Download App

Chapter 2: One

E V I

Nagising ang dalagita dahil sa ingay ng pagkabasag ng mga gamit.

Mabilis siyang tumayo sa pagkakahiga at agad na kinuha ang kanyang salamin sa tukador.

Dahan dahan siyang bumaba sa hagdan upang pagmasdan ang pangyayari. Nahinuha niyang nag aaway ulit ang kanyang mga magulang.

Nang umabot na siya sa huling baitang ay agad siyang lumiko sa hapag kainan upang kumain.

Sinalubong siya ng matandang mayordoma

"Nagising ka nanaman ba sa ingay nak?" Tanong ng matanda sa kanya

Nakakalungkot lang isipin dahil sa dami ng katulong na mayroon sila ay tanging ang mayordoma lamang ang hindi tinanggal sa trabaho.

Kinakailangan ng aming pamilya na mag bawas ng mga katulong at trabahador sa kadahilanang nalulugi na ang kumpanya na pag mamay ari namin at wala na kaming maipapasahod pa sa kanila.

"Sanay naman na po ako 'Nang" maikli niyang sagot

"Sandali at ipaghahain na kita nang makakain" saad nito at agad na umalis

Tuloy parin ang ingay ng pagkabasag nang mga gamit.

Habang nag hihintay ay naririnig niya ang usapan ng magulang

"Hindi mo kasi inaayos ang pag t-trabaho mo kaya nag kakaganito tayo" sigaw ng kanyang ina

"Huminahon kana mahal huwag kang mag alala at gagawa ako ng paraan para mabili mo na ulit ang gusto mo" Mahinang saad ng kaniyang ama

"No way! Halos lahat ng kaibigan ko nakabili ng bagong labas na hermes bag nakakahiya wala na akong mapalisot sa kanila" nang gagalaiting saad nito

"Pasensya na"

"Puro ka ganyan wala ka namang ginagawang paraan!" Sagot nito at nagbasag ulit ng gamit

Sa naririnig ng dalaga ay mas lalo siyang naiirita hindi na siya magtataka kung malugi ng tuluyan ang kanilang kumpanya dahil sa kanyang ina.

Nabuhay ang kanyang ina sa piling ng kanyang ama na sinusunod ang luho nito kahit na halos wala ng pahinga ang kawawa niyang ama kaka trabaho.

Nalugi ang kumpanya namin nang naiscam ang kanyang ama. Mabilis magtiwala ang ama niya kapag sa matalik na kaibigan niya. Akala niya ay mapag kakatiwalaan ito ngunit binigo siya nito. Itinakbo nito ang perang dapat na ipapatayo ng bagong negosyo nila.

Nabubwiset siya dahil imbis na manghinayang ang ama sa naitakbong pera nila mas nanghinayang pa ito sa pinagsamahan nila ng matalik niyang kaibigan.

Sa dami ng iniisip ng dalaga ay hindi niya namalayan na nailapag na pala ng mayordoma ang pagkain niya.

"Malalim na naman ang iniisip mo anak, hayaan mo na sila at mag kakaayos din yan mamaya" nakangitibg saad nito

"Alam ko po 'Nang sa silid ko nalang po ako kakain" saad niya at agad na binitbit ang pagkain sa kanyang silid

Inilapag niya ito sa maliit na mesa at umupo ng komportable sa malambot niyang sofa.

Inabot niya ang kanyang telepono at nagsimula ng kumain.

Pumunta siya sa isa niyang account na minsan lamang niya buksan.

Habang siya ay tumitingin posts ng kanyang mga kamag-aral ay may nakakuha ng atensiyon niya.

Ang post na ito ay iniupload lamang kanina.

"Tsk, lakas ng loob mong mang inggit samantalang nilamog naman kita noong grade 9"

Picture iyon na nasa spain siya at may caption na "wow, it's so beautiful in here, makapunta din sana kayo dito kahit malabong mangyare iyon".

Siya si Anna ang pinaka hindi ko makakalimutang pangyayari noong nasa hayskul ako

>>Flashback<<

Habang nag lalaro ako ng racing game sa ipod ko ay may nambato ng papel sakin.

Sa unang bato ay hindi ko ito pinansin dahil baka hindi naman ito sinasadya.

Nagpatuloy ako sa pag lalaro, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay nasundan pa ito ng pangatlo.

Sa pangatlong bato ay tinignan ko ang papel na ibinato sa akin, napansin kong palaki ng palaki ang papel na ibinabato sa akin.

Narinig ko ang bungisngis ng mga impokritang nilalang sa likod ko. Napatunayan kong sinasadya pala nila ito.

Padarag akong tumayo sa aking silya at padabog kong inilagay ang ipod ko sa desk.

Tumahimik sila ng nilapitan ko ang pwesto nila

"Problema niyo?" Tamad kong tanong

"Wala naman, pasensya kana nagtatapon lang naman kami ng kalat sa basurahan" nakangisi nitong saad

At dahil nainis ako sa binitawan niyang mga salita

Agad kong hinalbot ang bag nito at kinuha lahat nang kanyang notebook ay pinag pupunit ito sa harapan niya

Pinag masdan lang nito ang pagkalat ng papel sa mukha niya

"Ay pasensya kana din mukhang mapapagod kana kakatapon ng basura mo" pang aasar kong saad

Nakita ko ang reaksiyon ng mga kasamaniya, mukha silang tangang natulala

"Bayaran mo yan, binili ng mom ko yan sa U.S. Ooops I forgot hahaha baka wala na kayong pambayad samin. Ang sabi ng dad ko tinakbo daw ng matalik na kaibigan ng dad mo ang pera niyo at malaking halaga raw yon"

Agad kumulo ang dugo ko sa sinabi ng kupal nato

"Tskk, malas na nga ng papa mo sa kaibigan malas pa siya sayo, pero alam mo kasi like father like daughter ika nga parehas kayong bobo" patuloy niya

Dahil hindi na ako nakapagtimpi agad kong hinablot ang kanyang buhok at inumpog sa sa desk na kinauupuan niya

Ang bruha ay lumaban pa at nakahanap nang tyempo at hinigit din ang aking buhok

Dahil nasaktan ako sinipa ko nang malakas ang kanyang tuhod dahilan ng pagka tumba nito

At dahil swerte ako agad akong pumaibabawa sa kanya at sunod sunod siyang sinampal

"Bwisit ka sinagad mo pasensya kong impakta ka, mayaman ka diba ngayon mo ilabas yaman mo pag napuruhan kita at mao-ospital kana" nang gagalaiti kong sambit at tuloy sa pag sampal

Walang nag lakas loob na pumigil samin dahil baka madamay sila

Tumigil lang ako nang inilayo ako ng mga kaklase kong lalake

Nakarating iyon sa prinsipal at ipinatawag kami sa office.

>>End of flashback<<

Na aalala ko pa na madalas akong maipatawag sa guidance dahil sa sobrang kapilyohan ko, pero palaging ako ang idinidiin nila kahit hindi naman ako ang may kasalanan dahil nga daw suki na ako ng guidance at wala ng maniniwala sakin. Hindi ko naman sila papatulan kung wala silang ginagawa sakin.

Noong nasa baitang 9 pa ako nang magsimula ang isyu na iyon.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin nareresulba ang problemang ito.

Natapos na siyang kumain sakto ng may mahinang kumatok sa kanyang pinto

"Nak, ipinapatawag ka ng iyong ama" saad nito

"Susunod na po ako 'Nang" magalang na sagot niya

Iniligpit niya muna ang kanyang pinagkainan at dumiretso na sa library ng kanyang ama

"Papa' pinatawag niyo raw po ako" magalang na saad ko

"Sit down darling" pagod na boses ang lumabas sa kanya

Awang-awa ako sa kalagayan ng ama ko. Kahit hindi niya sabihin sakin na pagod na siya at hirap na hirap na ay kitang kita ko ito sa mga mata niya at sa kilos nito.

Nang maka upo ako ay nagsimula na itong mag tanong

"Bakasyon ngayon ng aking prinsesa hindi ba? Saan mo gustong pumunta?" Pilit nitong pinasisigla ang boses nito

Pumikit ako ng ilang beses upang pigilan ang patulo ng aking luha.

"W-wala naman po akong gustong puntahan mas gusto ko lang po ang mag pahinga Papa' " mabilis kong tugon

"Nako hahaha huwag kang mag atubiling sabihin sakin anak, nagtabi talaga ako ng pera para sayo napapansin ko kasing nitong mga nakaraang taon ay ni minsan ay hindi ka nanghingi sakin ng kahit ano" nakangiting saad nito

Niinis ako sa kanya bakit siya nag papanggap sa harap ko na parang ok lang ang lahat.

"Ok, lang Papa' itabi mo nalang po ang lahat ng perang itinabi mo sa akin pa at baka sa susunod na araw ay may mas importanteng pag gamitan niyan"

"Pasensya kana anak dahil nararanasan mo ang ganito, nagiisa kana nga lang na anak namin ay hindi ko pa maibigay ang lahat sayo, kahit sabihin ng iba na wala akong aasahan sayo ay hindi ko sila pinapansin dahil hindi nila alam kung gaano ako kaswerte sayo" naluluhang saad nito

"Tsk, bakit ka ba nakikinig sa kanila" iratang sagot ko

"Huwag ka mag alala anak bago tayo mag karoon ng ganitong problema nabayaran kona ang skwelahan na papasukan mo sa kolehiyo" masayang saad nito

At sa pag kakataon nato nasaksihan ko kung gaano kasaya ang mga mata ng aking ama sa pag banggit ng magandang balita.

At kahit papano ay naging masaya rin ako para sa kanya dahil alam ko ang gusto niya lang ay maganda ang magiging kapalaran ko.

"Itabi mo nalang din iyong pera na ipinambayad mo Papa' maaari naman akong pumasok nalang sa mga pampublikong paaralan"

"No, maganda ang skwelahan na iyon anak tiwala ako don dahil nandoon ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko at alam kong aalagaan ka niya roon at sa tingin mo ba may tatanggap na pampublikong paaralan sa grades mo?" Matawa tawa niyang saad

Agad na humaba ang nguso ko sa sinabi nito, dahil totoo naman mukhang imposibleng may tumanggap sa akin

Halos lahat ng grado ko simula baitang 7 hanggang baitang 10 ay pasang awaang mga ito

"At sa totoo lang anak once na nagbayad ka sa school na iyon ay bawal ng mag refund kaya wala ka nang ibang pagpipilian"

"Promise Papa' mag aayos na ako sa pag aaral susuklian ko lahat ng pagod na ginagawa mo para samin ni Mama' " determinadong saad ko

Tinawanan lang ako ng malakas nito

"Isang buwan nalang ay malapit ng mag pasukan anak kung ako sayo mag handa kana ng dadalhin mo dahil malayo layo ang byahe mo" paalala nito

Agad na kumunot ang noo ko sa sinambit nito bakit kailangan sa malayo pa ako mag aaral

"Maaari ka nang bumalik sa silid mo at marami pa akong gagawin"

Tango lang ang isinagot ko at agad na lumabas ng library niya

Nang makapasok ako sa aking silid ay tsaka lang pumasok sa isip niya na nakalimutan pala nitong itanong ang pangalan ng papasukan niyang eskwelahan

"Haystt! Bukas ko nalang itatanong"

Humiga siya sa kanyang malaking higaan ay tumitig lamang sa kisame nang tuluyan na siyang lamunin ng antok.

+++Itutuloy+++

A/N: Simula palang andami ng nang yayare. Gusto ko kasi umikot ang istorya sa loob na nang school, kaya tsaraan hahaha! Asahan sa mga susunod na chapter ang bulgar na mga salita....


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login