Download App

Chapter 3: ~ The Step 1 and 2 ~

"Ang aga mo yatang nagising ngayon, ah? 'Di ba day-off mo ang sabado dahil may tumatao naman doon sa tindahan mo?" Usisa ni kuya na naabutan kong umiinom ng kape habang nanonood ng t.v..

"Masama ba'ng gumising ng maaga? Isa pa may kailangan akong gawin. Hindi ka nakikinig sa usapan kagabi. May mga kailangan pa akong tapusin," sagot ko habang patungo sa kusina para magtimpla ng kape.

"Saan? Makikipag-date?"

"Kuya! Ano ba'ng makikipag-date ang sinasabi mo? Tigilan mo nga ako! Ang aga-aga eh!"

"Nagtatanong lang naman," tumatawang katwiran nito.

"Intindihin mo na lang iyang mga babae mo! Baka kaya hindi ako nagkaka-boyfriend dahil sa pagiging babaero mo. O kaya araw-araw kang sumama kay Mama baka sa store mo pa makilala magiging asawa mo," pang-aasar ko rito habang naglalakad patungo sa direksyon ng hagdan dala ang tinimplang kape para bumalik sa kuwarto.

"O? Saan ka pupunta? Ayaw mo ba akong tabihan?"

"Ewan ko sa 'yo, Kuya! Ang aga-aga, nang-iinis ka na. Gumayak ka na nga at umalis."

Pagpasok sa kuwarto ay mabilis kong inilapag ang baso ko sa maliit na mesang katabi lang ng kama ko. Dinampot ko ang papel kung saan ko isinulat ang procedures na nabasa ko kahapon para simulan na itong gawin.

"Una... bumuo ng mukha ng lalaking iyong pinapangarap sa pamamagitan ng mga cut-out pictures."

Mabilis kong hinalungkat ang mga binili kong magasin na naluma na sa tagal at nakalagay sa kahon na nasa ilalim lang ng aking kama at mabusisi kong tiningnan isa-isa ang mga larawan ng lalaki na naroon.

Matapos kong magupit ang mga kailangan ay sinubukan ko na itong buohin ayon sa aking kagustuhan. Halos kiligin pa ako dahil sa naging resulta. Sana lang talaga ay totoo itong nabasa ko kahapon.

Muli kong dinampot ang papel para basahin ang kasunod kong gagawin.

***Bilhin ang mga kulay ng kandilang nakasulat sa ibaba:

* White (kadalisayan)

* Purple (calmness)

* Lavender (ability to understand something immediately)

* Blue (prophetic dreams)

* Dark Blue (loyalty)

* Royal Blue (protection)

* Green (luck/success)

* Indigo (deep meditational state. )

* Pink (harmony)

* Yellow (bringing plans into action,)

* Orange (strength attraction, stimulation (pagbibigay-buhay/sigla)

* Deep Red (Passion, energy, love, lust, relationships, sex, vitality, (kasiglahan) courage)

* Black (repelling negative energy from others.)

* Rose (increases admiration, love, friendship, fidelity, at calmness; nakakahikayat ng compassion; higher mystical powers and humor.)

Hindi hnaging mahirap para sa akin kumpletuhin ang mga kandila dahil naglaan talaga ako ng oras kahapon para mahanap ang wala. Ang iba kasi ay mayroon na rito sa bahay dahil si Mama ay madalas mamili ng mga scented candles. Nagkataon naman na ang iba ay kaparehas ng kulay na kailangan kaya hindi na naging problema pa sa akin.

Matapos ko itong pagsama-samahin, tinalian ko ito. Kinuha ko ang nabuo kong imahe saka binuksan ang drawer ko. Humigop ako ng kape saka muling tinignan ang kandila at litrato. Napangiti ako dahil sa kalokohan kong ito. Naiiling kong isinara ang drawer saka naupo sa kama ko.

Ayon sa nabasa ko ang pangalawang dapat na gawin ay kailangan kong sindihan ang mga kandila isang linggo bago sumapit ang araw ng mga puso.

Dinampot ko ang cellphone ko saka gumawa ng reminder para rito. Maaaring makalimutan ko ang tungkol dito dahil sa sobrang busy sa negosyo ko.

NAPANGITI AKO. "I love you too..." sabi ng lalaking kayakap ko habang papalapit ang mukha nito sa akin kahit na hindi ko maaninag ang mukha nito ay alam kong balak ako nitong gawaran ng isang halik. Napapikit naman ako habang hinihintay ang pagdampi niyon.

"Susanne! Gumising ka na. Tanghali na!" sigaw ng kuya ko mula sa labas ng kuwarto ko habang kinakalabog ang pinto.

Napapadyak at napakamot ako sa ulo. "Oo, Gising na ako. Gising na!" naiinis na sigaw ko. Hinagilap ko ang cellphone ko na nakalagay sa ilalim ng unan upang alamin ang oras. "Omg!Alas-diyes na. Kasalanan to ng panaginip kong 'yon, e. Hindi ko pa naman sinisindihan ang mga kandila bakit napanaginipan ko na siya? At bakit malabo ang mukha?"

"Susanne!" sigaw muli ni Kuya. Halata sa kanyang nang-iinis lang siya dahil dinig ko ang pagpipigil niya ng tawa.

"Ano ba kuya? Gising na nga, e. Ang aga-aga nang-iinis ka na," naiinis ko nang sigaw habang pababa ng kama. Dumiretso ako sa cabinet ko para kumuha ng pamalit.

"Tinanghali ka na. Pasalamat ka may ibang puwedeng magbukas ng tindahan mo at kung wala ay lugi ka na. Sumunod ka na sa kusina para kumain, bilisan mo!"

"Oo na! Ang kulit."

Matapos kong maligo at makapagbihis ay mabilis na akong nagtungo sa kusina para kumain. Hindi ko na pinansin ang kuya ko na panay ang asar sa akin dahil kailangan ko ng magmadali. Marami pa naman akong aasikasuhin dahil hindi ko pa natapos ang pag-aayos ng schedule ng mga staff. Hindi ako nakapag-concentrate dahil laging pumapasok sa isip ko ang tungkol doon sa ads na nabasa ko.

"Hoy! Tulala ka na riyan," panggugulat ng kuya ko.

"Ay! Kabayo ka."

"Sa g'wapo kong 'to? Mukha ba akong kabayo? Ano ba'ng nangyayari sayo? Tinanghali ka na nga ng gising tapos nakuha mo pang tumulala riyan," salubong ang kilay na tanong nito na hindi ko na pinansin at mabilis na tumayo habang umiinom ng tubig.

"Aalis na 'ko," paalam ko rito bago nagmamadaling naglakad palabas ng bahay.

NANG makarating ako sa tindahan ay naging abala kaagad ako. Nadatnan kong maraming customer sa shop. Inaasahan ko na ito dahil araw ng linggo at maraming namamasyal na pami-pamilya. Kaya naman hinanda ko ang sarili ko na gumising ng maaga pero ng dahil sa panaginip na iyon ay tinanghali ako ng gising. Hindi ko tuloy alam kung nakalimutan ko bang mag-set ng alarm o pinatay ko ang alarm ng marinig ko ito kanina.

Halos hindi na magkanda-ugaga dahil kabi-kabila ang mga bumibili. Alas dos na ng hapon ng kumunti ang mamimili.

"Kumain na kayo, late na," sabi ko sa mga kasama ko. Dahil kapag ako naman ang kumain ay itutuloy ko na hanggang sa paggawa ng schedule para naman bago ako umuwi mamaya ay wala na akong ibang iisipin.

"Sige po, Ate."

Nang maiwan na akong mag-isa ay nakaramdam naman ako ng pagkainip dahil paisa-isa na lang ang customer. Muli nanamang bumalik sa isipan ko ang tungkol sa mga kandila at sa picture. Maging ang panaginip ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-imagine ng maaaring mangyari kung sakaling gumana ang nakalagay sa procedure.

"May totoo kayang lalaki na kamukha ng nasa picture na nabuo ko?" Napapabuntong-hiningang tanong ko sa sarili habang nakatulala sa hangin. Nangalumbaba ako.

"Hoy!" Bulyaw ng kung sino kasabay ng paghampas nito sa kamay ko dahilan para malaglag ang ulo ko mula sa palad ko at mapatili. Nang lingunin ko kung sino ang pangahas na nanggulat sa akin ay nakita ko ang kuya kong sapo ang tiyan at namimilipit na sa katatawa.

"Ano ba? Bakit ka ba nanggugulat?" Iritableng tanong ko rito habang haplos ang parte kung saan niya ako hinampas.

"Kanina pa kaya ako nakatayo dito sa harapan mo at tinatawag ka pero pangiti-ngiti ka lang na parang baliw tapos biglang magbubuntung-hininga," sagot nito sa pagitan ng pagtawa.

Napaisip tuloy ako kung totoo bang ngumingiti-ngiti nga ako. Pero si Kuya 'tong nagsabi, e. Kalokohan! "Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

"Ipinagdala kita ng makakain dahil sigurado akong hindi ka na naman kakain," sabi nito sabay abot ng isang plastic bag na may lamang tupperware.

"Awe! Ang sweet. May kailangan 'to," pagbibiro ko. "Salamat," dugtong ko saka inabot ang dala niya.

"Wala akong kailangan sa 'yo, 'no! Wala ka namang pera, e," tatawa-tawang sagot niya. "At 'wag ka na ulit ngingiti ng mag-isa at baka mapagkamalan kang baliw."

"Hindi ka talaga nauubusan ng pang-asar sa akin ano?"

"Siyempre ako pa ba? Sige na, aalis na ako. May date pa ako, e. Idinaan ko lang talaga 'yan."

"Heh! Mabuti pa nga, bye!"

PABAGSAK akong naupo sa sofa. "Nakakapagod!" Ginabi na kami ng pagsara dahil sa dami ng dumagsang mamimili ng magdilim na.

"Tumatanda ka na kasi!" pang-aasar ng kuya ko na nanonood ng t.v.

"Kuya! Ano ba? Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan at lagi na lang ako ang iniinis mo?" maktol ko rito.

"Wala," nakasimangot na sagot niya. "Ang mabuti pa kumain ka na bago ka magmukmok diyan."

"Si mama?"

"Kanina pa nakauwi. Ayon at naghihilik na."

"Sige. Magbibihis na muna ako," paalam ko bago tumayo at nagtungo sa kuwarto ko. Habang nagbibihis ay 'di sinasadyang nagawi ang tingin ko sa drawer kung saan ko itinabi ang mga kandila at ang picture. At naalala ko na bukas na pala ako mag-uumpisang magsindi ng kandila.

Hindi ko napansin na natulala na pala ako. Kung hindi lang tumunog ang cellphone ko ay hindi pa ako matatauhan kaya naman bago pa ulit ako mawala sa sarili ay mabilis na akong nagbihis at bumaba para kumain.

Mabilis lang ako natapos dahil nakakawalang gana kumain ng mag-isa pagkatapos ay hinugasan ko na rin ang kinainan ko bago nagmamadaling bumalik ng kuwarto.

Alas dos na ng madaling araw at hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko kung puwede na kayang sindihan ang kandila. Bumangon ako at kinuha ang papel kung saan ko isinulat ang mga dapat gawin.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login