buhay nila." Usal ko.

"So, hindi mo ako tinuturing kaibigan dahil tingin mo ay lumapit ako dahil doon?" Tanong niya sa akin.

Nagkibit balikat ako. Hindi nga ba?

"Gusto mo bang maging kaibigan ako?"

"Paano kung sabihin kong oo, maniniwala ka ba?" Pabalik na tanong niya sa akin.


Load failed, please RETRY

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login