Download App

Chapter 3: When we were Young

April 19**

" Ungaaa ~Ungaaa~Ungaaa~" Sabay na iyak ng Dalawang sanggol Sa magkabilang Silid

Na pinangalanan ng kaniya kaniyang mga magulang na Ayena At Lawrence

3 Years Old

" Mama eat pud (food)"ani ni Ayena

"RenRen too"

"Kiss mama Yhen first " ani ng Mama ni Ayena

" Muah" kiss ni Ayena sa kaniyang mama sa labi

"Muah"kiss din Ni Lawrence sa Mama ni Ayena

" Kiss Mama Rea din " Ani ng mama ni Lawrence

"Muah" kiss naman din ni Ayena

"Muah " kiss din ni Lawrence sa Mama niya

" Okay ito na, hati kayo" bigay ng Mama ni Ayena kay Lawrence sa Chocolate

excited namang nagaantay si Ayena kay Lawrence na hinahati ang chocolate sa dalawa

" Akin hingi ako"nalulungkot na ani ni Ayena ng di siya bigyan ni Lawrence

" Kiss Renren first" ani ni Lawrence habang nakanguso at nakaturo ang hintuturo sa labi

Agad napatawa ang mga Mama nila at mabilis na kumuha ng Camera para kuhanan sila ng litrato at ivideo narin ang inosenteng mga paslit

"Muah" halik ng batang Ayena kay Lawrence pagkatapos ay kinuha ang tsokolate sa kamay ni Lawrence

Kindergarten

" Ahh Yenyen iyakin" tukso ng batang Lawrence

" Ma-ma! Bad RenRen Away ako" Hikbi ng batang Ayena at umiiyak na nagtatakbo sa Mama niya

" HAHAHA Iyakin!" tawa ni Lawrence na lalong nag paiyak kay Ayena

" Lawrence Pinaiyak mo na naman si Ayena ,Mag sorry ka" Saway sa kaniya ng Mama niya

" Yenyen sorry na huwag kana Crycry " pero di tumigil sa pagiyak si Ayena na nakaupo sa Buhanginan

Umupo nalang din si Lawrence sa Buhanginan at umiyak din ng Malakas na nakapagpatigil sa Batang Ayena sa Pag iyak

"Sabay tayo Cry " ani ng Batang Lawrence at nagpatuloy sa Pagiyak

" HAHAHAHAHA " tawa ng mga Mama nila habang kinukuhanan sila ng litrato

Grade 1

" HAHAHAHAHA Yenyen Walang ipin!" tukso ng batang Lawrence kay Ayena

Agad na namang napangiwi si Ayena na papaiyak na

" Hehe Ako rin alang ipin" bawi ni Lawrence at ngumiti ng malaki para ipakita ang mga ngipin niyang may bungi

Agad namang napalitan ng ngiti ang mga ngiwi ni Ayena

Grade 3

" Maam!Maam!Maam!" pag taas ng kamay ni Lawrence

" Nangongopya po si Yenyen sa akin"

" anong nangongopya hindi kaya ,mali mali nga sagot mo "

" Oh bat mo alam?nangongopya ka eh"

"Sige na sagotan niyo na mga papel niyo" pagpapatigil sa kanila ng kanilang Teacher

Grade 5

" James! james!pangit ka daw sabi ni RenRen!" Sigaw ni Ayena na nakaagaw ng Atensyon sa buong Klase

" Hoi anong pangit?" tangi ni Lawrence

" Anong pangit?! Suntukan nalang tayo oh!" pagsisimula ng batang si James

" Oh ali ka dito ! " pagmamayabang naman ni Lawrence

" kala mo ang pogi pogi"

Walang ano ano ay nagsuntukan ang dalawa dahil sa napaka simpeng bagay dun naman pumasok si Reshen na umaawat sa kanila na nadamay sa suntukan ng dalawa agad din siyang gumanti ngayon ay tatlo na silang nagpapalitan ng suntok ang iba nilang kaklase ay nagsitakbuhan na palabas para magtawag ng Guro

" Kasalanan mo to Ayena!" sisi ni Arabelat kay Ayena

"kasalanan ko ?!baka gusto mong magsuntukan din tayo"pagmamaldita ni Ayena

" Kasalanan mo naman talaga kung di- - aray!"

Walang ano ano ay hinila ni Ayena ang Buhok ni Arabelat

" Di kita ina-ano napaka ano mo"

" Pangit?!"

" Umaawat lang ako!"

" Ang yabang yabang!"

Ang classroom nila na kaninang napaka tiwasay ay tila nadaanan na ng bagyo at animoy may nagrarambulan

" Sino ang nagsimula ng Gulo?"

Ang kinalabasan diretso Principal agad sila Pinatawag na din ang mga magulang nila at nabigyan ng One Week Suspension na imbes na ikalungkot nila ay ikinasaya pa

Ilang Buwan pa silang Magkaaway sila Ayena't Arabela na pasimpleng nag iirapan at Lawrence ,Reshen at James na may pabannga bangga pang ginagawa

Ilang buwan din ay kalaunay naging magkaibigan din naman

Grade 6 Graduation

Magkaibang Linya ang mga Babae at Lalaki Medyo malapit lang sila pero nag aasaran parin si Ayena At Lawrence kahit nandiyan ng mga magulang nila sa kanilang tabi

" Pangit" ani ni Lawrence.

" pangit mo rin" ani ni Ayena at nilabas ang dila pagkatapos ay inirapan pa niya

" Ang pangit niyo!" ani ni James na nasa pinakaunahang linya ng mga lalaki

" mas pangit ka" Arabelat

" Mas pangit kayo" Reshen

>>>

" Sige Picture Picture " Ani ng Mama nilang dalawa

Agad Hineadlock ni Ayena si Lawrence At nag peace sign saka ngumiti ng malaki

" Yenyen!" Sigaw ni Lawrence habang pinipicturan ng kanilang mga magulang na aliw na aliw sa kanilang Dalawa

"Sali din kami!" sigaw ni James at nakisali din sa pag picture di din nagpahuli si Reshen at tumakbo na din at nakipicture, iniwan na din ni Arabelat ang crush niya na magpapapicture sana siya at nakisali sa picture nila

Grade 7

" Yen? May sugat ka ba? "

" Bakit?"

"May dugo kasi sa Palda Mo"

Agad tiningnan ng batang ni Ayena Ang pwetan niya at agad nangunot ang Noo dahil may Dugo nga

" Eh di naman mahapdi? "

" Tara tara sabihin natin Kila mama Baka maubusan ka na ng Dugo " nag aalalang ani ni Lawrence

May naiisip na ideya si Ayena kung bakit may dugo pero di siya sigurado kaya sumunod nalang siya kay Lawrence na umaalalay sa kaniya

Papunta kasi sana sila sa bahay nila Arabelat

>>>

"Oi si Yenyen dalaga na daw" tukso sa kaniya ni Lawrence

" Manahimik ka nga!" asar na ani sa kaniya ni Yenyen

" di ko na talaga papalapitin sayo yung mga nagkakacrush sayo kahit di ka naman maganda"

" Aba!" sigaw ni Yenyen at agad na binigyan ng pagkalakas lakas na batok si,Lawrence

" Madami din namang nagkaka Crush Sayo kahit Di ka naman ka gwapuhan! " ganti din ni Yenyen

" Sino yung Dalaga na??" datingan nila Reshen,James At Arabela

Thirteenth birthday

Happy Birthday To you~

Happy birthday to you~

Hapyy birthday to you~

Kanta ng mga magulang nila kasama na ang magulang ng mga kaibigan nilang si Arabela, James at Reshen

"Make a Wish" ani ng mga Mama nila

Nagkatinginan pa muna silang dalawa at sabay na pumikit

'I wish - - na ikakasal kami ni Yenyen pag malaking malaki na talaga kami'

'Sana Di ako makakalimutan ni Renren kahit anomang Mangyari'

Tahimik at sabay na hiling ng dalawa

Sabay nilang inihipan ang kandila ng Cake nila

" anong winish mo?" tanong ni Yenyen kay Renren

" di ko sasabihin baka di pa matupad" ani ni Renren

" Madaya" ani ni Yenyen

" Ehh ikaw ba ano bang hiniling mo?" tanong ni Lawrence

" Di ko din sasabihin baka di matupad "

" Pag natupad na saka ko lang sasabihin" ani ni Lawrence

" Edi ako din" ani rin ni Ayena

"pwede nabang kumain" singit ni james na may hawak ng plato at kutsara't tinidor

" patay gutom" sabay na ani nilang magkakaibigan

College Graduation

" Di talaga ako makapaniwalang nakapagtapos na ako" ani ni Reshen

" Sa wakas tapos na ang empyerno ng buhay ko" ani din ni Arabelat at niyakap pa ang diploma

" Isa na talaga akong ganap na Gwapo"

" Para kayong mga timang jan!" saway ni Lawrence sa kanila

" Makakapunta nadin ako ng London" ani ni Ayena na nakapagpatigil sa kanilang lahat at sabay na napatingin sa kaniya

" Anong London London?" ani ni Lawrence

" Anong gagawin mo dun?" ani ni Arabelat

" magtatrabaho malamang" ani ni James

"wala!walang pupuntang London" ani ni Lawrence

" Bahala na nga "

" Mga anak Pictureee!" tili ng mga mama nila sabay sabay silang napatakip ng tenga nila

Nag picture-picture pa silang magkakaibigan bago sila kunin ng mga magulang nila para picturan din, Si Ayena at Lawrence nalang ang natira

" Mga anak Picture pa, ang pangit kasi ng mga yun" biro ng Mama ni Ayena

Agad siyang inakbayan ni Lawrence bahagya namang umakap si Ayena sa kaniya ang mga magulang naman nilay walang pigil sa pagpicture

Normal na sa kanila ang ganoong klaseng mga kilos dahil talagang Close na close na talaga sila, Close na Close naman silang lahat pero nasobraan lang talaga ang ka closan nilang dalawa

Pagka alis nila sa eskwelahan ay kumain silang magkakaibigan sa paborito nilang Restaurant kasama ang mga magulang nila para sa kaunting Selebrasyon dahil nakapagtapos ang mga pasaway nato

5 months later

" Ma? Kanino yung mga bagahe sa sala" ani ni Lawrence sa Mama ni Ayena

" di pa ba nasabi ni Ayena sayo?" tanong ng mama ni Ayena nakapagpagulo sa isip niya

" Ang alin ma?" tanong Ni Lawrence

" Ma! nakita mo ba yung passport ko - -" ani ni Ayena na kapapasok lang ng kusina agad naglakad si Lawrence papunta sa Sala at nilampasan si Ayena

" ako na maghahanap,kausapin mo muna yan magtampo pa yan sayo" ani ng Mama Niya sa kaniya

Agad na naglakad si Ayena papunta sa Sala kung nasaan si Lawrence na kasalukuyang nakatingin sa mga bagahe niyang andoon

" Pag aalis ka, huwag ka ng bumalik " linya ni Lawrence agad siyang nilapitan ni Ayena. At binigyan ng batok

"Para kang tanga" ani sa kaniya ni Ayena

" Parang tanga,ikaw ang parang tanga ang dami dami namang pwedeng pagtrabahuan dito gustong gusto pa talaga sa London" ani ni Lawrence

"Parang tanga talaga oh sipain kita diyan uuwi di naman ako "

" nako huwag ka ng umuwi balak mo pa talagang umalis ng di nagpapaalam " ani ni Lawrence

" Nagpaalam kaya ako kela Arabelat nag iwan pa nga ako ng Video "

" Video, Video" bulong bulong ni Lawrence at masama parin ang timpla ng Mukha

" ito naman oh parang bata " ani ni Ayena at bahagyang niyakap agad naman siyang pinaupo ni Lawrence sa kandungan niya at niyakap ng mahigpit

" Pag ikaw talaga di umuwi ako mismo susundo dun sayo"

" Ayown nagdradrama nga" biglang singit ni James

" Parang tanga talaga tong si Lawrence " kasunod na ani ni Reshen

"Asos! Kayo nalang kasi! " ani ni Arabelat

" Alis diyan Lawrence ako muna yayakap kay Ayena " ani ni James di naman pinaagaw ni Lawrence si Ayena kay James

" ang bigat mo alis nga!" biglang ani ni Lawrence agad siyang binatukan ni Ayena

" hala paiyak na, paiyak na'si Lawrence" tukso ni Reshen kay Lawrence

>>>

" Sinasabi ko sayo umuwi ka dito" ani ni Lawrence sa kaniya bago bitawan mula sa napakahigpit na yakap

"uuwi ako sa kasal mo....kung may papakasalan" ani ni Ayena na may pagtukso pang kasama

" meron yan" ani Lawrence

"Sige na nak baka maiwan ka na ng eroplano " singit ng Mama ni Ayena

" Rence alagaan mo mama Ko,Hoi mga gago alagaan niyo Mama ko ipapaihaw ko talaga kayo"

Nagtatawanan lang ang ibang mga kaibigan ni Lawrence maliban sa kaniya na masama talaga ang timpla ng mukha na parang maiiyak na talaga kunting hangin nalang

" Byeee! Mag iingat kayo mga gago, huwag kayong Magpapakasal ng wala ako!" ani ni Ayena habang naglalakad

" Ayena no! dont Go!Mamatay kami!" sigaw nilang lahat maliban kay Lawrence ,talagang mga walanghiya ang mga taong to

"Mga Gago!mamatay na kayo!"ani ni Ayena

" HUWAG KA MAGBOBOYFRIEND DUN!!"pahabol na sigaw ni Lawrence

" SIYA LANG DAW BOYFRIEND MO!!" dagdag ni Arabela

~ Zyanekuliit

Hikhok


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login