Download App

Chapter 2: Chapter 02

«»«»«»«»«»

"Monica! Monica!"

"Si--sino ka?"

Pamilyar sa akin ang boses na iyon.

"Nasaan ka? Ba--bakit hindi kita makita?"

"Sino ka? Nasaan ako?"

"Sandali, huwag kang umalis. Dito ka lang!"

"Monica, Anak!" May malamyos na tinig akong naririnig ngunit may pag-aalalang mahihimigan sa boses niya. Kung hindi ako nagkakamali kay Mama ang boses na iyon. Pero bakit?

Unti-unti kong iminumulat ang akin mga mata. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kirot o panghahapdi sa mukha.

"A--anak! Mabuti naman gising ka na. Pinag-alala mo ako ng husto," saad ni Mama nang mabungaran ko ang maamo niyang mukha.

Nababanaag ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Tila naluluha pa si Mama dahil parang may namumuong luha sa mga mata niya habang dahan-dahan hinahaplos ang akin buhok. Hinahaplos din ni Mama ang akin mga braso dahilan para ako ay mapangiwi.

"A--aray! Na--nasaan po ako Mama? Ano po bang nangyari?" tugon ko kay Mama. Inilibot ko ang akin paningin sa buong paligid.

Napansin ko na ang mga pader ay kulay puti. Ang kamang hinihigaan ko ay may kutson na katamtaman ang kapal at may nakapatong na puting pansapin. May naamoy ako na tila gamot para sa mga pasyente mula sa isang hospital. Tama! Sa tingin ko ay nasa hospital ako ngayon. Pero bakit nga ba?

"Naku, pasensiya na Anak! Hindi ko sinasadya."

"Nasa hospital ka ngayon Anak. May nagdala sa iyo rito na isang Ginoo ngunit hindi ko nakilala o nakita man lang ang mukha niya. Tanging ito lamang ang iniabot sa akin ng isang nurse dahil ito ay ipinaabot noon taong nagdala sa iyo rito." Mahinahon pagpapaliwanag ni Mama sa akin habang ako naman ay nirerewind sa isipan ko kung ano ba ang mga nangyari sa akin bago ako mapunta sa hospital. Napatingin din ako sa isang tila maliit na card na hawak-hawak ni Mama.

«»«»«»«»«»

"Tumabi ka riyan!"

Nakarinig ako ng singhal pero bago ko pa matingnan o malaman kung sino ang suminghal ay naramdaman ko na lamang na tila may malakas na puwersa ang tumama sa likuran ko dahilan upang mawalan ako ng panimbang at mapasubsob sa lupa.

"A--aray!"

"Naku po! Iyon babae!" Mga naririnig kong sambit ng mga tao sa akin paligid. Naramdaman ko rin na tila mahapdi ang akin mukha kaya naman napahawak ako sa may bandang pisngi at nakita ko sa aking mga daliri ang tila bahid ng dugo. Naramdaman ko rin ang bahagyang pamamanhid ng mga braso ko dahil tila kumaskas ito sa isang magaspang na bagay.

"A-ano bang nangyari? Ang--ang sakit ng mga braso ko at pisngi. Ano ba iyon bumangga sa akin?" saad ko pero tila bumubulong ako habang sinasabi iyon.

"Hey, Miss! Ayos ka lang ba?" Baritonong boses ang nakaagaw pansin sa atensiyon ko kaya naman napalingon ako at nakita ang isang bulto ng katawan.

Nakasuot ito ng tila isang business suit. Nais ko sanang tingnan kung sino ang nasa harapan ko ngayon subalit bigla akong nakaramdam ng hilo.

"Miss, mukhang hindi ka okay. Dadalhin na kita sa hospital." Muli kong narinig ang boses ng taong nasa harapan ko. Tututol na sana ako kaya lang naramdaman ko na lang na tila kinarga niya ako mala-bridal style kaya kahit gusto kong tumanggi ay hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya.

"Ang bango mo! Parang pamilyar sa akin ang amoy mo. Para kang si---" Mahinang usal ko. Gusto ko sana na tingnan kung sino ang taong kumakarga sa akin kaya nga lang hindi ko na kinaya ang nararamdaman pagkahilo. Unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan nang dumilim ang paligid ko.

Ahh! naalala ko na ang nangyari sa akin. Pero kung ganoon, sino kaya ang lalaking iyon? Sayang, hindi ko man lang nakita kung ano ang hitsura niya at para na rin nakapagpasalamat ako sa ginawa niya.

Pero natatandaan ko pa rin ang amoy niya at pamilyar sa akin iyon dahil----

"Pero Anak! Ayos ka na ba? Ano ang masakit sa iyo? Ano ba kasi ang nangyari sa iyo? Ngayon ka na nga lang lumabas ulit, nadisgrasya ka pa."

"Mabuti na lamang at may mabait na Ginoo ang nagdala sa iyo rito sa hospital. May anonymous caller kasi na tumawag sa akin kanina sa bahay. Akala ko noon una manloloko lang o modus upang makapanggantso sa atin pero noon sabihin ang buong detalye nang nangyari sa iyo, dali-dali akong sumugod papunta rito sa hospital." Pagsasalaysay ni Mama habang kinukuwento ang nangyari.

"Hindi ko rin po alam kung ano talaga ang nangyari sa akin. Ang alam ko lang po ay bigla akong tumilapon at napasubsob sa lupa nang may bumangga sa likuran ko."

"Hala, Mama! Hindi pa ako nakakapag-apply sa kumpanyang napili ko," saad ko na may panghihinayang sa boses sapagkat mapapahinto ako sa pag-aapply. Kailangan ko munang pagalingin ang mga gasgas ko sa mukha at braso.

Sana naman hanggang gasgas lang ang natamo ko.

Pero sino nga kaya ang lalaking iyon na tumulong sa akin? Sana muli ko siyang makita para makapagpasalamat man lang.

"Mama, ano nga po pala iyan hawak ninyo?" tanong ko kay Mama.

"Business card. Ito iyon iniabot sa akin ng nurse na tumingin sa iyo. Pinabibigay ng Ginoong nagdala sa iyo rito. Actually Anak! Hindi ko sigurado kung tama ba ang iniisip ko, pero mukhang hindi mo na need problemahin ang pag-aapply." May bahid nang pangingislap sa mga mata ni Mama habang sinasabi ang tungkol sa business card na hawak.

"Po! Bakit naman po?"

«»«»«»«»«»

"Good Afternoon Sir!"

Sunod-sunod na pagbati ang akin naririnig mula sa mga empleyadong nakakasalubong ko mula sa building na akin pinagtatrabahuhan. Isa rin akong empleyado ngunit hindi basta-basta ang posisyon ko.

«»«»«»«»«»

"Ang guwapo talaga ni Sir Enrico."

"Naku sinabi mo pa. Ang suwerte ng magiging kasintahan ni Sir."

"Naghahanap pa kayo. Nasa harapan ninyo na ang kasintahan ni Sir."

"Ha ha, patawa ka. Sa attitude mo pa lang, bagsak ka na."

"At bakit hindi? Ano ba ang attitude ko? Mabait ako noh, maalaga, malambing at higit sa lahat maganda at sexy. Ang sabihin ninyo inggit lang kayo dahil hindi kayo palaging kinakausap ni Sir Enrico."

"Ang sabihin mo sipsip ka at feelingera!"

"Anong sinabi mo?"

"Ahem! Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?"

"Si--sir Santi! Kayo po pala. Good afternoon!"

"Walang good sa afternoon, alam ninyo kung bakit?"

"Ba--bakit naman po Sir?"

"Dahil katanghalian tapat. Tsismisan kayo ng tsismisan. At ang masama nito boss pa natin ang pinag-uusapan ninyo sa halip na mga trabaho ninyo ang inaatupag ninyo."

"Baka may gustong matanggal sa trabaho. Approved sa akin. Tamang-tama, naghahanap kami nang mga bagong empleyado na may alam sa tamang pagtatrabaho."

"Si Boss Santi talaga, ang guwapo-guwapo este pagkaganda-ganda bukod doon mapagbiro pa. Sige po, tatapusin na namin ang amin mga trabaho."

"Sigurado kayo? Walang magpiprinsinta sa inyo? Nakaopen na ang gate sa baba ng building."

«»«»«»«»«»

"Ibang klase talaga ang taglay mong kaguwapuhan Boss Enrico. Pinag-aawayan. Sana ako rin malagay sa ganyan sitwasyon kahit isang araw lang," birong saad ng kaibigan kong si Richmond habang nakaupo sa mahaba-habang sofa na kulay Dark Brown. Tinawagan kasi siya ni Santi at ikinuwento ang nangyari sa HR Department. Kasalukuyan nasa loob kaming dalawa ni Richmond ng akin opisina na nakapuwesto sa ikalimang palapag.

"Oo nga pala! Ano ba ang nangyari sa iyo? Balita ko may hinabol ka pa raw na magnanakaw kaya na-late ka ng pagpunta sa meeting. Mabuti na lamang dumaan dito sa opisina si Bambi para saluhin ang trabaho mo dahil kung hindi malamang nagkaroon tayo ng problema sa Board of Directors lalong-lalo na sa Chairwoman." Pagsasalaysay ni Richmond sa mga nangyari sa meeting kanina. Naiiling na lang ako sapagkat sa halip na itinutuloy ko na ang mga naiwan kong gawain ngunit hindi ko magawa dahil sa napakaingay sa loob ng opisina ko.

"Ang bango mo! Parang pamilyar sa akin ang amoy mo. Para kang si---"

Ang wierd ng babaeng iyon. Ano kaya ang ibig niyang sabihin na pamilyar sa kanya ang amoy ko?

"Bakit ka nga ba nagtagal? Anong nangyari roon sa magnanakaw? Nahuli mo ba?" Magkakasunod na tanong ni Richmond sa akin. Hindi ko sana gustong sagutin subalit kilala ko rin siya kung gaano siya katsismosong tao.

"Nahuli na iyon magnanakaw at naipakulong na," tanging tugon ko kay Richmond nang hindi tumitingin sa kanya. Nakatuon lang ang mga mata ko sa mga papeles na akin binabasa at pinipirmahan.

"Ganoon lang ang nangyari ngunit ang tagal mong nakarating sa meeting. Hmm! Anyway, wala ka pa rin bang nahahanap na Personal Assistant? May irerecommend ako sa iyo, hayun nga lang ay kung pasado sa panlasa mo. Pero kung ako ang tatanungin, jackpot!" saad sa akin ni Richmond dahilan para mapatigil ako sa pagpirma at mapatingin sa kanya. Nakangiti ito na tila ngising-aso at alam ko na kaagad ang tumatakbo sa utak niya.

"Mayroon na akong nahanap. Sigurado na ako sa kanya."

"Huh? Ma--mayroon na? Sino naman?" tugon ni Richmond na may panghihinayang na mababakas sa mukha nito. Gusto kong matawa sa reaksiyon ng kaibigan ko pero pinigilan ko ang akin sarili.

"S-I-K-R-E-T-O!"


Load failed, please RETRY

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login