Download App

Chapter 9: Chapter 8

cw: blood

"I don't want to talk," Mukhang nagulat ito sa sagot ko dahil nag-iba ang reaksiyon ng mukha niya.

I'm about to get passed him when he held my wrist.

"I'll tell you the t-truth!" He muttered.

I raised a brow. Paano naman ako makakasiguro na totoo ang sasabihin niya?

This is making me nuts!

"Yes, I did follow you." He avoided my gaze. "Pero iba ang rason ko, you're in danger Erin. Stay away from that detective." He's definitely serious. Nakakunot ang noo nito habang mataman na nakatitig sakin.

"He was the one who told me that you're—"

Pinutol agad nito ang sasabihin ko.

"Everybody who helps you is not your friend."

A fact but how can he be so certain, para bang kilalang kilala nito si Cole.

"I can't trust you, Ares." I pursed my lips.

Ares became puzzled, hindi ko rin napansin na ngayon lang siya bumitaw sa pulsuhan ko. May bakas ng pagka-irita ang mukha nito na ngayon ko lang rin nakita. I thought he was harmless and benign.

"But–"

"No buts, trust is earned when actions meet word," I uttered.

Tuluyan ko na itong nilampasan tiyaka pumasok sa loob ng kotse.

"Ate! I want to ride that one!" Bianca shouted while pointing at the space shuttle ride.

Oh no, I will never ride that one.

"Bata ka pa, baka hindi mo kayanin." Tumikhim ako, "mag carousel ka na lang ulit." I really tried my best to convinced her but it didn't work.

"No po, Ate Heidi! Sasamahan niyo po ako diba?" Sabay yakap sa binti nito.

Napapalingon na rin ang ibang tao. Limang taon pa lang 'yan pero kung umasta at magsalita parang mas matanda pa sa amin at sa kuya niya.

"Be quiet, Bianca." Ani Caden, walang emosyon ang mukha nito habang kumakain ng hotdog.

Mas naaligaga kaming lahat nang sumalampak at naglupasay ito sa sahig.

I harshly scratched my forehead "Tsk, tara na nga,"

"Nice! You're iba talaga, Bianca!" Heidi shouted back.

Kung tutuusin silang dalawa ang mas magka-ugali. They're willing to do and experience anything that thrills them. Ayoko ng gano'n gusto ko payapa at tahimik lang. Yet, I experienced death three times.

"Bawal po ang bata dito." Humarang ang isa sa mga nag mamanubir. Malaki ang katawan nito kaya napaatras kami.

I was about to talk when Bianca spoke ahead of me "I can manage, Kuya! If I do something unnecessary my sisters are in charge."

Ano raw? Iling-iling na pumayag ang lalaki saka kami pinapasok. Pinanliitan ko ng mata si Bianca ngunit pa inosente lang ako nitong nginitian.

Biglang bumaligtad ang sikmura ko kahit hindi pa nagsisimula. Katabi ko si Caden na parang hindi man lang nakakaramdam ng kahit kaunting kaba, habang ang dalawa naman sa harap ay tuwang tuwa pa.

Since the shuttle started to move I have just clung to Caden's hand with my eyes closed. Namamawis ang kamay ko sa tuwing umiikot ito ng mabilis.

"That was FUN!!!" Tila gigil na sigaw nilang tatlo.

I badly want to vomit.

"Ano, keri mo pa?" Heidi asked. Tumango lang ako saka uminom sa bote ng tubig na kabibili ko lang.

Nang makaramdam ng pagod sa mahabang paglilibot at pagsakay sa mga rides naupo muna kaming apat sa may bench. I was busy staring at our photos I took earlier when I saw a familiar figure. Nakaakbay ito sa babaeng kasama habang may tinuturong partikular na bagay.

Obviously, he was wearing his serious face and deep aura. I can't really understand that guy. Sanay ako na mapang-asar at loko-loko siya.

"That's the Detective, right?" Bianca asked while I nodded.

"Hala ang sad! I thought may something sa inyo!"

Never assume unless otherwise stated.

I'm fully aware that he's a playboy so it's fine and understandable but clearly unjust.

The next day I woke up early because I planned to go jogging and it's currently 5 o'clock in the morning. Medyo nakakaramdam ako ng takot dahil madilim pa ang kalangitan ngunit kailangan dahil parte ito ng nakagawian ko. I wore a pair of leggings with a stripe going along the seams and partnered it with a sports bra and running shoes.

I stretched my arms and legs first before going out. Everything's at peace until Cole ran towards me. Hindi ko inaasahan na magkikita pa kami sa ganitong sitwasyon. Nakangiti ito saka inalis ang isang earpods sa kabilang tenga.

"Hi! How are you?"

I remained my stoic face "Good,"

Nilampasan ko siya saka tumakbo sa kaliwang daan. Ayokong makasama ito.

"Hey!" Tawag nito sa atensiyon ko ngunit ipinagsawalang bahala ko lang. Tinali ko ang kalahating parte ng buhok ko saka nagkabit ng earpods. Sadyang nakakairita ang boses nito kaya mas mabuting lumayo.

I could no longer feel his presence, but he suddenly grabbed the pods I was wearing.

"What?" I asked, annoyed.

"Do I have any chances with you?

Wow, that was straight to the point.

"Do I look like someone who seems interested in you?"

I thought he would stop following me, but I was wrong. He's persistent after all, ngunit hindi iyon ang magiging dahilan para mauto niya ako. Ayoko sa mga lalaking kagaya niya, isa pa hindi naman ako gano'n marupok.

"You know your words won't make me stop, Skye." He winked.

"What's your problem? Yes, you helped me a lot but let's cut it there." I turned away, "thank you for everything."

Naging maayos lang ang takbo ng araw na iyon ngunit nagimbal nang marinig ko ang hiyawan ng mga magulang ko mula sa silid nila. Naalala ko na ang huling pag-aaway nila ay noong kolehiyo pa ako, panay ang iyak ko dahil nagkakapisikalan na sila mabuti na lang at dumating ang tita ko kung hindi baka kung ano na ang nangyari.

"Nakita ng dalawang mata ko, Victor! Kaya huwag na tayong maglokohan." Sigaw ng ginang.

"Pakinggan mo muna ako, Cielle." Tila nagsusumamo na ang boses ni Dad. I sighed, ayokong makisali hangga't hindi pwede. Hahayaan ko munang sila ang umayos dahil pribado ang away mag-asawa.

Nagtungo ako sa kuwarto ng mga kapatid ko, kasalukuyan silang nanonood habang kumakain ng chocolates.

"Saan galing 'yan?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

Bianca giggled "Kay Kuya Cole po! Dumaan siya kaninang three!" Tinaas pa nito ang kamay habang naka-porma sa tatlo.

"He's really cool," Caden murmured but enough for me to hear it.

I scratched my forehead "Hindi ba ang sabi ko huwag kakain ng chocolates sa gabi? Caffeine may halt and disturb your sleep." Tinabihan ko ang mga ito bago kuhanin ang librong nasa ilalim ng mesa.

"Opo, tatandaan na po namin." They stated in chorus.

Nagbasa ako ng kuwento mula sa libro kung kaya't nakatulog rin sila.

Paglabas ko may napansin akong dugo sa hagdan kaya dali dali akong bumaba. Naabutan ko si Mama na naghihilamos habang nangangatog ang tuhod.

Mukhang nagulat ito sa presensya ko "M-ma, what happened?" I asked.

She shook her head and smiled, trying to maintain the calm atmosphere. "Nothing sweetie, matulog ka na."

Her hug felt so tight but calmed my soul and gave peace of mind.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C9
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login