Download App

Chapter 3: 01 - Bitiwan Mo

Unang Kabanata

NAALIMPUNGATAN ako nang naramdamang may naglilikot sa paanan ng aking higaan. Matinis na hagikik at para bang nabubuwisit na ungol ang aking naririnig.

Nang magdilat ako ng mga mata ay nakita ko ang kapatid kong si Isaiya na nagtatatalon sa kama. Laro-laro nito ang alagang pusa na Alpha ang pangalan.

Kumunot ang noo ko, bahagyang nandidilim ang paningin. "Isaiya ... maaga pa. Bakit nandito ka?" tanong ko.

Natigilan ito sa pagtalon at tumaas ang mga kilay nang tumingin sa akin.

Binalingan ko ang alarm clock sa aking nightstand at nakitang mag-a-alasais pa lang ng umaga. Masyado pang maaga.

"Pero po, ang sinabi mo sa amin nina Mama po, kagabi po, ngayon ang camping ninyo, Ate! Hindi ka na ba sasama sa mga kaibigan mo po?" nakatagilid ang ulong tanong niya bago sinampal si Alpha nang akmang kakalmutin siya nito.

Mistulang nagising nang tuluyan ang diwa ko sa sinabi nito. Dali-dali ay patakbo akong nagtungo sa banyo.

Oo nga pala! Ala-siete pa naman ang usapin namin!

Walang pag-aalinlangang binuksan ko ang shower sa banyo nang sandaling mahubad ko ang lahat ng mga saplot sa 'king katawan. Muntik pa 'kong mapatili sa lamig na naramdaman na dumampi sa buo kong balat noong maitapat ko ang sarili sa lumalagaslas na tubig.

Siguro ay halos singkuwenta minutos ang naubos ko bago pa ako tuluyang natapos. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kahit gaanong pagmamadali ay palagi na lang akong nauubusan ng oras. Gaano ba ako kakupad kumilos?

Mabuti na nga lang at naka-pack na lahat ng mga dadalhin ko sa lakad namin ng mga kaibigan ko kaya nang matapos akong magbihis ay ang almusal na lang ang aatupagin ko. Ito ang advantage ng mga maaagap kumilos. Kagabi pa ako nakapaghanda.

Nang lumabas ako ng kuwarto ko ay nagtungo kaagad ako ng dining room at walang paalam na kumuha ng mainit-init pang tinapay mula sa malaking plato.

"Oras na, a?" sabi ni Mama habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Isaiya na nasa tabi niya nang nakaupo.

Tinanguan ko ito habang subo-subo pa rin ang tinapay sa 'king bibig. Tinanggal ko rin naman 'yon nang tuluyan na akong makaupo sa harapan ng mesa.

"Nakalimutan kong i-set 'yong alarm clock ko. Hindi tuloy ako masyadong nakapagbabad sa pagligo," sabi ko habang ngumuguya.

Muntik ko nang mabitiwan ang tinapay nang may biglang pumitik sa 'king ilong. Matalim ang mga tingin kong nilingon ang may gawa.

"Alam kong mangyayari 'yon kaya pinapasok ko na si Isaiya kanina sa kuwarto mo para guluhin ka." Inurong nito ang upuan sa tabihan ko at doon naupo.

Nginitian pa ako nito nang muli niya akong lingunin. 'Di ko napigilan ang pag-irap.

"Huwag mong pinipitik ang ilong ko!" Tinawanan niya pa 'ko nang ngiwian ko siya.

"Tama na 'yang pag-aasaran na 'yan."

Sabay-sabay kaming tumingin kay Papa nang ibaba niya ang binabasang diyaryo at hinanap ako ng mga mata nito.

"Gaano kayo katagal mawawala, Sania?"

"I'm not sure, Pa. Maybe, five days to one week siguro," sagot ko bago tumusok ng hotdog sa 'king hawak na tinidor.

"I see." Tumango-tango si Papa bago inayos ang salamin niya sa mata. "Take good care of yourself, then. We won't be there if you ever need help." Ngumiti ako at tumango.

The morning meal together with my family went well like usual. At tulad nga ng napag-usapan ay ala-siete akong sinundo ng mga kaibigan ko sa bahay namin.

Ang aming bahay ang pinakabungad mula sa aming compound. Ang mga walang-hiya ay nakikain pa muna ng agahan sa amin bago kami tuluyang nakapagpaalam. Pasado ala-siete y medya na lang tuloy kami nang makalabas ng bahay.

"Salamat ulit, Tito, Tita, sa pagkain! Sa 'yo rin, Isaiya, at siyempre, sa 'yo, Kuya Ihara," nakangiting sabi ni Ailyn. Umirap ako.

Papansin talaga ang isang 'to, lalo na kay Kuya Ihara. Crush niya na ang huli bago pa kami naging matalik na magkaibigan. May pakiramdam nga ako na kaya siya nakipagkaibigan sa akin ay dahil sa gusto niya lang talaga na mapalapit kay Kuya. Ginagamit n'ya lang ako. Mahampas nga 'to mamaya.

"Una na po kami," paalam naman ni Lyca.

Malaki rin ang ngisi niya tulad ni Ailyn, palibhasa ay nakakain ng libreng agahan. Nakipag-appear siya sa katabi niyang si Jhoma. Magkatabi namang nakatayo sina Isabelita at Lourdell na kasalukuyang may pinag-uusapan.

"Mag-iingat kayong anim, ha?" muling paalala ni Papa.

Kung tama ang bilang ko ay pang-anim na niyang beses na sinabi 'yon magmula pa kanina. It's not like it's our first time, matagal na naming hilig ang mag-travel at mag-camping sa kung saan-saan ng mga kaibigan ko, ganito lang talaga siya 'pag may lakad kami.

"Opo, Tito! At huwag na po kayong mag-alala kay Sania dahil kami ang bahala sa kaniya!" Nakakaloko akong tiningnan ni Ailyn at nagtaas-baba ang mga kilay niya.

Nangunot ang ilong ko sa ginagawa niya. Hindi ko malaman kung dapat ba 'kong matuwa o mangamba.

"Ailyn, ikaw ang pinakamatanda sa mga 'yan, ha..." Kuya Ihara gave her a knowing look.

Panandaliang natigilan si Ailyn. Nakita ko 'yon.

Ilang segundo lang ay pigil na pigil niya na ang sariling magtititili, iyong mga kamay niya ay mariing nakasara at ang sulok ng mga labi niya ay nanginginig. Namumula pa ang buong mukha.

Hmp. Panigurado ay kinikilig na naman siya. Paano ay kinausap na naman siya ni Kuya.

But if I were her, hindi ako matutuwa. Sino ba naman kasi ang sasaya pa kung sabihan ka ng isang tao na sa inyong grupo ay ikaw ang pinakamatanda? Insulto 'yon.

Muling nagpaalam sina Lyca at Jhoma sa pamilya ko habang kinaladkad naman ako ni Ailyn para mauna na sa waiting shed na tinahak pa namin ng may kalayuan mula sa 'ming village. Dahil nga sa nakatira kami sa iisang compound ay kailangan pa naming sumulong para marating ang tabing kalsada.

'Di rin nagtagal noong makasunod sina Lyca at Jhoma sa amin, pati sina Isabelita at Lourdell, dala ang mga naglalakihan nilang bagahe sa kanilang likuran.

"Ang lungkot naman, matagal kong hindi makikita si Ihara," nakasimangot na sabi ni Ailyn. Sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya.

Nakahalukipkip siya't nakadantay sa pader ng waiting shed. Kanina lang ay napuno ng hiyaw niya ang waiting shed sa katitili dahil kilig na kilig daw siya sa pagpansin sa kaniya ng kapatid ko.

"'Kuya', Ailyn. 'Kuya Ihara', okay?" pagpapaalala ko sa kaniya. Limang taon rin ang tanda sa amin ni Kuya, dapat ay galangin niya.

"Killjoy!" Biglang sama ng tingin niya sa 'kin. "Hindi mo ba 'ko gustong maging hipag, ha?" ngitngit na tanong niya.

Tinaasan ko lamang siya ng isang kilay.

"Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre, hindi. At saka, ang layo mo rin naman sa tipong babae ni Kuya, malabong magkagusto sa 'yo 'yon," paglilinaw ko.

Hindi naman sa gusto kong basagin ang pag-asa ng kaibigan ko, nagsasabi lang ako ng opinyon.

Base kasi sa obserbasyon ko sa mga naging nobya ni Kuya Ihara, lahat sila ay mga mahihinhin kumilos, mga feminine, may arte sa katawan, makikinis, magaganda, at matatangkad; maganda ang lahi, kumbaga. Mga pang-beauty queen ang datingan.

Kung ikukumpara ko naman si Ailyn sa mga babaeng 'yon, sa pagiging feminine pa lang ay malayong-malayo na siya. Doon sa pagiging matangkad nga lang ay bagsak siya.

"Ang bait mo talaga, e, 'no? Ba't ba ayaw mo sa akin? Dapat nga ay boto ka pa dahil best friend mo 'ko! Tayo-tayo na lang ang magkakakampi rito!" Ngumuso siya at humalukipkip. Nagtatampo yata itong natatanaw ko.

"Anong tingin mo sa 'kin? Konsintidor?" tanong ko bago narinig ang sabay na pagtawa nina Jhoma't Lyca.

"Kahit sino naman sa amin, ikahihiyang maging hipag ka, Ailyn. Ugali mo pa nga lang, pang-squatter na, tapos ay napakadugyot mo pang kumilos!" panggagatong pa ni Lyca; tawang-tawa.

"Aha! At nagsalita ang mahilig mangulangot sa public! Parehas lang naman tayo!" sagot ni Ailyn, halatang naaasar na dahil sa pagsasalubong ng mga kilay niya.

"Wooo! Away na 'yan! Away na 'yan!" pagtsi-cheer ni Lourdell at tumayo pa sa gitna nina Ailyn at Lyca. Umaala-referee na naman siya roon sa dalawa.

Iiling-iling na nanonood si Isabelita habang tumatawa. Halos mawala na ang mga mata niyang may kasingkitan.

"He! Anong parehas? Mandiri ka nga! Mas may class naman ako kaysa sa 'yo!" sagot pa ni Lyca, ang pikunin ay magkasalubong na rin ang mga kilay.

"Tama na nga! Hayan, may paparating nang sasakyan, o!" Mabilis na pinara ni Jhoma ang paparating na bus.

"Jhoma! KJ!" anas ni Lourdell, nakasimangot.

"Manahimik ka! Ang dapat na unahin mo, mag-aral!" sagot ni Jhoma sa kaniya.

Pumagitna na ako kaagad at baka sila naman ang mag-away.

"Oy, tama na 'yan. Sumakay na tayo," aya ko sa dalawang masama ang tinginan sa isa't isa.

"Sandali, Sania! Sigurado ka bang magiging okay ka lang?" bigla ay tanong ni Lourdell. Umingos siya't ininguso ang bus na huminto sa 'ming harapan.

The mere sight of the huge transportation vehicle made my stomach turned upside down. Para akong masusuka at wala pa man ay nahihilo na ako. Narito pa lang kami sa labas ay tila ba nalalanghap ko na ang mabahong samyo ng aircon sa loob niyon.

Pagkagayon ay tumango ako. Hindi ako puwedeng mag-inarte dahil tanging bus lang ang puwede naming sakyan tungo sa destinasyon namin.

Isabel! Halika rito't dito tayo sa likuran ni Sania pumuwesto sa pagpasok. Oy, kayong tatlo riyan sa unahan, alam n'yo na ang gagawin kapag natumba si Sania, ha? Bubuhatin, tapos ihahagis palabas!"

Iyong hawak kong panyo ay ipinamitik ko kay Lourdell. Siraulo rin ang babaeng 'to, e.

Parang tanga 'tong mga kasama ko. Talagang pinalibutan nila ako sa pag-akyat namin ng bus. Si Lourdell nga ay nakahawak pa sa bagahe ko. Masasampal ko yata ang mga buwisit. Ginagawa nila akong taga-bundok na 'di sanay sa siyudad. Kung sana'y hindi gano'n kabaho at kalakas ang air-conditioning ng sasakyan, siguro, makasu-survive ako.

Nagtungo kami sa pinakadulong bahagi ng bus para tabi-tabi kaming makaupo. Agad na nagpunta si Jhoma sa tabi ng bintana at inilapag ang dalang bag. Bago pa 'ko makaupo sa tabi niya ay inunahan na ako ni Lyca, ayaw yatang makatabi si Ailyn. Kaya doon pa lang naupo sa gawing kanan ko ang huli nang makaupo ako sa tabi ni Lyca. Sa kabila niya ay umupo naman si Lourdell at katabi ni Isabelita ang bintana sa gawing kanan.

Kaagad akong naglabas ng panyo para maitakip sa 'king ilong. The cool breeze of smelly air is already getting into me. Tingin ko'y 'di na 'ko magtatagal.

"Sania, o. Bonamin." Inabot sa akin ni Isabelita ang isang tableta niyong gamot. Nginitian ko siya at kinuha ang kaniyang ibinibigay upang kaagad nang mainom.

"Wala bang nagdala ng snacks sa inyo?" tanong ni Lyca habang nag-a-apply ng foundation sa kaniyang mukha. Pinanood ko lang siya hanggang sa pati pulang lipstick ay makapagkabit siya sa kaniyang manipis na labi.

"Ako, mayro'n!" Malapad ang ngisi ni Lourdell. "Kaso 'di ako mamimigay!"

Iyon at naghanap kaming lahat ng maibabato sa kaniya. Siraulong nilalan.

In the end, sa tulong ng mapanakit na si Ailyn, inilabas ni Lourdell ang dalawang naglalakihang wrapper ng chichirya. Sinaktan kasi ng husto ni Ailyn kaya bumigay.

Isang Chicharon ni Mang Juan at ang isa naman ay Moby Caramel. Naglabas din si Jhoma niyong Pik-Nik kaya lahat kami ay ngumunguya habang nanonood ng TV. Of course, we made sure that Ailyn and I filmed some for our vlog, para may bago na namang upload sa YouTube channel naming 'di na namin masyadong nabibisita. Naging busy kami kaya ganoon.

'Di rin nagtagal ay pare-parehas kaming nakatulog habang sakop na sakop ang likurang bahagi ng bus. Siguro ay dahil na rin sa traffic, halos limang oras din ang naging biyahe at nagising naman ako sa huling oras n'on. Hindi na ako natulog ulit para makapagpara ako kapag naro'n na kami sa aming destinasyon na siya namang ginawa ko nang sa wakas ay nakarating na rin kami.

"Kainis! Nakatulog ako, 'di ko natapos 'yong Jack 'n Popoy!" iritadong anas ni Ailyn habang naninipa ng liit-liit na bato sa 'ming paglalakad.

"Wala ngang nakatapos sa atin, e. Arte mo naman." Umikot na naman ang mga mata ni Lyca.

"E, bakit ka ba nakikisabat? Kausap kita?"

"Pake mo? Maganda ako kaya sasabat ako!"

"Sino'ng nagsabi sa 'yong maganda ka? Asa ka naman!"

"Ha! Inggit ka lang kasi!"

"Wala kaming pakialam ng bangs ko sa 'yo!"

"Wala kang bangs, tanga!"

"'Di ka maganda, puwe!"

"Puwede bang manamihik na muna kayong dalawa? Please!" Iyon at napakli na nila ang pasensiya ni Jhoma.

Umiling na lang ako at tahimik na nanguna sa paglalakad. Aywan ko ba kung bakit pinakikisamahan ko pa rin ang mga nilalang na 'to. Panahon na siguro para kalimutan ko na sila.

Sabi nang sabi si Lourdell; nagkukuwentuhan pa rin yata silang dalawa ni Isabelita. Tahimik na iyong dalawang nag-away kanina. Nang lingunin ko sila ay halos nasa magkabilang dulo ng kalsada ang dalawa at parehas na nakasimangot.

"Pangatanda na, 'di pa umayos," narinig kong bulong ni Jhoma nang makasabay siya sa 'king paglalakad. Tulad ko ay nakatingin din siya sa dalawa.

"Hayaan mo. Hindi sila sina Lyca at Ailyn kung hindi gan'yan ang mga ugali nila." Yumuko na lang si Jhoma sa tinuran ko. Marahil ay na-realize niya rin iyong gusto kong iparating.

"Saan ang lugar na 'to? In all fairness, tahimik, a?" nakasibing komento ni Ailyn habang inililibot ang paningin sa tahimik na kalsadang binabagtas namin, lahat kami ay sa sementadong kalsada nagmamartsa.

Mga talahiban lamang ang makikita sa magkabilang bahagi ng daan. Liblib na ang lugar na binabaan namin at madalang na lang na puntahan ng mga tao lalo pa't wala kang makikitang bahay kahit saan ka tumingin.

"Saan ba tayo magka-camping?" tanong ni Jhoma. Hindi ko siya sinagot. Natatanawan ko na iyong kanto at ang malaking karatula sa bungad niyon.

"Saan ba rito, Sania? Parang wala naman tayong patutunguhan dito!" bulyaw ni Lyca na siyang sumabay na sa akin sa paglalakad.

Tulad nina Ailyn at Jhoma ay hindi ko rin siya pinansin.

May kalayuan ang nilakad namin mula sa kanto, kaya ang apat sa mga kasama ko ay panay ang reklamo at halos ayaw nang tumuloy, liban kay Isabelita na tahimik lang. Napapangiti na lang ako. Mabuti pa ang isang 'to.

"Ano? Dito na ba?" Pinagtaasan ako ng kilay ni Ailyn noong huminto ako't hinarap ko sila.

Ngumisi ako at pinalingon silang lima sa kanilang gawing kanan. Isang malapad at matayog na posteng kahoy na may nakapakat na malaking karatula ang bumungad sa mga mata nila.

"Forest of Wonder!" sabay-sabay nilang sigaw, animo'y aatakihin ang apat dahil sa nabasang mga salita sa malapad na karatula. Si Isabelita nga lang yata ang nagulat na hindi nag-ingay.

"Yes!" Halos mapapalakpak pa ako sa tuwa dahil sa mga reaksyon n'ong apat. It was so amusing!

"Sania ... Sania!" Naii-stress na hinilamos ni Ailyn ng palad niya ang kaniyang mukha. "Sadista ka bang talaga, ha!"

Mukhang balak niya pa nga na magwala at pigil lamang ang kaniyang sarili na pagbuhatan ako ng mga kamay.

"Alam mo bang delikado sa lugar na 'to?" kunot-noong sabi ni Jhoma.

"Oo nga! Hindi mo ba alam iyong mga bali-balita? Na lahat daw ng pumasok sa gubat na 'to, hindi na raw nakabalik!" bulyaw naman ni Lyca, tumango-tango si Ailyn sa kaniyang tabi habang kagat-kagat ang hinlalaki nito.

"Uwe?" Napaurong akong bigla. "Talaga?"

Pakiramdam ko ay nagkislapan pa ang mga mata ko dahil sa mga impormasyong narinig mula sa kanila.

E, kaya naman pala "The Forbidden" ang isa pang tawag sa lugar na 'to! I knew I should've done more research!

"Dapat alam ko na 'to, e! Dapat ... dapat alam na natin na kapag si Sania na talaga ang nagpasya, either mapapahamak tayo o dadalhin tayo sa delikadong lugar!" sikmat ni Ailyn. "Pinapasakit mo ang bangs kong babae ka!" gigil pang dagdag niya.

"Guys, please. Para naman 'to sa documentary compilation natin, e." Nagkibit-balikat ako at inakbayan si Jhoma. "Kailangan nating maiangat ang bandera ng club natin para mas marami pa'ng sumali! After all, malapit na ang graduation natin. This will be our last travel as senior high students."

Tumayo ako ng maayos at mahinang dinibdib ang aking sarili ng kaliwa kong kamao at mas lalong idinikit sa akin si Jhoma.

Nilingon ko ang katabi ko at masamang tingin niya kaagad ang sumalubong sa akin. Nginitian ko lamang siya at muling binalingan ang iba.

"Bilang seniors, kailangan nating iwanan ng magandang istorya't halimbawa ang mga maiiwanan nating miyembro sa 'ting club! Let us be a good role model!" dagdag ko pa na puno ng determinasyon.

"He! Baliw ka, Sania! Baliw!" Pinanlakihan ako ng mga mata ni Lyca. "May pa-role-model-role-model ka pa, e, kung matigok tayo sa lugar na 'to, ha?"

"Basta ba, tuloy ang pangako natin sa isa't isa na tabi-tabi tayo sa kabaong na paghihimlayan natin," sabi ko at pagak na tumawa nang may sumagi sa isip ko.

Naalala ko tuloy ang mga kabaliwan naming kasunduan sa isa't-isa. Mga loka-loka kasi 'tong kasama ko noong mga panahong nasa elementarya pa lang kami ay gumawa na ng bucket list para sa aming magkakaibigan.

Gusto kong sabihin na gumagawa kami ng mga gsnoong kasunduan, hindi dahil ayaw naming magkahiwa-hiwalay kami, kundi dahil sa kaisa-isang kasabihan sa aming grupo na hindi puwedeng maputol...

"Kamalasan ng isa; kamalasan ng lahat."

At isa na sa mga kasunduan namin ay ang tabi-tabi raw kami sa kabaong kapag namatay kaming lahat sa iisang aksidente. Si Lyca ang pasimuno n'on.

"Payag ako, basta, kulay pink ang kabaong natin." Sabay-sabay kaming tumingin kay Ailyn noong sabihin niya iyon.

We are all wearing our straight face.

"Iyan na naman ang pinkeuphilia niya," pabulong na sinabi ni Lyca.

Sa sobrang kaadikan ni Ailyn sa kulay pink ay napangalanan ko nang 'pinkeuphilia' ang adiksyon niya. Hindi na kasi normal at nakakaumay na ang pagkahilig niya sa kulay rosas. Ang sakit sa mata kapag naka-overall pinky pop siya.

"Oo ba! Basta, tara na!" nakangising saad ko na lang. Pinilit kong alisin ang tonong-tagumpay sa aking boses.

Ayos! Madali talagang utuin ang mga 'to.

Ako ang unang nakabawi at nauna nang pumasok sa masukal na daanan patungo sa loob ng gubat, nahihinuha ko sa 'king likuran ang pagsunod nila.

"Kapag may nangyaring masama sa 'tin dito ay alam n'yo na ang dapat na pagbuntunan ng sisi," anas ni Lyca sa bandang likuran, ramdam ko rin ang kapit ni Ailyn sa aking balikat.

"Oo! Basta ako, gagawa na ako ng dying message mamaya. Si Sania ang ituturo kong salarin," sabi ng huli at mas lalong humigpit ang kapit sa akin nang may nagdaanang grupo ng mga maiingay na ibon sa itaas namin, halos mapaupo kaming lahat sa sobrang gulat.

"Sania, umuwi na lang tayo! Ayoko na rito!" mangiyak-ngiyak nang sabi ni Lyca, nakayakap na siya ngayon kay Jhoma.

"O, sige. Mauna na kayo, tutuloy ako," saad ko at muling ipinagpatuloy ang paglalakad, pero sa kabila ng pagmamaktol nila ay nagawa pa rin nilang sumunod sa akin.

Iyan! Gan'yan ang mga tunay na kaibigan!

'Tsaka, hindi ba nila maramdaman na napaka-exciting ng nangyayaring 'to? Wala pa man ay naiisip ko na ang ilalagay na pamagat sa issue na ilalabas namin matapos ang camping namin.

"Baliw ka talaga! Anong tingin mo sa amin, mang-iiwan!" Hindi ko na pinansin si Ailyn noong hinampas niya ang balikat ko at baka magantihan ko siya ng 'di oras.

Kailangan kong maging kalmado sa lahat ng oras. Kung delikado ang lugar na 'to, puwes, mas delikado sila sa akin. Maraming nagsasabing mabigat daw ang mga kamay ko.

Rinig na rinig ang malulutong na pagkabali ng bawat tuyong dahon at sanga na madaraanan namin sa masukal na daanan sa gitna ng gubat. Katanghaliang tapat pa lang ay makulimlim na sa loob ng gubat dahil sa rami at pagkakakumpol ng mga puno sa paligid. Ang mga dahon niyon ay maiging ikinukubli ang araw upang hindi makasilip sa loob ng gubat. Suwerte na nga lang at may iilan pa ring liwanag ang nakakalusot sa mga malilit na espasyong natitira.

"Putragis naman, Ailyn! Layuan mo nga ako!" narinig kong sinabi ni Lyca sa likuran, mukhang nag-aaway na naman sila. Napabuntonghininga na lamang ako at pilit na nagbingibingihan.

"Aba! Ikaw 'tong didikit-dikit sa akin, e!"

"He! Binabaliktad mo pa 'ko! Putragis ka!"

"Aba! Hayop na 'to, ano ba talagang hanap mo? Away o gulo?"

"Sige! Magsapakan na kayo! Pinaghihintay n'yo pa kami, e!"

"Hoy! Magtigil na nga kayong dalawa riyan! Sania, o!"

Hindi ko pinansin ang tawag sa akin ni Jhoma at mas inigihan pa ang paghahanap ng matitigilan namin kung saan ay p'wede kaming magtayo ng aming tent.

Aywan ko ba kay Jhoma kung bakit hindi siya masanay-sanay sa dalawa. Maganda nga ay magkarambolan na lang iyong mga 'yon para may entertainment naman kami kahit na paano.

Inangat ko ang itim na camera na kanina pa nakasabit sa aking leeg para manguha ng litrato sa bawat madaraanan namin. Ito na lang ang pagkakaabalahan ko dahil halata namang malayo-layo pa ang lalakarin namin.

I saw various piece of beauty inside this forbidden place. Ang iba't ibang kulay ng ibon sa itaas ng mga sanga, mga malilit na hayop at insekto, at iba pang kakaibang bagay ay nakasalubong namin sa paglalakad. They were all so adorable and beautiful that I couldn't stop myself from clickin' and clickin' the button of my camera.

Now, I'm wondering why did they forbid this forest? It's so beautiful and I don't even sense any danger in it.

Pero kahit gayon ay hindi pa rin ako kuntento. Gusto ko pang makakita ng mas maganda—mas mahiwaga sa lugar na ito.

"Sania ... ayoko na," naiiyak nang maktol ni Ailyn sa aking tabi.

Pare-parehas na lang kaming napahinto sa paglalakad noong tuluyan na itong napaupo sa maruming sahig ng gubat.

"Hindi na namin kaya." Suminghap si Lyca at maluha-luhang tumabi sa pagkaka-squat ni Ailyn.

"Ano nang gagawin natin? Tingnan mo, wala pang signal." Itinapat ni Jhoma sa akin ang screen ng kaniyang cellphone, wala ngang signal at halos ala-siete y medya na ng gabi.

Hindi ko man lang napansin ang oras na nagdaan sa sobrang pagkalibang ko sa mga bagay na nakikita ko sa paligid namin.

"Uy, huwag naman kayong ganiyan, kaunti na lang, magtiis pa kayo," pamimilit ko sa dalawang nakaupo at ginaya rin ang pagkaka-squat nila.

"Ang bigat na nga ng mga dala ko, ganito pa kalayo ang nilakad natin. Sa tanang-buhay ko, ngayon lang ako nakalakad ng gano'n kalayo! Ikaw ang may kasalanan nito, Sania!"

Pinangunutan ko ng noo si Ailyn. Ba't ko naman kasalanan, e, willing siyang sumama?

"Sige na, Sania. Iwan mo na kami, iligtas mo na ang sarili mo—aaack!" Umakto si Lyca na naghihingalo, nagawa niya pang mahiga sa sukal sa ginagawa niyang pagda-drama. Dinaganan siya ni Ailyn at mas lalo siyang isinubsob sa lupa.

"Mga sira!" Natatawa ko siyang hinila patayo, pati na rin si Ailyn. Muntik na namang mag-away iyong dalawa.

Tumayo ako at nag-inat-inat. Nagtatakang nakatitig sa akin iyong lima.

"D'yan lang kayo, saka magpahinga na kahit sandali. Ako na lang muna ang hahanap ng open field para makagawa na tayo ng camp fire natin at makapagtayo na rin ng tent," sambit ko habang ibinababa ang dala kong bagahe.

Nang maibaba ko nang tuluyan 'yon ay doon ko pa lang naramdaman ang kirot sa balikat ko dulot ng ilang oras kong dala 'yon sa 'king balikat at likuran.

"Sure ka? 'Di mo na kailangan ng kasama?" tanong ni Isabelita, halata na sa tono niya na nag-aalala siya.

"Oo naman. D'yan na lang kayo," sagot ko at nag-unat-unat pa.

Matapos kong makapag-stretch ay tumango at nagpaalam ako sa kanila na tanging dala lamang ay ang cellphone ko na kasalukuyang nakabukas ang flashlight para mailawan ko ang madilim kong dinaraanan.

Gabing-gabi na at iba't ibang huni ng kung anu-anong hayop, ibon o kulisap ang naririnig ko sa paligid, but that didn't faze me a bit, it actually excites the living daylight out of me.

Ang pagdampi ng malamig na simoy na hangin sa naka-expose kong balat sa aking leeg at mga braso ay nagpapataas ng mga balahibo ko.

I am completely enchanted in this adytum...

Eight thirty-seven...

Napabuntong-hininga na lang ako nang makitang magkakalahating-oras na nang iwan ko ang mga kaibigan ko, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong napatutunguhan. Paniguradong natatakot at nag-aalala na ang limang 'yon.

Tumingin ako sa langit nang makita kong pagtagal ay bahagyang lumiwanag ang paligid ko, iyon at may malaking siwang na pala ang mga puno at nakatutok sa kinatatayuan ko ngayon ang bilog at napakalaking buwan.

Napangiti akong bigla at walang pag-aalinlangang kinuhanan ng litrato ang napakagandang tanawin.

Sabay sa paglalakad ko ay nakasunod sa akin ang buwan, parang binabantayan talaga ako niyon at pinapagaan ang paningin ko sa paligid sa kabila ng flashlight na itinututok ko sa daraanan. Para bang itinuturo ng liwanag nito ang tamang landas na dapat kong tahakin.

Lalo pang tumatagal ay napapansin ko nang paubos at pakaunti nang pakaunti ang mga puno sa magkabilang gilid ng patyong dinaraanan ko. At nang maubos na nang tuluyan ang mga madaraanan kong matatayog na puno ay alam kong narating ko na rin ang isang hangganan ng gubat. Mukhang tagumpay kong narating ang isang dulo nito.

I was in complete awe nang isang mababang burol ang bigla ay sumalubong sa 'king mga mata. The view of the bright moon behind the hill that came in a silhouette ... it was so enchanting.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at itinapat ko na naman ang lens ng camera mula sa 'king harapan para makuhanan ang magandang tanawin.

Napakurap-kurap ako at tinitigang maigi ang tanawin sa harapan ko at ang litratong aking kinuhanan.

Am I seeing things?

The moon ... its light is in the color of blue.

Excitement rushes in every route of my veins. Lima? Anim? Pito? Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong kinuhanan ng litrato ang tanawin sa 'king harapan. Lahat ay sa iisang anggulo lang nakatutok, ngunit pakiramdam ko ay sapat na iyon para mapigilan ko ang bawat kong paghinga.

Sobrang ... ganda.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang tsine-check ang mga litratong nakuhanan ko—

Kumunot ang noo ko nang may mapansin akong kakaiba sa litratong aking nakuha.

May nakatayong isang puno sa itaas ng burol, pero hindi iyon sa mismong tuktok nakapunla kundi ay nasa gilid lang. Bukod pa ro'n ay may kakaiba pa sa mismong tuktok ng burol.

Pakiramdam ko ay nagtaasan ang balahibo ko sa batok, nakagat ko pa ang ibabang labi ko sa sobrang pananabik ko sa pag-akyat ng burol.

Hindi mahirap umakyat sa burol dahil hindi naman madulas doon at hindi gano'n katayog. Dali-dali kong ibinulsa ang cellphone kong kanina ay nakaipit sa kaliwa kong kili-kili at mahigpit na hinawakan ang camera sa 'king mga kamay habang tinutunton ko ang tuktok.

Totoong nagbunyi ang loob ko nang makita ko nga ang mali sa burol, dahil sa liwanag na dala ng buwan ay kitang-kita ko ang may kalalimang hukay roon, perperkto ang pagkakahukay na ang hugis ay tama lang para sa isang tao. Pero ang pananabik ko ay nawala nang mapagtanto kong may labing nakahimlay roon. Halos mapahiyaw ako sa gulat.

Halos buong parte ng aking katawan ay nanginig dahil sa nakita ko sa mga oras n iyon. Ang kamay ko'y nanlamig at malakas na dagundong ang narnig ko sa 'king tainga.

Noong una ay hindi ko alam ang dapat kong gawin, pero sa huli ay napagpasiyahan ko pa ring mas lalong lumapit sa hukay at mas maiging titigan ang katawang nakahimlay sa lupa.

P-Patay?

Samut-saring katanungan ang nasa isip ko habang mariing pinagmamasdan ang katawan sa 'king paanan.

Gaano na ba katagal ang katawang ito rito? Patay na ba ito? Pero parang hindi naman! Wala akong makitang senyales na humihinga pa ito, pero mukhang wala naman ito sa stage ng decomposition. Mas mukha pa akong nakakakita ngayon ng isang tulog na mannequin.

Nag-squat ako para mas lalong matitigan ang mukha ng taong nakahiga sa harapan ko, at sa pagkilatis ko ng kabuuan nito ay noon ko pa lamang napagtantong may mali...

Kasi puti ng niyebe ang buhok ng nilalang na ito, may mga kakaibang tainga sa tutok ng kaniyang ulo. Aside from that, there were these fluffy and furry things around his body, embracing him protectively.

Hinawakan ko ang mababalahibong bagay mula sa kaniyang nahihigaan at binilang iyon.

Siyam. Siyam na puting mababalahibong bagay ang nakapulupot sa katawan nito na parang nagpoprotekta rito.

I fought against my mind ... kalahating porsiyento ay gusto kong tumakbo na lang paalis, at ang kalahati ay pinagagana at kinokontrol ng kuryosidad ko sa 'king katawan. Gustong-gusto kong malaman kung tao ba talaga 'tong nasa harapan ko ngayon o kung totoo ba 'tong patay na ... at kung hindi man...

Anong klaseng nilalang siya? Sino siya?

Magkahalong takot at pananabik ang bigla ko na lang naramdaman. Unti-unti ... hinawakan ko ang isa sa puting tainga ng nilalang na nakahimlay.

Halos takasan ako ng buhay nang maramdaman kong gumalaw 'yon. Sa isang iglap ay isang mahigpit na bagay ang kaagad na lumukob sa aking kamay galang-galangan.

My eyes almost fell out of their sockets, especially, when I clearly saw how this creepy-looking dead creature opened his eyes, in which, a pair of golden eyes were revealed through the light of the round moon from above. It froze me.

Nagkatitigan kami nito.

That deep smokey golden orbs didn't even spare a single blink, samantalang ako ay ulit-ulit ang pagmulat at pagpikit, lalo pa nang ang kaninang akala ko ay patay ... ay tuluyang nagsalita.

"Hoy, mortal ... bitiwan mo ang tainga ko."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login