Download App

Chapter 2: Capítulo Uno

"Let go of me!" singhal niya sa dalawang sundalong mahigpit ang kapit sa dalawa niyang braso. "Where are you taking me!" pilit nilalabanan ang takot, naririnig niya ang mga putok ng baril sa paligid maging ang sigaw ng mga taong nasaktan, hindi niya maintindihan ang nangyayari, hindi niya alam kung nasaan siya, kung nasa Earth ba siya at papaanong nakabalik siya sa Earth.

Mayroon bang nangyari, nahigop ba siya ng gravitational field ng pinanggaling Galaxy pabalik? But that's impossible they traveled for more than 70 years, hindi siya basta-basta makakabalik!

"İCállate la boca!" Manahimik ka! asik ng sundalo. "İNo puedes escapar de los rebeldes!" Hindi kayo makakatakas mga rebelde! Anong pinagsasabi ng siraulong ito.

"I'm not a freaking rebel you jerk!" tinadyakan niya sa tuhod ang isa sa humihila sa kaniya, napaigik ito, marahas siya nitong hinila at halos matanggal ang braso sa balikat niya she groaned in frustration, nilingon niya ang iba pang mga kalalakihan at kababaihang hila-hila ng ibang mga sundalo, mayroong isang nakatakas subalit hindi pa nakakasampung hakbang ay binaril at natumba ang mga ito. "Nooo!!" gulantang na sigaw niya ngunit parang mga bingi ang mga naroon.

Nagkalat ang dugo sa madamong parang, sandaling nawalan siya ng pandinig, she can only see what is happening around her subalit wala siyang naririnig parang bumagal din ang paggalaw ng mga tao sa paligid, she can see women crying but no sound, nakaluhod at kitang-kita ang di matatawarang pagluluksa sa mga mata ng mga ito.

Ang iba ay nakikita niyang halos mahiga at maligo sa dugo ng taong nakahiga sa damuhan pilit niyayakap, kita niyang sumisigaw ito, at wala pa rin siyang naririnig. Pakiramdam nya ay para siyang nasa loob ng isang pelikula, they were in a battlefield, and it's looks like sila ang mga talo sa labanang iyon, bakit siya nandito, nasaan siya.

"Acaba con todos los rebeldes, asegúrate de que ningún solo rebelde escapará!" Ubusin ang mga rebelde walang ititirang buhay sa mga tatakas! parang kulog sa lakas ang tinig ng sa tingin niya ay siyang pinaka-leader ng mga sundalo na siyang nagpabalik ng kaniyang pandinig. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib, kumuyom ang kaniyang kamao.

She don't care where the hell she is, hindi siya papayag na walang gagawin at panonoorin lang ang mga taong ito na maubos, wala na siyang pakialam kung hindi niya naiintindihan ang mga nangyayari.

Walang pag-aalinlangang muli niyang tinadyakan ang hita ng sabay ang dalawang sundalong may kapit sa kaniya, walang kahirap-hirap na inagawan niya ng armas ang dalawa at hinampas sa parehong ulo na parehong ikinatumba ng mga ito. Tumalon siya at umigkas ang isang paa at tinamaan sa batok ang isang sundalo na nasa kanilang harapan.

Hindi siya expert sa ganitong uri ng baril but she still can fire a gun, base sa anyo ng baril, mahaba at may iisang hawakan lamang ito na halos kapantay ng ulo nito, mukhang makalumang klase ng baril ito, although it looks new pero hindi ito tulad ng ginagamit nila sa Earth na advance.

Both guns are loaded, wala siyang sinayang na sandali at isa-isang pinaputukan ang lahat ng sundalong namataan niya, she run into different direction to avoid the gun shots directed to her she even rolled over the bloody grass field.

Limitado ang bala ng baril, so she have to make sure she wont missed, kinailangan din niyang mang-agaw ng baril sa iba pang mga sundalo, and with the span of five minutes nakatumba ng lahat ang dalampu't limang sundalo.

Nanatili siyang nakatayo at humihinga ng malalalim, she threw the bloody gun she was holding away from her matapos ang ilang minutong pagpapakalma niya sa mabilis na tibok ng kanyang puso, maraming tilamsik ng dugo sa kaniyang damit.

Hindi niya pinansin ang mga taong naroon na tila ba'y nanahimik, itinaas niya ang laylayan ng sayang suot at pinunit ginamit niya ang telang iyon upang punasan ang tilamsik ng dugo sa kaniyang pisngi at pagkatapos ay itinali iyon sa daplis na sugat sa kaniyang braso.

Napasulyap siya sa binatang nasa kanyang kaliwa, napansin niyang kanina pa ito roon at parang hindi gumagalaw. Nanlalaki ang mga mata nito, pinagmasdan niya ang ayos nito. He looks out of place, like he was not belonged in this crowd, in this chaos.

Feeling niya ay nakakita siya ng anghel sa lupa, the guy was breathtakingly handsome, matangos ang ilong, magagandang mata, may manipis at mapulang labi, subalit tulad ng ibang mga nakita niya mula ng lumabas siya ng kanyang Capsule, ang lalaki ay nakabihis ng parang sa lumang panahon, she remember this kind of dress, parang mga pananamit sa Spain but 20 years ago, before they left the Earth.

Sa gilid ng kaniyang mata ay napansin niyang muling nagpanic ang mga tao, rebelde ayun sa mga sundalo. "Papalapit na ang maraming gwardiya sibil!" narinig niyang sigaw ng isa, agad hinanap ng kaniyang mga mata kung saang direksyon darating ang mga sundalong sa tingin niya ay mga halong Kastila at Pilipino.

Hula niya'y maaaring nasa Pilipinas siya o Espanya. Akmang dadampot na siyang muli ng baril nang may pumigil sa kaniya at hinatak siya palayo roon.

Sa masulak na gubat sila sumuot, nagtataasan ang mga punong malalaki at may malalagong dahon, maraming mga baging at matatalas na damong humahampas sa kanila, muntik pa siyang madapa sa nakaharang na malaking ugat, kung hindi sila magiingat ay matitilapid sila, habang palayo sila ng palayo sa parang ay padilim ng padilim ang paligid, paunti ng paunti ang liwanag na nakakalusot sa siwang ng mga mayayabong na dahon ng malalaking puno.

She can still hear the faint sound of the gunshots. Piping hiniling niya na sana ay makaligtas ang ilang mga rebeldeng tumatakas rin tulad niya.

Malapit sa bundok kung saan naninirahan ang mga rebelde bumagsak ang Capsule RSF 105. Ang mga Indyo ang una niyang nakasalamuha sa planetang ito, nanirahan siya roon ng tatlong araw, she even made friends with some of them and she also met their leader.

At first they were hesitant to accept her in their group but after she proved to them that she was harmless they eventually became accommodating, pinag-aralan niya ang lokasyon, subalit kinailangan niyang bumaba ng bundok upang mas makapangalap ng mas maraming impormasyon ukol sa lugar, the people she met looks more clueless than she was.

But to her surprised, maraming sundalong nakapaligid sa ibaba ng bundok at bigla na lamang siyang hinabol, at ito na nga ang sumunod na nangyari.

Heto siya at tumatakbo kasama ang gwapong etsranghero, at kung saan sila patungo, hindi niya alam. Sa tingin niya ay gabi na ng huminto sila ng binata. Pasalampak siyang umupo at sumandal sa malapad na puno.

Kinakapos siya ng hininga sa sobrang pagod, naramadaman niyang humapdi ang mga gasgas na sugat sa kaniyang braso maging ang tama ng baril, it will heal within a day because of the age-freezing drug she injected so she didn't mind nursing it, nakikita niya sa gilid ng kaniyang mata ang lalaki.

Tulad niya ay nakaupo ito at naririnig niya ang paghingal nito, muli niyang inalis ang nakabuhol na tela sa kaniyang braso at muling pumunit sa laylayan ng kaniyang maruming suot na saya, umabot na hanggang sa kaniyang tuhod ang punit niyon, mabuti yun, para mas malaya niyang maikilos ang mga paa. Muli niyang iniikot at itinali sa braso ang tela at ibinuhol gamit ang kaniyang ngipin at bibig.

"¿Cόmo te liamas." Sino ka? Tanong ng lalaki, humarap siya dito.

"Hindi mo kailangang alamin kung sino ako." Pantay at walang emosyong sagot niya.

Kumunot ang noo nito. "Eres un rebelde." isa kang rebelde. Itinaas niya ang isang sulok ng kaniyang labi, subalit wala pa ring bahid ng emosyon ang kaniyang mga mata. Nang walang marinig na reaksyon mula sa kaniya ay nagpatuloy ito.

"¿Dόnde vives, ¿de qué país eres ¿cuál es tu nacionalidad?" Taga-saan ka? Saang bansa ka nanggaling, anong lahi mo? "Sa hitsura mo ay halatang hindi ka tagarito, ngayon lamang ako nakatagpo ng isang binibining rebelde na marunong humawak ng baril, at hindi lamang marunong, napakahusay mong humawak ng baril, higit na mahusay sa lahat ng gwardya sibil na kilala ko." Salaysay nito sa mga bagay na naobserbahan nito tungkol sa kaniya.

Sa tingin niya ay hindi rebelde ang binatang ito, hindi niya ito nakita sa bundok, at ang uri ng pananamit nito ay hindi tulad ng sa mga rebelde, hindi rin tulad ng sa mga sudalo. Hula niya ay mayroon itong sinabi sa buhay. At kung paanong napadpad ito sa gitna ng kaguluhan kanina ay wala siyang balak alamin.

Hindi pa rin siya umimik sa halip ay ipinikit ang mga mata at isinandal ang ulo sa malapad na katawan ng punong hindi niya kilala. Kailangan niyang maidlip upang may lakas siya ulit mamaya.

Madilim na ang paligid at halos hindi na rin niya maaninag ang kasama, sigurado siyang maraming mababangis na hayop sa gubat na ito but she can handle that, kung gagawa sila ng apoy ay maaaring mapansin ng mga lampang sundalo ang lokasyon nila.

"Hindi ka tubong Pilipino, Dόnde vives?" taga-saan ka? Narinig niyang sabi pa nito. Kung ganon ay nasa Pilipinas pala siya, tama kaya ang hinala niyang nakabalik siya sa Earth, but it contradicts the science, again pitong dekada ang kailangang lakbayin upang makabalik sa Earth. At hindi iyon kakayanin ng Capsule niya, it can only travel from one planet to another, it cannot travel further than that.

Nakakaramdam na siya ng gutom at uhaw maliban sa pagod, eksaktong limang oras, anim na minuto at labing-anim na segundo silang tumakbo base sa distansya nila sa parang at sa bilis ng kanilang takbo. Kung lalakarin niya mula rito pabalik sa parang aabutin sila ng mahigit pitong oras.

"Sa ginawa mong pagpatay sa mga gwardiya sibil ay hindi ka makakaligtas." Nanatili pa rin siyang walang imik, kung hindi siya iimik ay mananahimik din ito, kailangan lang niyang magbingi-bingihan. "Kailangan mong tumakas, hindi ka bubuhayin ng mga gwardiya sibil."

Wala siyang naririnig.

"Hindi ko lubos maisip kung paanong ang isang magandang binibini ay nagrerebelde at inilalagay sa kamay ang batas, maraming paraan na pwede mong gamitin upang maipaglaban ang iyong paniniwala, wag mong sayangin ang iyong buhay."

Maraming kuliglig sa paligid.

"Kung magbabagong buhay ka at maipapangako mong hindi na muling magrerebelde ay matutulungan kita." Damn it! daig pa nito ang pinsan niyang si Carlotta sa kadaldalan!

"Por fabor señorita, ¿podría decirme---" Pakiusap senyorita sabihihin mo... she crawled and kissed him hard to shut him up. Nanlaki ang mga mata nito, tss. Inilayo na niya ang labi dito at bumalik sa pagsandal sa puno at muling sinubukang maidlip. Lumipas ang mahabang sandali at wala na siyang narinig mula dito, 'Good God halleluya!' Makakaidlip na rin siya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login