Download App
99.02% Supreme Asura

Chapter 709: Chapter 709

Kinabukasan, nakita na lamang ni Wong Ming ang sariling nakatayo sa malawak na platform. Hindi maipagkakailang ang isang daang manlalahok ay nakumpleto na at bawat isa sa kanila ay tunay ng magiging Inner Disciples. 

Ngunit hindi dito natatapos ang lahat dahil ngayon ay magkakaroon ng tunay na Rankings. Dito ay magbabasehan ang nasabing ranggo ng bawat disipulo mula sa isang daan hanggang sa pina-unang ranggo.

Lahat ng disipulo ay mayroong pagkakataon na patunayan ang sarili. This will make everything in order at patas na rin kung titingnan.

"Ikinagagalak naming ipabatid na ang isang daang manlalahok na magiging Inner Disciple ay sinubok at ganap ng napili." Malakas na sambit ng MC habang makikitang maging ito ay masaya rin.

Isang masigabong na palakpakan at hiyawan ang maririnig mula sa mga manonood. Talagang saksi ang mga ito sa lahat ng nagawa ng mga manlalahok.

"... Magsisimula na ang huling bahagi ng Trial Rankings at dito masusubok ang lakas ng bawat manlalahok at galing sa pag-iisip. Ang tema ng nasabing paligsahan sa Trial Rankings na ito ay patungkol sa paghahanap ng Stone Crystals sa loob ng isang simulated environment. Nahahati sa tatlong uri ang mga Stone Crystals base na rin sa kulay nito; Tanso, Pilak at Ginto. Bawat paghahanap ng Stone Crystals ay may kaakibat na mga pagsubok dahil hindi ito basta-bastang nakikita lamang. Ang bawat manlalahok na mapipinsala ng malubha ay awtomatikong babalik dito sa loob ng field at nangangahulugan din na babasehan ang nakuha nitong mga Stone Crystals sa loob ng simulated environment..."

Seryosong nakikinig si Wong Ming ng mga impormasyon na sinasabi ng MC. Halos lahat mg mga manonood ay kitang-kita ang kagalakan at halatang sinusuportahan nila ang gusto nilang manalong manlalahok upang manguna sa rankings. 

Alam ni Wong Ming at ng iba pang manlalahok na magiging ganito ang kahahantungan ng huling laban upang magkaroon ng solidong rankings. 

Kahit si Wong Ming ay gustong manalo sa kompetisyon na ito. Kapag mataas ang rankings niya ay malaking prebilihiyo ang makukuha niya.

Aminin man ni Wong Ming o hindi ay kailangan niyang makapasok sa Rank 20. Alam niyang mahigpit ang kompetisyon na mangyayari ngunit gusto niyang patunayan ang sarili niya ngayon. Marami siyang nasayang na mga panahon. Naniniwala siyang pagkatapos nito na magawa ng maayos ang minimithi nito ay malaya na siyang makalabas-pasok dito sa Faction nila at sa Dou City. Pagkatapos niyang maresolba ang mga problema niya ay saka na siya mag-isip ng susunod na gagawin niya.

Naniniwala siyang hindi mananahimik ang Red Skull Alliance sa panggugulo na kahit ang Flaming Sun Faction ay napaghimasukan ng mga ito ng ilang beses na. 

Hindi na rin ligtas kung mananatili siya rito at may kailangan pa siyang dapat gawin. Naniniwala siyang ang puno't-dulo ng mga nangyayaring di kanais-nais ay dahil iyon sa paghahasik ng kaguluhan ng Red Skull Alliance.

Hindi na rin siya magugulat na malaman ng lahat ang pagkakakinlanlan nito. 

Lahat ng mangyayari sa hinaharap sa buhay niya ay dulot iyon ng mga desisyon niya sa buhay. 

Naniniwala siyang kailangan niyang tibayan ang sarili niya sa loob ng Trial Rankings. Tanging ang top 20 lamang ang mayroong malaking prebilihiyo na maging malaya sa restrictions ng Flaming Sun Faction.

...

Whoosh!

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa loob na mismo ng simulated environment. Kakaiba ngunit nakakamangha ang ganitong mundong produkto lamang ng pinagsama-samang kakayahan at ideya ng mga ekspertong bumubuo ng Flaming Sun Faction. 

Malaking halaga at pagod ang ginugol ng mga ito upang paghandaan ang ganitong klaseng patimpalak.

Alam ni Wong Ming na hindi magiging madali ang lahat ng pagsubok na kakaharapin niya at kailangan niyang mag-ingat at makapasok sa Top 20 na mga manlalahok dahil nakasalalay rito ang prebilihiyong makukuha niya mula sa Flaming Sun Faction.

AHHHHH!!!!

Isang malakas na sigaw na tila nasasaktan ang narinig niya mula sa hindi kalayuang lugar. 

Agad na pinuntahan ito ni Wong Ming ngunit huli na siya nang makitang unti-unting naglaho ang katawan ng nasabing kalahok mula sa pagkakapulupot ng isang dambuhalang Earth Snake.

Hindi aakalain ni Wong Ming na may ganitong rare species sa simulated environment na ito. Nakakamanghang abilidad ito ng mga eksperto. 

Natanaw ni Wong Ming ang limang tansong stone crystals na nasa likurang bahagi ng Earth Snake na ito.

Isang Level 2 Beast lamang ang Earth Snake na ito ngunit hindi naging kampante si Wong Ming lalo pa't ang kakayahan ng simulated environment na ito ay hindi basta-basta lamang. Kung tama ang hinala niya ay tila may additional attacks ang mga ito kumpara sa mga normal na mga magical beasts. 

Kitang-kita ni Wong Ming na magsasagawa ng paunang skill ang nasabing halimaw na ahas sa kaniya.

Skill: Scale Blades!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nagkaroon ng replika ang mga kaliskis ng halimaw at naging mga matatalas na blades na mabilis na patungo sa kinaroroonan niya.

Hindi nagpatalo si Wong Ming at mabilis na sumugod sa nasabing halimaw sa pamamagitan ng pag-iwas ng mga matatalas na kaliskis nito.

Lumitaw ang sampong sword needles niya at kasabay nito ay inatake niya ang nasabing Earth Snake. 

TAH! TAH! TAH!

Biglang nagkapira-piraso ang katawan ng Earth Snake. Sa talas ng mga sword needles ay hindi nakaligtas ang matibay na depensa ng nasabing magical beast.

Agad na kinuha ni Wong Ming ang limang piraso ng kulay tansong stone crystals at nilisan ang lugar na ito upang pumunta sa ibang lugar.

Maraming nadaraanan si Wong Ming na mga Magical Beasts ngunit masasabi niyang hindi ang ganitong mga dapat niyang kalabanin. 

Ang conversion ng nasabing stone crystals ay 1:100. Kung lalabanan niya ang bawat magical beasts na nagbabantay mg mga tansong stone crystals ay magsasayang lamang siya ng oras. 

Isa rin itong taktika ng kompetisyong ito. Kung di niya gagamitin ang sariling utak niya ay magiging katawa-tawa lamang siya. 

Isa pa ay wala siyang nakitang mga manlalahok, siguro ay nauna na ang mga itong nanggalugad sa kaniya sa iba't-ibang parte ng simulated environment na ito.

Sadyang di lamang nag-isip ang kalaban niya kanina at minaliit ang nasabing halimaw na iyon.

Isa itong patunay na maging maingat siya sa mga gagawin niyang hakbang mamaya.

Maya-maya pa ay napansin ni Wong Ming na umuuga ang lupa. 

Ramdam niyang may paparating na dambuhalang nilalang. 

Hindi nga nagkakamali si Wong Ming dahil sa hindi kalayuan ay mayroong magical beast na kung siya nagkakamali ay isang One Horned Mammoth. 

At mukhang papunta ito sa dinadaanan niya.

Mayroong sampong Gold Stone Crystals sa uluhan nito.

Napangisi na lamang si Wong Ming ng nakakaloko. Hindi niya aakalaing may sampong gold stone crystals siyang makukuha.

Ngunit agad din iyong nabura nang makita niyang biglang umilaw ang nasabing sungay ng Mammoth na ito nang mapansin ang presensya niya.

BANG! 

Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes niya dahil kung hindi ay baka naging abo na siya at mapatalsik sa kompetisyong ito.

Nagulat si Wong Ming sa lakas ng tila laser beam na nagmumula sa sungay ng One Horned Mammoth.

Dito niya napagtanto na level 7 pala ang halimaw na ito at tila isang mutated beasts. 

Sa halip na pansinin ito ni Wong Ming ay nilihis niya lamang ang direksyon kung saan siya pupunta. 

Mahirap kalabanin ang isang malakas na halimaw na iyon. Hindi rin worth it kung lalabanan niya iyon ng harap-harapan. 

Talagang pahirapan ang nasabing kompetisyon na ito at kailangan ni Wong Ming na mag-isip ng maayos. 

Hindi lamang lakas ang dapat niyang gawin kundi dapat ay maging wais din siya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C709
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login