Download App

Chapter 3: Kabanata 1

Kabanata 1: Testing

***

(POV OF Hychan Zyler)

Sinamahan ako ni Tanya para magbody test para pumasa ako sa military kaso hindi siya pwede sa loob so iniwan ko siya sa labas.

Hindi daw siya mapakali sa result kaya naman nandito na ako sa loob. Kinabahan rin ako sa magiging result. May nakita akong lalaki na lumabas na mukhang pasado naman kasi masaya siyang lumabas.

"Shen Blake Varicious" Tinawag ang isang lalaki na mukhang seryoso.

Pumasok siya sa isang kwarto na sa tingin ko ay doon gagawin ang body test.

Naka-ilang minuto ang nakalipas at ako na ang tinawag.

"Hychan Zyler Almeria"

Napalingon sa akin ang mga lalaki dahil ako lamang ang maliit na mag-eenroll sa military.

Bago ako makapasok sa loob ay nabangga ko 'yung lalaking si Shen yata. Tinulungan niya akong kunin ang maliit na papel na naglalaman ng information tungkol sa'kin.

Pagkatapos niyang pulutin ay binigay niya sa akin at nilagpasan ako.

"Hychan Zyler Almeria"

Pumasok ako sa loob at nakita ko ang isang doctor na lalaki na mukhang may pinipirmahan. Umangat siya ng tingin saka tiningnan ako.

"Hychan Zyler Almeria"

Tumango ako sa sinabi niya.

"19 years old?"

Tumango ulit ako. Tumayo naman siya saka sinout ang kanyang gloves.

"Take off of your clothes"

Nagulat ako sa tinuran niya. Bakit ako maghuhubad?

"Eh? Pwede po ba na nakadamit lang ako?" Pakiusap ko.

Sana naman pwede baka malaman nila na babae ako.

"Sige umalis ka na saka lalaki naman"

Anong iisipin ko na palusot kung ganun?

"Hindi kasi ako sanay na nakahubad"

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Mukha kasi akong pabebe at hindi ganito umakto ang mga lalaki.

"Ayaw mo bang pumasa?"

Umiling ako kaya naman nagbuntong hininga siya.

****

Lumabas na ako sa kwartong 'yun saka nakita ko nga si Tanya na naghihintay sa labas.

"Ano na? Pasado ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong.

Tumango naman ako kaya naman kinilig siya. Taena

"Umalis na tayo dito"

Umalis na kami doon dahil pinagtitingnan nila kami. Siguro iniisip nila na magjowa kami. Kung alam lang nila na pareho kaming babae.

Umuwi kami sa bahay para ilagay ang aming mga gamit.

"Bakit ba nais mo akong ipakilala dyan sa kaibigan mo" Sabi ko habang nagbibihis ng damit.

"Basta saka wala namang masama na maging kaibigan mo ang kaibigan ko. Maganda naman 'yun saka sikat"

Aanhin ko naman ang pagiging sikat niya at maganda? Hindi naman ako papatol sa kapwa ko babae.

"Sira"

Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na kami.

"Mag-ingat kayo"

Kumaway lamang kami bilang sagot. Hindi na rin kami sumakay dahil gastos lamang ito. May nagtitinda na mga ale at mga lalaki sa gilid ng kalsada.

Hindi tulad sa lugar namin na masyadong tahimik at walang kabuhay-buhay. Nanibago ako sa mga gawi nila dito.

Pumasok kami sa resto bar dahil dito daw sila magkikita ng kaibigan niya. Maraming mayaman na paunahin ang nasa loob. May mga babae rin na mukhang pinapaligaya ang mga matatandang mayaman.

Napailing na lang ako sa mga inasta ng mga babae.

Sh*t tawag pala ako ng kalikasan.

"Tanya, pupunta muna ako sa cr. Maghintay ka na lang dito"

Hindi ko na siya hinantay sumagot. Pumasok ako sa unang cr na nakita ko.

Mabuti na lang at walang tao dito sa cubicle kaya mabilis lang ako natapos. Pagkatapos ko gawin ang pag-ihi ay pumunta ako sa salamin upang ayusin ang aking sarili.

"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?"

Nakakunot noo ko nilingon ang isang babaeng mukhang mayaman. Nakasout siya ng itim na dress.

"Mukha ba akong patay na patay sayo para sundan ka dito?" Tanong ko.

Nilapitan niya ako saka hinarap sa kanya.

"Kung ganun manyakis ka at balak mo manilip ng mga babae. Lalaki ka naman kaya bakit ka pumasok sa cr ng mga babae?"

Napatampal ako sa aking noo. Nakalimutan ko na lalaki ako sa lugar na ito.

"Hindi ako kagaya ng sinasabi mo"

Aalis sana ako kaso bigla niya akong hinila paharap sa kanya.

"Kung ganun manyakis ka, tatawag ako ng guard at gusto mo akong silipan"

Tinulak ko siya saka tumakbo. Hindi ako papayag na mahuli ng mga guard. Mukha ba talaga akong papatol sa mga babae?

Hindi naman ako manyak para napagkamalan.

"Hingal na hingal ka? Bakit ngayon ka lang"

Parang ratat talaga ang boses ni Tanya.

"Easy saka nakalimutan ko na lalaki ako kaya nakapasok ako sa cr ng mga babae"

Napailing na lang siya at pinanood namin ang nagpeperform sa stage. Tumigil na ang sumasayaw saka napalitan ng isang babae na nakasout ng dress.

Tumaas ang isang kilay ko dahil pamilyar sa akin ang babae.

"Dahil minahal mo ako lahat ay

gagawin para sayo

Huhulihin ko ang buwan pipigilan ng

ulan

Dahil minahal mo ako

Isisigaw ko sa buong mundo

dahil iingatan ka ng pag-ibig mo

Dahil minahal mo ako"

Napatigil ang pagkanta niya dahil biglang may sumigaw sa taas.

"Maganda ka nga pero hindi maganda ang iyong boses"

Sa tingin ko ay lasing ang lalaki dahil may hawak itong bote ng alak. Bumaba ito saka nilapitan ang babae.

"You're so sexy but your voice is so damn irritating" Sabi ng lalaki.

Naiirita naman ang ilang manonood kaso nga lang hindi nila pinapansin ang lalaki.

"Excuse me mister, you are not my type so get out of my sight"

Nagulat ang lahat dahil bigla niyang binuhat ang babae, 'yung buhat na parang sakong bigas.

Tumili naman ang babae at hinahampas ang likod ng lalaki pero hindi man lang ito natinag.

"Mister Yanzhen, please bitawan niyo si miss Kyra"

Hindi man lang natinag ang lalaki dahil dinala niya palabas ang babae. Sumunod naman kami ni Tanya.

Hanggang sa naisipan ko na tulungan siya. Lumabas ako dahil nakalabas na ang lalaki.

Tumigil ako sa harapan nila kaya naman tiningnan ako ng lalaki. Aminin ko na gwapo siya kaso mukhang manyakis kasi nakangisi.

"Bitiwan mo siya" Utos ko sa kanya.

Lumingon ang babae at dinuro ako.

"Ikaw! Ikaw 'yung manyakis sa cr"

Mukha ba talaga akong manyakis? Imbis na pagtuunan siya ng pansin ay nakipagtitigan ako sa lalaki.

"Bitiwan mo siya"

Ngumisi siya, nagulat ako dahil biglang dumating ang mga pulis kasama ang isang lalaki na mukhang mayaman. Wala naman nagawa ang lalaking manyak kundi bitiwan ang babae.

Lumapit ang babae sa lalaking mayaman.

"Silang dalawa ay magkasabwat, nais nila akong kidnapin"

Taena! Kailangan ko pa napagtripan na mangidnap? Tutulungan ko lang naman siya tapos ako pa ang naging masama.

Labo talaga.

"Dalhin niyo silang dalawa"

"Teka, wala akong plano na gawan siya ng masama"

Hindi pinakinggan ng pulis ang sinabi ko.

Sana hindi na lang ako nakialam.

***

Updated.

Chii 💜


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login