Download App

Chapter 3: Chapter 2

"Princess Adreianna?! Kapatid ko, kailan ka pa bumalik?!" Gulat na gulat na sambit ni Reyna Rebecca Vermontt sa bagong dating na magandang babae at hindi nito mapigilang mapatayo sa inuupuan nitong trono. Mabilis niya sanang pupuntahan ang magandang babaeng kilalang-kilala niya ngunit mabilis siyang natigilan sa susunod na winika ng bagong dating na magandang babaeng nagngangalang Princess Adreianna na siyang kapatid pala nito.

"Hep hep... Wag ka ngang lumapit sakin as if that I go here just for you." Pagsusuplada ng nasabing bagong dating na babaeng si Princess Adreianna na siyang nagpatigil sa papalapit sanang si Reyna Rebecca Vermontt. Nakaharap siya mismo sa gawi nina Haring Eros Vermontt at Reyna Rebecca Vermontt ngunit tila walang mababakas na anumang etiquette o paggalang man lang sa hari at reyna. Ni hindi niya man lang binigyang pansin o tiningnan ang mga nasa magkabilaang gilid o direksyon na mga nakaupong mga Elders kasama ang mga iba't-ibang personalidad na namamahala sa iba't-ibang sektor ng Heaven Arcane Kingdom.

"Prinsesa Adreianna, kapatid ko ano ang nangyari ba't ka napaaga ng uwi. May nangyari ba sa paglalakbay mo?!" Sambit ni Reyna Rebecca Vermontt sa kapatid nitong si Prinsesa Adreianna na nasa harapan niya mismo.

"Paki mo ba ha, gusto kong bumalik rito eh may problema ba?!" Masungit na pagkakasabi ng magandang babaeng si Prinsesa Adreianna.

Biglang napatayo naman ang apat na Elders sa magkabilang gilid na malapit lamang sa pwesto ng magandang babaeng si Prinsesa Adreianna.

"Lapastangan! Ganyan ka ba makipag-usap sa Inang Reyna?!" Pagalit na sambit ng isang matandang lalaking may mahabang balbas habang hawak-hawak nito ang kaniyang tungkod.

"Sumusobra ka na Prinsesa Adreianna, pinalampas lang namin noong nakaraan ang pag-uugali mong iyan ngunit hanggang dito ba naman sa pagpupulong namin ay gagawa ka ng komosyon?!" Sambit naman ng medyo may edad na lalaking may malalim na peklat sa kaniyang kanang bahagi ng pisngi.

"Hahaha... Pakialam ko sa inyo? Sino kaya sa atin ang pag-uugali ang problema. Kakarating ko lang pero binungangaan niyo na ko! Masama bang dumalo sa pagpupulong na ito? Isa ba akong outsider na bawal makisali? Alalahanin niyong isa pa rin akong prinsesa ng kahariang ito!" Malakas na sambit ng magandang babaeng si Prinsesa Adreianna habang naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa mga elders na nagsalita at tumayo.

Tila napalunok naman ng mabilis ang dalawang kaninang nagsalitang mga elders.

....

Hindi nakatiis ang isa pang nakatayong Elder at mabilis din itong nagwika.

"Hahaha... wala kang respeto sa aming namumuno sa Heaven Arcane Kingdom pero ang titulo ng Reyna Rebecca Vermontt ay dapat mong alalahanin dahil isa ka lang insignificant figure ng kahariang ito. Wag kang bastos sa harap ng nakararami!" Tila mababakas ang galit sa boses ng isa pang Elder na si Elder Darro na namumuti na ang buhok nito dahil na rin sa katandaan. Nakita niya kasing hindi na nito binigyang respeto ang mahal na reyna.

Imbes na makaramdam ng hiya ang dalaga ay bigla nitong tiningnan ang mulha ng matandang lalaking Elder na si Elder Darro na halatang pinaglipasan na ng panahon.

"Heh! Ano naman ang pakialam mo tanda. Usapan namin ito ni Rebecca. Did you just scold me? Kahit magkampihan pa kayo ay wala kayong magagawa laban sa akin!" Matapang na sambit ng magandang babaeng si Prinsesa Adreianna.

Bigla namang nakaramdam ng tensyon si Reyna Rebecca Vermontt kaya mabilis itong namagitan sa naging pag-aaway ng nasabing kapatid niyang si Prinsesa Adreianna at ng apat na mga Elders.

"Uhm, pwede bang huminahon kayo. Alalahanin niyong napakarami niyong naririto at pinapanood kayo. Adreianna, ano na naman to ha?! Ano bang pinunta mo rito kung sa una pa lamang ay wala kang interes sa negosasyong nangyayari sa pagpupulong na ito?!" Sambit ni Reyna Rebecca Vermontt nang mapansin nitong ito ang unang beses na pumunta ito sa oras ng pagpupulong ng mga miyembro ng may mga mataas na katungkulan sa loob ng kaharian ng Heaven Arcane.

"Simple lang naman kapatid. Gusto ko ang malaking silid na nakabakante lamang sa isang magandang lugar doon na may magandang view ng buong kaharian." Nakangiting sambit ng magandang babaeng si Prinsesa Adreianna habang makikita ang nagpuputiang mga ngipin nito.

Tila biglang kinabahan naman si Reyna Rebecca Vermontt maging ang Mahal na haring si Haring Eros Vermontt ay tila kinabahan sa gustong mangyari ng magandang dalagang si Prinsesa Adreianna. Hindi nito mapigilang magsalita ng kaniyang saloobin bilang hari ng Heaven Arcane Kingdom.

"Prinsesa Adreianna, alam kong gustong-gusto mo ang malaking silid na iyon ngunit hindi ko maaaring tuparin ang kahilingan ng kapatid ng asawa ko." Seryosong sambit ni Haring Eros Vermontt na pilit na nagiging mahinahon.

Nang marinig ito ng magandang babaeng si Prinsesa Adreianna mula sa bibig mismo ni Haring Eros Vermontt ay mabilis na naningkit ang nagagandahang pares ng kulay asul na mga mata nito.

"Hahaha... mawalang-galang na Eros pero kapatid ko ang kinakausap ko patungkol sa gusto ko at hindi ko hinihingi ang suhestiyon mo." Pasupladang sambit ng magandang babaeng si Prinsesa Adreianna. Napa-cross arms pa ito dahil sa narinig niyang sinabi ni Haring Eros Vermontt sa kaniya.

"Bilang asawa ni Reyna Rebecca ay alam mong hindi maaaring gawin ang nais mong mangyari. Isa pa ay asawa ako at hari ako ng Heaven Arcane Kingdom kaya mahalaga ang salitang sinasabi ko." Seryosong sambit ni Haring Eros Vermontt na tila pinipigilan lang nitong magburst out sa labis na inis sa magandang babaeng si Prinsesa Adreianna na kapatid ng kaniyang sariling asawang si Reyna Rebecca Vermontt.

"So ginagamit mo pa ang titulo mo para magdesisyon sa bagay na ito?! Ako si Prinsesa Adreianna at hindi ko kailangan ang opinion mo. Gusto kong marinig mula kay Rebecca ang desisyon na nais kong mangyari. Kung tutuusin ay isang maliit lamang na espasyo lamang ng kaharian ang gusto kong mangyari. Sayang naman kung hindi ko gagamitin iyon. Ayaw niyo naman sigurong andun ako sa mga pangit na view na silid kasama ang mga iba't-ibang mga taong naroroon hindi ba?!" Sambit ng magandang babaeng si Prinsesa Adreianna na tila ba makikitang tila takot ito sa maaaring mangyari kung doon siya mananatili kasama ang ibang mga kasapi ng mga Royal Blood.

"Why not diba? As if na mananatili ka dito sa kaharian buong buhay mo. Tanging ang mga bagong henerasyon lamang at direct descendants lamang ng Hari at Reyna ang maaaring manatili sa King's and Queen Manor." Sambit ni Haring Eros Vermontt habang makikitang hindi ito magpapatalo sa nakababatang kapatid ng kaniyang sariling asawa na si Reyna Rebecca Vermontt.

"Whatever, noong di pa namayapa sina ama at ina ay doon pa ako nakatira. Porket hindi ako naging reyna ay may karapatan pa rin akong gawin ang gusto ko. Isa pa ay hindi naman iyon ginagamit hindi ba?! Kaya ako nalang ang titira doon." Nakangiting sambit ng magandang babaeng si Prinsesa Adreianna ngunit mabilis na naglisik ang naggagandahang pares na kulay asul na mga mata nito.

Tila nagsusukatan naman ng tingin ang dalawang panig ng Haring Eros Vermontt at ng magandang babaeng kapatid ni Reyna Rebecca Vermontt na si Prinsesa Adreianna.

"Prinsesa Adreianna, sinabi ko ng ayaw namin tuparin ang hiling mo. Pwede namang nasa ibang magagarang manor ka manatili hindi ba? Napagdesisyunan na ito ng mga awtoridad, ako bilang hari kasama ng mga Elders. Do you question our decisions and power to rule?!" Seryosong sambit ng Haring Eros Vermontt habang hindi nito nsgpigil na magsukatan ng tingin sa magandang babaeng si Prinsesa Adreianna na kapatid ng kaniyang sariling asawa na si Reyna Rebecca Vermontt.

"Bakit napatahimik ka Rebecca o mas magandang sabihing Reyna Rebecca Vermontt? Hindi mo gustong tuparin ang hiling ko noon pa man? Napakalawak ng Manor niyo o baka naman may tinatago kayo sa loob ng silid na iyon na hindi namin alam." Sambit ng magandang babaeng si Prinsesa Adreianna habang hindi nito mapigilang lihim na mapangisi.

Tila nakaramdam naman ng labis na gulat at pangamba na nakapaskil sa mukha ng Haring Eros Vermontt lalo na ni Reyna Rebecca Vermontt dahil sa sinabing ito ng kaniyang sariling kapatid na si Prinsesa Adreianna.

Sa pagkakataong ito ay nagsalita na ang kanina pang nag-iisip at nananahimik na si Reyna Rebecca Vermontt.

"Kung yan ang gusto mo ay tuutparin ko ng magtigil ka na sa gusto mong mangyari. Bukas na bukas ay ipapahanda ko na ang bakanteng silid na iypn para sa iyo." Sambit ni Reyna Rebecca Vermontt habang napakuyom ang dalawang kamay nito ng palihim sa mamahaling tela mismo ng kaniyang magarang kasuotan.

Tila ngingiti na sana ng wagas ang magandang babaeng si Prinsesa Adreianna nang naningkit ang mata nito sa kaniyang sariling kapatid na nasa harapan niya ng ilang metro lamang ang layo nito mula sa kaniya.

"Bakit bukas pa kung pwedeng ngayon na diba? Isa pa ay saan ako matutulog ngayon niyan? Not in those cheap Manors, like seriously?!" Sambit ng magandang babaeng si Prinsesa Adreianna nang marinig niyang bukas pa siya makakalipat doon at maangkin ang malawak na silid na iyon.

Nag-isip ng palusot si Reyna Rebecca Vermontt dahil sa katigasan ng ulo ng nakababatang kapatid nitong si Prinsesa Adreianna.

"Ayaw mo naman sigurong maligo sa dami ng alikbok at mga agiw sa loob ng silid na iyon. Kilala kita kapatid kong Adreianna. I'm sure na puno na naman ng reklamo ang maririnig mula sa'yo.

" Ang dami niyong mga tagasilbi dito. Gusto niyo bang sa labas ako matutulog mamaya? Kung buhay pa si Ina at Ama ay hindi nila hahayaang mangyari ito sa napakaganda nilang anak." Pangongonsensyang sambit ng magandang babaeng si Prinsesa Adreianna sa kaniyang sariling kapatid na Si Rebecca Vermontt maging sa asawa nitong si Haring Eros Vermontt.

Tiningnan naman ni Reyna Rebecca Vermontt ang kaniyang sariling asawa na si Haring Eros Vermontt nang mapansin nitong tila nahihirapan itong magdesisyon.

"O sige Adreianna, mamayang gabi ay maaari ka nang lumipat at manirahan doon anytime you want. Gusto mo yun hindi ba?!" Mahinahong sambit ni Reyna Rebecca Vermontt nang matapos na ang usapang ito.

"Yan ang gusto ko sa'yo kapatid kong Rebecca. Mabuti naman at pumayag kayo sa gusto kong mangyari." Nakangiting sambit ng magandang babaeng kapatid nitong si Prinsesa Adreianna.

"Kilala namin Prinsesa Adreianna, hindi ka magtitigil kung hindi mo nakukuha ang gusto mo." Sambit ng haring si Haring Eros Vermontt na makikita ang kaseryosohan sa tono ng pananalita nito.

"Kaya nga Eros, alam niyo talaga ang pag-uugali. Mabuti at pumayag kayo. Baka sabihin ng ibang mga taong naririto na hindi kayo isang mabuting pinuno na kahit ang isang maliit na parte ng kinatitirikan lupa ng gusto kong silid ay ayaw niyo pang ibigay hehe..." Nakangiting sambit ng magandang babaeng si Prinsesa Adreianna na tila ba may nakakalokong pagngisi pa ito sa huli.

Biglang pinaningkitan ng hari na si Haring Eros Vermontt ang kapatid ng kaniyang sariling asawa na si Prinsesa Adreianna sa sinabi nito ngunit mabilis siyang hinawakan ng reyna sa kamay nito.

Nagkatinginan ang mag-asawang hari at reyna. Kapwa nag-usap ang mga ito gamit ang kanilang divine sense.

"Eros asawa ko, wag mo ng patulan ang spoiled attitude ng aking kapatid." Malumanay na sambit ng mahal na Reyna Rebecca Vermontt habang kinakausap nito ang kaniyang sariling asawa gamit lamang ang kaniyang isip lamang.

"Nakakapikon na ang kapatid mo Rebecca asawa ko. Lahat nalang ng gusto niya ay sinusunod natin pero hindi talaga nito tinantanan ang silid para sa anak natin." Sambit ni Haring Eros Vermontt sa seryosong tono ng pananalita nito gamit ang kaniyang divine sense upang kausapin pabalik ang kaniyang sariling asawa na si Reyna Rebecca.

"Isa tayong Royal Family at hindi naman maaaring habang buhay nating poprotektahan ang anak natin hindi ba?!" Kalmadong sambit ni Reyna Rebecca Vermontt habang makikitang parang wala lamang sa kaniya ang mga salitang lumalabas sa sarili nitong bibig.

Tila mababakas naman ang gulat sa mukha ng hari sa sinabi ng kaniyang sariling asawa na si Reyna Rebecca Vermontt.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Rebecca asawa ko? Anak natin yun. Paano mo nasasabi ang bagay na iyon?!" Sambit ni Haring Eros Vermontt bakas ang labis na pagkagulat sa sinabi ng kaniyang sariling asawa.

"Kung gusto mong mawala ang titulo mo bilang hari at mamuhay na kinamumuhian ng nasasakupan mo ay protektahan mo ang anak mong may kapansanan na yun. Kapag nalaman ng buong kaharian ang tinatago natin, do you think may ihaharap pa tayong mukha sa kanila?" Sambit ni Reyna Rebecca Vermontt na hindi nito mapigilang magtaas ng kaniyang sariling tono ng boses. Alam nitong lahat ng pinaghirapan nila ay mauuwi lamang sa wala.

"But your acting like you don't care sa sarili mong anak Rebecca. So ano ang sinasabi mo ngayon?! Ipapatay ang sarili mong anak para lang sa posisyon mong ito?!" Tila hindi makapaniwalang sambit ng kaniyang sariling asawa na si Haring Eros Vermontt.

"Hmmm... Hindi ko naman magagawa iyon. I suggest na ilayo nalang siya rito at mamuhay ng payapa kung saan man ito mapunta kasama ang tagapagbantay nito. Sa oras na pumutok ang balitang ito tungkol sa anak natin, what do you think will happen to us? May tutulong ba sa atin ha? Hihintayin pa ba nating mangyari iyon ha?!" Sambit ni Reyna Rebecca Vermontt habang bakas ang nag-aalalang boses lalo pa't marami silang umaasa sa hari at sa pamumuno nito. Bawal ang mga sagabal at maaaring pagmulan ng galit ng mga Elders at ibang mga awtoridad sa loob ng kaharian ng Heaven Arcane.

Napatahimik naman saglit ang hari sa nasabing ito ng kaniyang sariling asawa. May punto ito sa kaniyang sinasabi. Hindi lamang kasi lakas ang mahalaga sa mundong ito kundi maging ang reputasyon ay iniingatan rin lalo na ng mga katulad nilang namumuno sa kaharian. Hindi sila pinalaking barumbado at naghahanap ng away para patunayan ang kanilang sarili dahil ang reputasyon nila ay usa rung malaking factor na maaaring pakaingatan nila. Naisip niya ring kung hindi magtitiwala ang mga nasasakupan nito sa kaniya ay wala itong magagawa pa at sama-sama silang babagsak o maghihirang muli ng bagong hari ang mga awtoridad ng Heaven Arcane Kingdom.

Maya-maya pa ay muling nagwika ang mahal na hari na si Haring Eros Vermontt gamit ang Divine Sense sa kaniyang sariling asawa.

"Kung gayon ay saan mo sila maaaring papuntahin upang manirahan?!" Sambit ng haring si Haring Eros Vermontt sa kaniyang sariling asawa gamit pa rin ang kanilang divine sense. Mababakas ang kuryusidad at pagtataka sa tono ng pagkakasabi ng katanungan ng mahal na hari.

Napangiti naman ang Mahal na Reyna na si Reyna Rebecca Vermontt sa naging katanungan ng Mahal na Hari na siyang asawa nito.

...

Samantala...

Ano, totoo ba na sinabi ito mismo ng Mahal na Haring Eros Vermontt at Reyna Rebecca Vermontt, baka nagkakamali ka lang?????!!!!!! Tila napataas ang boses ng matandang babaeng si Ersula na siyang nagsisilbing tagapagbantay ng batang si Luciouss Luxx Vermontt nang malaman nito ang impormasyong patungkol sa gustong ipadala ng hari sa kaniya. Hindi siya makapaniwala sa naging utos ng kaniyang pinaglilingkurang hari at Reyna. Masyado naman ata itong nakakabiglang pangyayari para sa kanya bilang matagal ng tagapagbantay ng batang si Luciouss Luxx Vermontt o mas mabuting sabing Prinsipe Luciouss Luxx Vermontt. Kahit sabihin pang may depekto ang mata nito ay hindi pa rin maitatangging isa pa rin itong prinsipe at dumadaloy ang dugo ng isang dugong bughaw nito. Sa balitang ito ay tila hindi pa rin ma-digest ng utak ng nasabing tagapagbantay na matandang babaeng si Ersula ang lahat ng ito.

"Kumalma ka nga Ersula. As if naman na may magagawa ka. Inuulit ko ngayon mismong araw na ito bago gumabi ay dapat nakaalis na kayo sa kaharian na ito upang pumunta sa isang malaking Siyudad ng Pelvan na walang namumunong kahit na sino doon." Seryosong sambit ng lalaking isa sa pinagkakatiwalaang Personal na Royal Guard ng Mahal na Reyna Rebecca Vermontt at Haring Eros Vermontt. Ito kasi ang halos palaging naghahabilin sa kaniya ng mga dapat at di dapat niyang gawin.

"Bakit naman ngayon na, hindi ba pwedeng bukas nalang o sa makalawa? Masyado namang biglaan ito!" Tila hindi mapigilang magtaas muli ng tono ng boses ang matandang babaeng tagabantay ng batang si Prinsipe Luciouss Luxx Vermontt na si Ersula.

"Wala ng daming tanong-tanong pa Ersula. Gawin mo nalang ang inuutos ng Haring Eros Vermontt at ni Reyna Rebecca Vermontt dahil wala ka sa posisyon upang kwestiyunin ang kanilang sariling desisyon!" Seryosong sambit ng tapat na Royal Guard ng Heaven Arcane Kingdom na nagpipigil na ng inis. Hindi nga siya nagtanong man lang sa Haring Eros Vermontt at lalong-lalo na sa asawa nitong si Reyna Rebecca Vermontt dahil isa lamang siyang hamak na Royal Guard ng kaharian ngunit ang matandang babaeng si Ersula ay kinikuwestiyon ang desisyon ng mahal na hari at mahal na reyna ay isa iyong kabastusan para sa kanila.

...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login