Download App

Chapter 2: LOLLIPOP

Nakangiting tinanggap ni Ruthalia sa katabing si Aries ang notebook niya sa math. Tila hindi natutuwa ang binata sa nangyayari kaya lalong nagpadagdag iyon sa ngisi ng dalaga.

Sus, parang hindi naman nito nagustuhan ang ginawa niya kahapon, sa isip-isip niya.

Vacant nila at silang dalawa lang ulit ang natira sa classroom pagkatapos ng oras sa History. Nakakrus ang kaniyang mga hita habang sinusuri ang bawat solutions na isinulat ni Aries sa kaniyang notebook. Maarte kasi at may pagka-perfectionist si Mrs. Luchengco. Pupuwede namang hindi na magsulat sa notebook dahil puro high-tech naman ang mga kagamitan sa room. Pero gusto nitong matiyaga silang nagso-solve sa problemang binibigay nito.

Oo, matinding problema! At nagbibigay iyon ng kakaibang sakit ng ulo kay Ruth.

"Hmm, okay na 'to. Salamat, ah-- nasa'n na 'yon?" nagtatakang tanong ni Ruth sa sarili nang mawala na sa paningin niya ang binata.

Inilibot niya ang tingin at natagpuang papalabas na ito ng room. Inaayos nito ang salamin sa mata at pipihitin na sana ang doorknob nang sumigaw siya.

"Wait lang!" Dali-dali niyang kinuha ang Gucci brand niyang bag at mabilis na naglakad sa kinaroroonan ng lalaki.

Umasim naman ang mukha nito at parang hindi natutuwa sa presensiya niya. She pouted her lips and flipped her hair. Dahilan kaya tumama iyon sa mukha ng binata.

"Pakitali 'yang buhok mo, Miss Roman. Nakakasakit," madamdaming saad nito kaya natawa siya.

Sabay silang lumabas ng classroom at nagsimulang maglakad. Natawa siya sa tinuran ni Aries. Ano'ng nakakasakit? Halos pagtinginan nga siya ng mga lalaki nilang kaklase sa tuwing ginagawa niya iyon. It's one of her oh-so-dying charms to make everyone fall for her.

Gaya ng nakasanayan ay may mga matang halos lumuwa sa tuwing dadaan si Ruth nang ganitong oras. Humalukiphip siya habang kasabay si Aries na naglalakad dahilan kaya lalong nadepina ang kaniyang malusog na dibdib. Ang mga ibang babae ay napapansin niyang pasimpleng pumapasok sa loob ng classroom nila 'tapos ay lalabas na nang nakagrupo at nag-aabang sa kanilang daraanan.

Napairap siya. Lalo na nang marinig niyang paimpit na tumili ang grupo ng mga babae.

"Hello, Aries," sabay-sabay na bigkas ng mga ito.

Ano 'to? Cheering squad?

Pero nang balingan niya ng tingin ang katabi ay diretso lang ang matamlay na mga mata nito sa kanilang dinaraanan. Walang pakialam sa mga babaeng halos ipangalandakan na ang kanilang mga balat. Well, she's not feeling insecure. Why would her? E, mas makinis naman ang balat niya!

Pagkaliko nila sa hallway ay nagtaka siya nang sa kabilang daan ang tinatahak ni Aries. Umakyat ito sa third floor at siya ay pababa papuntang cafeteria. Nakakunot ang noo niya pero agad ding nakapagsalita saka ito hinabol.

Oops. This is not her. Chasing after a man. Siya dapat ang hinahabol.

"Wait, wait," she stopped him and motioned her hand for him to come near. "Halika rito. Ano'ng gagawin mo sa third floor? Hindi naman ako na-inform na nandiyan na pala ang cafeteria."

Tinaasan siya nito ng kilay. "Sino bang nagsabi na pupunta ako ng cafeteria?" he said in sarcasm. "Pupunta ako sa library."

Napaawang ang labi ni Ruth. Aba, sumasagot na ang lalaki!

"Kakainin mo 'yong libro? Mabubusog ka riyan?"

Aries hitched a breath. Tila nagtitimpi sa lahat ng ikinikilos niya. Lihim na napangisi ang dalaga. Imbis na mainis ay parang mas gusto niya pa itong asarin. Nahihiwagaan siya sa inilalabas na mga ekspresyon ng binata.

Oh, oh. She doesn't feel any attraction towards him nor love. Si Aries kasi ay may natural na taglay ng kaguwapuhan. Iyon lang. Hanggang doon lang. Wala pang pumapasa sa taste niya kundi ang binata pa lang.

"Alanganan namang ikaw ang kainin ko, Miss Roman?" pabalang na sagot nito na ikinagulat niya.

Nakakaloka nga naman talaga, oh. Nahahawa na ang binata sa kahalayan niya. Good for him.

Lumapit siya rito saka ikinawit ang braso kay Aries. Kinindatan niya ito at ngumiti nang napakurap-kurap ang katabi. Namumula rin ang magkabilang tainga nito.

"Tara na!" pag-aaya niya kay Aries.

"S-Saan?"

"Kainin mo na 'ko," she paused, "charot! Kumain na tayo. Hindi gagana 'yang utak mo kapag walang laman ang sikmura mo."

"It's my hobby, Miss Roman. Wala pa akong palya kaya huwag mo akong pigilan."

Tinuktukan niya ang ulo nito kaya sinamaan siya nito ng tingin. Natawa ulit siya.

"Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo naisip na mas mainam ang--"

"Stop," he cut her off. Inalis nito ang pagkakalingkis ng kanilang mga braso. "This is PDA. At kahit ano pang sabihin mo, hindi ako makikinig sa 'yo. Sino ka ba? The last time I remembered, I was spending my time alone with my books and reviewers. While you, what were you doing? Flirting with the other boys here in campus? Tama ba 'yon, Miss Roman?" sunud-sunod na saad nito saka inilapit ang mukha sa kaniya. "Tama bang pigilan mo ako sa magiging desisyon ko sa buhay? Hmm?"

Napalunok si Ruth. Naamoy niya kung gaano kabango ang hininga nito. Mint. Cool. Plus the fact that Aries smelled like an expensive perfume. Ipinilig niya ang ulo. Hindi.

Hindi siya puwedeng mahumaling sa katangiang mayroon ang binata. Dapat nga ay mainis siya! Ininsulto siya nito nang hindi man lang inaalam ang kaniyang buong pagkatao. Nakakabuwisit ito!

"Ha!" bumuga siya ng hangin sa binata. Pinaamoy din kung gaano kabango ang kaniya. It's mint mixed with sweet mouth spray. "Talaga lang, huh? You always do my assignments whenever I want you to do it. Iyon ba ang hindi nakikinig sa 'kin?" She emphasized all of it. "Oh, siya. Choice mo 'yan, gurang ka na. E, 'di, magdesisyon ka mag-isa mo, Mr. Race."

She flipped her hair at sinadya niyang ipatama iyon sa mukha ni Aries. Narinig niya itong uminda kaya kahit papaano, na-satisfy siya. Rumampa siyang mag-isa papunta sa cafeteria. Nang makarating sa entrance— sa harap ng glass door — ay napabuga siya ng hangin. She doesn't have friends.

Lahat kasi ng itinuring niyang kaibigan noon ay pinerahan lang siya at sinaksak patalikod. Palihim na ikinalat ng mga ito ang mga bahong hindi pa naman niya nagagawa. Kaya nang sirang-sira na siya sa mata ng lahat ay tinotoo na lang niya ang mga paratang sa kaniya. Tinagurian siyang Bitch Queen. Pero ayos na iyon. At least, no one dares to touch and bully her. Hanggang sa tumungtong siya ng college ay dala-dala niya ang kaniyang title.

Um-order si Ruth ng simple ng lunch. Vegetable salad at isang iced tea. Oo, diet siya kaya nagtitiis siya sa simpleng tanghalian. Everyone is looking at her. Sanay na siya. Kaya imbis na tapunan ang mga ito ng magaganda at nakakaakit niyang tingin ay nagmuni-muni siya sa loob ng cafeteria.

The whole place makes her relax. It's full or arts and crafts. Mahilig siya sa mga ganoon, pinag-effort-an at maganda sa paningin tulad niya. Naniniwala kasi siyang may itinatago pang kagandahan ang mundo kung ia-appreciate mo ang lahat ng bagay-bagay despite of having a dark past.

The theme of the cafeteria is all minimalist. Parang museum. Lahat ay makukuha ang iyong atensyon. Parang kahit sa kaliit-liitang detalye ay mahalagang namnamin.

Nang matapos ay naisipan niyang bumili ng lollipop sa sweets area ng cafeteria. May naisip na naman siyang kalokohan. Humanda ang Aries na iyon sa kaniya.

"Ewan ko lang kung hindi ka magsisi sa mga binitawan mong salita, nerd."

Flirty pala ang tingin nito sa kaniya. E, 'di, maganda. Hindi na niya kailangang magpakilala pa.

Dumaan muna siya ng CR saka tumapat sa sink. Naglagay siya ng kaunting make up kahit natural naman na talaga siyang maganda. Of course, this is her plan. Kailangan niyang magtagumpay nang magsisi ang binata.

Medyo ginulo niya ang buhok. Forming it into a messy bun. From her perfect eyebrows, curled eyelashes, blush on and a nude lipstick. She's almost ready!

Mabilis niyang tinungo ang library kahit nagtataka ang mga nakakasalubong niya kung ano ang ginagawa niya sa third floor. Madalang lang siyang umakyat dito dahil alam ng lahat na ayaw na ayaw niyang nakikita any library. It makes her stress and produce wrinkles. Oo, alam ng lahat dahil isa ito sa mga isiniwalat ng mga plastik niyang kaibigan noon.

Kumatok muna siya saka pinihit ang doorknob. Pagbukas ay tumambad sa kaniyang ang malawak na entrance kung saan ay nasa gitna ang puwesto ng librarian. Sa gilid naman ay ang malawak at nagtataasang bookshelves. Binalingan niya ng tingin si Mrs. Natividad na halata ang pagkastrikta at sopistikada. The old woman arranged her own eyeglass.

"Good afternoon, ma'am," magalang niyang bati rito.

Tinapunan siya nito ng hindi makapaniwalang tingin. Tila nahihiwagaan kung bakit siya napadpad sa ganoong klaseng lugar.

Mrs. Erin Roman-Natividad. Yes, the librarian is her auntie.

"What are you doing here?" tanong nito sa kaniya.

Ginawaran niya ito ng kakaibang ngiti. "Magbabasa po."

"I don't believe you," prangkang sagot nito. "Sino bang sinusundan mo rito?"

Napataas ang kilay ni Ruth sa tinuran ng tita niya. Ang bilis makaamoy. Magkamag-anak nga talaga sila.

She shrugged. "Naisipan ko lang mag-review," kinuha niya ang library ID sa kaniyang leather bag, "here's my ID."

"Fine," pagsuko ni Mrs. Natividad. "Just don't make any noises, Galaxia. Maiistorbo mo ang kaisa-isang customer ng library."

She pouted and nodded. Kaisa-isa pala, huh? Nag-iisang nerd nga talaga ng Western-East Normal University.

Tumungo siya sa bookshelves at naghahanap ng bakanteng table na malapit kay Aries. Pero bago iyon, kailangan niya munang mahanap ang binata. Tumitingin-tingin din siya sa mga libro na about sa recipes nang may mamataan ang mga mata niya sa butas nito. Nang kumuha siya ng libro ay saktong nasilip niya ang kinalalagyan ng lalaki. Malapit ito sa bintana at seryosong nagbabasa ng libro tungkol sa math.

Nalukot ang mukha niya. Math na naman. Culinary Arts ang kinuha nito pero parang iba naman ang gusto. She need to find out. Pero hindi ibig sabihin ay pakialamera na siya. Curious lang.

Dinala niya ang napiling libro papunta sa katapat na upuan ni Aries. Parang nagulat naman ito sa presensya niya dahil siguro ay wala namang ibang dumadalaw sa library kundi ang binata lang. Naging masama ang timpla ng mukha nito saka nagpatuloy sa pagbabasa.

"Favorite mo talaga 'yong math, 'no?" pabulong niyang tanong sa katapat na si Aries.

Tumango lang ito at hindi pa rin siya binabalingan ng tingin. Na parang mas maganda sa paningin nito ang libro kaysa sa kaniya. Aba, she's a masterpiece. Wala pang nakakagawa sa kaniya ng ganoon. Dapat nasa kaniya lang ang atensyon ng binata.

Buwisit! Paano na ang plano niya?

Sa inis ay pabalibag niyang binuksan ang librong napili saka kinuha ang lollipop sa bulsa ng fitted niyang palda. Binuksan niya ito at walang ganang sinubo. Nagfi-flip siya sa ibang page at kumukuha ng idea about sa patok na dishes.

Beef Casserole. Hmm. . .

Natakam siya kaya hindi niya mapigilang mapasipsip nang hindi oras sa sinusubong lollipop. Susubukan niyang magluto ng ganito pero hindi para sa sarili niya. Diet siya, remember?

Nang iangat niya ang tingin ay nahuli niya ang binatang nakatitig sa kaniyang labi. Napataas ang kilay niya. Kinain nito ang kaniyang pain nang hindi niya namamalayan. Kainis na Beef Casserole na 'yan.

Sinubukan niyang dilaan ang lollipop, in a seductive way. Sinipsip niya ito, sinisiguradong may tunog ang bawat pagkilos ng labi niya. Tinitigan niya si Aries. Napapalunok ito nang ilang beses at namumula rin ang leeg at magkabilang tainga. Huminga ito nang malalim at tinitigan siya. Nanlilisik ang mga tingin.

Nagdala iyon ng matinding kilabot sa buong katawan niya. Shit. She felt so hot and wet in between her legs. Pero kailangan niyang pigilan iyon. Ang plano niya lang ay akitin ang binata at pagsisihan ang mga binitiwan nitong mga salita sa kaniya kanina.

Ilang minuto nang maubos niya ang lollipop ay iniligpit na niya ang kaniyang mga gamit. Aalis na siya. Bibitinin niya si Aries na mukhang enjoy na enjoy sa kaniyang performance. Ha, sumakit sana ang puson nito.

Akmang hahakbang na siya patalikod nang may humawak sa kaniyang kamay, pinipigilan siya. Nakaramdam si Ruth ng daloy ng kuryente mula roon papunta sa basa niyang pagkababae. Kaya agad niyang binawi ang kamay sa malambot na palad ng binata.

"Ako na ang gagawa sa project mo sa math," presinta nito.

Tumaas ang kilay niya. Nag-iba yata ang ihip ng hangin. Kusa nang bumigay si Aries sa kaniyang alindog. Kung sa bagay, alangan namang tumanggi siya. Sayang ang pagkakataon. Ang grasya na ang lumalapit sa kaniya. Masamang tumanggi roon, baka malasin.

"Fine. Pinapagawa ko na kasi 'yan kay Jerome. Pero dahil mas magaling ka naman do'n, ikaw na lang," sagot niya.

"Jerome?" takang tanong ni Aries.

"Oo, Jerome," ulit niya. Pero ang totoo, nag-iimbento lang siya ng taktika para mag-isip ang lalaki. She's finding a way to hurt his ego. Baka lang tumalab.

"Kung sino man 'yang Jerome na 'yan, pakisabi ako na ang tutor mo. Understood?"

Ngumisi si Ruth. Oh, a possessive mathematician.

TO BE CONTINUED. . .

———

Author's Note: Puwede pala 'yon. Kain ka lang ng lollipop, magkaka-project ka na agad.

#ImaginationMoAngLimit


CREATORS' THOUGHTS
light_venomine light_venomine

Don't forget to leave a comment, guys! Add it to library if you like it. Keep safe.

Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login