Download App

Chapter 3: Oldman Dan Trevor

Chapter 3 - Old man Dan Trevor

Nang matapos magbatian sina Zeuz Trevor at Munting Squeek, pinagsaluhan nila ang kakarampot na pagkain para sa umagang iyon na nasamaliit na mesa. Mapapansin na mas marami ang pagkaing nasa plato ni Munting Squeek kumpara kay Zeuz. Nakakapagtaka nga na marami ang pagkain mayroon si Munting Squeek gayun namang napakaliit nito.

Ngunit para kay Zeuz Trevor ang paguugaling iyon ni Munting Squeek ay normal na lamang dahil kung ililista niya ang mga ugaling mayroon si munting Squeek ay unang-una niyang ilagay ang pagiging matakaw nito. Noong una ay nagtaka rin si Zeuz dahil hindi niya alam kung saan nilalagay ni munting Squeek ang pagkaing kinakain nito sa liit lamang naman ng pangangatawan nito.  Ngunit lahat ng iyon ay isinawalang bahala na lamang ni Zeuz. At kung ang tatanungin naman kung bakit mas marami ang pagkaing mayroon si Munting Squeek ay dahil alam niyang Hindi sapat kay Munting Squeek kung ang hati ng kanilang pagkain at pantay lang pero ayos lamang ito kay Zeuz basta ang mahalaga sa kanya ay masaya si Munting Squeek.

Pagkatapos nilang kumain nilinis niya na ang kanilang pinagkainan at naglinis na rin siya ng kanyang katawan mula ulo hanggang paa. Nang magpalit ng kanyang damit si Zeuz ay mapapansin na katulad rin ng damit niya ngayon ang damit na suot niya kanina lang ang pinagkaiba lamang ng isang ito ay mas malinis na. Ang mga damit ni Zeuz Trevor ay pare-pareho lang, isang brown t-shirt at brown din na pants.

Ang mga suot niyang damit ay hindi komportable at magaspang sa pakiramdam pero walang magawa si Zeuz Trevor kundi magtiis dahil ayun lamang ang nakayanan ng kanyang salapi.

Natapos nang maayos ni Zeuz ang lahat pati ang kanyang sarili at nalagay na rin ni Zeuz Trevor si Munting Squeek sa bag na nasa likuran niya. Doon nagtatago si Munting Squeek. Tinatago niya si Munting Squeek dahil hindi normal sa isang hindi pa ganap na Summoner ang may dalang beast. Sa bag na rin na iyo natutulog si Munting Squeek, isa rin sa paguugali nito ay ang pagiging matutulugin nito.

Hindi alam ni Zeuz Trevor kung saan nakuha ni Munting Squeek ang mga paguugali nito, sa kanyang pagkakaalala ang mga magulang nito ay hindi matutulugin at matakaw. Minsan iniisip ni Zeuz na dahil ba sa ini-spoil niya si Munting Squeek pero kung maiisip niya ang nagmamakaawang mata ni Munting Squeek ay napapailing na lang siya. Alam niya na ang resistance niya sa munting nilalang ay hindi malakas kaya kung maiisip niya na sinubukan niya itong hindi pagbigyan ay matatawa siya dahil wala pang oras ay hindi niya na nakayanan.

Nilisan nila Zeuz at Munting Squeek ang munti nilang tahanan patungo sa daan na papunta sa gubat, ang gubat na iyon ay tinatawag na Azura Forest kung saan naninirahan ang iba't ibang uri ng mga wild beast. Ang Azura Forest ay nasa likuran lamang ng Divine Tortoise Clan. Azura Forest ang tinawag rito dahil ang gubat na ito ay matatagpuan sa Azura City kung saan nakatayo ang Divine Tortoise Clan.

Lumipas ang ilang sandali narating nila ang gate ng Divine Tortoise Clan kung saan makikita ang bukana ng Azura Forest. Sa gate makikita ang dalawang lalaking may malalaking katawan sila ang Clan Guard na nagbabantay sa bukana ng Azura Forest. Ngunit imbes na lumabas ng gate patungo sa gubat ay kumaliwa si Zeuz, pagkaliwa niya makikita ang isang bahay na gawa rin sa kahoy ngunit kung ikukumpara ito sa bahay ni Zeuz hindi hamak mas malaki ito ng tatlong beses kumpara sa bahay na kasalukuyang tinitirhan ni Zeuz Trevor.

Sa bakuran ng malaking kahoy na bahay makikita mo ang iba't ibang halaman, mapa puno, bulaklak at damo na iba iba rin ang kulay katulad ng berde, dilaw, asul, pula at iba pa.

Ang mga halamang iyon ay hindi pangkaraniwan. Ang mga halamang ito ay tinatawag na Spiritual Herbs, mga halamang mayroong essence of nature at spirit. Ang Spiritual Herbs ay sangkap sa paggawa ng pills na para sa tao at maging sa beast. Ang pills ay isang tableta na ginagamit panggamot, sa pagcucultivate ng katawan ng tao at beast. Ang tawag sa mga taong gumagawa ng pills ay Alchemist. Ang Alchemist ay may iba't ibang ranggo, ito ay may lima lamang na ranggo ito ang; bronze, silver, gold, platinum at diamond rank. Ang pills rin ay nahahati sa siyam na uri mula Tier-1 hanggang Tier-9 base sa kanilang epekto at nagagawa.

Pagpasok pa lang ni Zeuz sa hardin ay makikita na ang halehalerang mga spiritual herbs. At sa isang parte nito makikita ang isang lalaki. Ang lalaki ay may kulay puting suot na roba, kulay abo na halos puti ng buhok at may balat na nakikitaan na ng pagkulubot. Kung ang balat ang pagbabasehan ang lalaki ay isa ng matanda ngunit ang pagkinang ng mga mata at pagguhit ng ngiti sa kanyang labi ay para itong batang binigyan ng laruan ngunit imbes na laruan, ang matanda ay nasisiyahan sa paglago ng kanyang tanim na Spiritual Herbs.

"Magandang umaga, Lolo Dan" bati ni Zeuz sa matandang nakangiti habang tinitignan ang bulaklak na may kulay asul at pilak na guhit sa petals nito.

Agad namang napabaling ang atensyon ng matandang lalaki sa bagong dating na si Zeuz Trevor at masayang tinugon ang bata.

"Magandang umaga rin, munting Zeuz. Kamusta ang iyong gising?"

"Ayos lang naman po ako, Lolo Dan. Hindi na kita tatanungin kung ayos ka lang ba dahil halata naman po na ikaw ay masaya". Nakangiting tugon ni Zeuz sa matandang nasa kanyang harapan.

Base sa tinawag ni Zeuz Trevor sa matandang lalaki ay madali itong makikilala. Kung sasabihin mo pa lang ang kanyang pangalan makikilala na siya ng Tao sa Prima Beast Continent Lalo na sa Divine Tortoise Clan.

Siya si Dan Trevor o Lolo Dan kung tawagin ni Zeuz. Si Lolo Dan ay isang kilala at tanyag na Alchemist sa Divine Tortoise Clan at maging sa Primal Beast Continent dahil si Tandang Dan Trevor ay nakamit na ang ranggong Diamond-Rank Alchemist isang taon na ang nakakaraan. Sa pagtungtong niya sa Diamond-Rank si matandang Dao ay nakakagawa na ng low-level Tier-9 pills sa tulong ng kanyang guardian beast na isang Refining  Pure Water Tortoise, na nagagawang magrefine ng chemicals hanggang ito ay maging puro at isa din sa tumulong sa kanya ay ang kanyang Herbs Keeper Monkey, na kayang tukuyin ang iba't ibang uri ng spiritual herbs at kaya rin niyang magstore ng herbs sa kanyang rattan basket na nasa likod nito na tila isang bag, kaya nitong magstore ng maraming herbs dahil isa sa affinity ng Herbs Keeper Monkey ay space.

Ang affinity ay ang elemental attribute ng isang beast at ito ay maraming uri katulad ng fire, water, earth, air, space at iba pa.

Sa tono ng pagtugon ng matandang Alchemist kay Zeuz ay makikitaan ito ng kabaitan. Si Lolo Dan ay mabait at hindi gaya ng mga miyembro ng Divine Tortoise Clan na kinamumuhian si Zeuz. Dahil Isa ang anak ni Tandang Dan sa nasawi ng nilusob ang Divine Tortoise Clan ng Vicious Collosal Earth Bear.

Isa si Lolo Dan sa dalawang natatanging may pakialam kay Zeuz sa loob ng Divine Tortoise Clan. Kaya naman tinutulungan siya ni Lolo Dao kahit sa maliit na paraan, kinuha niya si Zeuz na maging isang katulong tuwing siya gumagawa ng pills at sa pagaalaga sa mga spiritual herbs na kanyang tanim. Ang kapalit ng pagtulong ni Zeuz ay pagkain at minsan ay spiritual herbs na ginagamit niya kung siya ay nagtre-training ng kanyang pangangatawan. Malaki ang tulong ng spiritual herbs sa mga Summoner dahil maaari silang makalanghap ng essence of nature o spirit essence na kapag prinocess sa katawan ng Summoner ay nagiging soulforce na ginagamit ng Summoner sa pagsagawa ng skill at pagpapanatili o pagsummon ng kanilang beasts.

Dahil sa pagtulong-tulong ni Zeuz kay Lolo Dan sa paggawa ng pills marami rin siyang nalaman sa pagiging Alchemist at pagtutukoy sa mga spiritual herbs. Katulad ng tamang pagrefine, paghalo at tamang sangkap na gagamitin.

Kaya lubos ang pasasalamat ni Zeuz Trevor kay Lolo Dan dahil hindi siya nito hinusgahan bagkus tinulungan siya nitong lumago at tumayo sa sarili niyang mga paa. Isa rin sa dahilan kung bakit hindi magawang lumisan sa Divine Tortoise Clan ay dahil sa dalawang taong nagmalasakit sa kanya, Isa rito si Lolo Dan. Nag-aalala siya na kung umalis siya sa clan ay hindi niya na makita sina Tandang Dan.

Kilala na ni Zeuz Trevor si Tandang Dan kahit noong nandito pa ang mga magulang ni Zeuz. Ang magulang niya at ang anak ni Tandang Dan ay magkaibigan. Kaya hindi nakakapagtakang malapit na sila sa isa't isa.

Lalo pang naging malapit sina Zeuz at Tandang Dan simula noong nawalang sila ng mahal sa buhay kaya tinuturing na rin nila ang isa't isa na pamilya.

Nais pa ni Tandang Dan na tumira na sa kanyang bahay si Zeuz para nakikita at nagagabayan niya ito ngunit sadyang malupit ang mundo dahil pinigilan ng Divine Tortoise Clan ito dahil alam nilang gaganda ang buhay ni Zeuz Trevor sa kamay ng matandang Alchemist.

At ang isa naman na mahalaga sa kanya ay ang kasa-kasama niyang nagaaral sa paggawa ng pills sa turo ni matandang Dan. Ang taong ito ay malapit kay Zeuz at ganon rin naman kay Tandang Dan ito ay walang iba kundi si;

"Lolo Dan nakagawa ako ng low-level pillll!"

Wika ng isang tinig na nagmula sa loob ng malaking bahay na kahoy.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login