Download App

Chapter 3: A

CD13:A

"Ella, we need your help!" Biglang lapit at sabi ni Criselle na galing sa labas ng silid-aralan nang makita niya si Ella. Sa katunayan, kanina pa nila hinahanap si Ella.

"Tulong? Saan?" Takang ni Ella na nagtaka pa lalo ng biglang sumulpot ang tatlong niyang kaklaseng lalaki.

"Ahm... ah... eh..."

"Bakit hindi niyo nalang ako diretsyuhin na tungkol yan sa 'Dash?" Simpleng sabi ni Ella.

"How did you know?" Gulat na sabi ni Mike. Binatukan naman siya ni Mccoy.

"Kailan ka pa natutong mag-ingles?" Pang-aasar na sabi ni Mccoy.

"Psh... Kanina lang." Nakangiting sabi ni Mike sabay tapik sa balikat ni Karl. "Thanks, bro!" Sabi pa ni Mike at nagkamayan sila na sila lang ang nakakaalam.

"Kailan pa kayo naging sobrang close at nagkaroon pa talaga kayo ng kamayan?" Takang tanong ni Mccoy sa dalawa.

"Kanina lang din." Sabay na sabi ng dalawa. At, natuwa silang dalawa dahil sabay sila ng sinabi kaya muli silang nagkamayan.

"Tigilan nyo nga yang kamayan nyo. Naiirita ako sa ingay." Inis na sabi ni Mccoy.

"Ingit ka lang dahil may bago na akong kaibigan at hindi na ikaw." Sabi ni Mike at dilaan si Mccoy. Naiinis naman si Mccoy sa sinabi at ginawa ni Mike.

"Psh! It's okay--"

"Tama na nga yan." Pasaway ni Criselle sa tatlo. Naiirita narin kasi siya sa tatlo samantalang si Ella naman ay nakangiting pinagmamasdan ang tatlo. Natutuwa siya sa pagiging isip bata ng tatlo. At masaya siya, masaya siyang naging kaibigan si Mccoy at si Mike.

"Ano bang nangyari at parang nag-aaway silang dalawa?" Gustong malaman ni Ella kung bakit sila nag-aaway. Hindi naman kasi mag-aaway ang dalawa kung walang dahilan.

"Nang dahil lang naman sa isang burger." Hindi makapaniwalang sabi ni Criselle.

"Burger?"

"Yap. Ganito kasi yan, may dala kasi burger si Mccoy at kinakain niya ito. Then, nanghihingi si Mike pero hindi namigay si Mccoy at kinain pa niya ng buo. Tapos, kung ano-anong pinagsasabi nila nun pero alam kong nagbibiruan lang sila hanggang naging personalan na. Ang mas nagpalala pa ay nakisali pa si Karl." Mahabang kwento ni Criselle habang inis na inis sa tatlo. Napatingin naman si Ella sa tatlo at patuloy silang nag-aasaran. Pero, hindi maiwasan ni Ella na mapangiti dahil sa reaksyon ng dalawa habang nag-aasaran.

"Ella, anong nginingiti mo dyan? Hindi ka ba naiinis sa pagiging isip bata nilang tatlo?" Inis na sabi ni Criselle.

"Nope. Actually, they're cute." Wala sa wisyong sabi ni Ella at napatigil naman ang dalawa sa sinabi ni Ella. Maging si Ella ay natigilan sa kanyang sinabi.

"Well, that's natural." Sabay na sabi ng dalawa. Agad namang napatingin ang dalawa sa isa't isa. Para bang sinusukat nila ang kakayahan isa't isa at kung paano nila matatalo ang isa't isa.

"Natural ang pagiging cute mo? Eh, mukha ka ngang naka-drugs o baka drug user ka talaga at hindi mo lang sinabi sa amin." Sabi ni Mccoy at ngumiti ng nakakaloko. Naiinis naman si Mike sa sinabi sayo.

"Baka mas mukha ka pang drug user sa akin. Ang payat mo kaya, mukha kang tingting. Baka isang pitik ko lang sayo, tumba ka na." Balik na sabi ni Mike na ikinainis ng naman ni Mccoy.

Sa puntong yun ay nagpatuloy ang bangayan nila. Nagkakainitan na silang dalawa at makikita mo sa kanila na gusto na nilang suntukin ang isa't isa.

"Mukhang napalala ko pa yata yung away nila." Hindi narin natutuwa si Ella sa away ng dalawa kundi nag-aalala na siya na baka magkasakitan ang mga ito.

"Ugh! Ayoko narin sumali sa Dash kung yang dalawa ang makakasama ko kahit gustong gusto kong sumali." Punong puno na si Criselle kaya nya nasabi yun. Kaya naman natigil ang dalawa sa away nila.

"Okay, titigil na kami." Sabay na sabi ng dalawa habang nakataas pa talaga ang dalawang kamay ng mga ito.

"Titigil lang kayo kapag may naaagrabyado na." Inis na sabi Criselle. Hindi na nya talaga mapigilan ang inis niya at unting unti nalang talaga ay magagalit na siya.

"We're just testing you." Sabay na sabi ng dalawa na ipinagtaka naman ni Criselle at Ella.

"Yap, sinusubukan lang namin kung hanggang saan ang pasensya mo sa amin, at sa lahat." Sabi ni Mike.

"And, napatuyan naman namin na mahaba ang pasensya mo at kaya mong ihandle ang buong klase. Kaya ka nga naging president ng seksyon niyo noon at maging ngayon." Sabi ni Mccoy.

"But, alam din namang marami ka nang ginawa as a president namin. Kaya, si Rose sana ang gagawin namin leader dito. But, sad to say na nagback-out siya." Sabi ni Mike.

"Nagback-out? Kaya niyo ba ako hinahanap dahil nagback-out si Rose." Takang sabi ni Ella.

"Yes, nagback-out siya. Masyado siyang nalungkot dahil sa natalo tayo sa volleyball. She's the captain and sinisisi niya ang sarili niya sa pagkatalo natin. But kung ako, wala akong pinagsisisihan kung nagkamali man ako o kayo. Masaya ako, tayong naglaro. Atsaka nakaabot naman tayo sa top six, eh. Masaya na ako dun." Mahinahon na sabi ni Criselle. Naging mahinahon siya dahil sa sinabi ng dalawa at ginawang pagpapakalma sa kanya ni Karl.

Matapos ng laro nila sa elimination round, ang inaasahan nilang malalakas na kalaban ay nakalaban nila sa laro. Sa mga unang laro ay nanalo sila, pero habang papunta sila sa championship ay palakas ng palakas ang mga kalaban nila na sa huli, natalo na sila. Pero, nakaabot naman sila sa top six.

"And, kaya ka namin hinahanap na hindi namin alam kung bakit mo alam na hinahanap ka namin." Medyo magulong sabi ni Karl.

"Sinabi sa akin ni Ren." Sabi ni Ella at napatingin naman sila kay Ren. Nasa likod ito ni Ella at busy itong ginagamit ang phone nito habang nakasalampak ang earphone nito sa tenga.

"So yun, alam namin na gustong gusto mong sumali dito. Kaya lang ay kumpleto na kami nung sasali ka na dapat." Sabi pa ni Karl.

"Sinong nagsabi sa inyong gusto kong sumali?"

"Si Mccoy. Naikwento kasi nya sa amin." Napatingin naman si Ella kay Mccoy. Bahagya siyang nagulat sa pagngiti nito sa kanya, pero ngumiti din si Ella pabalik.

"Simula ng umayaw si Rose dito, ikaw agad ang una kong naisip. I know you really want na sumali dito. So come on, join us." Nakangiting sabi ni Mccoy kay Ella at ngumiti din si Ella kay Mccoy.

Hindi naalis ang tingin ng dalawa sa isa't isa na para bang walang taong nasa paligid nila. Na parang sila ang tao sa kanilang silid-aralan. May kung anong merun sa tinginan nilang dalawa. Para bang may nag-uudyok sa kanilang ilapit ang mukha nila sa isa't isa. Kaya naman sa hindi malamang dahilan ay dahan dahang lumalapit si Mccoy kay Ella nang bigla syang hinawakan ni Mike sa balikat.

"Tama na ang landian na yan." Sabi ni Mike sa dalawa na ikinaiwas ng tingin ng dalawa. Nahihiya silang dalawa sa nangyari.

"May namamagitan ba sa inyong dalawa?" Tanong naman ni Karl na ikinakaba ni Ella. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Pinagpapawisan din siya ng malamig.

'Ano nanaman ang nangyayari sayo, Ella?' Madiing tanong nya sa kanyang sarili.

Tungkol sa tanong ni Karl, nito mga nakaraang araw o sabihin na nating nuong araw na sinabi ni Mccoy na official friends na silang dalawa ay lagi na silang magkasama. Lagi silang nag-usap sa kung ano-anong bagay. Madalas din silang magka-chat. Halos walang oras sa kanila na hindi magkasama o nag-uusap. Kaya, napaghihinalaan na may namamagitan na sa kanila na mas higit na sa pagiging magkaibigan.

"O-okay, mag-ka-i-bigan lang kami." Pawang nahihiyang sabi ni Mccoy. At, tinukso naman siya ng dalawang lalaki.

"Tama na nga yan. Ella, ikaw na ang magsulat ng mga pangalan dito." Sabi Criselle at bigay kay Ella ng kapirasong papel na naglalaman ng tungkol sa event na sasalihan nila.

Wala sa wisyong kinuha iyon ni Ella. At sa hindi malamang dahilan, ang unang una nyang nasulat na pangalan ay kay Mccoy. Nanlaki ang kanyang mga mata at kinabahan sa kanyang nasulat. Gusto sana nyang burahin ang sulat niya, ngunit alam nyang hindi pwedeng magpasa ng form na may bura. Gusto rin sana niyang humingi pa form kay Criselle, ngunit wala na itong hawak na papel.

"Si Mccoy talaga ang unang-una mong sinulat?" Halos mahulog sya sa upuan sa gulat sa biglang sulpot ni Ren sa likuran nya.

'Bakit ba ang hilig ng mga kaklase kong sumulpot kung saan-saan?' Sigaw ng kanyang isip.

Ramdam na ramdam naman niya ang mga tingin sa kanya nila Criselle, Karl at Mike. Mga tinging nagtataka at nangingilatis. Pero ang mga tingin na nanggagaling kay Mccoy, ang nagtutulak sa kanyang tignan din ito.

Bigla namang kinuha ni Criselle ang papel na sinulatan ni Ella. Nakita niya ang buong pangalan ni Mccoy.

"Buong pangalan pa talaga ni Mccoy." Sabi ni Criselle ay nakitingin naman ang dalawang lalaki.

"I smell something fishy." Sabi ni Karl.

"Oo nga. Ang lansa." Sabi naman ni Mike at nagtawanan sila.

"Naku, guys. Wag na tayong magtaka kapag nakita niyo nalang kami ni Ella na magkahawak ang kamay habang naglalakad." Pagbibiro ni Mccoy na ikinatingin sa kanya ni Ella. Kinindatan pa nito si Ella sabay ngiti. Sa hindi malamang dahilan ay napangiti nalang si Ella at sinakyan ang biro ni Mccoy.

~~~

Lumipas ang mga araw. Naging busy ang lahat dahil sa mga sinalihan nilang paligsahan. May mga nagprapraktis para sa mga paligsahan na ginagamitan ng buong katawan. May narereview din naman para sa mga paligsahan na ginagamitan ng utak.

Halos hindi narin nagkakasama sina Mccoy at Ella dahil sa mga paligsahan na kanilang sinalihan. Kung magkikita man silang dalawa ay ngitian lang o maikling pag-uusap lang.

Ngayon ay kalalabas lamang ni Ella sa isang silid na kung saan ay ginanap ang huling paligsahan na sinalihan niya. Napahawak naman si Ella sa kanyang sentido dahil bahagya itong sumakit. Siguro dahil sa mga matitinding tanong na sinagutan niya. Masyadong nagamit ang utak niya sa mga nakaraang araw hanggang ngayon.

Napabuntong hininga naman sya at naupo sa upuang nakita nya sa labas ng silid. Tumingala siya at napapikit upang maipahinga kahit papaano ang kanyang utak.

Sa gaanong posisyon ay agad nyang naalala si Mccoy. Kinakamusta niya ito sa kanyang isip na akala mo talaga ay sasagot ito. Pero, alam nyang pagod na pagod ito sa pagprapraktis. Halos araw-araw kasi itong nagprapraktis para sa sinalihan nitong paligsahan.

Kung si Ella, ang halos lahat ng kanyang sinalihan ay ginagamitan ng utak. Si Mccoy naman, ang mga sinalihan niya ay buong katawan ang gagamitin.

"Nasaan na kaya siya? Saan kaya sila nagprapratis ngayon?" Mahina nitong tanong sa sarili. Gusto rin niyang panuorin ang praktis nito, at ayaw nya pa niyang umuwi kahit wala naman na siyang gagawin. Wala rin naman na silang klaseng puputahan.

Muli syang napabuntong hininga at tumayo sa pagkakaupo niya sa upuan. Napahikab siya at napaunat dahil sa pagod niya.

"Tapos na?" Naudlot ang paghikab at ay pag-unat nya dahil sa gulat sa pagsulpot ng isang lalaki sa gilid niya.

"Sorry, nagulat yata kita." Sabi ng lalaki.

"Okay lang. Magugulatin naman talaga ako. Nasabi ko na yun, diba? Kaya wala ka dapat ipag-sorry." Sabi ni Ella sa lalaki.

"Kahit na, I--"

"Okay lang talaga, Mccoy. No need to say sorry, okay?" Simpleng sabi ni Ella. Napabuntong hininga nalang si Mccoy sa sinabi ni Ella.

"So... tapos na ba? Sayang naman hindi ako naka-abot." Nanhihinayang na sabi ni Mccoy.

"Oh? Bakit ka naman nanghihinayang?" Takang tanong ni Ella.

"Hindi kasi ako nakapunta, para suportahan ka." Nakangiting sabi ni Mccoy. Napahampas naman ng mahina si Ella sa braso ni Mccoy.

"Para saan yun?" Sabi ni Mccoy at hinimas ang braso niya na hinampas ni Ella na akala mo ay sobrang sakit ng pagkakahampas sa kanya.

"Hindi ka rin naman makakapasok sa loob para suportahan ako, eh." Hindi naman pinansin ni Ella ang tanong ni Mccoy, hindi rin naman niya alam kung bakit niya yun ginawa.

"Edi, kahit salubingin nalang kita paglabas mo para i-congratulate ka." Sabi nito sabay ngiti nito kay Ella. Napangiti din naman si Ella dahil para bang nanghihikayat ang mga ngiti ni Mccoy na ngumiti din siya.

"Ano ka ba? Hindi naman agad malalaman ang resulta nun. Maybe after three days pa lumabas ang resulta nun. Sa dami ba namang sumali dun." Sabi ni Ella.

"Sabagay..." Natahimik naman silang dalawa dahil wala na silang mapag-usapan. Hindi katulad noon na hindi sila nauubusan ng mapapag-usapan. Parang gusto nalang magtitigan ngayon. Pero, si Ella ang unang umiwas sa titigan nilang dalawa.

"Wala ka namang pupuntahan, diba?" Nagulat si Ella nang biglang akbayan ni Mccoy. Ngayon lang kasi ginawa yun ni Mccoy sa kanya. Pero, hinayaan nya nalang ito.

"Wala naman." Simpleng sabi ni Ella.

"Eh... kung panuorin mo muna kami magpraktis ng sayaw namin." Nakangiting sabi ni Mccoy. Tumango naman si Ella at ngumiti bilang pagsang-ayon dito.

Nagsimulang silang naglakad patungo sa pinagprapraktisan. Tahimik lang silang naglalakad. Wala gustong magsalita sa kanila. Hindi naman sa naiilang sila sa bawat isa, pero dahil gusto nila ang katahimikan ng paligid.

"Lumelevel na ba kayo? May pag-akbay na. Sa susunod na ba nito holding hands na?" Bungad na sabi ni Mike nang makarating dalawa sa pinagpapraktisan nila.

"May date palang naganap kaya natagalan sa pagbalik." Maintrigang sabi ng choreographer ng mga kasali sa sayaw.

"Mamaya na muna yang landian niyo dyan at magpraktis na kayo. Malapit na yung event nyo." Sabi pa ng choreograher.

Gusto pa sanang makausap ni Mccoy si Ella pero gaya nga ng sabi ng choreo nila, natagalan siya. Natagalan siya sa paghahanap kay Ella dahil hindi naman nya talaga alam kung saang silid pinagdausan ang pagligsahan na sinalihan ni Ella. Kaya, wala naman syang nagawa kundi sumunod sa choreo nila at mag-ensayo.

"Kanina pa ba kayo dito?" Bungad na tanong ni Ella ng makalapit ito sa mga kaklase niya.

"Yap. Simula ng matapos ang klase natin ngayon." Sabi ni Ren habang may kung anong kinuha sa gamit nito. Napatango naman si Ella at ngumiti.

"Bilisan mo naman ang pagkuha sa Uno, Ren. Atat na atat na kaming maglaro, oh." Sabi naman ni Arjay. Uno cards, isa sa kinahihiligan at pampalipas na laro ng buong klase nila bukod sa volleyball at online games.

"Grabe ka talaga sa akin, Arjay." Sabi ni Ren sabay hagis ng Uno Cards. Muntikan na ngang hindi masalo yun Arjay. Buti nalang likas na magaling si Arjay sa pagsalo. Kaya hindi ka masasaktan sa kanya.

"Ikaw Ella, hindi ka ba sasali?" Tanong sa kanya ni Trixie akmang ibibigay ang hawak nitong cards. Pero, agad itong tumanggi.

Agad din naman syang nanuod sa mga nagpapraktis, lalo na may Mccoy. Hindi naman kasi siya pumunta para lang maglaro ng Uno. Pumunta siya dahil gusto niyang manuod ng praktis at higit sa lahat gusto niyang mapanuod si Mccoy.

Sa kanyang panunuod kay Mccoy ay hindi nya maiwasan na mas lalong mapahanga dito. Magaling kasi itong sumayaw. Kitang kita mo ang bawat galaw nito habang sumasayaw. Madalas nga lang itong pagalitan ng choreo dahil sadyang makulit ito. Minsan pa nga ay tumitingin sa kanya si Mccoy at kumikindat pa ito sa kanya.

'Kung ibang tao si Mccoy ay agad ko na siyang inirapan dahil sa pagkindat niya sa akin. Nakakainis kaya kapag kinikindatan ka ng isang lalaki. Pakiramdam ko pinagnanasahan nya ako utak niya. Pero, iba si Mccoy. Ibang iba siya sa halos lahat ng lalaking nakilala ko.' Sabi niya sa kanyang sarili at napahawak sa kanyang dibdib na nasa loob nito ang kanyang puso. May naramdaman siyang kung ano sa kanyang puso na pawang bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

"Sinabing mamaya na ang landian." Galit na sigaw ng choreograher na animo'y galit na tigre na gutom na gutom. Bahagya namang natawa si Ella sa pagkabigla ni Mccoy ng sigawan ito ng choreo nila. Para namang naging isang tutang takot na takot sa amo nito si Mccoy at nagpatuloy sa pratis.

Nagpatuloy ang praktis ng mga ilang minuto at pinatigil muna sila ng choreo para magpahinga. Agad namang lumapit si Mccoy sa kinatatayuan ni Ella.

"How is it? Magaling ba akong sumayaw?" Tanong ni Mccoy.

"Pwede na." Sabi ni Ella. Sa totoo lang ay sobra siyang nagalingan sa pagsayaw ni Mccoy ngunit binibiro nya lang ito. Gusto niya lang ito asarin.

"Sus! Alam kong nagalingan ka sa akin. Sa akin ka nga lang nakatingin, eh." Agad namang napanguso si Ella dahil sa hindi siya nagtagumpay sa pang-aasar nito kay Mccoy. Agad namang ginulo ni Mccoy ang buhok ni Ella dahil labis syang nakyutan dito.

"Ano na ba talaga status niyong dalawa?" Biglang tanong ni Sica.

"Mag-ka-ibigan." Sabay na sabi ni Ella at Mccoy sabay ngiti at napatingin sa isa't isa. Ngumiti sila sa isa't isa ng ubod tamis na halos langgamin na sila.

"Yan ba ang talaga ang ikinikilos ng isang magkaibigan?" Sabat naman ni Rose. Imbis na sumagot ang dalawa ay ngumiti nalang ito sa kanilang mga kaklase. Muling nagtitigan ang dalawa.

"May tanong ako sayo, Ella." Nakangiting sabi ni Mccoy. Nagtaka naman si Ella pero ngumiti pa din sya at hinayaan na magtanong si Mccoy

"Kung ikakasal ka, saan mo gustong magpakasal?" Nagtaka man ang lahat sa tanong ni Mccoy kay Ella ay pinaulan naman sila ng mga biro na pinapangunahan ni Gabby. Pero, wala lang ito sa dalawa dahil alam nilang biro lang yun at biro lang ang kanilang ginagawa.

"Syempre, sa simbahan." Simpleng sabi ni Ella.

"Kasi ako, gusto kong ikasal sa..." Pabiting sabi ni Mccoy sabay hawak sa kamay ni Ella. Ang mga kaklase naman nila ay halatang hinihintay pa ang sasabihin ni Mccoy. Ang iba pa ay halatang kilig na kilig sa dalawa. Mapababae man o mapalalaki ay may nararamdaman na kilig sa dalawa.

"Sa tabi mo, Ella." Nakangiting sabi Mccoy sabay halik sa kamay ni Ella na hawak nya. Ang mga kaklase ay napasigaw nalang sa sinabi ni Mccoy. Si Ella naman ay namula ang mukha sa banat ni Mccoy.

"Papi Mccoy!" Sigaw naman ni Gabby.

Sa puntong yun ay nabuo ang kanilang love team sa kanilang seksyon at sinakyan lang ng dalawa yun dahil alam nilang biruan lang yun.

To be continued.


CREATORS' THOUGHTS
EiArEs EiArEs

How is it? May kasal-kasal nang nagaganap. Pero, hanggang saan kaya hahantong ang mga biruan nilang dalawa? Abangan ang susunod na kabanata.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login