Download App

Chapter 3: The Encounter

Gray's POV:

Pagkauwi ko palang sa bahay ay agad akong binato ng mga tanong ni mom at dad. Paano ko ba sasabihin sakanila kung anong nangyare sa first day ko? Matutuwa ba sila kung malaman nila na may mga kaibigan na ako? May mga kaibigan na nga ako kaso puro lalake naman. 

F L A S H B A C K:

"Hello" nagulat na lang ako nung may bumulong malapit sa tenga ko. Hindi ko napigilan sumigaw ng malakas kaya napatingin saamin si Miss. Naiinis na lumingon ako sa bumulong saakin ngunit agad rin nawala yun dahil nakangiti siya ng matamis saakin na para bang wala siyang ginawa.

"Bakit mo ba ginawa yun?" tanong ko sakanya pero parang bulong lang ang kinalabasan nyun.

"May problema ba Miss Ashton?" nakuha nalang ni Miss ang atensyon ko  nung nagaalalang nagtanong siya saakin. 

"Wala naman po. Sorry po" nahihiyang ngumiti ako sakanya. Sinuklian niya rin naman ako ng ngiti at bumalik sa pagtuturo.

Tinignan ko ulit yung bumulong saakin kanina, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nakatitig pa naman siya saakin. I find him cute but at the same time creepy. 

Hindi ko alam pero unang beses 'to na lutang ako at walang maintindihan sa tinuturo ngayon.  

Lumipas ang ilang oras ay nakarinig nalang ako ng tunog ng bell na naglalarawan na tapos na ang klase.

Dali-dali naman ako tumayo para lumabas. Pagkaalis ko palang sa room ay agad akong napabuntong hininga. Hindi ko alam pero ang hirap lang huminga kapag may mga nakatitig sayo ng matagal. Ganun ba talaga yun? Siguro nga naiilang ako hindi naman kasi ako sanay na pinagtitinginan ako.

Dumiretsyo na ako sa cafeteria, pagkapasok na pagkapasok ko palang ay nakuha ko na atensyon ng iba. Napayuko naman ako dahil dun.

Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan at diretsyong bumili ng pagkain.

Agad akong pumunta sa bakanteng lamesa sa pinakadulo. Pero bago pa ako makaupo at makakain ay may pumigil saakin.

"Hi! Ikaw yung kaklase ko diba? Yung transferee?" nakakunot ang nuo ko na nakatingin sakanya. Obvious ba?

"Ako nga yun. May kailangan ka ba saakin?" nagtatakang tanong ko sakanya at sabay na umupo. Nakakangalay na tumayo.

"Ako pala si Kriston. Pwede ba kita maging kaibigan?" tanong niya saakin sabay lahad ng kamay para makipag hand shake.

Agad naman akong napatingin sakanya at nagtaka.

"Hindi ka natatakot saakin? Bakit ako ang gusto mong maging kaibigan?" takang tanong ko sakanya. Nagdududa ako pero hindi rin mawawala na masaya ako dahil may gustong kumaibigan saakin.

"Bakit naman ako matatakot sayo? Ang bait mo nga. So, magkaibigan na ba tayo?" nakangiting sabi niya saakin at nilahad ang kamay niya ulit sa akin.

"Friends." Matamis na ngiti ko sakanya. Napansin ko naman na parang namula ang mukha niya.

"More than friends." sabi niya at tinignan ang mata ko. Ha? What does he mean by that? Para bang bestie kami ganun?

Napansin niya ata ang pagtaka ko kaya nagsalita siya para magpaliwanag.

"I mean bestfriends." ngumiti siya saakin at tinangal na ang kamay niya sa kamay ko.

"I see. Thank you for being my friend. Would you like to eat lunch with me?" Nakangiting yaya ko sakanya.

"S-Sure" Nauutal na sabi niya at hindi parin inaalis ang titig saakin.

Paupo na dapat siya ng may tumawag sakanya.

"Kriston. What do you think you're doing?" rinig kong tawag ng boses lalake kay Kriston.

"Making friends" nakangiting sabi ni Kriston sabay tingin dun sa lalakeng tumawag sakanya.

Napansin ko na tinitigan ako nga matalim ng lalake. Walang emosyon siyang nakatingin saakin. May galit ba siya saakin? May ginawa ba akong masama sakanya? Ganun na ba ako kapangit?

Naputol yung titig niya ng mas madaming lalake naman ang pumunta palapit sakanya.

"Nako. Mukhang matinik yung isa dyan" sabi ng lalakeng kulay brown ang mata at buhok. He looks like a baby

"Iba ren talaga si Kriston, pare." sabi naman ng lalakeng may tattoo sa leeg. Pwede ba yan?

"Shut up. Umalis na tayo dito. I want to sleep fuckers" sabi ng lalakeng nakapikit. Fuckers? Anong ibig niyang sabihin? Fuck ba yun? Diba masama yun?

"Shut up, Cole. Can't you see may bata dito?" sabi naman ng lalakeng may piercing sa tenga.

"Oo nga. Kayo talaga pasensya na binibini." sabi naman ng lalakeng may salamin sa mata.

"Okay lang" mahinhin na sabi ko sakanya at nginitian siya.

"Ang ganda mo naman binibini. Walang makakapantay sa iyong ganda" sabi niya at hinalikan ang mga kamay ko. Agad ko naman iniwas yun at namumulang umiwas ng tingin.

"Hoy andrei! Huwag mo nga landiin si Helena!" narinig kong pangaral ni Kriston dun sa lalakeng nakasalamin.

Lumingon naman ako kay Kriston at nakita ko na binatukan niya yung lalake.

"Sorry nga pala sakanila, Helena." napangiwi naman ako sa tawag niya saakin. Ang weird naman pakinggan.

"Ito pala ang mga kaibigan ko. Siya si Andrei, ang pinakamaloko saamin." pagpapakilala niya naman sa lalakeng humalik sa kamay ko.

"Ito naman si Cole. Sorry nga pala kung narinig mo siya magmura. Siya ang pinakamaantukin saamin." pagpapakilala niya sa lalakeng himihikab na.

"Ito naman si Cypton. Mukha lang siyang adik pero mabait yan." pagpapakilala siya sa lalakeng may tattoo sa leeg.

"Yung lalakeng may piercing sa tenga. Siya naman si Jonas. Lumayo ka dyan, bad influence yan sayo" nakangisi lang yung lalake saakin. Nakakailang naman.

"Ito naman si Rendeyl. Pinakabunso saamin" pagpapakilala niya sa lalakeng brown ang buhok at mata.

"Ito naman si Jayred. Ang captain namin sa basketball" sabi niya sabay akbay sa lalakeng matalim ang titig saakin.

"Ibig bang sabihin, pwede ko rin sila maging kaibigan?" masayang tanong ko kay Kriston.

"Pwede na-" naputol naman ang sasabihin ni Kriston.

"No" sabi naman nung Jayred.

"Why not?" parang maiiyak na sabi ko. Ayaw niya ako maging kaibigan? Siguro nga si Kriston lang ang magiging kaibigan ko.

"I want more than that" sabi niya saakin at tinitigan pa ako malalalim. Para niya akong kinakain sa titig niyan yan. Nakakailang.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sakanya. Gusto niya rin ba maging bestie kami?

"Nevermind" sabi niya at nginisihan siya ng mga lalakeng kasama niya.

Naputol yung pagiisip ko ng umupo sila at sinabayan akong kumain. Ang awkward naman. Ang tahimik.

Napansin ko na tahimik rin yung mga tao sa loob ng cafeteria. Pinapanood ba nila kami? Impossible naman hindi naman kami pelikula.

Naputol lang yung katahimikan ng may mga pumasok na mga lalake na maiingay sa loob ng cafeteria.  Napansin ko na parang sumeryoso sila Kriston. Tinignan ko yung mga bagong dating, yung isa sa mga lalake ay yung nanggulo saakin kanina.

What is this tension? But I'm glad I have friends now. I'm thankful even though that Jayred guy doesn't consider me as a friend.

END OF FLASHBACK

"Mom, I have friends now but...." sabi ko sakanya at naghehesitate na sabihin sakanya.

"But?" tanong naman saakin ni Mom.

"They're bunch of boys" sabi ko sakanya

"Yun naman pala. Anong ikinakatakot mo? As long as friends lang muna. Okay ba? Diba dad?" sabi ni mom at nagtanong kay dad.

"Yes. Wala naman problema but be careful of boys. Hindi mo alam kung ano ang nasa utak nila. But still proud kami sayo, anak." nakangiting sabi ni dad at nagthumbs up pa.

Niyakap ko naman silang dalawa. How I love my parents. Hindi ko kakayanin na mabuhay ng wala sila.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login