Download App

Chapter 2: Chapter 2: Mga Memorya sa Nakaraan

*July 18,1980*

Nagising ako nitong umaga at napatingin sa isang Album. Nakita ko lahat ng kamiyembro ko sa pagiging sundalo dati.

'Nami-miss ko sila.'

Tumingin ako sa bintana at nakita ang nagliliwanag na araw, parang yung mga araw na nasa gitna kami nang pag-eensayo dati na babad lagi sa araw.

Marami akong gustong balikan sa nakaraan.

*June 11,1941*

Hinihintay ko ang mga kasama ko na hindi pa natatapos sa pag-eensayo. Tumingin ako sa labas at nakitang naglalakad na sila papunta dito sa direksyon ko.

"Justin! Natapos ka pala agad?" tugon ni John sa akin. "Mukhang magaling ka pagdating sa mga gantong training." Tinapik niya ang balikat ko at pumunta sila sa kani-kanilang bagahe.

Nagpalit sila ng kanilang susuotin, dahil puro dumi ng putek ang kanilang suot.

Lumabas ako ng kampo para maglakad-lakad, habang naglalakad napatingin ako sa gilid dahil biglang may tumawag sakin.

"Trainee—Anong pangalan mo?" tanong sa akin ng babae na parang middle ager na, mukhang pa itong masungit dahil sa ipinapakita niyang ekspresyon.

"Cardell po!" Sumaludo ako sabay dahil napansin kong Staff Sergeant ang kanyang ranggo.

"Nasa squad mo ba yung natapos kaagad kanina?" tanong ulit nito sa akin na ikinagulat ko.

"A-Ako po 'yon," sagot ko, ngumiti siya at may biinigay na insignia sa akin; may disenyong dalawang kamay na maskulado ito at gawa ito sa pilak.

Umalis na ang babae at nakita ko sa likod niya ang kanyang pangalan.

'Staff Srgt.Rol ba yung nakalagay?'

Nagulat na lamang ako nang dumating ang mga kasama ko, nakita nila ang hawak-hawak kong insignia at namangha ang mga 'to.

"Ikaw pala yung unang natapos. Akala ko yung nasa B Squad," sabi sa akin ni John na may halong ngiti ang mga labi.

Dumiretso kami sa cafeteria kung saan nandoon lahat ng ibang squad para kumain. Nakita ko ang lalaki kanina na nasa B Squad na pangalawang natapos. Mag-isa lang siya sa isang lamesa. Ang luwag ng puwesto sa harap at gilid niya, ngunit walang tumatabi sa kanya.

Lalapitan ko sana siya para batiin kaso may lumapit sa kanyang lalaki.

"Congrats pards pangalawa ka raw!" sabi ng lalaking tumabi sa kanya.

'Pagkaalam ko Gisma ang pangalan niya.'

"Salamat, pero huwag mo ko kausapin— Accountant boy," sagot nito kay Gisma. Umalis si Gisma at malungkot na humanap ng ibang mau-upuan. Mukhang hindi ko na kailangan i-congrats, baka magaya ako sa kanya.

Kumuha ako ng pagkain, monggo ang nakahain sa bawat trainee. Pumunta ako sa puwesto kung nasaan ang mga kasama ko at kumain na rin kasabay sila.

Makalipas ang minuto at natapos na kaming kumain. Naglakad-lakad ako sa labas papunta sa training ground para gumaan ang aking tiyan.

Napangiti ako nang makita ko ulit ang babaeng major na pinagmamasdan ko.

'Isang batalyon pala ang hawak niya? Ang dami. Mabuti nalang at nakakaya niya ang mga yan. Ang pagkaka-alam ko nasa mahigit 300 hanggang 400 na sundalo ang isang batalyon.

Pinanood ko ang kanilang mga ginagawa, pero ang titig ko ay napupunta sa major na babae.

"Trainee Cardell." Narinig kong sambit ng lalakeng boses na nanggaling sa likod ko na ikinatigil ko sa pagmamasid sa Major na babae.

Kaagad akong napasaludo nang malaman kung sino ito. Si Srgt. Macapagal, ngumiti ito sa akin sabay lingon sa direksyon ng babaeng Major na aking pinagmamasdan.

"Balang araw magiging ganyan ka rin." Napalingon ako kay Sergeant sa sinabi niya sa akin habang nakaturo sa batalyon na hawak ng Major na babae. "Hindi lang ikaw kundi lahat kayo na Trainee."

Tumingin muli ako sa isang batalyon na mga sundalo. May ipinapahiwatig ata sa 'kin si Sergeant, na balang araw, makakahawak din ako ng isang batalyon na sundalo o ako yung parte ng isang batalyon.

Sa hitsura ni Sergeant mukhang marami na siyang experience sa pagiging sundalo, at marami na rin siguro siyang naging sundalo na umangat at napunta sa mataas na ranggo.

Nagsaludo si Sergeant sa akin at naglakad na palayo. Mamaya pala magsisimula na ang direct combat namin.

Naglakad na ako pabalik sa kampo upang mag-ayos ng sarili.

"Justin." Lumingon ako sa direksyon ng lalakeng tumawag sa akin.

"John, bakit anong meron?" Itinaas niya ang kamay niya at ngumiti. Itinaas ko din ang kamay ko at sabay kaming nag-apir.

'Para saan 'yon?'

Maya-maya pa at tinawag na ni Sergeant ang lahat. Itinapat ni Sergeant ang bawat squad sa isa't isa

A squad - F squad

B squad - G squad

C squad - H squad

D squad - I squad

E squad - J squad

Ibig sabihin ang makakatapat namin ay ang H squad. Lumingon ako sa direksyon kung nasaan ang H squad. Malalaki ang katawan ng mga lalake sa kanila at dadalawa lamang ang kanilang babae. Mukhang dehado kami.

Nagsimula ang direct combat sa A at F squad at ang ibang squad nama'y nanatiling nakatayo sa gilid, habang pinapaligiran ang dalawang maglalaban.

Representative ng A ay si Peter John Bernales, may hitsura siya ngunit hindi ito magagamit sa gera, kasing laki ko lang siya, mukha siyang lalake na hindi lumalabas ng bahay at hindi kalakihan ang kanyang katawan. Sa F naman ay si Mike Sasi, mukha siyang amerikan, matangkad ito at malaki ang katawan. Sa laki ng katawan ng nasa F, kakayanin ba ng nasa A yan?

"Ang rules natin dito ay mapatumba niyo lang ang inyong katapat sabay next na squad naman," sabi ni Srgt. Macapagal.

Wala pang minuto'y tumumba na kaagad si Bernales na nasa A squad. Sa laki ba naman ng katawan ng katapat niya, sinong hindi agad tutumba d'yan. Sunod ay ang B at G na ang nagkatapat.

Baka yung pangalawang lalake sa strengtening test ang representative nila na lalaban, pagkaalam ko, ang pangalan niya ay Michael dahil narinig kong nabanggit ng mga ka-squad ko ang pangalan niya.

Tumayo ang isang lalaki sa B squad at nagulat ako dahil hindi si Michael ang pambato ng B squad. Representative ng B ay si Iven Diven Ace Gisma at sa G ay si Lance Marz Gonzales, mapayat ito at sakto lang ang pangangatawan.

Nagsimula ang dalawa at nagulat ako dahil napatumba ni Gisma ang nasa G na si Gonzales.

Mukhang pagdating sa combat malakas siya pero kapag sa mga sagutan ay wala siya at mabagal. Sumunod ay ang squad namin na katapat ay ang H.

Hindi ako ang tumayo kundi si Tizon sa grupo namin at ang katapat niya ay si Rhendel Paroccha ng H squad, magkasing-payat lang sila, ang pinag-kaiba lang ay mas matangkad ang nasa H.

"Go Tizon!" sigaw ni John kay Tizon. Nagsimula si Tizon at ang katapat niya, medyo tumagal sila sa combat pero napatumba pa rin ito ni Tizon.

Ngumiti ako dahil maayos ang mga nakasama ko at naging ka-squad ko. Makalipas ang ilang oras at natapos ang direct combat ng bawat squad.

"Mukhang maraming talentado ngayon ang sumali sa pagiging sundalo." Naglakad si Sergeant papunta sa harap naming lahat. "Mag-ensayo kayo, ngayon din! Kailangang malagpasan niyo ako at ipakita niyo sa iba kung paano itaguyod ng mga katulad natin ang pilipinas!"

"Sir, yes Sir!" Nagsaludo ang lahat at bakas sa mukha ng mga trainee ang tuwa sa narinig nila kay Sergeant.

Nag push-up ang lahat nang limang minuto at ang iba nama'y nagmartya habang tumitirik ang araw.

*July 18,1980*

Gusto ko maibalik ang mga araw na nag-eensayo kami sa gitna ng tanghaling tapat.

Napatanong ako sa aking sarili. 'Asan na kaya sila?' 'Masaya ba sila sa kinaro-roonan nila ngayon?'

Yumuko ako sa isang lamesa at kinimkim ang mga alaalang aking natatandaan.


Load failed, please RETRY

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login