Download App

Chapter 643: Chapter 643

Ngayon ay pansin ni Wong Ming na wala na talagang pagbabago pa. Galit siya rito noon pa man at sa alaala niya ay walang naging mabuting dulot ang abnormal na crowned prince na ito.

Ngunit hindi magpapatalo si Wong Ming dahil lamang rito. Sisiguraduhin niyang pagsisisihan nitong sinundan pa siya nito sa Red City at pagsali sa trial ng Flaming Sun Guild.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo dating Crowned Prince? Kahit ang totoong pangalan mo siguro ay hindi na dapat sambitin dahil isa kang traydor, walang kwenta at ubod ng sama. Siguro nga ay nakatadhanang magtagpo ang mahinang katulad mo at katulad ko sa lugar na ito hehehehe!" Makahulugang sambit ni Wong Ming sa seryosong tono ng pananalita nito habang nakatingin sa ere kung saan naroroon ang tatlong nilalang na nakasuot ng maluluwang na cloak.

"Wala kang alam sa akin Little Devil. Hindi maipagkakailang marami akong nagawa sa kaharian namin na hindi magagawa ng lampa kong amang hari! Muli kong patatayuin ang Sky Flame Kingdom at pag-iisahin ko ang bawat kaharian!" Nanggalaiting sambit ng dating crowned prince habang makikitang tila determinado itong patunayan ang sariling kakayahan.

"Hibang ka na ata kung gayon. Hindi mo matatalo ang dalawang naglalakihang pwersa ng natitirang dalawang kaharian. Humina man ang Dou City ngunit ang lakas nito ay nakatago pa rin. Isa kang baliw!" Mapanghamak na saad ni Wong Ming habang kitang-kita ang mapang-uyam na tingin niya sa tila baliw na dating crowned prince.

"Hindi mo nasisiguro bata dahil baka magulat ka na lamang, wala na ang pinagmamalaki mong dalawang malalakas na kaharian at ang pesting Dou City na kumokontrol ng papasok at labasan ng mga kaharian. Hindi pa ko tapos sa kanila maging sa iyo hahahahaha!" Malademonyong sambit naman ng dating crowned prince habang makikitang tila nababaliw na ito dahil sa malakas na tawang pinakawalan nito.

Kitang-kita ni Wong Ming na muling umatake ang nasabing dambuhalang skeleton na gawa sa negatibong enerhiya at iwinasiwas nito ang dambuhalang pakurbang espadang hawak nito.

BANG! BANG! BANG!

Napakalakas ng naging atake ng dambuhalang skeleton na ginawa ng tatlong nilalang na kalaban ni Wong Ming sa kasalukuyan.

Kitang-kita niya kung paano nahati ang nasabing mga lupa at tila bumuka ito sa magulong paraan habang maraming puno ang nangawasak sa tindi ng mga atake nito.

Mabuti na lamang at alerto si Wong Ming kung hindi ay baka katapusan na niya. Napakatuso pa naman ng nasabing dating Crowned Prince na ito at alam na alam iyon ni Wong Ming.

Mabilis niyang inilabas ang sampong maliliit na Sword Needles ngunit nagulat si Wong Ming nang maramdamang tila lumakas at nagbago ng kaunti ang estraktura ng mga Sword Needles.

Alam niyang lumakas nga ang nasabing elementong meron siya. Hindi nasayang ang nasabing pag-aassemble niya ng Demon Fire Symbols sa pagiging Demon Ice Symbols.

Lumipad si Wong Ming sa ere at sinugod ang kinaroroonan ng tatlong kalaban niya.

Gamit ang Shadow Steps niya ay agad niyang narating ang kinaroroonan ng mga ito

Walang awang sinaksak ni Wong Ming ang isa sa mga ito at ginilitan ang leeg nito.

Kitang-kita ni Wong Ming na nagpupumiglas pa ito at sinubukang makaalis mula sa pwesto nito.

Napalayo ito kay Wong Ming ngunit walang sinayang na oras si Wong Ming at sinundan ang nasabing nilalang na siyang isa sa mga kalaban niya.

"Tulong! Tulungan niyo ko!" Puno ng pagmamakaawang saad ng isa sa mga nakasuot na cloak habang nakahawak pa ito sa leeg nitong may sumisirit pang masaganang dugo mula rito.

Ngunit huli na ito nang mapansin ang presensya ng kalaban nitong si Wong Ming na nasa uluhan na nito.

ARRRGHHH!

Ito ang huling hiyaw ng naka-cloak na kalaban ni Wong Ming nang mabilis na ipinaikot nito ang ulo ng napuntirya niyang kalaban at walang pag-aalinlangan nitong sinipa ang bahagi ng ginilitan nitong leeg ng kalaban dahilan upang maputol ito.

Mabilis na bumulusok ang nasabing katawan ng kalaban nito na siguradong wala na itong buhay matapos ang karumal-dumal na pagpaslang ni Wong Ming rito.

Bago pa ito tumama sa kalupaan ay naglaho na ito na parang bula. Natuwa naman si Wong Ming dahil nabawasan niya ng isa ang sarili niyang kalaban.

Hindi naman makapaniwala ang kasamahan nito at kitang-kita ang galit sa mga mata nito.

"Bakit wala ka man lang ginawa ha?! Hindi ko aakalaing hinayaan mong mapaslang siya ng pesteng binatang iyan!" Paninising wika ng naka-cloak sa kasamahan nitong ang dating crowned prince.

Bago pa ito makalingon sa kinaroroonan ng Kasamahan nito ay naramdaman na lamang nito ang isang malaking espadang tumusok sa bandang kaliwang dibdib nito kung saan ang mismong puso nito.

Nilingon pa ito ng nasabing nilalang at nagwika. ,"Bakit mo ginawa ito sa akin na k----!"

"Deserve niya lang yan at ikaw ay kailangan ring lumugar. Salamat sa pagtulong niyo sakin upang makapasok at makarating sa ikaapat na trial. Kailangan niyo ng lumabas sa trial na ito hehehe!" Malademonyong sambit ng dating crowned prince habang makikita ang nakakalokong ngisi nito bago pa nito hugutin ang espadang nakatusok sa katawan ng kalaban nito.

SSSHHHH!

Mabilis na pinugutan ng dating crowned prince ang ulo ng kasamahan nito at kitang-kita kung paano humiwalay ang ulo nito sa mismong katawan nito.

Nagulat naman si Wong Ming sa nasaksihan niya. Hindi nito aakalaing magagawa ito ng dating crowned prince sa mga Kasamahan nito.

Tunay ngang wala itong sinasanto kahit na sinuman. Talagang malaki ang kasamaang nakatanim sa pagkatao nito.

Winasiwas pa ng dating crowned prince ang espada nitong kinapitan ng napakaraming dugong tumutulo pa sa ere.

"Nagustuhan mo ba ang ginawa ko sa kaniya Little Devil?! Pwes, humanda ka dahil ikaw na ang isusunod ko hahahaha!" Malakas na wika ng dating crowned prince sa malademonyong pamamaraan ng tono ng boses.

Napakabilis ng galaw nito kung saan ay sa ilang segundo lamang ay narating na nito ang pwesto ni Wong Ming at tinusok nito ang mahabang espadang ginamit nito upang paslangin ang isang kasamahan nito.

Nanlaki naman ang mga mata ng dating crowned prince dahil biglang nawala ang katawan ni Little Devil.

Afterimages?! Hi-hindi maaari ito! Arrrghhh! Nanggalaiting turan ng dating crowned prince at nakaramdam ito ng hindi maipaliwanag na sakit sa dibdib nito.

Kitang-kita ang malademonyong kamay ni Wong Ming na tumusok sa likuran ng dating crowned prince at hawak-hawak nito ang tumitibok-tibom na puso ng nasabing masamang nilalang na siyang kalaban niya.

THACCCKKK!

Pinisa ni Wong Ming ang puso ng dating crowned prince at naglikha ito ng tunog ng pagkapisa.

Hindi pa nakontento si Wong Ming at hinila pa nito ang backbone ng kalaban niya.

SLASH! SLASH! SLASH!

Pinudpod ni Wong Ming ng hiwa ang katawan ng dating crowned prince sa pamamagitan ng sampong maliliit na Sword Needles.

Pagkatapos maglaho ng paunti-unti ang nasabing katawan ng dating crowned prince na chinop-chop niya ay agad na nilisan ang lugar na ito upang tunguhin ang direksyon kung saan naroroon ang safe zone.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C643
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login