Download App

Chapter 2: PROLOUGE

DISCLAIMER: THIS is a work of fiction. Names, characters, places, events, and etc. are in the imagination of the author. ANY events like incidents, or deaths are purely fictional. THIS story contains strong languages that is not suitable for young readers or audience. 

THIS story is not edited (So maybe there will be typographical and grammatical errors). I'll try to edit the book after I finished it.

Thank you for understanding. Enjoy.

----------

"Amora Yvette bilisan mo na d'yan!" Rinig 'kong sigaw ni Red, eto nag mamadali nanaman.

"Purket una 'kang natapos, g na g ka agad." Sagot ko sakaniya pag ka baba ko.

"S'yempre, mabait akong anak e." Sagot niya sa 'kin.

"Napaka kapal ng pag mu-mukha mo Axel Red." Sabi ko sakaniya at lumabas na ng bahay.

"Tamo 'to, inantay ko tapos iiwan ako." Iiling niyang sabi nung maka sakay kami sa kotse.

"Hindi ka excited?" Tanong niya sa 'kin.

"Bakit naman ako ma e-excite?" Pag babalik ko ng tanong sakaniya.

"S'yempre makaka pasok nadin tayo sa Vallen High." Naka ngising sabi niya sa 'kin, pero umiling lang ako.

"Anong na kaka excite don? Ni hindi na nga tayo makaka uwi e." Iiling 'kong sagot sakaniya.

"Tignan mo si kuya, hanggang ngayon hindi padin umuuwi." Sabi ko pa sakaniya.

"Kase nga, bawal ka lumabas don hangga't hindi kapa tapos." Pag papaliwanag niya.

"Tss, anong klaseng school 'yon?" Irita 'kong tanong sakaniya, pero inirapan niya nalang ako.

Aba, mas babae pa sa 'kin.

Kumunot ang noo kong biglang tumigil 'yung kotse namin sa gitna ng gubat.

"Hanggang dito ko nalang po kayo mahahatid." Sabi sa 'min nung driver.

"Ano kuya? Luh! Bakit?!" Tarantang tanong ni Red.

"Hanggang dito lang po p'wede mag hatid." Sagot sakaniya nung driver at bumaba, kaya pati kami napababa.

"Eto napo 'yung mga gamit ninyo." Sabi niya sa 'min at sumakay na ulit sa kotse. "Dumiretyo lang po kayo, at may makikita kayong malaking gate. Inaantay napo kayo don ng mga taga Vallen High." Dugtong pa niya.

"Iiwan talaga tayo dito?" Tanong ni Red.

"Halata naman diba?" Tanong ko sakaniya at naka tingin don sa sasakyan namin na dahan dahan umaatras.

"Tara na nga." Sabi ni Red at nag simula ng mag lakad, hila hila 'yung maleta niya. Umirap naman ako at sumunod.

Hindi pa naman madilim kaya okay na okay kaming nag lalakad sa gitna ng gubat.

"Bakit kaya hanggang don lang p'wede mag hatid?" Tanong ni Red sa 'kin.

"Hindi ko alam." Sagot ko sakaniya.

Maya maya pa natanaw na namin 'yung malaking gate, may malalaki din na letters.

'Vallen High'

"Good afternoon Miss Yvette and Miss Red." Bati sa 'min nung babaeng nag aantay sa harap ng gate, may mga kasama din siyang mga lalaki na naka itim.

"Goodafternoon p-" Hindi na natuloy ni Red 'yung sinasabi niya.

"'Wag kayong papasok d'yan!" Agad kaming napa lingon ni Red ng may biglang sumigaw na lalaki.

"Kayo si Yvette at Red diba?!" Tanong niya, agad naman lumapit sakaniya 'yung mga naka itim na lalaki.

"Kilala ko si Ren! 'Yung kuya niyo! Diba hindi na siya umuwi sainyo?!" Tanong niya pa ulit, pilit siyang hinihila ng mga lalaking naka itim paalis pero nag pupumiglas siya.

Bakit niya kilala si kuya?

"'Wag kayo papasok d'yan! Hindi na kayo makakalabas ulit!" Sigaw niya ulit.

"Take him away." Naka ngiting sabi nung babae, na para bang wala siyang pakielam.

"Don't listen to him, isa lang siyang baliw na pa gala gala dito." Naka ngiting sabi pa nung babae, kumunot naman ang noo ko at nilingon 'yung lalaki.

Pero wala na siya, nahila na ata siya paalis nung mga lalaki.

"Let's go." Naka ngiting sabi nung babae at biglang bumukas 'yung malaking gate.

Kinuha din nung iba pang mga lalaki 'yung mga maleta namin.

Nung maka pasok kami agad kaming pinag tinginan ng mga estudyante, na para bang hindi kami dapat andito. Pag lumalampas na kami sakanila agad silang nag bubulungan.

"Masyado ba akong gwapo kaya pinag titinginan tayo?" Bulong sa 'kin ni Red.

"Gusto mo bang bigwasan kita?" Tanong ko sakaniya kaya agad niya akong tinignan ng masama.

"Basher ka." Iiling niyang sabi.

"Dito kayo." Sabi nung babae at tinuro 'yung pinto.

Dahan dahan kami pumasok ni Red don, at may naabutan kaming babae na naka upo sa swivel chair.

"Good afternoon Miss Fernando ang Mr. Fernando." Naka ngiting bati niya.

Ang creepy ng mga ngiti nila.

"Kindly sitdown." Sabi niya at tinuro 'yung dalawang upuan sa harap ng lamesa niya.

Umupo naman kami don ni Red.

"Napaka ganda nga ng lahi niyo." Bigla niyang sabi.

"Po?" Tanong ni Red.

"Kaibigan ko ang Lolo niyo." Naka ngiting sagot niya.

Kaya naman pala, si Lolo ang nag sabi sa 'min na pumasok kami dito kahit ayaw namin.

"Eto ang uniform ninyo at ang schedule niyo, feel at home here okay?" Sabi niya at inabot sa 'min 'yung mga uniform at ilang papel, 'yon siguro 'yung schedule.

"P'wede na kayo lumabas, may mag tuturo sainyo kung saan ang dorm niyo." Naka ngiti niya pang sabi.

Hindi ba siya napapagod ngumiti?

"Kilala mo kami." Bigla 'kong sabi bago kami makalabas, kaya tinignan niya ako.

"Hm?"

"So kilala mo kuya namin." Sunod 'kong sabi, agad nag iba 'yung ityura niya.

"Nasaan siya?" Tanong ko

Kitang kita ko kung paano siya kinabahan, pero agad din siyang ngumiti.

"And'yan lamang siya." Naka ngiting sagot niya.

"Ang weird niya, ngiti ng ngiti." Bulong ni Red sa 'kin habang sumusunod kami don sa lalaki, ituturo niya raw kung saan 'yung dorm namin.

"Tyaka diba dapat sinasalubong na tayo ni kuya? Ano 'yon nakalimutan niya tayo? Alam niya kayang dadating tayo ngayon?" Sunod sunod na tanong ni Red.

"Dito po ang dorm niyo." Sabi nung lalaki at nag abot ng susi sa 'min.

"Salamat." Sabay na sabi namin ni Red, at pumasok don sa dorm.

Malaki laki naman 'tong dorm na tutuluyan namin, may dalawang kwarto may sala may kusina rin.

"Ang weird ng feeling ko Red." Sabi ko kay Red at umupo sa sofa.

"Ako rin naman, don sa lalaki kanina. Ang weird weird." Seryosong sabi niya.

Ganyan 'yan, 'pag kaming dalawa lang sumeseryoso. Ang sabi niya sa 'kin 'non, ganon daw gawin ko para hindi halatang kinakabahan ka o mahina ka.

"Sure naman akong nakita mo na kinabahan 'yung babae kanina don sa kwarto nung tinanong mo kung nasaan si kuya." Sunod na sabi ni Red.

Sabay kaming napatayo ng biglang may sumigaw, nagulat pa kami ng may kumatok sa pinto ng dorm namin. Sunod sunod pang kumatok.

"Tulong! Buksan niyo 'to!" Sigaw nung kumakatok, base sa boses niya babae siya.

"Buksan niyo 'to! Tulong!" Sigaw niya pa ulit.

"Hoy!" Sigaw ni Red ng lumapit ako sa pinto at pinag buksan 'yung kumakatok.

Agad pumasok 'yung babae at ni-lock 'yung pinto.

"Sino ka?!" Agad na tanong ni Red.

"S-Samantha." Hinihingal niyang sagot. "Salamat." Sabi niya sa 'kin.

"Anong meron? Bakit humihingi ka ng tulong?" Tanong ko sakaniya.

"May naka pasok na Brone." Sagot niya.

"Brone?" Sabay naming tanong ni Red.

"Hindi niyo alam kung ano ang Bron-" Napa tigil siya at tinitigan kami.

"Bago kayo dito?" Tanong niya, tumango naman kami. Natawa naman siya at tinitigan ulit kami.

"Nag papakamatay ba kayo kaya pumasok kayo dito?" Tanong niya.

"Anong nag papakamatay? Ha? Ano bang sinasabi mo." Tanong ni Red. 

Umiling siya at hinila kami, binuksan niya 'yung kurtina at may tinuro sa baba na agad naming tinignan ni Red. Nanlaki 'yung mata ko sa nakita namin.

"Ano 'yan?!" Gulat na tanong ni Red.

Isang hindi mo maintindihan 'yung ityura, isang mata, apat na kamay, tatlong paa. Mukha siyang hindi tao.

"Yan ang Brone." Sagot sa 'min ni Samantha. 

"Isa sa mga halimaw dito sa Vallen High."

______________________________________________

:))


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login