Download App

Chapter 4: Runaway 3: Chase Me If You Can

Nakatitig lang ako kay Cindy habang natutulog siya nang tumunog ang cellphone ko.

Lolo Marcel calling . . .

"I will be back, my love. Sleep tight." Hinalikan ko siya sa pisngi at lumabas na.

"Yes, lo?"

"Just continue the plan, Apo. Everything will be done smoothly. I'll handle the others. Just focus on Cindy. Understood?" Napabuntong-hininga ako.

"Yes po lo. I will." Toot toot toot.

Pumunta muna ako sa may exit area ng floor nato. Sumandal sa wall, nagsindi ng sigarilyo at humithit. Don't get me wrong, I just smoke to relieve my stress.

Cindy . . . I have no idea on what's happening to her right now. Parang hindi siya ang Cindy na mahinhin, palaging nakangiti, at mahinahon ang boses. Di ko mabasa kung ano ang mga iniisip niya ngayon, she's too mysterious right now. Iba ang inaakto niya since sa church palang. Yung way niya palang ng pagkain ay parang kambing lang kung ngumuya, but still she looks cute. Baka may nalaman na siya? Or may nagsabi na sa kanya. No. When it comes to lolo Marcel, napakamaingat niya, lahat ay planado. Pero bakit? I can really feel that she is in love with me, and siya mismo ang nag organize ng kasal namin.

Napaigtad ako nang tumunog ang phone.

Tita Dania calling . . .

"Yes tita?"

"Where are you Christian? Are you with Cindy?"

"No tita. Lumabas lang po ako sandali. Cindy is sleeping right now."

"What? Pero wala si Cindy dito." Napakunot-noo ako.

"Wait tita, babalik napo ako sa room." End call. Lakad-takbo ako, malayo-layo rin ang exit mula sa room ni Cindy.

Pagkabukas ko agad ng pinto ay bumungad sakin ang alalang mukha ni tita Dania. Wala si Cindy sa kwarto, I checked the bathroom pero wala rin.

Damn . . !

"Nasan si Cindy, Christian?"

"Baka po bumaba lang siya saglit tita. Don't worry, I'll find her." Napansin ko yung bag na may lamang mga damit ni Cindy, nakabukas ito. Wala na sa ayos ang laman.

"Baka kung mapano siya, wala pa naman siya sa eksaktong kalagayan ngayon."

"Tita, just calm down, okay? I will find Cindy, sinisigurado ko sa inyo na walang masamang mangyayari sa kanya." Medyo mangiyak-ngiyak na siya.

"Okay Christian. I will call others to be alert -"

"No tita, ako napong bahala. Wag niyo po munang ipaalam sa iba. I'll call you po." Lumabas nako and start searching the whole floor. Pababa, dumeritso ako sa cctv department.

"Check the room 503." Agad namang tumalima ang staff. Kilala na nila ako kaya no need for other explanations.

"Yes sir Javier." Nagplay na ang nakarecord na video. Lumabas nga si Cindy na nakaformal dress na. Lumingon-lingon pa sa paligid at parang nag-iisip kung saan siya pupunta. Sumakay siya ng elevator, dali-dali siyang lumapit sa receptionist at may tinatanong. Maya-maya ay umupo muna siya sa bench at nakatulala saglit, tumayo na at lumabas. Lumabas narin ako sa cctv deparment

Calling Lolo Marcel . . .

"I think Cindy knew something. Tumakas po siya Lo."

* * * * * * *

Yahooooooo! Freedom! Yes! Napagiling ako, ang saya saya naman. Hays, buti nalang walang nakakilala sakin nung lumabas ako. How I really hate the smell of hospital, accckkk! Lakad-takbo ako palabas na medyo nakayoko para iwas problema sa mga makakilala. Nakakapanibago lang kasi hindi ko maramdaman na napapagod ng sobra yung katawan ko. I feel so energized dahil narin siguro sa nagmature yung katawan ko. Pero, bat ganon? Sakto naman ang date ngayon ah. Kagabi lang din kami nagwalwal nung friends ko, sobra siguro akong nalasing nun kaya di ko na masyado matandaan kung ano ang mga nangyari. Hayst.

Nakabihis nako ng dress na nakita ko don sa bag, dinala ko na rin yung phone at wallet na nakapangalan kay Cindy Gaviola. Isusuli ko naman pagnakahanap nako ng tulong samin.

Tumitingin ako sa paligid, nandito ako ngayon sa luneta park nila. Kung pano ako napunta dito? Duh, edi google map. Mwehehehe. Bumili ako ng kwek-kwek at habang kumakain ako ay nag-explore ako sa nakuha kung phone na may wallpaper sa mature na ako. Go to gallery. Shocks, ang daming picture kasama nung Christian. Ang cute nilang dalawa. Pero nafefeel ko na napakamisteryoso ni Christian. Tsk.

Ngayon ko lang naalala, kelangan ko palang tumawag sa kanila ni Yunice at Lanie. Teka, ano pa nga ba yung number nila? Di ko maalala, agggrrrrh! Kainis! Kay tatay nalang. Di ko rin maalala. Ano ba yan. Huhuhu. T_T

Ano nang gagawin ko ngayon? Hindi ko maalala. Yung number nila, yung address namin sa Cebu, yung buo nilang pangalan, pati narin yung last name ko?! Pano na to?! Dahil sa na stress na naman ako ay nakaubos ako ng panglimang bowl na kwek-kwek.

"Hinay-hinay lang Ineng eh baka mabilaukan ka. Oh ito buko. Isang daan na yan lahat Ineng." Si Manong na nagbebenta ng kwek-kwek.

"Thank you po Manong. Ito napo bayad. Thanks po." Nabusog ako grabe. Nakulangan ata ako sa kinain ko kanina sa ospital. San na nga pala ako pupunta ngayon? Alas kuwatro na at malapit na maggabi. Okay, si google map ang bahala dyan. Maghahanap muna ako ng matutulogan. Habang busy ako sa phone ay naglalakad nako pa exit nitong park. Walang tingin-tingin sa daan nang may mabangga ako.

"Ay nako sorry po." Hindi ako tumingin. Nagbow nalang ako at tinuloy ang paglalakad.

"Ang akala mo ba ay matatakasan mo ko Cindy?"

Asan ba ang magandang hotel dito? Nagsesearch parin ako sa google nang may humablot sakin at hinarap ako sa kung sino mang bwesit yun.

"Ano ba?!" Napamulagat nalang ako sa nakita kung inis na inis na mukha nung Christian. Lagot. "Ay hehe, ikaw pala. Hi!" I need an escape plan again.

"Yeah. It's me. Ginagago mo ba ako Cindy?" Humihigpit na yung hawak niya sa braso.

"Hindi ah. Hindi nga kita kilala eh." Sa sinabi kung yun ay mas naging matigas ang kanyang mukha, parang mangangagat na.

"Stop fooling around! And stop acting now!"

"Look, I really don't know you. Yeah, I know your name and that's all. And I am not acting! Ano ako? Artista? At pwede ba, bitiwan mo muna yung braso ko. Ang sakit na ah. Tsk." Binitiwan naman niya. FYI lang ha, sobrang lapit ng mukha niya sakin, para na kaming maghahalikan in public. Medyo nakakaagaw na nga kami ng atensyon eh. Nandito pa naman kami malapit na sa gate na kung saan ay madaming taong labas-pasok. Lumayo ako sa kanya ng konti. Nagforward naman siya.

"Now what? Are you trying to escape again huh?" Ay taray, natumpak niya.

"Hindi ah. Wag ka ngang masyadong malapit kasi para tayong lovers na may quarrel." Umatras ako ulit ng ilang hakbang, pasimpleng lumingon sa gate.

"So? You are my fiance, and what's the problem with that?"

"So? Eh hindi nga kita maalala. Tsk. Pwede bang bigyan mo muna ako ng oras para makapag isip? Please lang. Sumasakit na naman yung ulo ko." Nahawak ako sa sentido ko at kunwaring sumasakit. "Ibili mo nalang ako ng buko."

"No. You are planning to escape." Hindi parin matinig. Napa roll-eyes ako.

"Hindi nga ako tatakas. San naman ako pupunta aber? Bahala ka nga dyan." Lumakad na ako papuntang gate nang hilahin niya ko pabalik. Escape pala ah. "HOLDAPER! TULONG! HOLDAPER PO TONG LALAKING TO. HELP!" May mga ilang taong lumapit na samin. Nagulat yung Christian at before pa siya makareact ay nabawi ko na yung kamay ko sabay takbo palabas ng gate. Hahahahaha. Sorry nalang siya. Lumingon ako at ayun, pinalibotan siya ng mga tao. Hala, baka bogbugin siya ng mga tao. Hindi pa naman ako nakalayo. "JOKE LANG PO YUN. HINOLD UP NIYA KASI ANG PUSO KO." Parang nainis at napatawa nalang yung mga tao. Hindi pa makalusot si Christian kasi may nakaharang pa na mga babaeng studyante. "Babay!" Kumaway pa talaga ako kay Christian bago tumakbo nang walang lingon-lingon.

Mwahahahaha!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login