Download App

Chapter 3: Pag ibig

Sa labas ng kastilyo ay mabilis na binuhat ni casey si celin at mabilis na nag teleport papunta sa tapat ng bahay ni casey na malapit sa pinaka labasan ng bayan sa baba ng kaharian, ang bituin village.

Kanina pa walang imik itong si celin dahil matapos din nyang makita si casey ay tila sumusunod nalang itong si celin sa mga ginagawa sakanya ni casey ng walang reklamo o pagtatanong tulad ng paghila sakanya ni casey papalabas ng kastilyo at pagdala sakanya sa bahay nito.

Hindi rin makapaniwala si celin na talagang si casey nga ang lalaking iyon. Ang lalaking sinubukan syang ligawan noong nasa senior high school palamang sila at ang lalaki ding syang nireject nya ng ilang beses dahil lang sa mabababaw na dahilan.

Agad syang pinapasok sa bahay ni casey na may dalawang palapag. Makikita sa bahay ni casey ang kasaganahan sa pamumuhay ni casey, tila dinga maipagkakaila na totoong elder itong si casey at isa sa pinagsisilbihan ng kaharian bilang magiting na tagapag tanggol at isa sa malakas na tao ng buong bayan ng bituin, kaya naman dina kataka taka na makakapag patayo ito ng sariling bahay na maihahalintulad sa bahay ng mga mayayaman at negosyateng tao sa bayan.

Agad din namang naupo si celin sa tila sofa na nasa sala sa bahay ni casey, ramdam din kasi ni celin ang pangangalay dahil sa tagal nyang pagtayo at pag sandal noong nasa kaharian pa sila.

Samantala ay kumuha naman ng mga kahoy si casey para ipang gatong at ilagay sa pugon upang uminit sa loob ng bahay dahil masyadong malamig sa lugar na iyon kahit pa umaga.

Samantala ay pinapansin naman ni celin ang paligid, dito nakita nya na kahit makaluma ang disenyo ng mga gamit ay bagong bago ang mga ito at tila ba talagang naramdaman ni celin na para bang bumalik sya sa panahong dipa moderno di tulad sa kinagisnang mundo na may mga gadget at internet.

Mula din sa bintana ay nalalanghap ni celin ang napaka linis na hangin at dama ang lamig ng umaga na tila ba perpektong klima at panahon para mabuhay ng payapa. Tila ba talagang napapangiti si celin sa nararamdamang iyon na kong hindi lang sya nangungulila sa pagka walay sa mga mahal sa buhay ay pipiliin na ni celin na mamuhay sa mundong iyon.

Sa puntong iyon ay hindi alam ni celin kong dapat ba syang magpasalamat kay casey o ano man dahil wala ding ideya si celin kong bakit sya isinama ni casey sa bahay nito.

Bago pa subukang magtanong ni celin ay nagsalita na si casey at dito nag simula ang pag uusap nila:

Casey: hindi ka rapat naririto! Bakit at bakit ngayon pa!?

Celin: hindi ko din alam kong bakit ako napadpad sa lugar na ito at kong ako lang din ang tatanungin mo ay hindi ko pipiliing mawalay sa aking mga magulang kaya halata naman na hindi ko din ginusto ito.

Sa totoo lang ay wala talagang maisagot si celin sa mga binigkas na iyon ni casey pero pilit nalang din nyang sumagot para din makapagsimula sila ng paksa sa paguusap, maraming katanungan si celin at ganun din naman si casey bukod pa roon ay may mga tanong na tanging para sakanila lang at dito nanga nag umpisa ang pag uusap ng dalawa.

Casey: hayyysstt. Sa totoo lang hindi mo alam kong ano ba itong mundong napuntahan mo. Pero wala rin naman akong magagawa dahil nandito kana. Masaya narin ako at nabuhay at nakaligtas ka sa kong saan kaman napuntang lugar sa pagpadpad mo dito. Sa totoo lang napaka delikado pa ng pagkakataon nyo ng pagpadpad dito dahil nasa loob kami ng dungeon, bukod sa wala kami para tumulong ay lumalabas ang mga uri ng halimaw mula sa dungeon kapag natatalo namin ang hari o pinuno nila.

Kaya napaka delikado talaga ng tyempo nyo pero masaya talaga ako at nabuhay ka.

Celin: (napangiti) hindi mo lang alam na katapusan kona kagabi buti nalang talaga at naabutan ako ng mga nakakarwahe at napatay nila ang asong lobo na syang kakain dapat sa akin.

Casey: asong lobo!? Kung ganun sa "downfall forest" ka pala napadpad!. Grabe! siguro ay nakatadhana talaga na hindi ka mamatay.

Celin: huh!? Bakit naman?

Casey: kong alam mo lang ang downfall forest ang isa sa pinaka delikadong kagubatan dito. Laman noon ang pulutong ng asong lobo na sa umaga ay aakalain mong mga normal na tao lang nananinirahan doon. Bukod pa sakanila ay nasa lugar din na iyon napupunta ang mga ligaw na kaluluwa na sumasanib sa tao at nagpapatiwakal dahil iyon lang ang lugar kong saan nakakabulag ang kadiliman pag sapit ng gabi. Tanging bwan lang ang nakakapag bigay liwanag doon, sa totoo lang kahit umaga ay madilim doon dahil sa napaka kakapal at napaka tataas na puno.

Celin: ganun ba! Talaga ngang napaka dilim doon nang magising ako. Mukhang swerte talaga ako at nabuhay pa ako. At sa tingin ko ay tadhana din iyon para magkita muli tayong dalawa. (sabay ngiti kay casey)

Casey: (nagulat at napangiti) maswerte ka talaga! Kaya matapos ng lahat ng pinag daanan mo para mabuhay ay pagkakatuwaan kalang ng mga hudas na iyon sa kaharian tsssk! mabuti nalang talaga at ikaw ang pinaka una kong napansin sa pag lihera nyo sa harap namin.

Celin: sya nga pala tungkol sa kanila at sayo narin casey ay talagang namangha ako sainyo nang pumasok na kayo sa kastilyo. Kitang kita ko na talagang malaki ang paghanga at tiwala sainyo ng lahat.

Alam mo casey hanggang ngayon parang hindi parin ako makapaniwala na isa ka sakanila pasensya na ah pero kasi alam mo yon, yong casey kasi na nakilala ko mahiyain, tahimik at lalong lalo na sa lahat ay torpe hehe. Pero ngayon talagang napaka layo ng pag uugali mo mula doon isa ba iyon sa nag bago sayo mula nang mapadpad ka dito.

Casey: (napangiti sa mga narinig mula kay celin) ganun ba ang tingin mo ngayon. Alam mo hindi nagbabago ang pag uugali ng taong napapadpad dito. Kong ano ikaw sa totoong mundo ay ganoon din dito ugali man o panlabas na anyo. Pero may mga bagay na nadadagdag tulad ng kapangyarihan, dito kapag napag aralan mo ang pitong chakra ay magagawa mong gumawa ng sarili mong kapangyarihan. Bukod pa roon ay may misteryo din ang katawan ng tao dito. Tulad ng mga babae na hindi nabubuntis at hindi rin nagkakaroon ng buwanang dalaw.

Marami din ang nagsabi noon na may sakit at kapansanan ang iba sa totoong mundo pero dito ay nawala ang lahat na dinaramdam nilang iyon. Tulad ng mga pilay may mga sakit at may problema sa paningin at maging maliliit na detalye tulad ng peklat sa katawan lahat ng iyon nagbago at nawala. Kahit ako ay may kulang na akong pitong ngipin pero ang katawan ko sa mundong ito ay kompleto sa ngipin.

Alam mo kong ugali ko naman ang tatanungin mo ay simple lang. Kapag ganoong ugali parin kasi ang ipinamalas ko ay paniguradong mamamatay ako dito kaya kahit ayoko ay kaylangan kong baguhin iyon kaya ito na ako ngayon.

Celin: kong ganun ay mas gusto ko ang ugali mong iyan. Sya nga pala sa mga sinabi mong hiwaga sa katawan ng tao ay nagpapatunay na totoo din pala lahat ng sinabi sa amin sa kastilyo tungkol sa pagbubuntis. Pansin kolang din halot lahat ay tapat ay mabuti lahat din ay masaya at maligaya.

Casey: sa totoo lang lahat dito ay malungkot at nangungulila pero wala naman silang magagawa kaya imbis na magmukmok ay idinadaan nalang ng lahat kasiyahan. Ang lahat ng ngiting nakikita mo sa likod noon ang kalungkutan at pananabik nilang makauwi.

Wala rin silang mapapala kapag niloko nila ang kapwa nila dito dadagdagan lang nila ang kalungkutan ng isat isa kong ganun. Kaya ipinatupad ng hari na bawal ang gumawa ng masama sa kapwa at mapapatunayang lumabag ay palalayasin sa bayan at hahayaang kainin ng mga halimaw sa labas.

Sa mga sinabi ni casey ay tila nalungkot si celin na sya namang napansin ni casey kaya agad din nitong iniba pa ang usapan.

Casey: at oo nga pala! wala talagang nabubuntis dito kaya nga malayang nakakagawa ng kahalayan ang mga hudas na elder sa kaharian eh.

(Natawa naman bigla si celin)

Casey: Sa tingin namin ay may pinapanatiling bilang ng tao ang mundong ito kaya bawal ang pagbubuntis at tingin din namin ay kapag nag kulang sa bilang ay sya namang kukuha sa totoong mundo ng panibagong tao sa lugar na ito.

Pansin mo ba wala kang makikitang matanda at bata dito. Lahat ng narito ay nasa edad na 18 to 30 na taong gulang. 18 ang itinalang pinaka bata sa kontinenteng ito at 27 naman ang pinaka matanda na syang nasa 30 na ngayon dahil tatlong taon na ang ilan sa mundong ito.

Celin: oo nga! ngayon kolang din napansin na simula kanina ay wala akong nakikitang bata o matanda. Kahit nga ang hari ay inakala kong matanda pero parang kasing edad ko lang ito.

Sya nga pala naalala ko tatlong taon narin ang nakalilipas mula nang mawala ka sa totoong mundo. Isa ka sa napag noon, maraming nagtatag sa fb mo noon nagtatanong kong ano nang nangyari sayo. Ang karamihan panga sa kabatch natin sa school ay inakala nang patay kana. kahit ako ay iyon narin ang inisip ko dahil lahat ng nawawala noon ay dina talaga nakikita. Sinasabi narin sa balita sa telebisyon na dinideklara nang patay ang syang nawawala.

Casey: ganun ba. Kong ganun tuluyan na pala talagang nawalan na ng pag asa ang mga tao sa totoong mundo. Ibig sabihin patay narin ang tingin nila sayo ngayon.

Celin: (napatulala sa sinabi ni casey ay dinapigilang maluha) ta.. Tama ka. Sigurado akong humahagulgol na ngayon si mama. (sabay takip sa mukha at buhos ng luha)

Casey: okey lang yan. Mabuti pa ibuhos muna ang luha na meron ka. Ginagawa naman namin ang lahat para malaman ang paraan para makabalik. Saka di narin natin masisisi ang mga tao sa totoong mundo dahil talagang nasa ibang mundo tayo na malabo nilang mahahanap.

Patuloy lang sa pag iyak si celin at upang mabawasan ang kalungkutang nararamdaman ni celin ay binitawan ni casey ang katagang:

Casey: basta lagi mo lang isipin celin. Hanggat buhay ako may pag asa ka para makabalik sa totoong mundo.

Napatingin si celin kay casey at sabay tanong nito na:

Celin: mahal mo parin ba ako hanggang ngayon casey!?

Napangiti nalang si casey at sabing:

Casey: hindi basta basta nawawala ang pagmamahal ng taong totoong nagmamahal. Gagawin ko ang lahat para maibalik ka sa totoong mundo celin, pero diko magagawa iyon kong lagi kitang poprotektahan kaya dapat matuto kang lumaban, kaya bukas ay may ipapakilala ako sayo.

Matapos banggitin ang mga katagang iyon ay iniwan panandalian ni casey si celin sa sala at umakyat sa ikalawang palapag, pumasok sa kwarto at inayos ito para kay celin.

Samantala sa mga sinabi namang iyon ni casey kay celin ay dito naisip ni celin na:

Pag iisip ni celin: kahit pa dalawang beses ko syang hindi pinili at sinagot ay ginugusto parin nya ako. Nireject ko sya dahil lang sa ayaw ko sakanya pero ni minsan ay diko tinignan kong gaano ba sya kabait para sa akin at kahit pa hinahangaan sya ng lahat dahil sa galing nya sa pagdidrawing ay hindi ko iyon pinapansin para lang hindi maging dahilan para magustuhan ko sya. Bakit casey! Bakit ako ang minamahal mo ng ganito! matapos ng lahat.

[sa kaharian pag alis nila casey matapos mag teleport]

Nagpatuloy ang kasiyahan dahil sa pahintulot ng hari, pero sa totoo lang ay malaking kawalan si casey sa mga oras na iyon dahil hindi pa nakakapag pulong ang lahat ng elders kasama ang hari at hindi na napaguusapan kong ano ang nakasulat sa mga pilas na kanilang nakuha at mga bagay na kanilang nalaman sa pagbaba pa ng palapag sa dungeon. Hindi sila maaaring mag pulong hanggat kulang ang pitong elder.

Nahalata naman ni assedia na palabas lang ng hari ang magpatuloy pa ng kasiyahan para hindi magduda at isipin ng mga tao ang nangyaring hidwaan sa pagitan ni vonne at casey. Pero hindi iyon basta basta makakalimutan ng lahat dahil ang iba ay nag uusap na kong sino ang mananalo kapag naglaban ang dalawang elder na si vonne at casey. Ang iba naman ay tila nag pupustahan na kong matutuloy ba ang laban o hindi at ang iba naman ay ang babaeng si celin ang pinag uusapan kong sino ba ito at ganun ang naging reaksyon sakanya ni casey at kong saan ito dadalahin ni casey.

Naririnig naman ni assedia ang ibat ibang pinag-uusapang iyon ng mga tao at sinasadya na lamang ni assedia na magkunwaring hindi nya naririnig ang mga ito. Napansin narin ni assedia na tila nawalan narin ng gana at intires ang ibang elder sa pag kilatis sa mga baguhan kahit pa ito ay mga babae. Tila ba malaki ang naging resulta ng pag alis ni casey sa mga oras na iyon.

Dahil sa itinigil na ng ibang elder ang pag kilatis ay itinigil narin muna ito ni assedia at isip isip nito na sa ibang araw nalang nya kikilatisin ang mga ito.

Ang pag kilatis na kanilang ginagawa ay ang pag basa sa mga ala ala ng mga taong kinikilatis. kong meron ba itong mga nalaman sa pagpadpad nila sa mundong iyon na hindi pa nila alam. Sa pagbasa ng ala ala ng mga ito ay dito nalalaman at nakikita din nila ang ala ala nito mula sa totoong mundo pero ito ay base parin sa kong anong natatandaan ng taong iyon o kong ano ang laman ng ala ala nito.

Kaya naman nagkakaroon narin minsan ang mga elder ng ideya sa kong anong nangyari o nangyayare mula sa totoong mundo. Bukod pa roon ang ilan din kasi ay nagkakaroon ng panaginip o pangitain noong sila ay natutulog pa nang mapadpad sila sa mundong iyon at malaking bagay na malaman nila assedia iyon ang makita ang panaginip o pangitain ng mga baguhan, dahil maaaring makatulong sakanila ang mga ito lalo na kay assedia.

Ang ibang elder naman dahil din sa mga lalake ang mga ito at dahil sa nakikita nila ang ala ala ng babaeng kinikilatis nila ay nakikita nila dito ang mga hubad nitong ala ala halimbawa ng pagliligo ng babae o pakikipagtalik nito sa kapareha nito sa totoong mundo kaya dito nagkakaroon ito ng pagnanasa at nalilibugan ang ibang elder dahil nalalaman din nila ang tipo na lalake ng babae dahil sa mga ala ala nito. Kaya ang ibang elder na sila Danka, zedd at vonne ay naging gawain narin na ayain sa kama ang kanilang matipuhan lalo na at malaya silang makakapag talik dahil sa hindi naman nagkakasakit ang mga tao doon at hindi nabubuntis ang mga babae. Hindi naman na sila pinipigilan ng hari dahil kadalasan ay gusto rin naman ng babaeng kanilang inaaya o natitipuhan kaya hinahayaan nalamang ito ng hari dahil kasiyahan narin iyon ng mga elder. Hindi naman na din ito sinasabihan ni assedia dahil ang huling beses na sinaway nya ang mga ito ay nasabihan pa sya ni vonne noon na:

Vonne: yong totoo assedia! naiinggit kaba sa mga babaeng ito dahil nakakatikim sila ng kaligayahan. Maaari ka namang sumali sa amin assedia mag sabi kalang kong kelan mo gusto..

Talagang ikinainis iyon ni assedia kaya simula noon ay hindi na nya sinaway ang mga ito.

Ang ibang elder naman tulad ng yin at yang na sina touru at casey ay nagkikilatis din ito. Pero hindi tulad ng tatlo na panay ang pag aliw sa kanilang natitipuhan.

Si Casey ay kahit kelan man ay hindi ng dala ng babae sa kama at napaka dalang din nito magkilatis halos mabibilang mo sa daliri sa katawan kong gano karaming beses itong nagkilatis mula nang maging elder ito.

Si Touru naman ay madalas din mag kilatis pero hindi ito madalas na may natitipuhan at masasabing tatlong beses narin ito nagdala ng babae sa kama tila ba parang sinubukan lang talaga nito o talagang experience lang ninais ni touru. Matagal na ng may natipuhan ito.

Ang dalawang babaeng elder naman na si assedia at eiyah ay kahit ni kaylan din ay hindi nag pahintulot sa kahit na sinong lalake na sipingan sila. Si assedia ang madalas at laging nauuna at hindi nawawala sa pagkilatis sa mga baguhan samantalang si eiyah naman ay maihahalintulad kay casey na bihira lang magkilatis pero kumpara kay casey ay mas madalang parin si casey kumpara kay eiyah.

Sa mga oras na iyon ay nakaupo nalang ang hari at mga elder at hinihintay na matapos ang kasiyahan. Kita naman ng mga elder na may inis parin sa pagmumukha ni vonne kahit nakaupo lang ito. kitang kita na hindi nito tanggap ang ipinakitang pag uugali ni casey at nagawa pa nitong layasan sila kahit pa naroon ang hari. Dama naman ng ibang elder ang hinaing na iyon ni vonne.

Samantala para mabaling ang atensyon nila sa ibang bagay at hindi na pag tuonang pansin pa ang nagmamaktol na si vonne ay tinanong ni Eiyah si Danka kong may napili naba ito sa mga babae kong sino ang ikakama nito mamaya. Sumagot naman si danka at dito na nagumpisa ang pag uusap ng mga elder sa maliliit na bagay:

Danka: natitipuhan!? Sa totoo lang marami sana eh kaso halata naman na wala sa mood ngayon si vonne kaya nawalan narin ako ng gana ngayon. Ayoko naman mag saya nang ako lang. Ikaw ba zedd may napili kaba sa mga babae?

Zedd: ako? Hmm meron din maraming maganda sakanila pero parang wala na rin ako sa gana. Bukod sa pagod ako ay ayoko nalang din kong hindi naman kayo magsasama ng mga babae nyo.

Danka: kaya nga hayysstt.. nakakawala talaga ng gana ang ginawang iyon ni casey

Touru: mabuti pa at wag mo na muna banggitin si casey ngayon kong ayaw mong sumabog ng wala sa oras yang si vonne.

Danka: huh!. Oo tama ka. Pero tutal ikaw narin ang nagsalita ngayon touru diba bukod kay assedia ay malapit karin kay casey yan nga rin ang dahilan bat napagkasunduan nyong dalawa na maging yin at yang diba.

Touru: ano naman!

Danka: tanong kolang alam naman natin na walang interes si casey sa mga babae pero sa ginawa nya kanina nakakapagtaka talaga iyon. Gusto kolang malaman kong may nalalaman kaba sa babaeng iyon at ganoon nalang ang ikinilos ni casey. Oh kahit sa nakaraan ni casey may naikwento ba sya.

Eiyah: bingi kaba danka. Sinabi na ni touru na wag na muna mag salita ng kahit anong tungkol kay casey tapos ikaw naman tong parang gusto pang pag usapan si casey ngayon.

Touru: di kami ganun kaclose ni casey para ikwento nya sakin ang buhay nya sa totoong mundo. Ayoko na rin magsalit ngayon.

Zedd: tama si touru at eiyah, danka wag kanalang muna magtanong ng patungkol kay casey.

Danka: gusto ko lang naman malaman saka kunwari pa kayo ganun din naman ang mga mga iniisip at katanungan nyo ngayon.

Assedia: danka pwede ba!

Vonne: pwede bang manahimik kayo kahit saglit! lalong lalo kana danka. Gusto kong ibuhos lang kay casey ang nararamdaman ko pero baka diko mapigilan ang sarili ko sayo.

Danka: haha wala naman problema kong sakin mo ibubuhos iya-

Hari: TAHIMIK! pigilan nyo ang inyong mga sarili. Assedia pagtapos ng kasiyahang ito ay padalahan mo ng sulat si casey at sabihin mong ipinag uutos kong bumalik sya dito sa kaharian upang pagusapan ang naudlot na pagpupulong.

Assedia: opo! Mahal na hari. Pero

Hari: ipapatawag ko si casey hindi para magkagulo dito sa kaharian. Kong hindi nyo mapipigilan ang mga sarili nyo lalo kana vonne ay ako mismo ang matatanggal sainyo sa pusisyon nyo bilang mga elder.

Napangiti nalang si vonne at isip isip na:

Ganun! yan! Yan mismo ang lalong ikinakukulo ng dugo ko ang pang ispoiled nyo kay casey. Sa pinapakita ng hari ay parang lalo lang nito pinapahintulutan si casey sa mga gusto nito at hindi lang iyon ngayon kundi sa marami pang bagay.

Samantala iba naman ang iniisip ng ibang elder tulad ni touru na hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip nito na marahil ang babaeng iyon ang nasabi dati ni casey na inspirasyon ni casey kaya gusto nyang mabuhay at makabalik sa totoong mundo. Pero kahit pa alam ni touru ang tungkol doon ay alam nyang hindi maganda ang magiging resulta kong sinabi nya iyon kay danka at malaman ng ibang elder. Alam ni touru na tama lang na hindi sya nag salita sa nalalaman dahil alam nyang alam din iyon ni assedia at hindi rin nag sasalita si assedia patungkol doon.


CREATORS' THOUGHTS
namme namme

Follow us on IG to get notified on every updates and post of Character Design and Concept Art of this Story.

.

You may see the characters of Internal Sin on Instagram.

IG:@nammemmy

.

Two chapters per week, publishing time is on every Saturday and Sunday 12:00 am (PHT).

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login