Download App
96.87% Since Day One

Chapter 31: Thirty 2.0 (The final chapter)

THIRD PERSON'S POV

"Ate, bakit?" tanong ni Meisha nang makalapit siya kay Rielle na naka higa at hinang-hina na.

Kinuha nito ang kamay ng dalaga at hinawakan ng mahigpit "M-May hihili...lingin s-sana ak-ako sa--yo..." putol-putol na wika nito.

Nag-alala si Meisha sa kalagayan ng ate ng kaibigan niya. Wala si Shein ngayon dahil kasalukuyang inoobserbahan ng nga doktor ang kaniyang kalagayan. Habang tumatagal kase ay mas lalo itong nanghihina at namumutla.

"Ano po iyon?" pinipigilan ni Meisha ang luhang nagbabadya.

"S-Si Shein.... h-huwag mo siyang.... pa....baba...ya....an" hinahabol ang hininga nito. Pilit namang pianapakalma ni Meisha si Rielle.

"Ate, kahit hindi mo sabihin hindi ko siya pababayaan. Nandyan kami ni Thor sa kaniya, ate" naluluhang saad nito.

Walang kaano-ano'y biglang pumasok si Thor na tila ba natataranta at hindi alam ang gagawin.

"Ate! Meisha!!" sigaw nito sa dalawa.

Biglang napatayo si Meisha mula sa pagakakaupo at hinarap ang balisang binata. "Thor! What's happening?" naguguluhang saad ni Meisha.

Hinawakan ni Thor ang magkabilang balikat ni Meisha, lumuluha ito "S-Si Shein..... w-wala.... h-hindi na kaya ng mga doktor..."

Tila ba nanghina si Meisha at Rielle sa narinig mula kay Thor. Hindi maipaliwanag ni Meisha ang matinding kalungkutan para sa kaibigan na nakasama niya nang halos isang dekada.

Si Rielle naman ay napaiyak na lamang dahil sa labis na awa sa kapatid. Bigla niyang tinawag si Mei na ngayon ay hindi mawari kung iiyak ba o sisigaw sa sobrang inis sa sarili dahil walang siyang magawa sa kaibigan o iiyak dahil wala na siyang magagawa pa at tanggapin na lamang ang kapalaran.

"Ate?"

"Ibibigay... ko ang... puso... ko kay ... Shein.." habol-hiningang sabi ni Rielle.

Nagulat ang dalawa dahil sa tinuturan ng dalaga. "Ate!!!" napayakap si Meisha sa dalaga at doo'y umiyak. Si Thor naman ay pinagsusuntok ang pader.

"Ate.... bakit? " naawang tanong ni Meisha.

"Mahal....ko.... ang ....kapatid ko--- kaya gu-gusto... ko siyang.... ma-mabuhay... n-ng matagal sa m-mundo....."

Napalunok si Thor bago sumabat "Ate.... alam kong ayaw mong mawala ang kapatid mo, pero... mahal ka din niya, hindi niya kayang mawala ka rin!"

Ngumiti na lang si Rielle sa dalawa. Sa tagal nang panahon na sila'y magkakilala ay itinuring niya na itong mga kapatid. "H-huwag kayong mag... alala.... mai...intindi...han ako ni... Shein..." napahawak siya sa dibdib na tila ba nahihirapang huminga.

Agad na tumakbo palabas si Thot upang tumawag ng doktor. Agad namang rumesponde ang mga tinawag at inobeserbahan ang dalagang nag-aagaw buhay.

"Ate!!" iyak lamang ng iyak si Meisha sa bisig ni Thor. Nahihirapan sila para sa magkapatid na parehong nag-aagaw buhay.

Habang abala sa pag-iyak ang dalawa ay lumapit ang isang nurse sa kanila "Gusto raw po kayong makausap ng pasyente" saad nito.

Napatakbo ang dalawa sa dalaga "Ate? May sasabihin ka?" si Meisha

"Ate, magpakatatag ka, please?" pakisup ni Thor

Ngumiti lamang ng tipid ang dalaga at hinawakan. ang kamay ng dalawa "S-Sana... T-tuparin.. niyo a-ang... h-hiling... k-ko" walang kaano-ano'y nabitawan na ni Rielle ng tuluyan ang kamay ng dalawa at unti-unting nakasarado ng bahagya ang mga mata, naibuga na rin nito ang huling hininga. Napahagulgol si Meisha habang tinatawag ang pangalan ni Rielle na itinuring na niyang ate.

"Ate Rielle!!!" hagulgol ni Meisha.

Inalalayan lamang siya ni Thor na hinang-hina na rin, ngunit kailangan niyang labanan iyon upang may gumabay kay Meisha sa pagwawala nito. "Ate!! Hahanapin ka ni Shein! Ate gumising ka please?!!" pakiusap nito ngunit ubos na ang misyon at oras niya sa mundong ibabaw.

"Time of death, 9:35 am" anunsiyo ng doktor at tinakluban na ng puting tela ang bangkay ni Rielle.

********

Nakatanaw lamang sila mula sa labas ng Operating Room. Kasalukuyang isinasagawa ang heart operation kay Shein.

"Paano natin ipapaliwanag kay Shein na wala na ang ate niya?" biglaang natanong ni Meisha.

Bumuntong-hininga lang si Thor "Hindi ko alam. I suggest that we should tell her slowly until she recovered from her surgery"

"I agree.." malungkot na sagot ni Meisha.

"Bago pa man ,kinausap na ako ni Ate tungkol sa pagbigay niya ng puso sa kapatid. Nung una sinabi kong huwag siyang padalos-dalos dahil makakahanap rin tayo ng donor, pero lingid pala sa kaalaman ko na nakapirma na pala siya ng kasunduan"

Napalingon si Thor sa kaniya "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Ayaw ko lang na pakialaman ang desisyon ni ate dahil buhay niya iyon. Hindi ko naman kase alam na nakapirma na siya!" muling tumulo ang luha niya.

Hinagkan lamang siya ng kaibigan "Shhhh.... masaya na si Ate ngayon, nasisiguro ko."pagpapatahan nito.

Bumukas ang pintuan ng OR at sinalubong nila ang doktor na nagsagawa ng operasyon "Doc, kumusta po ang operasyon?"

Ngumiti ang doctor "Successful ang operation ,she only needs to rest" wika sa dalawa.

Nakahinga naman ng maluwag ang magkaibigan at nagpasalamat sa doktor na umalis na.

"Salamat sa diyos!" masayang wika ni Thor.

Si Meisha naman ay umiyak ng umiyak "Hindi ka talaga nauubusan ng luha ano? Mukha ka ng zombie dahil sa laki ng eyebags mo" biro ni Thor sa kaniya kaya napairap siya na ikinatawa naman ng kababata.

****

SHEIN

Marami akong naririnig na ingay pero hindi ko alam kung saan nanggagaling. Marahil guni-guni ko lang? I tried to move my fingers and it's moving! Akala ko nananaginip lang ako. Posible kayang gumalaw ang daliri kapag nananaginip? Unti unti ko namang binukas ang mata ko, napapikit muli ako dahil sa matinding silaw. Saan ba ako?

"Gising na siya!! Guys, gising na si Shein!!"

Marami na naman akong naririning na boses pero malalabo lahat. What the hell is happening? Am I hallucinating?

"Shein? Can you hear us?"

" Shein! Oh my, gising ka na!!"

"Kristal!!!!! Buhay ka!"

"Baliw! Buhay naman talaga 'yan!"

"Awts edi sorry!!"

"Tumigil nga kayo!"

"Ikaw ang tumigil!"

"Ika-"

Umupo ako mula sa pagkakahiga at tininganan silang lahat. Ano bang nagyayari at nagsisigawan sila? Bumaba na ba mula sa bukid ang mga badjao na ito?

"God!! Napakaingay niyo!" singhal ko sa kanila.

Nanlaki ang mata ng ilan habang ang iba naman ay masaya. "What?" inis kong saad.

Walang kaano-ano'y biglang tumakbo ang isang babae patungo sa akin. "Shein, I 'm glad you're awake!" masayang wika ni Mei.

Ngumiti ako sa kaniya "Siyempre naman! Hindi naman ako si Sleeping beauty na matutulog ng matagal" natatawa kong banggit.

"Okay ka na!!" lumapit din sa'kin ang isang lalaki na babansagan lang natin sa pangalang Alien 2.0 o si Villegas, niyakap ako nito.

"Ako pa!" pagmamalaki ko at yumakap pabalik sa kaniya

Sunod namang lumapit sa'kin ay si Van Gogh na may dalang isang bugkos ng rosas, ibinigay niya iyon sa akin "Roses? For what is this?"

Nagkamot siya ng ulo "Para sa'yo iyan. Pampa welcome" biro niya .

"Salamat" ako

Napalingon kaming lahat sa pintuan nang makarining ng lakas na bagsak. Bag iyon na kulay itim. Napakunot ang noo ko sa lalaking bumagsak no'n.

Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa'kin at bigla akong niyakap. Napatingin ako sa mga tao sa likuran niya na lihim akong kinakantyaw.

Humiwalay siya sa'kin at tiningnan ako gamit ang naluluhang mga mata. What's with him today? He's the only one who's overreacting.

"S-Shein.... Gising ka na" hindi makapaniwalang saad nito.

"Who are you?" tanong ko.

Nakarinig pa ako ng pagsinghap mula sa mga tao at siya naman ay nakatulala sa akin.

"Excuse me?" pinatili ko ang confuse tone ko.

Unti-unti siyang humakbang paatras "B-Bakit? Paano? Puso lang naman ang pinalit sa 'yo 'diba? Balit pati alala mo nabura?"

Nakarinig pa ako ng higikhikan mula sa mga classmates ko, alam na siguro nila ang ginagawa ko.

"Ahmmm.... what are you... talking about , mister?"

Hindi na nakatiis ang iba dahil lumabas na sila. Ang iba naman ay may lihim kaming kinukunan ng video.

Napasinghap at napaupo si Thor sa sahig at tumulo ang luha niya. Okay, I'm doomed!

Umalis ako mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya, hindi niya ako nakita kase nakayuko siya. "Bakit nakalimutan mo ako? Is there something's wrong with me? Ang malas naman yata ng araw na 'to!"

Muntik na akong tumawa ng malakas dahil napaka-dramatic niya talaga.

"It's okay, bro. Minsan kase kailangang kalimutan ang mga alala lalo na kapag masakit. Sorry dahil nakalimutan ko na ang mga kasalanan mo. Sana huwag nang tumulo sipon mo dahil napaka-gross mong baboy ka!!" biro ko sa kaniya.

Napaangat siya ng tingin sa'kin. na nakakunot ang airport niyang noo— joke haha.

"H-Hindi mo ako nakakalimutan?"

"Bakit naman kita kakalimutan? Nagtanong lang ako kung sino ka kanina, and you supposed to answer me with your name! Nagdrama ka pa kase!"

Tumayo siya at tumalikod. Galit ba siya? Oh my god!

Nagulat ako ng bigla nalang siyang lumuhod sa harap ko. "A-Anong...?" natutop ko ang bibig ko nang ilabas niya ang isang kulay silver na singsing na may nakaukit na pangalan doon. Binasa ko ito "Since Day One?"

"Shein, will you be my Wife?"

Mas lalo akong napaiyak ng may tumugtog na kanta,pumasok sina Buknoy, at Meisha na kumakanta at iba ko pang kaklase, pati na siguro ang buong basketball team ay narito rin. Nagulat pa ako lalo nang lumabas mula sa tipon ng mga tao ang parents ni Thor.

Napatingin ulit ako kay Thor na naghihintay ng magiging sagot ko. Aaminin kong nabibilisan ako sa proseso ng pagmamahalan namin pero paano ko naman tatatraidurin ang sariling tadhana ko? Kung siya na kaya ang mister right ko bakit ko pa aayawan ang alok niya?

I got a feeling na walang doubt akong nararamdaman. Ngumiti ako kay Thor, nakita kong nabuhayan siya ng loob at napuno ng kantayawan ang ward ko.

"I can't" wika ko.

Napahinto ang lahat sa kantyaw pati na si Thor, napahinto rin. Ako naman pinatili ang napakatamis na ngiti sa labi. Hinawakan ko siya sa pisngi dahil may tumulong luha doon "I can't refuse.... Yes, I will marry you" sagot ko sa kaniya.

Nanlaki ang mata niya at bigla akong hinapit sa bewang at hinalikan sa harap mismo ng mga kaklase namin!

"Woi!!! Mamaya na iyan! Hoy, Thor!" naririnig ko ang reklamo ni Meisha at Shine.

"Woahhhh!!!" sigaw nila.

"I love you..." bulong ni Thor at isinuot ang singsing sa daliri ko.

Tumingin ako ng deretso sa mata niya "I love you too..."

*****

"Kain lang kayo ng kain!" sabi ni Ninang habang nilalagay ang mga niluto nila ni ninong sa mesa.

Magkaiba ang mesa namin nina Thor, Mei, Shein at Kenneth.

Isang iglap ay may naalala akong hindi ko pa natanong sa kanila. "Uhm guys! Sino nga pala ang heart donor ko? At isa pa saan si ate Rielle? Hindi ko man lang siya nakita ngayon, magaling na ba siya?" kinuha ako ang atensyon nila sa pagtanong ng marami.

Nakakataka lang kase na wala si ate, o hindi nila pinayagan ng doktor o hindi siya inimbitahan?

Napatigil sila sa pagkakatuwaan at nagkatinginan sabay iwas ng tingin. "Bakit? Alam niyo ba kung nasaan siya? Miss ko na siya eh" malungkot kong saad.

"Uhm Shein.... sa labas na lang tayo mag-usap" si Mei.

Napakunot ang noo ko "Bakit?"

"Oo doon na lang kase masyadong maingay dito" segunda naman ni Thor.

Nakakapagtaka talaga sila, sasabihin lang naman kung nasaan si Ate pero kailangan sa labas pa talaga? Hindi kaya nasa labas si ate tapos isusurprise niya ako?

Paglabas namin ay nagpalinga linga ako baka sakaling nagtatago si ate tapos gugulatin ako. Mahirap na baka atakihin muli ako sa puso kapag hindi naka ready.

"Nasaan na ate?" tanong ko sa kanilang apat pero nagkatinginan lang sila ulit!

"Enlighten me, please?"

Tumikhim si Meisha "Ano kase... Shein... si ate ..... ahmmm"

"Ha?"

"Ano kase," si Thor "Si ate.... ano.. uhm... huwag kang maguglat okay?"

"Ano ba naman kayo! Sabihin niyo na na patay na si ate Rielle. Pinapatagal niyo pa eh, malalaman din naman niya!" hindi ko alam kung nadulas lang si Van Gogh sa sinabi niya o nagbibiro lang siya

"Palabiro ka talaga, Van Gogh! Kaya kaibigan kita eh!" pilit akong tumawa baka sakaling biro lang pero walang sumabay na tumawa sa'kin. "Guys....?"

"Sorry, Shein... ginawa namin ang lahat... pero nakapirma na pala si Ate Rielle sa papel kung saan pumapayag siyang ibigay sa 'yo ang puso niya. Siya ang ang donor mo Shein" wika ni Thor.

Tuluyan namang bumigat ang pakiramdam ko at tumulo ang luha. Napakapit ako sa railings ng ospital. "Ate.... ate ko..." tuluyan na akong napaluhod.

"Shein.." dinaluhan nila akong apat at pinatahan.

"Ang ate ko.... " sabi ko.

Hinihiling ko na sana magpakita siya sa harapan ko at yayakapin ako, sabay kaming uuwi sa bahay at doon mag bo-bonding. Sabay kaming mag-aagahan, tanghalian at hapunan sa hapag kainan. Sabay kaming matutulog , sabay kaming papasok sa paaralan at sabay rin mamamasyal.

Akala ko okay lang maring ang katotohanan pero totoo pala ang kasabihan na Truth really hurts. Masakit marinig ang kasinungalingan pero mas masakit marinig ang katotohanang.. bumitaw na si ate.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C31
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login