Download App

Chapter 45: The Tears

"Hindi ako kilala ng sarili kong anak. Akalain mo 'yon?" Sarkastiko kong sabi habang nakatingin sa direksyon kung saan nakaupo ang anak ko kasama ang ama niya at si Don Gabriel. Sinubukan ko pang matawa sa sarili kong sinabi pero kahit yata ang maliit na 'ha' ay tila lason na sa akin.

Matapos kong halos mag-breakdown kanina sa kusina dahil sa narinig mula sa sarili kong anak at sa biglang pag-alis nilang dalawa without dropping any words ay lumabas ako ng kusina. Sakto namang kararating lang nina Sia at ng pamilya niya kaya agad akong lumapit sa kaniya para ilabas ang lahat ng hinanakit ko sa buhay.

Isang marahan na haplos sa aking likuran ang una kong natanggap galing sa kaniya. Mas lalo akong pagak na natawa dahil sa sobrang pait ng aking nararamdaman.

"Ano ba kasing nangyari kanina? Akala ko ba hindi pa nakakapunta si Aye rito, ay este si Solano pala, pero bakit parang sobrang lapit naman nila masiyado ni Tito Boyet?"

Para akong hinampas ng isang makapal na kahoy dahil sa sinabi ni Sia. Dahil sa sobrang hinanakit ko sa nangyari kanina, hindi ko namalayan ang mga nangyayari ngayon sa paligid ko. Oo, nakatingin nga ako sa direksiyon ng puwesto ng anak ko pero hindi ko agad napansin ang paglapit na ginawa niya sa Tatay ko. Nakipag-usap siya sa Tatay ko na parang isang normal na tao lang ang nasa harapan niya at masiyadong halata na magkakilala na silang dalawa. Paano? Bakit? Anong nangyayari? 'Yong sandamakmak na tanong ko kanina, mas lalong natambakan pa ngayon ng libu-libong truck ng pagkaka-confuse.

"May hindi ba ako nalalaman dito?"

"Ayla, may naghahanap sa 'yo sa labas. Richard daw ang pangalan."

Nawala sa kanila ang atensiyon ko nang may lumapit na isang kamag-anak sa amin ni Sia at sinabi iyon. Sabay din kaming napalingon ni Sia sa bandang gate ng bahay at nakita rin namin doon si Chard karga-karga si Chandy na kumakaway sa akin at malawak din ang ngiti. Kusa akong napangiti rin nang makita sila. Sabay kaming lumapit sa kanila para salubungin ang pagdating ng mag-ama.

"Hi Mommy Ayla! We're here!" Maligayang bati ni Chandy nang tuluyan kaming nakalapit sa kanilang dalawa.

Bumaba siya mula sa pagkaka-karga ng kaniyang ama para paulanan kami ng yakap at halik ni Sia. After that, she settled in me, nagpakarga pa talaga.

"Don't be sad now, Mommy Ayla, beautiful Chandy is here to save your day!"

Pinisil ko ang pisnge niya at mahinang natawa dahil sa sinabi niya.

"Let's go inside na?" Pag-aaya ko sa kanila bago kung ano pang sabihin ni Chandy.

Karga-karga ko si Chandy habang papasok kami sa loob ng bahay para makapagbigay-galang si Chard at Chandy sa kabaong ng aking Nanay.

Maraming tinanong si Chandy tungkol sa Nanay ko habang nakatayo lang kami roon at malugod ko naman itong sinagot. Imbes talaga malungkot sa mga panahong ganito, Chandy's questions will always put a smile to my face. She's so innocent. I like how she's willing to listen to what you will answer to her questions.

"Magandang gabi po, Tito, at condolence na rin po."

Napalingon ako sa likuran nang marinig ang pagbating ginawa ni Chard. Lumapit na pala si Tatay sa puwesto namin. At kahit hindi sabihin, kusang inabot ni Chandy ang kamay ni Tatay para makapag-mano. It's an act of respect na itinuro namin sa kaniya noong nasa NZ pa lang kami. Nakakatuwang tingnan na in-a-apply na niya ngayon ang mga pinagtututuro namin sa kaniya.

"Kaawaan ka ng Diyos, hija," sagot ni Tatay kay Chandy sabay tapik sa ulo nito. "Maraming salamat, hijo. Ikaw ba si Richard? At itong batang ito ba ay si Chandy?"

Nilingon ko si Chandy para bigyan siya ng cue na magpakilala ng kaniyang sarili.

"Hi po, my name is Chandrianna Marzena Plaza, po, I'm five years old." Giliw na giliw naman na nagpakilala si Chandy kay Tatay na mukhang ikinatuwa nito.

"Nakakaaliw ka namang bata ka. O siya, sige, ikinagagalak kong makilala kayo at maraming salamat at napadaan kayo ngayon. Dito ba kayo matutulog mamayang gabi? Kayo ba ang kaibigang tinutukoy ni Ayla na mag-s-stay overnight dito sa bahay?" Tumango si Chard sa naging tanong ni Tatay. "Ganoon ba? Sige, ikaw nang bahala sa kanila Aylana, ha? Aasikasuhin ko muna sina Sonny."

"Sige po, 'Tay."

Umalis din ka agad si Tatay sa harapan namin at bumalik sa kaninang puwesto niya. Nilingon ko si Chard para maigiya ko na sa kaniya ang direksiyon ng kuwarto ko para mailagay na niya ang gamit na dala nila ni Chandy.

Mas nauna akong naglakad sa kanila at nasa likuran ko lang si Sia at Chard, mukhang nag-uusap. Karga-karga ko naman si Chandy kaya bahala sila sa kung ano man 'yang pinag-uusapan nila.

"Mommy, was that your Mom?" Tanong ni Chandy habang naglalakad kami papunta sa kuwarto ko.

"Yes, baby Chand, she's my Nanay. The one I'm always talking about? Have you seen her through video call naman, 'di ba? Do you remember?"

"Yes, Mom, I do remember. Why is she dead? Are you sad, Mom, now that your own Mommy is gone?"

Saktong nakarating kami sa loob ng kuwarto ko nang itanong 'yon ni Chandy kaya inilapag ko muna siya at pina-upo sa pang-isahang couch na nandito sa loob ng kuwarto ko at marahang hinaplos ang kaniyang buhok.

"I am sad, Chandy. A part of me was gone the moment I knew my Nanay died. She's my mother and I do love her that's why I'm sad knowing I can't see her anymore."

Marahang hinaplos ni Chandy ang pisnge ko gamit ang kaniyang maliliit na kamay at inosente akong tiningnan.

"You can get through with it, Mom. You're a strong woman and I know you can do it. Just always remember that I love you. Daddy Chard loves you. We all love you and we are always here for you. I love you, Mommy Ayla," sabi niya na sinabayan niya ng isang mahigpit na yakap.

Automatic na nanggilid ang luha ko dahil sa sinabi ni Chandy at sa ginawa na rin niya. Nakakataba ng puso. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagawa kong maka-survive sa ibang mundo, dahil sa inosenteng pagmamahal ni Chandy sa akin na dapat ay nakukuha ko sa sarili kong anak.

"Thank you for always uplifting my spirit in times like this, Chandy. Mommy Ayla also loves you too, so much!" Panandalian ko siyang hinalikan sa pisnge at ganoon din ang ginawa niya sa akin. "But you know who I love the most, right?"

"It's Aye, Mom."

"And he's here."

"Po?"

"And you know what's sadder than what I'm feeling right now?"

"What is it po?"

"It's the fact that my own son doesn't recognize me. My own son didn't know I'm his mother, Chandy."

Isang yakap galing kay Chandy ang kahit papaano'y nakapagpakalma sa akin. Tahimik kong dinama ang sakit ng katotohanang iyon.

Matapos ang usapan naming iyon ni Chandy ay agad din naman kaming lumabas ng kuwarto para makihalubilo sa ibang tao at para na rin asikasuhin ang ibang bisita at kung may maitutulong ay tutulong ako.

Hindi rin nagtagal ay dumating si Pastor Oliver Encarquez, half-brother ni Tatay na isang pastor ng Pentecostal church ng bayan namin para mangasiwa ng isang prayer meeting para kay Nanay. Pentecostal ang totoong relihiyon namin. Bininyagan akong pentecostal pero nang lumaki na ako, saka ako lumipat sa katoliko, kaya mas madalas akong magsimba sa simbahan ng katoliko kesa sa simbahan ng pentocostal. But is religion really matters? I think not. Your faith must be the center of it all, whatever your religion is.

Tahimik lang akong nakinig sa prayer meeting na iyon. Taimtim na nagdadasal. Taimtim na inaalala ang mga alaalang iniwan ni Nanay sa amin. Taimtim na nagsisisi sa mga panahong nasayang na sana'y inilaan ko sa kanilang dalawa ni Tatay. Taimtim na nananalangin na sana'y, kung saan man siya ngayon, mabigyan niya ako ng lakas ng loob sa nararamdaman ko ngayon. Sana'y matulungan niya akong makilala ko ang anak ko. Sana.

Matapos ang mahigit dalawang oras na prayer meeting, nagkaniya-kaniya na ang lahat. Nakatulog si Chandy during the prayer meeting kaya hinayaan kong patulugin siya ni Chard sa kuwarto. Si Sia naman ay abalang makipag-kuwentuhan sa mga pinsan niyang nandito. Habang ako ay nakatingin kay Tatay na papalapit na sa akin ngayon.

"'Tay, puwede po ba tayong mag-usap?" Pagpipigil ko kay Tatay nang tuluyan siyang makarating sa harapan ko.

Inosente niya akong tiningnan at 'di kalaunan naman ay pumayag na rin sa gusto kong mangyari. Pumunta kami ng kusina kung saan wala masiyadong taong naparoroon kasi 'yong mga tao ay nasa labas lang ng bahay, abala sa mga dapat pagkaabalahan habang nakikiramay at nakiki-vigil.

"Oo, alam ko, marami tayong dapat pag-usapan. Saan ba tayo magsisimula?" Si Tatay na mismo ang unang nagsalita nang makarating kami sa kusina.

Napabuntunghininga ako at naghanap ng mga tamang salitang sasabihin. Ang dami-daming pumapasok sa utak ko ngayon. Ang dami-dami kong iniisip. Kaya nahihirapan akong matukoy kung saan ba dapat akong magsisimula.

"Matagal na po bang may iniindang sakit si Nanay, 'Tay?"

Ang nangyari kay Nanay ang una naming napag-usapan. Tahimik lang ako habang nagku-kuwento siya kung paano at kailan nagsimula ang sakit niya. Tahimik lang ako habang inaalala na ang mga panahong iyon ay wala ako, wala ako sa tabi nila para personal na tulungan sila sa nangyaring iyon sa Nanay ko.

Masiyadong nasanay si Nanay na kailangan bawat oras ay may gagawin siya. Hindi siya sanay na walang ginagawa at nakatambay lang buong araw sa bahay. Simula no'ng makapag-New Zealand ako, regular na akong nagpapadala sa kanila para sa itatayong bahay at para na rin sa pang-araw-araw na gastusin nila, total naman at kahit papaano'y malaki ang naging kita ko roon. Kaya no'ng magsimula 'yon, nanibago si Nanay sa buhay na walang ginagawa. Regular akong nagpapadala noon. Buwan-buwan. Kaya buwan-buwan ay meron silang pera to the point na hindi na nila kailangang maghanap pa ng trabaho para magka-pera sila.

Kaya nang mangyari 'yon, nanibago si Nanay sa ganoong klaseng situwasiyon. Hindi raw siya sanay na walang ginagawa kaya kahit na regular naman akong nagpapadala, pa-sekreto raw na tumatanggap si Nanay ng mga labahin o 'di kaya'y nagpupunta siya sa mga bahay ng mga naging suki niya bilang labandera para labhan ang mga damit nila. It took Tatay a week bago niya nalaman ang ginagawang iyon ni Nanay.

Hinayaan daw ni Tatay sa ganoong gawain si Nanay total pareho naman daw silang naninibago sa buhay na marangya o buhay na payapa kaya pinabayaan niya at mas pinili nilang hindi banggitin sa akin ang tungkol sa situwasiyon nilang iyon. Hanggang sa ang pagta-trabahong iyon ni Nanay ay nagbigay sa kaniya ng iba't-ibang klaseng sakit. Gawa ng sobrang trabaho at paminsan-minsang pagpapalipas ng kain. Umabot pa nga sa punto na kinailangan na nilang dalawang magpa-check up para malaman kung ano itong kakaibang iniinda ni Nanay but Nanay refused to do so, ayaw niya raw magpa-check up sa kadahilanang baka raw makarating sa akin at baka raw mag-alala pa ako.

That refusing of medical assistant lead her to a more serious complication. Isang araw, habang naglalakad daw papunta sa kakilala niyang magpapalaba sa kaniya, bigla siyang inatake ng stroke habang nasa ilalim ng mainit na araw. Mabuti na lang at may nakakita sa kaniya at dinala siya sa ospital pero dead on arrival daw na dumating ito sa ospital.

I cried the whole time Tatay stated me every detail of what had happened. I was holding my mouth and just dead-staring at the kitchen floor.

Ang buong akala ko, masaya, payapa, at kumportable silang naninirahan dito. Ang buong akala ko, pinamamahalaan na lang nila ang pagtatayo ng bahay at ang iilang maliit na lupa na ipinundar ko. 'Yon ang buong akala ko kasi 'yon ang palagi nilang sinasabi sa akin. Wala silang nabanggit na bumalik sila sa dati nilang trabaho at kung anu-ano pang pagpapakahirap na naranasan nila noon. Mahigpit din na bilin ko sa kanila na magpaka-kumportable na lang sila, total kaya ko na naman silang buhayin na. 'Yon ang buong akala ko.

"Kaya pasensiya ka na, anak, kung hindi namin nasunod ang gusto mong mangyari. Maka-ilang beses kong pinigilan ang Nanay mo na tumigil na sa paglalaba lalo no'ng nagrereklamo na siya ng iilang masakit sa kaniyang katawan. Kung alam ko lang na hahantong sa ganito, sana mas pinag-igihan ko pa ang pagpipigil sa kaniya."

Napasinghap ako sa sinabi ni Tatay at napaayos na rin sa pagkakatayo. Pa-simple kong pinahiran ang luhang kanina pang bumabagsak at nakangiting hinarap si Tatay.

"Wala na po tayong magagawa, 'Tay. Nangyari na po ang mga nangyari," sabi ko sabay tapik sa balikat ni Tatay. Ayokong sisihin niya ang sarili niya dahil sa nangyari kay Nanay. It was meant to happen and all we got to do now is to accept everything even if it hurts us unto our soul.

Hindi ko napigilan, niyakap ko si Tatay nang mahigpit. At kahit anong pigil ang gawin ko, kusang tumulo ang luha ko nang maramdaman ang mainit na yakap ni Tatay.

I've been longing for this for too long. I've been longing to be embrace by my parents. My Tatay, my Nanay, Ate Aylen. Ngayong kaming dalawa na lang ni Tatay ang natitira, kailangan kong pakatatagan ang sarili ko at alagaan pa si Tatay. Ngayon ko babawiin ang mga nasayang kong panahon na sana'y ginamit ko para mas maintindihan pa siya, para mas maintindihan pa ang pamilya namin.

Kumalas ako sa yakapan at mariing tiningnan si Tatay nang maalala ang kaninang gusto ko pang itanong sa kaniya.

"'Tay, anong ginagawa ng mga Lizares dito? Anong ginagawa ni Sonny dito? Anong ginagawa ni Aye dito?"

Buntunghininga ang unang sinagot ni Tatay sa akin. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa magkabilang balikat niya at marahan itong hinaplos at pilit na pinapakalma ang sunod-sunod kong pagtatanong.

"Isa-isa lang ang pagtatanong, anak. Lahat naman sasagutin ko."

"Kaya nga po. Sabihin mo na po sa akin ang sagot sa lahat ng tanong ko."

Napabuntunghininga ulit siya at marahang hinaplos ang pisnge ko.

"Malaki ang naging kasalanan namin ng Nanay mo sa 'yo."

Ano?

"Po?"

He let go of his hands that gently caress my check and turn away to avoid my eyes. Parang ayaw niya talagang tingnan ako sa aking mga mata habang sinasabi niya ang lahat sa akin.

"Ilang buwan matapos mong makaalis papuntang New Zealand, umuwi ang mga Lizares. Gabriellito and Felicity approached us. Sila ang unang lumapit sa akin para ipaalam ang kalagayan ng aming apo. Dinala nila si Aye na noo'y mahigit isang taong gulang na. Hindi alam ni Sonny na dinala niya si Aye sa amin ng Nanay mo. Ang sabi pa noon ni Sonny, ayaw daw niyang ilapit sa amin ang anak niya dahil sa sama ng loob niya sa 'yo.

"Lalo na no'ng nalaman niyang nangibang-bansa ka. Mas lalo raw nagalit si Sonny sa 'yo. Gusto man naming i-explain sa kaniya ang side mo, hindi namin magawa dahil alam naming mas maiintindihan niya kapag sa 'yo mismo nanggaling. Hindi rin kami nanghimasok sa kung anong meron sa inyong dalawa. Ang gusto lang namin noon, hanggang ngayon pa rin naman, ay ang kapakanan ni Aye.

"Then one day, nalaman ni Sonny na dinadala ng magulang niya ang anak niya sa amin. Akala namin magagalit siya. Pero hindi, hinayaan niya si Aye na makilala kami. Hanggang sa umabot sa puntong siya na mismo ang nagdadala kay Aye sa amin. Gusto naming sabihin sa 'yo nang mga panahong iyon na kasama namin si Aye. Gustong-gusto namin. Pero sa tuwing tatawag ka, hindi mo man lang tinatanong sa amin ang anak mo. Akala namin, wala kang pakialam. Akala namin, 'yong plano mong mag-ipon ng pera para mabawi mo nang tuluyan si Aye ay siyang talagang pakay mo. Pero ni-isang tanong tungkol sa anak mo ay hindi mo man lang nabanggit sa amin. Kaya akala namin, nag-iba na ang plano mo, na talagang hahayaan mo na si Aye sa puder ng mga Lizares.

"Pero 'yong regular na pagbisita ng apo ko rito sa bahay ay biglang natigil. Biglang hindi na pumunta sina Sonny dito. Nalaman na lang namin na nagkakamabutihan na sa sila no'ng isang babaeng artista. Ang sabi pa sa amin ni Cecil no'n, siya raw 'yong babaeng dahilan kung bakit kayo nag-away at naghiwalay. Totoo ba 'yon, anak?"

I am speechless. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ni Tatay. Ang hirap intindihin. Naguguluhan ang utak ko. Nahihirapan akong mag-isip nang matino.

Napasinghap ako sa conclusion ng sinabi ni Tatay. Pagak akong natawa habang nakatingin sa ibang bagay. Hindi makapaniwala sa kinahitnan ng lahat. Hindi makapaniwala sa akalang 'akala' lang talaga nila.

Humigop ako ng maraming hangin at dahan-dahan ko itong binuga habang pinipigilan ang sariling ngumawa at umiyak sa lahat ng ito. Idinaan ko na lang sa mahinang tawa para kahit papaano'y kumalma ako.

"So… Ang ibig n'yo pong sabihin ay madalas n'yong nakakasama 'yong anak ko, tapos hindi n'yo man lang sinabi sa akin? 'Tay, kaya ko hindi binabanggit si Aye sa inyo dahil ayokong ipasa sa inyo ang lungkot na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang anak ko. Ang gusto ko nga, 'di ba, na mamuhay kayo ng kumportable? 'Tay! Walang araw na hindi ko iniisip ang anak ko. Araw-araw, sa loob ng limang taon, 'Tay, 'yong anak ko lang ang iniisip ko. Sana bago n'yo inisip na baka wala akong pakialam sa kaniya, ay sana sinabi n'yo na pumupunta siya rito sa bahay. Sa puntong iyon natin malalaman kung may pakialam ba ako o wala."

Pinigilan ko ang sarili kong maisigaw ang lahat ng hinanakit sa buhay. 'Yong luhang kanina'y pilit ko lang na pinipigilan, ngayo'y tuluyan nang bumagsak. Nanginginig pa ang kamay kong nakaturo kay Tatay na animo'y idinuduro ko sa kaniya ang lahat.

I don't hate him. What they did is what I hate.

"A-Anak… Aylana, pasensiya ka na. Ayaw din kasing ipabanggit ni Sonny ang tungkol doon. Hindi ko alam kung gaano ba talaga kalaki ang naging away niyo at umabot kayo sa ganoon pero ngayong nandito ka na, ayusin mo ang lahat. Lapitan mo ang anak mo at magpakilala ka sa kaniya."

Dahan-dahan kong ikinuyom ang kamao ko at marahang ipinikit ang mata dahil sa sinabi ni Tatay. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko talaga. Mas lalong nagpatong-patong ang po-problemahin ko sa buhay.

"I just did, 'Tay, at hindi niya ako kilala." Iminulat ko ang mata ko at diretsong sinalubong ang tingin ni Tatay.

Kani-kanina lang nangyari 'yon pero feeling ko araw-araw nangyayari sa akin ang ganoong klaseng senaryo.

"Kuya Boyet, Ayla, excuse me lang, aalis na kasi si Konsehal Saratobias at ang mga Lizares."

Kung hindi lang pumasok si Tiya Judy para agawin ang atensiyon naming dalawa, hindi ko alam kung ano pang mga salita ang mabibitiwan ko.

Tumango ako kay Tatay para magbigay hudyat sa kaniya na asikasuhin muna niya ang kaniyang mga bisita. Nakahinga na rin ako nang maluwag nang tuluyang makaalis si Tatay sa kusina. Si Tiya Judy naman ay nanatili sa kaniyang kinatatayuan kanina pero hindi ko na masiyadong pinansin pa.

Para akong nasa isang masikip na lugar kanina, pigil ang hininga, hindi makahinga.

"Seryoso ba 'yong pinag-uusapan ninyo ni Kuya Boyet, Ayla? Pasensiya na talaga sa istorbo, hinahanap na kasi siya no'ng mga kaibigan niya. At saka, hindi mo ba siya susundan? Hindi ka ba magpapaalam sa anak mo? Alam mo, simula no'ng makarating ka, hindi ko pa nakita na nilapitan mo 'yong bata. Okay lang ba kayo? May problema ba? At saka, anak mo ba 'yong batang babae kanina?"

I froze when I heard the questions of Tiya Judy. Na-froze ako dahil masiyado akong nagulat sa mga tanong niya. Masiyadong straight-forward at hindi ko talaga inaasahan na manggagaling talaga sa kaniya. Kaya gulat akong napatingin sa kaniya.

"Pasensiya ka na, ang dami kong tanong. Kanina pa kasi kita gustong makausap. Na-miss kaya kita. Ang tagal kitang hindi nakita. Ang ganda mo na ngayon. Ibang-iba na sa Ayla na madalas kong kasama sa bukirin dati."

"Teka, Tiya Judy, hindi ko po anak si Chandy. Anak siya ni Chard pero hindi ko siya anak," agad na deny ko tungkol sa naging tanong niya kanina.

"Ay? Ganoon? Bakit Mommy 'yong tawag sa 'yo kung hindi mo naman pala anak?"

Mahina akong natawa dahil sa naging tanong niya. Inosenteng-inosente, halatang curious. Kung hindi lang siya kapatid ni Nanay baka napagkamalan ko na siyang isang chismosang kapitbahay na gustong malaman ang lahat-lahat sa bagong dating galing abroad na kapitbahay.

"Anak-anakan ko lang po siya. Napalapit na kasi 'yong bata sa akin kaya Mommy na 'yong tawag."

"Ah, ganoon ba," patango-tango pa niyang sabi. "Kung tatruhin mo kasi siya kanina parang totoong anak mo talaga. Naawa tuloy ako kay Solano kanina, tingin nang tingin sa 'yo habang nilalaro mo ang batang iyon."

And then I froze again. Napatitig ako kay Tiya Judy dahil sa sinabi niya, sa huling sinabi niya.

"Sige, Ayla, labas muna ako. Sumaglit lang talaga ako rito para tawagin si Kuya Boyet. Mag-usap na lang tayo pagkatapos ng libing ni Ate, ha?"

'Tingin nang tingin sa 'yo habang nilalaro mo ang batang iyon.'

Nag-echo sa akin ang huling sinabi ni Tiya Judy. Nagdala ito ng kirot sa aking puso at hindi ko ma-imagine na nakatingin sa akin si Aye habang inaaruga ko si Chandy. Kilala ba ako ng anak ko? Kung ganoon, sana nilapitan niya ako kanina nang magkaharapan na kami.

Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng pag-iisip kong ito kaya bago pa man ako ipadpad sa kung saan-saan, isinantabi ko muna ang isipin tungkol sa anak ko. I'll deal with him after Nanay's burial. Kailangan kong mag-focus kay Nanay.

The night continued by entertaining some relatives na nakiramay sa pamilya namin. Hindi niyo nga pala alam, malaki ang pamilyang pinagmulan ni Nanay, malaki ang angkan ng mga Abeles kaya isa-isa sila ngayong nagsipuntahan sa bahay namin. Hindi ko alam kung para ba talaga kay Nanay o sa nalaman nilang umuwi ang anak ni Nanay na galing abroad, baka nagbabakasakaling mabigyan ko sila ng pasalubong. Hahay, mentality talaga ng mga pinoy towards OFW. Ewan ko na lang, palalampasin ko na lang. They're not going to harm me naman, e.

Matapos makipagbatian sa iilang kamag-anak, pumasok ako sa loob ng kuwarto ko kung saan mahimbing na natutulog si Chandy. Nakatulog siya kanina during the prayer meeting kaya ipinasok siya ni Chard dito sa kuwarto. Mag-isa lang ako at nakikinig lang sa ingay sa labas ng bahay habang pinapalipas ang gabi, pilit kinakalimutan ang huling sinabi ni Tiya Judy sa akin.

Hindi ko talaga ma-imagine. Makita ko nga lang ang anak ko na nakatingin sa akin, nasasaktan na ako. Paano pa kaya kapag nakita ko mismong nakatingin siya sa akin habang kasama ko si Chandy.

Ayokong isipin niya na mas mahal ko ang ibang bata kesa sa kaniya. Walang makahihigit sa pagmamahal na meron ako sa kaniya. Mahal na mahal ko ang anak ko. Palilipasin ko lang talaga itong burol, saka ako gagawa ng hakbang para tuluyang mapalapit sa kaniya at nang makuha siya nang tuluyan.

Kinabukasan, huling araw ng lamay ni Nanay. Bukas ay ihahatid na namin siya sa kaniyang huling hantungan. Masiyadong mabilis ang mga pangyayari. Kararating ko lang sa Pilipinas pero wala pa akong masiyadong pahinga. May jetlag pa ako at dalawang oras lang yata ang tulog ko kagabi pero heto ako't sinasamahan si Tiya Judy at iilang pinsan ko sa Nanay's side para mamili sa palengke ng city. Nag-volunteer na rin akong sumama total wala rin naman akong ginagawa.

At siyempre, mawawala ba 'yong dalawa? Hindi. Sumama sa amin si Sia at Chard. Si Chandy naman ay nagpaiwan dahil makikipaglaro raw siya sa mga batang nandoon. In-assure naman ni Tatay na babantayan niya 'yong bata kaya 'yon, umalis kami gamit ang kotseng dala ni Chard.

"Ang dami nang nagbago sa city natin, 'no?" Biglang sabi ni Sia habang nakikipagsapalaran kami sa matao at magulong palengke ng city. Naghiwa-hiwalay muna kami nina Tiya Judy at magkikita na lang before lunch sa parking space kung saan naka-park ang kotse ni Chard kaya kaming tatlo ngayon ang magkasama at nakatokang bumili ng mga karne.

"Marami nga'ng nagbago simula no'ng umalis tayo rito," pagsang-ayon ko naman sa sinabi niya.

"I still remember the last time I was here, there are only few stalls around the are it was then located in front of the Shell Station but look at it now, it has a new location and it looks new," sabi naman ni Chard.

"Kailangan talagang mag-english, Chard? Nasa Pilipinas na tayo, woy, practice-practice din 'pag may time nang iyong tagalogness."

"Tagalogness. Timang!"

Napa-iling na lang ako sa sagutang ginagawa ng dalawa at inatupag ang karnehang bibilhan namin ng karne ng baboy at baka para may makain ang lahat mamayang hapunan. Last day na nga ni Nanay ngayon at aasahan talaga na maraming makikiramay at makikibisita.

"Magandang umaga po. Dalawang kilo nga po ng giniling na baboy at saka apat na kilong porkchop cut," sabi ko roon sa nagbabantay ng meat shop.

"Girl, 'wag mong kalimutan 'yong bilin ni Papa at Tito Boyet. At saka, bili ka na rin 'yong thin slice bacon style, mag-samgyup tayo mamaya sa kusina n'yo. 'Di ba may grilling pan naman kayo?"

Anak ng baboy talaga 'tong pinsan kong 'to.

Binatukan na siya ni Chard bago ko pa man gawin 'yon kaya hinayaan ko na lang sila na mag-away na dalawa at mas inatupag ang binibili ko. Sinabi ko na rin 'yong mga karneng bilin ni Tatay kanina.

Habang naghihintay sa binili ko at habang nagbabarahan pa rin 'tong dalawang nasa likuran ko, napansin kong may biglang tumabi sa akin kaya wala sa sarili ko siyang nilingon at nagsabay pa kaming dalawa.

Anak ng baboy?

"Can I snatch you for a while?"

~


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C45
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login