Download App

Chapter 1: Prologue

"Anong ginagawa mo?" maririnig na tanong ng isang babae.

"Kinukuhanan ko lang ng video ang mga nandito sa loob," sagot ng isang lalaki. "Okay, guys. I am here with my friends inside an odd and old facility in our university." Makikita sa video na mukhang napaglipasan na ng panahon at hindi na nalilinis pa ang pasilidad. Natatabunan na ng makapal na alikabok ang mga kagamitan. "As you can see, there are glass chambers with complex connections of metal pipes. Some glass chambers here are already damaged."

"Ito 'yun," maririnig na saad ng isa pang babae. Bumaling sa direksiyon ng babae ang lente ng camera at makikita ang isang metal na higaan na may mga panggapos. Hinawakan ito ng babae at napatigil siya. Ilang sandali ay napasigaw ang babae at napabitiw sa pagkakahawak sa metal na higaan. Nagkagulo sa loob ng silid at naging madilim ang kuha ng camera; subalit maririnig pa rin ang kanilang mga boses.

"Anong nakita mo?" boses ng isa pang lalaki ang nagtanong.

"Masyadong magulo pero nakita kong may kapangyarihan din siya. May nakita rin akong dokumento at parang plano nilang turukan ang maraming tao ng...," Ilang segundong walang maririnig sa recorded video hanggang muling nagsalita ang babae. "Serum. CPH4. 1028? Serum CPH4-1028!"


Load failed, please RETRY

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login