Download App

Chapter 2: Prologue

"Ito na po ang pinahanap niyong relo sa akin" sabi ng maid namin at kinuha ko ang relo mula sa kamay niya

"Grace saan ulit ang punta natin?" tanong ko sa sekretarya ko

"Sa press conference po na inayos ng Domingo Laboratory"

"Okay. Yung BMW ang gagamitin ko ngayon, itabi niyo na ang Trailblazer" utos ko kaya naman may tinawagan siya sa sa cellphone niya, iyong driver yata.

"Asan yung sign pen ko?" tanong ko habang kinakapa ang bulsa ng blazer ko at ng pantalon ko

"Ba ka po nasa kwarto niyo sir" sabi ni Grace "Gusto niyo po bang tingnan ko?"

"Ah no, wag na" sabi ko dahil ang ayaw ko sa lahat ay may ibang pumapasok sa kwarto ko maliban sa taga linis at magulang ko.

"Ito po sir may ball pen ako dito" inaabot niya pa sa akin ang ball pen na mukhang gawa sa plastic ang katawan

"Wag na, ako nalang ang aakyat sa kwarto" sabi ko

Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko'ng malinis na, mukhang inayos na agad nila ang mga damit na pinag pilian ko kanina.

Dumiretso ako sa study table ko at andito nga ang sign pen ko.

The royal blue pen with gold linings, 0.5 tip and personalized with my name in cursive at the middle.

Yung sign pen andito pa, yung nag bigay wala na.

"Sir tumatawag na po si sir Clint!" sigaw ni Grace mula sa baba.

Inilagay ko na ang sign pen sa bulsa ng blazer ko at bumaba na. Inabot sa akin ni Grace ang cellphone niya.

"Yes?" sagot ko sa cellphone

[Asan ka na?] boses ni Clint mula sa kabilang linya

"Nasa bahay pa bakit?"

[Ang tagal mo naman. Limang minuto ka nang late.]

"On the way na ko" sabi ko kahit wala pa ko sa sasakyan "May hinanap lang ako kanina kaya natagalan"

[Basta bilisan mo nalang] sabi ni Clint at pinatay ang tawag

"Let's go" sabi ko at ibinigay ang cellphone kay Grace

Sumakay na ako sa backseat ng BMW at si Grace ay nag maneho ng Audi niya.

"Wake me when we arrive at the venue" utos ko sa driver

"Opo sir"

Naidlip lang ako habang naka upo sa kotse.

"Sir andito na po tayo" sabi ng driver at nang sumilip ako sa bintana ay nakita ko ang isang red carpet at mga nag lalakihang camera sa gilid nito

Kuya andito lang, walang tayo

Pag bukas ko ng pinto nung kotse ay nalarma ang mga tao at naging tutok sa screen ng mga camera nila.

Ako naman ay nakangiti lang sa bawat flash ng ilaw mula sa mga gamit nila.

Dumiretso ako sa podium na hinanda nila sa gitna. Nang pagtayo ko doon ay tumahimik silang lahat.

Stunned by my looks?

"A fine morning to all of you. I'm formally opening myself to your question, no need to introduce myself. I assume that you already know me"

Sino naman ang may hindi kilala sa mag iisang Clyde Acantilado.

Natatanging tao pero hindi nag iisa ang mukha.

Ang iba ay nag bulungan imbis na mag taas ng kamay. Meron namang ilan na nag taas ng kamay.

Naging maganda ang takbo ng tanungan namin dito. Madalas mag tanong ang mga reporter mula sa malalaking broadcasting station. Ang madalas na mga tanong ay tungkol sa mga bagong proyekto ng laboratory.

Nakuha ng isang babaeng reporter ang atensyon ko. Mukhang baguhan, naka bun ng maayos ang buhok niya, white long sleeves with a ribbon underneath the collar and black fitted skirt an inch above the knee. Naka pin din ang i.d. niya sa right side ng damit niya.

Mula dito sa podium ay kitang kita ko ang logo ng broadcasting station nila.

VBS.

Why does almost everything reminds me of her.

Tumagal ng halos dalawang oras ang tanungan na ito. Tumingin ako sa wristwatch ko, it looks like it's time to finish this and give credits and other announcements.

"...as for the partnership with Green Leaf Pharmacy, I can that it's going pretty well. We are meeting every week for improvements of our project for the mentioned problem" I pertained to the problem a reporter asked "Should we move on to the last question?"

Sabi ko at halos wala nang nag tataas dahil madami na silang tanong na nasagot ko na at kung minsan ay nag dadagdag ako ng inpormasyon sa maari nilang itanong sa susunod.

Dumaan ang ilang segundo at nag taas ang babaeng nakakuha ng atensyon noong simula palang.

"Yes?" tanong ko dito at itinuro ko ito

Tumayo naman siya at hinila pababa ng bahagya ang kanyang palda.

"Sir all of us can see that you are really passionate with your job and you are really focused. You also gained a lot of attention from all around the world because of that.." sabi nito. I raise a brow and nod as a sign for her to continue.

What are you trying to say?

"Besides your job and family, is there something else you care for?" of course my car and wrist watch

"A girl that is special for you, to be exact" she added

Are you kidding me?!

"Or have you ever fallen in love?"


Load failed, please RETRY

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login