Download App

Chapter 3: Chapter 3

Katatapos lang ng tatlong subject namin at medyo pagod na rin ako dahil sa mga activities na ginawa namin kanina at meron pa akong last subject na susunod mamaya. Kumain muna ako sa canteen bago ko hintayin ang sunod kong klase.

How I love cooking! When I was 6 years old, my grandfather was a well-known chef and he was the one who taught me how to cook.

"Real cooking is more about following your heart than following recipes" Yan ang palaging sinasabi sa akin ni lolo. Kung wala kang pagmamahal sa bawat pagluluto mo ay hindi mo matitikman ang tunay na sarap nito.

My grandfather was 65 years old and decided to retire as a chef. Siya ang madalas kong nakakasama sa kusina at ito naman ang ikinatuwa sa akin ng mga magulang ko.

Itinuro din niya sa akin ang mga basic skills pagdating sa pagluluto. Knife skills, stir fry vegetables, food preparation, elements of plating at kung ano ano pang dapat kong matutunan sa pagluluto.

Bata pa lang ako ito na ang nakamulatan ko. Ang lolo ko ang naging inspirasyon ko para mahalin at isapuso ang pagluluto kaya ito ang larangan na napili ko.

Nang pumanaw siya dahil sa ischemic heart disease nangako ako sa kanya na balang araw ay magiging isa akong magaling na chef katulad niya.

Dahil tapos na ang huling klase namin ay sabay sabay naming nilinis ang kitchen table ng bawat isa. Hinugasan ang mga equipments na ginamit namin kanina.

Nang matapos ako sa aking gawain ay sinimulan ko nang alisin ang toque at apron ko saka ito tiniklop at inilagay sa aking bag.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng kitchen room. Nang buksan ko ang pinto ay nasa tabi nito si Stephen na panay ang sipat sa kanyang relo na nasa kaliwang kamay niya na para bang may hinihintay siyang tao sa loob ng kitchen room. Naalala ko na naman ang ginawa kong pagsalpak ng burger sa bibig niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon makalimutan.

Saglit kaming nagkatinginan saka ko pinagpatuloy ang paglalakad at nilagpasan lang siya pero sa hindi ko inaasahan ay mabilis niyang hinawakan ang aking kanang kamay at sinumulan niya akong hilahin.

"Let's go" masayang sabi niya na parang may pupuntahan kaming dalawa. WTF? Napatigil ako sa paghila niya sa akin at agad kong binawi sa kanya ang kamay ko.

"Let go of me! anong let's go ang pinagsasabi mo?" iritadong tanong ko sa kanya na may kunot sa aking noo. Imbis na sagutin niya ako ay bigla na lang niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at mariin niyang tinitigan ang aking mga mata dahilan kung bakit kumawala na naman sa normal na pagtibok ang puso ko. Para akong natutunaw sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

"I won't let you go Chloe. It will never happen again hindi ko na hahayaan pa Chloe" hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya sa akin. Sa mga binitiwan niyang mga salita ay para bang may malalim kaming pinagsamahan. Isama pa itong puso kong nagwawala ngayon dahil sa kanya na hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ito ganito pagdating sa kanya.

Hindi ko alam pero kusa na lang sumama ang katawan ko sa kanya na parang sumasangayon eto na kung saan man ako dalhin ng lalaking ito ay ok lang.

Kasalukuyan na naglalakad kaming dalawa sa loob ng mall at hindi ko alam kung saang parte nito niya ako dadalhin. Nasa unahan ko siya na siyang sinusundan ko.

"So is this a date huh?" maarteng tanong ko sa kanya habang magkasalikop ang dalawa kong braso sa dibdib ko. Nag-isip pa siya bago sumagot. Bagal naman ng utak neto.

"Yes. It is a date" sagot niya na hindi man lang lumilingon sa akin.

"Talaga lang ha"

"Since na sumama ka I will consider it as a date" imbis na magsalita pa ako ay inirapan ko lang siya na siyang napansin niya at ngumisi lang ito.

Napansin ko na panay ang pagsulyap niya sa akin at nakakunot ang kanyang noo na parang mariin niya akong sinusuri saka muling nagsalita.

"You don't act like this Alyssa malayong malayo sa dating ikaw" Dismayadong sabi niya. Did he just call me by my first name? Hindi ko na talaga maintindihan ang mga lumalabas sa bibig niya pati ang mga kinikilos niya ay kakaiba. Sino ba siya? Stalker ko ba siya? Kilala kaya siya ni Tristan?

Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa likod ni Stephen dahil sa pagkakabangga ko sa likuran niya. Hindi ko man lang namalayan na tumigil siya dahil sa mga iniisip ko kanina.

Napansin kong nasa arcade kami. Iginala ko ang aking mga mata at napakaraming tao na naglalaro karamihan ay mga nanay at tatay na kasama ang kanilang mga anak na inaalalayan ito sa paglalaro ng bike racing. Meron ding mag jowa na naglalambingan at nagpapaligsahan sa kanilang nilalaro at marami din ang nagsisikainan.

Sinipat ko ang aking relo at mag alas dos na ng hapon. Matagal tagal na rin nung huli akong nagpunta sa ganito kasama si Tristan. Kailangan ko rin ng aliw pagkatapos ng napakamaraming activities kanina sa school.

"We're going to play that basketball machine" sabi niya na may pagmamayabang saka niya itinuro ang di kalayuang basketball machine na sinasabi niya. Inirapan ko lang siya.

Pumunta muna kami sa cashier para magpapalit siya ng token. Nang matapos siyang makipagpalitan ay nagderetso na kami sa basketball machine at muli siyang nagsalita.

"Hindi to basta laro lang Ms. Chloe may consequence din" sabi niya na may pagkindat pa sa akin. Bakit parang kinakabahan ako sa consequence niyang yan. And out of nowhere bigla na lang may consequence? WTF! Pinaglalaruan ba ko ng isang to.

"Ano naman yang consequence mo Mr. Stephen" madiing sabi ko na nakataas ang kanang kilay ko sa kanya habang ipinasok na niya ang dalawang token sa machine. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tenga saka bumulong.

"I'm good at shooting Ms. Chloe" nanlaki ang dalawa kong mata sa sinabi niya na siyang dahilan kung bakit biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa buong parte ng katawan ko kahit ang buhok ko sa maselang bahagi ay hindi nakaligtas.

Sinimulan na niyang pindutin ang start button ng basketball machine ng hindi tumitingin dito dahilan kung bakit naalis ang harang sa mga bola at nagsimula nang gumulong ang mga ito papalapit sa aming dalawa.

Sumenyas siya na ako muna ang magsimulang magpashoot ng bola. Eto talaga ang pinaka ayoko sa lahat ng laro, ang baskteball! dahil mahina ako magpashoot at laging sumasala ang mga tira ko. Swertehan na lang kung makashoot ako. Fuck!

"Higher score will win" sabi niya at inilagay ang dalawa niyang kamay sa dalawang bulsa ng kanyang pantalon.

Kumuha ako ng isang bola at sinimulan ko ng pumwesto. Hawak ng dalawang kamay ko ang bola sa kanang gawi ko na katapat ng aking ulo. Meron kaming tig limang minuto para matapos ang laro. Kailangan kong mapashoot ito. Tuluyan ko ng ibinato ang bola sa ring at hindi man lang ito pumasok. Fuck! Kumuha pa ako ng isang bola at hindi na naman pumasok, sa pangatlong bato ko ng bola ay dito na pumasok.

Sa loob ng limang minuto na hindi ko mabilang kung ilang bola ang naibato ko sa ring ay tanging dalawang puntos lang ang nakuha ko. Fuck!

Dahil tapos na ang limang minuto ko si Stephen naman ngayon ang maglalaro. Nag-unat muna siya bago kumuha ng tig isang bola na hawak ng kanyang dalawang kamay at ibinato ito sa ring. Walang kahirap hirap niya itong naipasok sa ring samantalang ako umpisa palang ay hirap na hirap na.

Natapos ang limang minuto niya sa paglalaro at nakakuha siya ng walong puntos. Humarap siya sa akin na tuwang tuwa dahil mas mataas ang puntos niya kaysa sa akin na parang sinasadya niya talagang mabwisit ako.

"Prepare yourself later Alyssa" seryosong sabi niya na ikinaba ko naman at kinindatan pa ako. So Alyssa na talaga ang itinatawag niya sa akin ngayon? Grrr ang tanga tanga mo Alyssa Chloe para hayaan ang sarili mong sumama sa lalaking ito. Nakakainis!

"Can we play without consequences Stephen?" Inis na sabi ko sa kanya

"Ok, baka kasi mag-usok kana sa galit kapag natalo na naman kita" kibit balikat niyang sabi na may kasama pang pagtawa na siyang pinakaiinisan ko . Nabibwisit ako dahil sa pagsama ko sa kanya at dahil natalo niya ko sa isang walang kwentang laro.

Naglaro naman kami ng Air Hockey na ako ang nag-aya. Umabot kami ng tatlong pong minuto sa paglalaro dahil dito ako magaling ay ako ang nanalo sa aming dalawa. Ang pangatlo naming nilaro ay ang world combat at kung ano ano pa ang aming nilaro. Nakaramdam na kami ng pagod kaya pinili naming kumain muna malapit sa arcade.

Nang matapos kaming mag arcade at kumain ay nag-aya naman ng sine si Stephen na ang pamagat ay 'My ex and whys' na siyang pinili kong panoorin namin.

Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nanood ng ganitong palabas. Pakiramdam ko ay parang limitado ang aking mga alaala. Habang pinapanood ko ito ay hindi ko maiwasang kumirot ang puso ko na parang ang lungkot lungkot ko na hindi ko maintindihan.

Muli kong sinulyapan si Stephen at mariing tinitigan siya. He had layered haircut with beautiful two pair of brown eyes and his nose was elegantly straight. I glanced at his lips and it so damn attractive that I want to taste it. Napapakagat labi na lang ako. Ganito pala kagwapo ang isang Stephen Allen Carson. Parang nakita ko na siya ng maraming beses pero hindi ko matandaan kung saan.

Napapailing na lang ako sa mga iniisip ko at ipinokus ko na lamang ang panonood ko.

Nang matapos kaming manood ng sine na umabot ng mahigit dalawang oras ay inaya na niya akong ihatid. Pinagbuksan niya ako ng pinto saka ako sumakay sa kotse niya at nagsimula na rin siyang pumunta sa driver seat at pinaandar ito.

"Sacramento, 9896 PL 19 Sunrise St." sabi ko na nagets naman niya agad. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa headrest dahil sa pagod ko ngayong araw. Ilang minutong katahimikan nang nagsalita siya.

"Sorry about earlier Aly gusto lang kitang pasayahin" sabi niya na nakatuon ang kanyang mga mata sa daan. Napangiti ako sa sinabi niya bago ako nagsalita.

"It's ok Stephen. Ako dapat ang mag sorry sa nangyari nung nakaraan. Thank you for making my day special" pansin ko ang malaki niyang ngiti sa kanyang mga labi.

Masasabi kong nagsaya talaga ako sa araw na ito kasama si Stephen. Binabawi ko na ang sinabi ko. Naging masaya ako ngayon dahil sa kanya kahit binwisit niya ako kanina. Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala at nakasama. Parang may kung ano sa kanya na parang gusto akong hilahin papalapit sa kanya.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang mga sinabi niya mula sa school at sa mall kanina. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ganoon na lamang siya sa akin at kung bakit ganito niya ako tratuhin ni hindi nga kami magkakilala ng lubusan.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang first name ko or baka tinanong niya kay Bora?

Hindi na ako nagabala pang magtanong sa kanya tungkol sa mga bagay na magulo sa aking isipan dahil pagod na rin ako siguro ay itanong ko na lamang sa susunod na araw.


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login