Download App

Chapter 3: CHAPTER 2

Bukas na ang start ng klase namin, medyo kinakabahan ako dahil pakiramdam ko'y hindi ito katulad sa Manila. Mukhang mahihirapan ako nitong makisabay kaya kailangan kong mag-adjust.

Ang kailangan kong gawin ngayon ay ayusin ang mga gamit ko para ready na ito bukas.

Habang nag-aayos ako ng gamit ay may narinig akong familiar na boses, hindi ko kilala pero alam kong narinig ko na ito hindi ko lang matandaan kung saan at kailan.

Sumilip ako sa bintana upang makita kung sino ito ngunit nakatalikod siya sa 'kin at medyo malayo.

"Okay lang po kung maliit basta po may pwedeng matuluyan na malapit lang sa school na papasukan ko. Hindi ko po kasi kayang magcommute araw-araw kaya naghanap po akong malapit na aparment," asik niya sa owner rin nitong bahay na inupahan ko.

"Okay sige ija, naiintindihan kita."

Nagpasalamat naman ang babae, hindi ko makita ang kanyang mukha ngunit kilala ko ang boses niya.

Umalis na siya kasama ang owner.

Saan naman kaya ang punta non?

Bumalik na lamang ako sa 'king ginagawa at nanuod ng tv.

Habang nanunuod ako ng tv biglang nagring ang aking cellphone.

Mom's calling....

Sinagot ko ito.

"Where are you?!" Pasigaw niyang tanong sa 'kin. Nailayo ko bigla ang cellphone sa tainga dahil sa lakas ng boses niya.

"Calm down mom, mamaya niyan tumaas na naman ang BP mo dahil sa kasisigaw mo."

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Hendrix! I said, where are you?!" Madiin niyang tanong, mukhang gigil na gigil na talaga sa 'kin.

Mukhang hindi ko madadaan sa biro ngayon si mom. Nalaman niya atang wala ako sa condo na tinutuluyan ko or nagsumbong ang lokong Ryan kay mom.

"Nasa Bicol ako mom," mahinahon kong sagot.

"And what are you doing there?!"

"Please mom calm down! Pwede mo naman akong kausapin ng mahinahon 'di ba." Sagot ko sakanya dahil magrereklamo na naman siya na prinessure ko siya. Eh totoo naman hehe.

"Paanong hindi ako magagalit?! Hindi ka lang naman nagpaalam sa 'min ng dad mo na andyan ka pala!"

"Magpapaalam ako e, kokontra ka naman at tsaka ipapaalam ko naman talaga sainyo pero kapag andito na ako dahil alam kong hindi ka papayag."

"Ba't ba kasi andyan ka?! Bukas na ang pasukan, wala ka na bang balak mag-aral?!"

"Dito ako mag-cocollege mom."

Biglang tumahimik sa kabilang linya.

"Are you out of your mind Hendrix?! D'yan ka mag-aaral e, andito ang mga school na gusto mo!"

"Parehas lang naman din na University ang papasukan ko dito, iba nga lang dito dahil hindi ganun kasikat, so don't worry I'll be fine here."

"Pinapasakit mo ulo ko Hendrix! Ipapasundo kita d'yan at dito mo ite-take ang course na kukunin mo!"

"Mom! Ayoko! Nakapag-enroll na ako dito at ayaw ko d'yan. Lumayo nga ako senyo para hindi n'yo ako kontrolin."

"Gosh Hendrix! Normal lang na kontrolin kita because you're my son and I'm your mother!"

"No! Hindi ako uuwi d'yan! Hindi n'yo ako mapipigilan sa gusto ko! Kung gusto n'yo kayo ang mag-aral d'yan dahil ikaw naman ang may gusto basta ako, I'm staying here!" Hindi ko na hinintay na magsalita si mom at agad itong pinatay.

Yun na nga ang sinasabi ko e, kaya ayaw na ayaw ko pinapaalam sakanya mga decision ko dahil lagi siyang kontra! Lakas niya pang sabihan ako na he's my mom pero never ko namang naramdaman.

Kinalma ko nalang ang sarili ko, binabadtrip na naman ako ni mom. Kahit kailan talaga pasira ka ng mood mom. Tsk.

Nilibang ko nalang ang sarili ko, naglaro na lamang ako ng online games para hindi na rin ako ma-bad mood .

.

.

.

.

Bigla akong nakaramdam ng gutom at hindi namalayan ang oras, mukhang nalibang ako sa paglalaro. Okay na rin ang mood ko, medyo bumalik na.

Napagdesisyonan ko na sa labas na lamang ako kakain dahil hindi ako marunong magluto, palpak minsan kaya mas pinipili ko nalang na kumain sa labas kaysa magsayang ako ng pagkain dito.

I'm wearing a black jacket with hood and a pair of gray pants, pormahan nang k-idols. Hehe.

Pumunta ako sa malapit na kainan dito which is korean restaurant. Kilala sa pangalang OPPA Kitchen.

Pumasok na ako, hindi ganun kadami ang tao. Umorder na ako ng madalas kong kainin sa mga gantong restaurant.

Hindi naman ganun katagal ay dumating na ang agad ang order ko at nagsimula ng kumain.

Madami-dami rin ang kinain kong samgyeopsal, namiss kong kumain nito lalo na kapag kasama ko ang dalawang gunggong kong kaibigan na sina Ryan.

Pagkatapos kong kumain, bumalik na rin ako sa bahay. Nilakad ko lang ito dahil malapit lang ito sa bahay.

Nang malapit na ako sa bahay, bigla akong napatigil dahil nakita ko ulit yung babaeng kausap nung owner ng bahay kanina, hindi ko ito masyadong maaninag ang mukha niya dahil madilim na rin.

Ipinapasok nito isa-isa ang mga gamit niya sa loob na maliit na apartment, iba siya sa style ng apartment na tinutuluyan ko.

Nakita ko rin na may kasama siyang bata.

Anak niya kaya yung batang yun? May asawa na ba 'to? Pero ang bata n'ya naman para magkaro'n ng anak.

'Di ako nagmamalay na nasa labas pa din ako ng bahay habang pinagmamasdan 'yong babae.

Mukhang kilala ko talaga siya, saan ba kasi kita nakita?!

Pumasok nalang ako sa loob ng bahay at katulad no'ng una, nahiga na ako at pinagmasdan ulit ang litrato namin ni Leslie.

"Kamusta kana ba Les? Naaalala mo pa kaya ako?" Sabay ngiti. Nababaliw na ako dito, ang hirap ng mag-isa.

-

Today is the day. Kinakabahan ako dahil hindi ako ganon kasanay sa province, hindi ko alam kung katulad lang ba ito sa Manila or hindi. Minsan naiisip ko ang pagkakaiba ng mga students dito tas doon. Hindi ko alam, nagmumukha na akong baliw, minsan iniisip ko kung tama ba itong desisyon ko o hindi. Kailangan ko na bang bumalik sa Manila dahil hindi ako below dito? Nakakabaliw.

Papunta na ako ng school, pumara ako ng masasakyan dahil ayaw kong maglakad kahit malapit lang ito, sumakay na ako.

Wala pang 10 minutes nasa school na ako, marami-rami na rin ang mga students.

Nakacivilian lang ako dahil wala pa akong uniform. Ang iba naman nakauniform na, siguro ito na yung mga seniors na dito at meron ring mga nakacivilian katulad ko, siguro ito naman 'yong mga bagong pasok rin.

Dahil maaga pa naghanap na muna ako ng matatambayan, hindi ko alam kung saan ako napadpad basta nalang akong napunta sa parang tambayan ng mga studyante.

Naupo ako at pinagmasdan ang paligid. Ibang iba nga talaga ito sa Manila, hindi ganun kaganda ngunit maraming puno at sobrang fresh ng hangin, ang sarap ditong matulog kaso marami nga lang studyante kaya maingay.

"H-hi." Bati sa 'kin ng isang babae. Ang ganda ng kanyang ngiti, maputi, matangos ang ilong mahaba ang buhok, pinkish ang cheeks, maganda ang labi napakaganda ng hugis, hindi gaanong makapal ang kilay at medyo singit ang mata, in short she's look like a korean. Para siyang idol sa korea.

"Hello." Bati ko, ngumiti ako sakanya.

"Baguhan ka rin ba dito?" Tanong niya sa 'kin.

"Yes, actually sa Manila ako nakatira. Lumipat lang ako para dito magcollege." Sagot ko sakanya, tumango-tango naman siya.

Kitang-kita sa mukha niya na interesado siya sa 'kin dahil nagtanong agad siya sa 'kin. Grabe, parang hindi man lang siya nakaramdam ng hiya, tuloy tuloy pa rin siya sa pananalita.

"Ba't hindi ka do'n nagcollege? Eh, andun ang mga magagandang schools, pangarap ko ngang makapasok isa sa mga university sa Manila tapos ikaw dito mo napiling magcollege." Sambit niya sa 'kin, natawa ako dahil ang cute niya.

Nag-usap lang kami ng nag-usap, aakalain mong close kami dahil sa paraan ng pag-uusap naming dalawa. Napakarami niyang sinasabi, napakadaldal niya. Nakakatuwa siyang kausap.

Dahil sa sobrang nalibang kami sa pagkekwentuhan naming dalawa, nakalimutan kong tanungin ang pangalan niya.

"What's your name?" Tanong ko sakanya.

"I'm Serina Louise Aquino." Pakilala niya sa 'kin, ang dyosa ng pangalan niya.

"Liam Hendrix Concepcion." Pakilala ko naman sakanya.

"Wah? Ang gwapo ng pangalan mo! Bagay na bagay sayo!" Sambit niya sa 'kin. Aba, nakakaloka ang babaeng 'to. Pero sobrang saya niyang kasama, promise.

Nang marinig namin ang ring ng bell sabay naming hinanap ang room namin at sakto ay magkatabi lang kami ng room.

"So, pasok na ako. Nice meeting you, Serina." Paalam ko sakanya.

"Nice meeting you, too."

Pumasok na ako sa room, hindi ko alam pero biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Feeling ko nasa dating school ko pa rin ako, feeling ko biglang papasok sila Ryan at Sedrix para asarin ako.

Naupo lang ako sa likod at hinayaang mag-ingay ang mga classmates ko hanggang sa dumating ang professor namin.

Nagstart na ito at dahil first day of school ay nag-explain siya about sa subject na hinahandle niya at ang mga rules niya.

Hindi rin siya nagtagal at umalis rin agad.

Patayo na ako para magproceed sa second subject namin nang biglang may lumapit sa 'kin ang isang lalaki na nakangiti hindi ko alam kung bakit at kung anong dahilan. Hinayaan ko lang siya at lumabas na pero nakasunod pa rin siya sa 'kin.

Ano ba siya langaw? Tapos ako ang tae? Hay.

Hinayaan ko lang siyang sundan ako hanggang sa makarating ako sa room for our second subject, kasama ko pa rin siya.

Naupo siya sa tabi ko habang hinihintay namin ang professor.

"Hi, I'm Christopher Wilson." Pakilala niya sa 'kin.

Kaya naman pala sunod ng sunod dahil magpapakilala lang, dapat pala nung una sinabi niya na para hindi siya nagmukhang tanga, kakilala lang rin hanap ko nahihiya lang akong mag-approach nang kahit sino.

"Hi, nice meeting you. I'm Liam." Pakilala ko naman sakanya, pasimple lang ang ngiti ko sakanya. Awkward tol.

"Sorry kung para akong baliw kanina, nahihiya kasi akong magpakilala sayo sa room. Actually, nung makita kita sa gate feeling ko bago ka palang dito kasi iba ang aura mo." Sambit niya sa 'kin habang pinagmamasdan ang mga classmates namin.

"Inapproach kita kasi feel kong magkakasundo tayo, I'm from Manila, like you." Dagdag niya sa sinasabi niya. Nagulat ako dahil alam niyang taga Manila ako.

"How did you know?" Tanong ko sakanya.

"Diba sabi ko naman na iba ang aura mo kesa sa mga students dito kaya alam kong hindi ka galing dito." Paliwanag niya sa 'kin.

"Manghuhula ka ata ah?" Pabiro kong tanong sakanya.

Natawa siya, "hindi, naramdaman ko lang na baguhan ka kasi awkward ka sa ibang students dito, katulad mo rin ako noon." Sambit niyang muli sa 'kin sabay ngiti.

"Noon?" Nagtataka 'kong taong sakanya.

"Dati na akong students dito, 1st year college ako nagstart pero dahil nadala ng barkada, nagstop ako kaya ito, nagbabalik." Sagot niya sa 'kin, tanging pagtango lamang ang naisagot ko sakanya.

Nagkwentuhan lamang kami hanggang sa dumating ang prof namin.

Explain.

Explain.

Explain.

Dismiss.

Sabay kaming lumabas ng room ni Wilson. Pumunta kaming canteen para tumingin nang makakain.

"Wala na bang ibang canteen dito? May store ba sa labas?" Tanong ko kay Wilson, inaya niya akong lumabas upang do'n bumili.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login