Download App

Chapter 41: Chapter 39

Chapter 39

Hila-Hila ako ni Zac papunta sa Roof Top. At kahit hindi ko alam kung anong gagawin namin doon ay hinayaan ko nalang s'ya hatakin ako kung saan nya'ko balak dalhin, Dahil ito nalang ang tangi kong paraan para makausap siya sa nangyayari patungkol samin.

Wala ng mga Estudyante sa daan kaya mabilis kaming naka-ayat ng Roof Top. Kaya nang makarating na kami doon ay agad niya 'kong binato pa-ere dahilan para magkaroon ng pagitan samin.

Sinasampal ako ng lakas ng hangin. Dahilan para tangayin ang aking buhok, kaya humaharang ito sa mukha ko habang pinag mamasdan ko si Zac na papalapit sakin na may mabagal na paglalakad.

Huminto si Zac sa harap ko at wala akong nagawa kundi ang mapatanga. Hindi sya umi-imik o naglalabas ng ano mang salita, kaya wala kaming ginagawa na dalawa kundi ang mag titigan.

"Zac," Sambit ko sa pangalan niya ng tulungan nya'ko alisin ang mga takas kong buhok sa aking mukha. Dahan-Dahan nyang pinapa punta sa likod ng aking tenga ang bawat pilas ng aking mga takas na buhok. Nginitian niya ako pagkatapos. Dahilan para mapa-iyak nako sa di malamang dahilan.

Pinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Niyakap ko agad siya habang patuloy lang ang aking mga luha sa pag bagsak.

"Nathan, Mahal kita. Iyon ang totoo, Simula una hanggang ngayon. Mahal kita, Mahal na Mahal." Pagsisiwalat niya ng kanyang nararamdaman na mas lalong nagpakirot sa aking puso. "Zac mahal 'din kita. Mahal na Mahal, Alam mo iyan."

Napatigil siya. "Pero bilang matalik na kaibigan lang yang pagmamahal mo sa'kin diba?" Pranka nyang tugon sa aking panayam kaya mas lalo ko syang niyakap ng mantindi at inalo, Para kahit papaano ay mabawasan ko sa aking paraan ang sakit na dulot ko sakanya.

Hindi na'ko nagulat nung aminin sakin ni Zac na may pag tingin siya sakin umpisa palang. Ramdam ko na yon at ipinapakita n'ya din sakin na espesyal ako sakanya sa araw-araw na magkasama kami. Hindi ako Senseless para hindi ko iyon maramdaman.

Sadyang mas pinili kolang magpaka-tanga at mag bulag-bulagan sa matagal na panahon nayon, dahil ayaw kong makita na malungkot at wasak ang lalaking pangalawang nag mahal sa'kin ng buo kasunod sa Daddy ko. Dahil hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal na ibinibigay niya.

Pero mukhang wala rin palang kwenta ang pag ta-tanga-tangahan ko, dahil hindi ko naisip na darating ang panahon at mang yayari't at mangyayari ang bagay na'to kahit anong pilit ko iwasan.

"Sorry Zac, Sorry. Sisihin mo'ko please. Kung iyon ang magpapa-gaan ng sakit na nadarama mo. Please, Ayaw kong nakikita kang ganto dahil sa'kin. Sorry Zac, Sorry." Paulit-Ulit kong sabi para tumigil lang si Zac sa pag-iyak.Dahil awang-awa na'ko sakanya.

Hindi to mangyayari kung naging matapang lang ako at sinabi na sakanya ang totoo kong nararamdaman para sakanya una palang. Na kaibigan lang talaga kami. Siguro kung ganoo'n nga ang ginawa ko. Nakalimot na siya sa'kin ngayon at masaya na sya sa kung anong mang meron sya dapat ngayon.

Pero wala. Mas pinili kong paasahin siya at hindi sya bigyan ng kasiguraduhan kaya kami nasa puntong ito. Kaya, Kung magagalit sa'kin si Zac. Tatanggapin ko. Dahil deserve ko naman talaga yung galit niya.

Humikbi si Zac. "Paasa ka Nathan, Paasa ka. Ang sama-sama mo. Napaka paasa mo." Sumbat niya na parang mga punyal na tumutusok sa puso ko. "Ako naman ang nauna. Pero ba't ganoo'n Nathan? Mas pinili mo sya." Angil niya pa na hindi kona talaga nakayanan tanggapin pa kaya hinarap kona sya sakin para matignan ko siya na mas lalo kong pinagsisihan,

Dahil sa unang pagkakataon. Nakita ko ang gwapo nyang mukha na puro luha ang kabuuan. Mugto ang mata at nanginginig ang mga labi sa sobrang pag-iyak. Magulo ang buhok at malaki ang eye bugs dahil siguro sa araw-araw na pagpupuyat.

Napaiyak ako lalo, habang pinapahid ang mga luhang tumatakas sakanyang mga magagandang mata. "Zac Sorry, I'm very, very sorry if i can't give back your love. Sorry Zac, Sorry."

Bukod sa panghihingi ng tawad ay wala nakong maisip na paraan kung paano papagaanin ang loob ng kaibigan, Dahil ang aking utak ay guilt at paninisisi lang sa sarili ang inaatupag isipin.

Kinapitan ni Zac ang aking dalawang pisngi gamit ang malapad nyang mga kamay. Pinalis nya ang aking mga luha at inayos ang aking magulong buhok, tulad ng dati nyang ginagawa kapag umiiyak ako sakanya patungkol sa mga problema ko sa buhay.

Napapikit ako sa magagaan nyang mga haplos. Dinadama ko ito sa pinaka malalim na magagawa ko. "Ang kinis mo. Ang lambot ng buhok mo. At ang ganda ganda mopa. Hindi ko alam kung paano ako nahulog sa isang lalaki na katulad mo, pero. Kasama yuong mga sinabi ko sa mga rason ko, kung bakit kita nagustuhan. Napabaliko moko Nathan, Iba ka. Kaya hindi nako magugulat kung bakit patay na patay na ata sa'yo yung Koreonong tisoy na 'yon." Ngisi niya sakin na ikinangiwi ko.

"Zac naman," Pout kopa dahil ini-insulto nya si Soyu na tinawanan n'ya lang. "Oh bakit? Diba Koreano naman talaga yung Boss mong yun?" Pagtatanong nya pa na tinunguan ko naman at Napatawa narin. Dahil tama nga naman siya.

"Oh, yun naman pala eh. Kaya diko siya inaasar. Staka mas pogi lang ng unti sa'kin yon Nat-Nat kalamo, Staka mas mayaman ng unti pati matangkad ng unti. Ay basta! Unti lang lamang niya sa'kin!" Pag aatungol niya na sinang-ayunan ko nalang dahil masaya ako sa nakikita kong pinipilit ni Zac maging masaya sa harap ko. At yung pagtawag nyang Nat-Nat sakin. Na miss ko. Ngayon nalang ulit yon lumabas sa bibig nya. Ang tagal nadin.

"Pero Nathan," Pag seseryoso n'ya habang pareho na kaming nakatingin sa papalubog na haring araw at sa u-unting mga ka University namin sa baba na nag sisiuwian na.

" Sana walang magbago sa'tin pagkatapos ng araw na'to, ah. Sana ibalik na'tin yung sigla na dating meron ta'yo. Ta'yo nila Azle, Sana-"

"Zac." Pagtitigil ko sakanya na ikinabigla niya.

Nginitian ko sya bago mag salita. "Hindi sa lahat ng bagay ikaw lagi ang magdadala ng sama ng loob at mag a-adjust para lang sa'min. O para lang sa iba, Dahil mali yon. mali tong ginagawa mo. Lagi mo nalang ako, O kami iniintindi. Paano ka naman!? Paano yung nararamdaman mo? Kakalimutan mo nalang? Na-Naman? Mali yan Zac." Pagpupuna ko.

"May karapatan kang magalit samin kung gusto mo dahil tao kalang. Napupuno. Napapagod. Wag mong isandal lahat ng problema mo sa balikat mo, dahil tao kalang Zac," Pagyayakap kona sa nakatulalang kaibigan. "Tao kalang, Kaya sige lang. Ilabas mo lahat yan. Wag kang matakot mawalan ng kaibigan dahil kahit ano payan, Makikinig ako. Mag i-Istay ako. Papakinggan kita. Iintidihin at Itatama kung mali ka, Kaya sige lang. Magpaka-totoo kalang. Tatanggapin kita. " Huli kong sambit sakanya habang mapait na nakangiti sa kaibigan habang tumu-tungo-tungo.

Mapait syang natawa. Tapos napaiwas ng tingin. "Tangina Nathan, Kilala mo talaga ako. Alam mo lahat. Wala akong maitatago sa'yo." Natatawa nya pang sabi. "Pero hayaan mo nalang akong ganto sana Nathan." Yakap nya pabalik habang nakatingin sa harap namin kung nasaan ang papalubog na si haring araw.

"Sanay na'ko. At Kapag hindi kona talaga kaya, Wag ka mag-alala. Sa'yo ako unang lalapit para maglabas ng sama ng loob. sa'yo ako uuwi. Wag ka mag alala. Pero sangayon, Kaya kopa. Wala to. Ang gwapo-gwapo ko para malungkot sa harap mo. Nakakahiya pati. Kaya susulitin ko nalang ang araw na'to para Yakapin ka, Makipag tawanan sa'yo, Maging ok ulit tayo, at makipag bonding sayo habang nandito kapa sa piling ko. hehe, Baka kasi last kona to dahil nandyan na s'ya." Bulong niya pa sa huli na narinig ko naman. Kaya nakurot ko tuloy siya.

"Aray!"

IInirapan ko siya. "Kahit meron nakong Soyu, Makikipag bonding parin ako sa'yo! Kay Azle! At sa mga iba kopang kaibigan! Maluwag sa'kin si Soyu! Kalamo dyan, Hmp."

Natawa sya, pero sinapak ko lang siya sa dibdib nya. "Ay Sorry naman. Akalako naglalaway na kayo sa isa't-isa ng Koreanong pangit nayon eh,"

"Zac naman! Ang sama mo talaga!"

"HAHAHAHA, Baket! Hindi ba totoo?" Namula agad ako, dahil parang may katotohanan nga naman. peroooo hindi! Bawal umamin. Oo patay na patay ako kay Soyu pero akin nalang yon!

"Ay basta! Ang pangit ng ugali mo! Manood nalang nga tayo ng Sunset. kainis to!" Pagmamaktol ko habang nakayakap parin sa matalik na kaibigan na tawa na lang ng tawa ngayon.

"Basta promise mo muna na dika magbabago, Nathan!" Sambit pa niya na agad ko namang sinagot.

"Oo promise cross my heart hope we don't die. Oh pinky swear pa, Kasama to sa Bible. oh," Hayag ko sa hinliliit ko na ikinangiti nya ng malapad.

"Oh sige, Pinky swear."

"Hihi! Ok na! Promised na'to." Napatawa sya,

"Ikaw talaga."

To Be Continue.....

Hi! Season one of TWSIAB (BL) is already ending! See you in last chapter! Mhauh.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C41
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login