Download App

Chapter 3: III

PATRICIA CASTILLO POV

Everyday is a blessing. Sa bawat araw na gigising ako ay kasiyahan ang dala ng mga anak ko. Sobrang kuntento na talaga akong makita silang masaya. Lahat ng sakripisyo ko mula maliit sila, sulit na sulit talaga.

Sa sobrang bilis ng panahon, hindi ko na namalayan na ang mga munti kong anghel noon ay malaki na ngayon. How can I stop the time? Hanggang kailan ko sila makikita na ganito lang? Kung pwede lang pigilan ang paglaki nila, gagawin ko.

Habang tinitignan sila na naglalakad papasok sa kanilang eskwelahan, winawagay nila ang kanilang mga kamay. Every moment I spend with them, my heart melt from time to time dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanila.

Bumuntong hininga ako bago muli paandarin ang kotse. Importante ang araw na ito dahil ipapakilala ni Chairman Sy ang papalit sa kanya na magha-handle ng SY Tower Mall. Mas maaga kami pumasok ngayon dahil sa importanteng meeting na ito.

"Mare, nakita mo na ba ang anak ni Chairman? Jusko! Hindi na ako makapaghintay na makatrabaho si Patrick." Bulong sa akin ni Chloe. Kinikilig pa ito at parang naiihi.

"Patrick lang talaga, girl?" pairap kong sabi. "Close kayo?!" Sarkastikong tanong ko.

"Ito naman, oh!" Tinabing nito ang aking balikat. "Assumera lang naman! Sobrang hot at gwapo kaya ng anak ni Chairman. For sure kapag nakita mo 'yun malamang tumibok ang kepyas mo. Ilang taon ka pa naman ng tigang!" Pangisi nitong dugtong.

Nilakihan ko ng mata si Chloe.

"Tumigil ka na dyan! Gusto mo bigyan kita ng memo?"

"Ito naman hindi mabiro. Titigil na po Ma'am Pat."

"Good. Mabuti at alam mo kung ano ang posisyon ng kaharap mo." Inirapan ko ito at bandang huli nginitian ito.

Nagsitayuan na ang lahat ng pumasok ang secretary ni Chairman na si Loida.

Nakasunod kay Loida si Chairman na katabi ang isang lalaki. Siya siguro ang binabanggit ni Chloe na anak ni Chairman. Please, huwag kayong magtaka kung hindi ko siya kilala personally. Sa pangalan ko lang talaga siya kilala.

May chance kasi na nagpupunta ito dito na off ko o kaya sobrang busy ko. Sa mga company events naman, madalas na umuuwi ako kaagad at hindi na tinatapos ang party.

"Good morning, everyone. You may take your seat first." Bungad na bati sa amin ni Chairman.

Binati din namin ito bago umupo sa aming upuan.

"Last month, nagbigay na ako ng memo regarding sa pag turn-over ng anak ko dito sa Main Branch ng SY Tower Mall. Soon, our East Metro Branch will be open. Mas kailangan ako doon lalo pa at magsisimula pa lang iyon."

Seryoso kaming nakikinig kay Chairman. Bigla na lang naagaw ng atensyon ko ang lalaking katabi nito na nakatingin sa akin at nakangiti na parang baliw. Napakunot noo ako pero agad kong iniwas ang tingin ko. Syempre ako naman mag pretend no! Beside nasa trabaho kami, kailangan maging professional.

"This is my son Patrick Sy, my eldest child. You can trust him dahil nahandle na niya ang West at South Branch. He has enough experience to handle everything in this company. I hope magtulungan kayo. Rather, tulungan nyo ang anak ko na matutunan pa ang kailangan niyang matutunan. Kung may problema kayo sa kanya, mismo sa harap nyo paparusahan ko siya."

Napakabait talaga ni Chairman Armando sa aming mga empleyado niya. Nagkakaroon man ng problema ay dinadaan kami nito sa maayos na pag-uusap. Hindi talaga ako nagkamali na dito magtrabaho. He knows my effort kung paano ko nakamit ang posisyon ko ngayon despite of my personal issues and responsibilities.

Isa-isa ng ipinakilala ni Chairman Armando ang mga empleyado sa kanyang anak. Mukhang professional at mabait din katulad ni Chairman. I hope so!

"This is Ms. Patricia Castillo, the General Manager." Pakilala sa akin.

Binigyan ko ng magandang ngiti ang dalawa. Imbes ilahad ang aking kamay ay yumuko ako bilang pagbibigay ng respeto sa kanya. Pag-angat ng tingin ko ay nagkasalubong ang aming mga mata. Nakangiti ito sa akin at may kung anong sinasabi ang kanyang mata. "Feeling ko lang."

"It's nice to finally meet you, Ms. Castillo." Tugon sa akin nito.

"Thank you, Sir." Kaswal na sagot ko.

"Can you tour me around? Maybe later?" tanong nito sa akin.

Nag-aalangan pa akong sumagot kaya naman napatingin ako kay Chairman at sa ibang empleyado.

"You're right son. If you have a problem, you can count on Ms. Castillo. She knows everything here, since she's our General Manager." Sabat ni Chairman.

Napalunok na lang ako.

"Yes, Sir Patrick. After this meeting pwede ko na po kayo i-assist." Pilit kong ngiti na tugon.

"Great." Masiglang tugon sa akin ni Patrick.

Inayos nito ang kanyang coat at lumakad palayo upang makilala ang ibang empleyado. Habang tinitignan ang likuran nito ay muntik na akong mapasigaw sa gulat dahil sa pagtusok ni Chloe sa tagiliran ko.

"I told you, girl! Feeling ko type ka ni Sir." Malanding sabi ni Chloe.

"Tigil-tigilan mo nga ako, Chloe." Paisnab kong tugon.

Bumalik na sa kani-kanilang area ang mga empleyado. Ako na lang ang naiwan sa hall dahil hinihintay si Sir Patrick na kausap hanggang ngayon ni Ma'am Loida at Chairman Armando.

"Ms.Castillo, ikaw na ang bahala sa anak ko. He's a fast learner and hard-working kaya alam kong lahat ng ituturo at sasabihin mo sa kanya about our company ay matatandaan niya.

"Thank you, Sir. Trabaho ko po ito, kaya umasa kayong gagawin ko lahat para po maging smooth ang SY Tower Mall sa bago namin Chairman."

"That's right. Mauuna na kami because I have a lot of things and meetings to do." Paalam ni Chairman Armando.

Tumango lang ako at hinintay na makaalis ang dalawa. Habang tinitignan ang palayong dalawang tao, napapabuntong hininga ako at deep inside kinakabahan. Panibagong pakikisama na naman ito. Kailangan ko na naman kilalanin ang makakaharap ko. Hindi ko alam kung magkatulad sila mag-ama ng ugali kaya mas maganda na mag-ingat pa rin ako.

"Chairman, let's go." Nakangiting yaya ko dito.

"Lead the way, Ms. Castillo." Nakangiting tugon sa akin.

Medyo na starstruck ako sa ngiti. "Gwapo kasi! Pero sa mata ko hindi naman siya ganun ka-attractive kagaya ng pagkahumaling sa kanya ni Chloe."

Pagkalabas ng hall, una ko itong inilibot sa buong Hotel at Event Hall, since nandito na rin kami. Bumaba kami sa lower ground floor dahil nasa 5th floor ang mga event/conference hall.

"Sir, dito po sa lower ground floor naka area ang kitchen, laundry and office."

"I see." Tipid na sagot sa akin.

Na-meet na niya kanina ang mga empleyado pero pinasok pa rin namin isa-isa ang department.

"Nice to meet you all and I'm expecting na maging maayos ang future works natin." Sabi ni Patrick sa mga department na pinuntahan namin.

Napakalambing ng boses, somewhat caring. May ganun siya, eh! Feel ko lang din.

Sa front desk naman nag observe siya ng ilang minuto kung paano i-assist ang mga guest na mag check-in. Halos lahat ng guest namin,mga foreigner dahil sa SY Tower Mall din ginaganap ang kanilang conference o events.

Lalo ngayon week na ito, fully booked talaga dahil may 1 week conference ang isang kompanya dito sa Metro.

After ko itong ilibot sa Hotel, pumunta na kami sa SY Tower Mall kung saan naroon ang aming opisina. Nakasunod lang ito sa akin. Sa bawat dinadaanan namin na floor o mga area ay itinuturo ko sa kanya at sinasabi ang tungkol doon. Tumatango lang ito. Though naiilang ako dahil parang nakatingin lang ito sa likuran ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng pumasok na ito sa kanyang opisina. Akala ko tapos na ko sa trabaho ko na magsalita, 'yun pala hindi pa.

"Ma'am Pat, kamusta naman ang boyfriend ko kasama?" kinikilig na tanong ni Chloe.

"Chloe, magtigil-tigil ka nga ha. Marami pa akong trabaho. Nakita mo naman yung table ko ang daming tambak." Paiwas ko na sagot. Wala naman kasi talaga akong ikwekwento.

Sinundan ako ni Chloe hanggang sa table ko at umandar na naman ito managinip ng gising.

"Chloe, go back to your work or else bibigyan na talaga kita ng memo." Pananakot ko.

Bigla naman itong tumayo sa swivel chair ko.

"Sige na nga! Basta mamayang lunch ah, mag chikahan tayo." Tugon nito.

Palabas na ito sa aking office. Ang babaeng ito, patay na patay sa lalaking malabo naman siya magustuhan. I mean wala naman lalaki na boss na naiinlove sa kanyang empleyado. Kulang na lang talaga kutusan ko si Chloe para tumigil na sa pagpapantasya kay Chairman Patrick.

Hindi pa man nag-iinit ang pwet ko sa aking kinauupuan, ipinapatawag raw ako ni Patrick. Agad na akong tumayo dahil ayoko na paghintayin ito, unprofessional iyon lalo po at bagong boss namin siya. Ayoko naman mag-isip ito na unworthy kaming mga empleyado.

"Yes, Chairman Patrick? May kailangan po ba kayo or may ipapagawa po ba kayo?" tanong ko.

"Wala naman!" Tugon nito.

Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at naglakad papunta sa harapan ko. Umupo ito sa ibabaw ng lamesa. Nayabangan ako sa part na iyon.

"Chairman, marami po kasi akong mga dapat gawin. Kung ipapatawag niyo po ako ng walang dahilan, maapektuhan po ang aking trabaho." Kaswal kong sagot. Naglakas loob din ako dahil kahit sa tatay nito ay hindi ko iyon nagawa. Napaka-unprofessional kasi. Kabago-bago nagpapakita ng attitude."

"Can't you remember me?" tanong nito.

"Excuse me, Sir?" tugon kong tanong. Nagtataka kasi ako. Kung kilala ko siya eh di kilala ko siya at matatandaan ko siya.

"Hindi ka ba nakakaintindi ng English? Sige tatagalugin ko na lang. Hindi mo ba ako natatandaan?"

"Chairman, pasensiya na kayo pero hindi naman ako nagkasakit ng amnesia para makalimutan kayo. This is the first time na nakilala ko kayo personally, usually po kasi naririnig ko lang ang name niyo kay Chairman Armando."

"Okay. Siguro kamukha mo lang yung nakilala ko." Tugon sa akin. "Please hire a secretary for me. Ikaw na ang bahala."

"Noted. May ipag-uutos pa po ba kayong iba?"

"Wala na." Sagot sa akin.

Tinalikuran ako nito at umupo sa kanyang upuan. Tinignan ang mga papeles sa kanyang lamesa.

Pabukas na ako ng pinto para lumabas ng malakas na may nagtulak noon. Pumasok doon ang isang magandang babae. Hindi ito pamilyar sa akin kaya naman agad ko itong sinita.

"Ma'am, I'm sorry but you are not allowed to go inside."

Para itong walang narinig at dumiretso kay Patrick. Napatingin pa sa akin si Patrick ng hagkan siya ng babaeng iyon. "Weird."

"I'm his girlfriend." Sambit ng babae sa akin.

"Ms. Castillo, you may go." Sabi ni Chairman.

Tumango lang ako at nilisan ang opisina. Paglabas ko roon, nagbubulungan ang mga katrabaho ko.

"Go back to your work." Sabi ko sa mga ito.

Tumigil ang mga ito at ginawa ang kanilang trabaho. Si Chloe naman ay sinundan na naman ako.

"Nakakainis! Alam ko break na sila ng babaeng iyon, tapos pupunta dito at magpapakilala na girlfriend siya ni Chairman."

Umupo ako sa aking upuan at dinampot ang aking ballpen.

"Gumising ka na nga sa kabaliwan mo, Chloe. Obsessed ka na!"

"Ah basta. Wala na sila 'non, no."

"Sige na umalis ka na at gawin mo na ang trabaho mo. Maya-maya kailangan natin bumalik sa hotel para tingnan ang event hall kung maayos na."

"Opo, Ma'am Pat."

Bago lumabas ng pintuan, nagsalita ako.

Gustuhin ko man malaman ang pangalan ng babaeng iyon, hindi ko na sinubukan magtanong. Baka kasi iba pa ang isipin ni Chloe. It's his personal life kaya labas kaming mga empleyado doon.

It's been a tiring day! Hinihilot ko ang aking balikat pababa sa parking lot ng makasabay ko sa elevator si Chairman Patrick. Napaayos ako ng tayo at ibinaba ko ang kamay ko.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login