Download App

Chapter 2: Babe for short

SHEIN

"Ilang araw pa kayo mananatili dito?"tanong ko habang nag babalat ng orange.Ginutom ulit ako kanina kaya itong prutas na dala ni Mei ang nilantakan ko.

"Sabi ng doktor,he need to stay for more test.Baka kase matumba siya ulit pag hindi sinuri ulit"sabi ni Mom.

"Hays ibig sabihin hindi ko pa pwedeng makasama si Dad ng matagal.."nagbuntong hininga ako at nag-pout.Kinurot naman ni Dad ang pisngi ko kaya napasimangot ako ng todo.

"Ang cute talaga ng anak ko haha"biro niya pero napangiti ako

"Since birth,Dad"pagmamayabang ko kaya nagtawanan sila ni Mom.Natawa na lang din ako sa kanila.

"Oh Shein,di ba bukas na ang first day of school nyo?Naka prepared na ba lahat ng kailangan mo sa school?"tanong ni Mom .

Nakalimutan kong bukas na pala ang simula ng klase.Haystt,ginulo ko ang buhok ko.

"Ekkkkk I forgot"napailing nalang silang dalawa sakin.Alam kase nila na ayaw ko pumasok sa school.Eh kesyo tinatamad ako eh.

"Hay naku,Kristal Shein.Top ka pa naman sa klase pero tamad ka mag-aral?I don't know why do you always top in your class.."

"Because I'm genius,Mom."

"That's my daughter"sabi ni Daddy.

Ningisihan ko nalang silang dalawa kaya napangiti din sila.

"Sige na,umuwi ka na muna and packed all your things for your first day of school.I already told Nanay Ely about tomorrow"paalala ni Mommy.

"Yes!" nag salute ako sa kanila at hinalikan sila sa cheeks at sinabing aalis na.Hinalikan di nila ako bago umalis.

"BYE!"paalam ko ulit.

Nasa hallway na ako ng hospital at busy sa pagtingin tingin ng mga tao.Mas marami pala ang pasyente ngayon kumpara noon.Medjo lumaki na kase ang hospital ni Tito Klein,daddy ni Meisha.Yes,sila ang may-ari nito kaya noong bata pa kami ay madalas kami dito.

Sumakay na ako nang elevator at Nipindot ang G floor.Haysttt nakalimutan ko naman na magdala ng pera,pamasahe! Tangerns lang, Shein? Ginulo ko ang buhok ko.Patuloy parin ako sa pagdadabog nang may lalaking pumasok.Napatahimik nalang ako dahil baka sabihin nito na baliw ako.

Nasa unahan ko siya.Nipindot niya ang G Floo.Galing din siya sa 6th floor kung saan si Dad.Baka may binisita lang siyang kamag-anak dito.Pinagsadahan ko siyang tignan mula ulo hanggang paa.Likod palang mukhang gwapo na.Mahilig talaga ako sa mga ganitong purmadong lalaki.Pero di ako tumitingin sa estado o itsura,tumitingin ako sa talent at ugali.

Naramdaman niya siguro na tinitingnan ko siya kaya nilingon niya ako.Agad akong tumingin ng deretso sa harapan.Pero akala ko lilingon lang siya pero ganun din ang ginawa niya sakin,pinagsadahan niya din ako ng tingin.Ramdam kong nasa Danger alert na ako.Kaya pagbukas ng elevator ay tumakbo ako palabas.

Pinagtitinginan tuloy akoo ng mga tao na nakasalubong ko.

"Miss,sandali lang!"narinig kong mays umigaw kaya napalingon ako.Nanlaki ang mata ko nang hinahabol ako nung lalaki na nakasabay ko sa elevator.Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at ganun din siya.

"Miss,Sandali lang sabi!"

"MISS!"

"please huminto ka! "pakiusap niya sakin pero di ako nagpatinag.

"WAHHHH TULONG MAY HUMAHABOL SAKIN!!"sigaw ko kaya napalingon lahat ng nakakasalubong ko.Tiningnan nila ang nasa likod ko. Nakarating na kami sa isang masikip at madilim na lugar. Hindi ko alam kung saan na ako.

Medyo malayo na ako sa kaniya ng matinig ko siyang sumigaw nang saklolo. Nilingon ko ito at nakita ko ang dalawang mama na pinipigilan siya.

"Wait! May ibibigay lang ako dun sa babae!" nagpupumiglas ito ngunit dahil mas malakas ang dalawang mama ay di siya nakawala.

Nakaramdam naman ako ng awa kaya agad ko itong nilapitan. "Ahh mga kuya, pwede niyo na po siyang bitawan." pakiusap ko. Akala ko papakawalan na nila yung lalaki pero laking gulat ko nang tinutukan ako nito ng kutsilyo. Napaatras ako sa takot.

"Wag kang sisigaw kung hindi papatayin ko kayong dalawa! Akin na ang lahat ng pera, alahas at gadgets niyo! Bilis!" utos nito samin. Mabilis pa sa alas kuwatro kong hinubad ang alahas sa kamay ko at pati cellphone ko.

Kinuha iyon nung mama sakin saka tinutulan ulit ako ng kutsilyo. "Ibigay mo din samin iyang kwentas mo! Bilis!" utos niya ulit.

Napailing ako. Hindi, hindi ko ito pwedeng iwala. Mahalaga ang kwentas na ito sakin.

"Parang awa niyo na po. Kunin niyo na po lahat wag lang to..." pakiusap ko habang humihikbi.

Tiningnan niya yung lalaking humahabol sakin kanina. "Ikaw, ibigay mo na lahat ng meron ka samin! Bilisan mo kung ayaw mong mamatay ng maaga!"

Hawak hawak siya nung kasama nung mama. Napansin ko din ang bag na nasa kamay niya. Its mine! Panong napunta sa kaniya yan?

"Wala akong perang dala. Wala din akong alahas na mamahalin, itong relo ko nabili ko lang to sa devisoria sa halagang 55 pesos." wika nung lalaki.

Napalabi ako. Tiningnan ko ang relo na suot niya. Walang dudang nagsisinungaling siya kase based on the design, it's Graff Diamonds Hallucinations worth of 55 Million dollars (2,626,185,650.00 in Php peso) Topping the list of the word's most expensive watches. This made up of 110 carats of diamonds. Diamonds of all colors, including Fancy Pink, Fancy Yellow, Fancy Green, and Fancy Blue, and cuts, including emerald, heart, pear, marquise, and round, are combined to create this spectacular timepiece.

Katulad iyon ng wrist watch ni daddy sa bahay. Nakita ko ang ganyang design when I entered his library. Full of collections ang library ni daddy includes the most expensives watches all over the world.

Nagtataka nga ako kung bakit magwawaldas siya ng 2Million para lang sa isang klase na relo.

Back to reality. Nakita kong ngumisi yung lalaki nang bigla siyang sikmuraan nung kasama nung mama. Napangiwi ako dahil parang ako ang tinamaan.

Ngumisi lang ng ngumisi ang ginawa nung lalaki. He must be crazy.. I think.

"Aba! Gusto mo talagang mamataya ano?! Di ka natatakot samin?!" nanlikisik ang mga matang saad nung may hawak na kutsilyo.

"Tss.. you're nothing but a scared cat. Ang totoong matapang kayang lumaban ng patas. Kamao sa kamao, patalim sa patalim, talino sa talino."

"Aba't ! nagmamayabang ka pa ah! Akin ang ang bag na iyan!" akmang kukunin niya ang bag ko dun sa lalaki ngunit mabilis nitong siniko ang mukha nung may hawak sa kaniya at tinuhod ang mamang may hawak ng patalim.

ngayon nakahandusay na sila sa sahig at namimilipit sa sakit.

Nagulat ako ng bigla niya akong higitin at tumakbo kami hanggang sa isang café.

Hinihingal ako kaya naman napaupo ako sa isang bleacher sa daan.

"Are you okay?" napatingala ako sa nagsalita. Yung lalaki, nakatingin siya sakin.

"O-oo. Thank you pala" agad kong iniwas ang paningin ko.

"Tsk! Kung sana huminto ka kanina, edi sana di na tayo napahamak. Ang tigas ng ulo mo eh no?" inis na singhal niya.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo at pinantayan ang tingin niya. Maliit lamang ang agwat ng height namin.

"Excuse me mister! sino kayang tao ang kakausap sa taong di naman nito kilala? and worse hinahabol ka pa!" pabalik kong singhal.

Bumuntong hininga ito "Okay.. okay. I was wrong nung hinabol kita. But trust me, kaya kita hinabol ay dahil isasauli ko to" binigay niya sakin ang sling bag ko.

Tiningnan ko siya ng pagtataka. "Nakita ko yan kanina sa cafe. Nakita kita kanina na nagmamadaling umalis kaya naman di mo nahalatang naiwan mo pala yung bag mo. Sinundan kita para sana isauli to kaya lang wala ka na. Kaya sabi ko pag nakita kita ako na lang ang babalik niyan sayo" mahabang paliwanag niya.

Ngumiti na lang ako. A genuine one. "Thanks by the way."

"No, thank you"

"Oh! Its getting late, I have to go bye!" nagmadali akong umalis ay pumara ng taxi. Sasakay na sana ako nung narinig kong sumigaw yung lalaki.

"Hey! What's your name?"

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti ng matamis "Secret!!" sigaw ko bago sumakay.

Nang makasakay na ako ay may narinig akong kumatok sa bintana kaya binuksan ko iyon. Si lalaki lang pala.

"Di pa ako.nangpapakilala sayo. By the way I'm Cavin Thor Harrington, Babe fo short.." kumindar pa siya sakin at ngumiti.

Ngumiwi lang ako at sinara na ang binatana saka sinabihan si manong na magmaneho. Tsh babe? Ano siya baboy?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login