Download App

Chapter 2: 01

"Ate, galingan mo, ah?" pang-momotivate sakin ni Alistair. Nakaharap ako ngayon sa salamin, sa salamin na totoo, hindi kay Keana, hindi kasi sya narito kaya ayon, salamin na. Maayos naman ang itsura ko, pwede na 'to.

"Ang ganda naman ng anak ko, oh!" sabi ni Mama. Ngumiti ito sa akin saka hinalikan ang pisngi ko. "Ingat, ha? Ayusin mo para matanggap ka. I mean, pagbutihin!" pahabol nito saka sya nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa mapunta sya sa paradahan ng jeep.

This is it. Time for work. Sana merong tumanggap ngayon.

-

It's now five minutes past four in the afternoon, yet I'm still out. Nasa jeep, papunta sa last company na gusto ko. Sana lang ay matanggap na ako. Siguro nagugutom din ako 'no? Buti nalang talaga ang dami kong kinain kanina.

Bumaba ako sa jeep saka lumapit sa mataas na building.

"LPC"

Masyado itong mataas kumpara sa mga building na nakatabi nito. Nagtuloy-tuloy ako hanggang sa harangin ako ng guard sa may application area.

"Mam, tapos na po ang oras ng pag-aapply." tumingin ito sa kabuuan ko. "Halata naman pong mag-aapply kayo, tapos na po yung alotted time. Sorry po, Mam, balik na lang po kayo bukas."

Great. Hindi pa nga ako nagsasalita. Pilit akong ngumiti sakanya saka tumalikod. Palabas na sana ako nang makarinig ako ng baritonong boses mula sa likod.

"Good afternoon, Miss." anito. Humarap ako sa pinanggalingan ng boses at tumambad saakin ang lalaking matangkad, katamtamang puti ng balat, asul ang mga mata, matangos ang ilong, at mapupulang labi na bumubuo ng mainipis na linya. This man's wearing a white polo longsleeve with a dark-gray blazer and black jeans. His shoes are polished and shines like the brightest star. "What are you looking at?" bored na tanong nito. Napatitig ako sa kabuuan nya at saglit na natigilan nang mapagtantong medyo pamilyar ang mukha nya. Mukhang nakita ko na kung saan.

"Wala po. Sige po, Sir. Bukas nalang daw po ako mag-aapply dito." palabas na ako nang hilahin ako nito. As in hila. Feeling ko mababali ang braso ko.

Inaasahan ko na sasaluhin ako nito o aaalalayan, pero patuloy ang pagbagsak ng katawan ko hanggang sa tumama ito sa sahig. Hawak ako ng lalaki, at dahil hindi naman sya masyadong malaki at dahil mataba taba ako nang kaunti, nadala rin sya.

Buti nga sayo.

Inis na inis ako sa ginawa nya hanggang sa marealize ko ang posisyon naming dalawa. Nasa ibabaw ko sya. Ngayon mismo. At kaharap ko ang mukha nya.

Agad akong nakarinig ng mga bulungan kaya agad kong itinulak ang lalaki saka tumayo.

"Ang bilis mo kasi maglakad, Miss. Nahila ka tuloy nang sobra." at ngumisi pa ang lalaking ito! The heck?

"Ikaw ang humila sa 'kin." sagot ko sa kanya. Agad na napasinghap ang mga nasa paligid saka nagpatuloy sa bulungan nila. Ang iba ay mukhang nag-aalala saakin. Habang ang iba ay mukhang natatakot sa mangyayari.

"Ako ang humila sayo kaya ka natumba?" pinagtaasan pa ako nito ng kilay. "Miss, you're just stupid enough to let me pull you like that, besides, my grip was just strong enough, but my strength wasn't enough for someone as fat as you." Ouch, what did I do to be hurt like this kaya? Nagtawanan ang iba. Napayuko ako sa hiya. Hindi kaya ako ganon kataba! Grabe naman 'to mang body shaming, mukha nga syang malnourished eh.

Nakaramdam ako ng mainit sa mga mata ko. Pero bago pa man lumabas ang mga iyon, hinila ko na ang palapulsuhan ng lalaki saka sya sinampal nang makaharap ito. The 'audience' gasped. "How rude of you, Sir. Nevertheless, to apprise the likes of you, I am not fat. I am chubby, and alluring." I smirked. "I entered this building to meet the boss, I want to apply here. I want to work here. For my family. It's not in my itinerary to entertain someone as harsh as you." tumalikod ako sa lalaking iyon saka lumabas ng building.

How ungentlemanly of him.

Patulo na sana ang mga luha ko habang tatawid nang makarinig ako ng mga yabag. Humahabol ito saakin. Humarap ako dito saka nakita ang lalaking nagpahiya saakin. Nang makalapit ito ay hinila ako nito saka naramdaman kong mahuhulog nanaman ako. Totoo nga. Mabuti na lang at hindi kami gumulong pa-kalsada.

Agad akong tumayo saka humarap sakanya. "Ano na naman ba? Hindi pa ba sapat yung pagpapahiya mo sa akin?" asik ko.

"Woah, chill." itinaas pa nito ang mga kamay na tila sumusuko, humalakhak pa ito.

"Miss, to apprise the likes of you, there's a truck coming to take your precious life." sabi nito. Agad na nanlaki ang mga mata ko saka tumalikod. Nakita ko ang isang malaking truck na nakahinto. At may isang manong na nakatayo sa likod ko.

"Mam, pasensya na po kayo, ha? Masyado pong napabilis pagpatakbo ko-" magpapatuloy pa sana ito nang putulin ito ng lalaki.

"Sir, please take care of your speed next time, okay?" nag-aalala at galit na tugon nito. Aba. "Lalo na ngayon na may mga tatanga tanga sa kalsada." natawa ito. Hinarap ko ito saka marahang pinalo ang braso. Aray naman, matigas!

"Sige po, Sir, Mam, una na po ako, ah? Perishable goods po iyan. Pasensya na po kayo talaga." ngumiti ito saka tumalikod. Humarap ako sa lalaki saka pinalo ulit ang braso nya. Naiinis ako sakanya!

"You like touching my biceps, huh?" what? This man!

"Sira." sabi ko. Ang kapal naman. "Bakit mo yun ginawa, ha? Ipinahiya mo ako tapos ililigtas mo ako?" tanong ko. Ano 'yon? Low-key sorry? Wala, gusto ko sorry as in S-O-R-R-Y or kung ayaw nya ng sorry, edi kahit 'I apologize' man lang?

"Because of one and only reason." tumikhim ito saka lumapit saakin. Seryoso ito. Napaatras ako. "I don't want to lose my secretary." wait, what?

"What?" naguguluhang tanong ko. "YOUR secretary? Who?"

"Ikaw."

"Ako? Secretary mo?" siraulo ba sya? Pasalamat sya desperado na ako'ng makapagtrabaho eh.

"Ikaw. Secretary ko. Tanggap ka na sa company ko, Miss. I'm Damarcus Leivon Lopez, by the way." inilahad nito ang kamay saakin.

Naguguluhan akong ngumiti. "I-ikaw ang boss? Tinatanggap mo ako sa kompanya without the need of some papers? As your secretary pa? How?"

"I am the boss. And why I accepted you? Simple. Because of your reason. Ang iba, para raw yumaman sila, and whatever. But you, it's for your family. And, you're the only one who got the audacity to talk back to me." natawa pa ito. "You even shouted at me."

"Kasi naman hinila mo ako!"

"Stop. Let's just forget it."

"Okay. Pero galit parin ako sayo sa ginawa mong pagpapahiya saakin." sabi ko sa kanya.

Nagkibit balikat ito saka tinalikuran ako.

"Wala kang sasabihin?" sigaw ko. Malayo-layo na rin kasi sya. Lumapit ulit sya sakin saka bumulong.

"Wala namang nagtanong kung galit ka sa 'kin or what. Besides, I don't care." saka ito naglakad palayo saakin. Nakapasok na ito ng building, heto ako. Nganga.

The audacity of that man!

Secretary ng walang hiyang yon? Pano kami makakapag-trabaho nang maayos?

How?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login