Download App

Chapter 2: Chapter 1

"Galaxy has set the fire on stage. Many fans are eager to look forward how this band will rock the world in the future"

Galaxy prove their talents. Pagkatapos ng debut nila last 2 years, maraming events at shows ang nag offer sa kanila. So, our company improve the band on how they will handle shows, events and even their haters. Hindi namin pinabayaan lahat ng artists namin lalo na sa panahon na bigla nalang may manira sa kanila. Sa mga ganoong panahon, nakakastress ang lahat pero worth it lalo na pag ang mali ay naitatama ng kompanya. Kaya hanggat maaari pinag- iingat namin sila lalo at matatalas ang mga mata ng mga media.

"Miss Bella, tawag ka ni boss sa loob" sabi sakin ni Mae na kakapasok lang dito sa opisina ko. Sabay pindot ng bluetooth headset. Yup ! May sarili kaming opisina ni Mae. Dati ako lang ang nandito pero nung sinuggest ko magkaroon ng assistant kaya may kasama na ko. Katabi lang namin ang opisina ni boss kaya hindi kami nahihirapan ni  Mae na pumunta doon.

"Pakisabi pupunta within 5 minutes. Tinatapos ko pa itong basahin" Sabay lipat ng page ng report about sa mga events nagaganapin at concert ng Galaxy next 6 months.

"Miss Bella, paghindi pa raw kayo pumunta ngayon, bababaan nya raw sweldo nyo" sabi ni Mae kaya tumingin ako sa kanya ng matalim. Mukhang sanay na si Mae sakin kaya hindi nakatingin sakin at nakatutok ang mga mata sa screen ng computer. Sa kanya naka connect ang telephone ni Boss dahil ayokong iniistorbo ako ng tawag nya. Noong una kasi kakaupo ko pa lang ay tinawagan nya naman ako para dalhan sya ng kung ano ano sa opisina nya. Kaya ng magkaroon ako ng assistant, sa kanya ko inatas na sagutin si boss. Naiirita kasi ako sa boses nya. Panira ng araw.

"Pasabi pupunta na" sabay dabog na pinatong ang report sa table. Tinignan ko muna sarili ko sa salamin na nakapatong sa table ko at saka tumayo sa upuan.

"Pag may naghanap sakin pasabi nasa Sahara Dessert ako nagpapainit" Tumango lang si Gel at ngumiti.

"Good luck sayo"

Talagang good luck sa araw ko ngayon.

Naglakad na ko palabas at pumunta sa office ni Boss. Lagi nya nalang ipang bla blackmail sakin ang sweldo ko. Hindi naman ako mukhang pera pero for sake of my family kaya pagdating sa sweldo ay umaapela ako. Mataas naman ang sweldo at plus pa ang bonus at sapat naman iyon sakin at para ipadala sa mga magulang ko. Pero last 3 years ago, nagpadesisyunan ko ng mag ipon para sa dream house ko at for my future. Maiisip mo na kasing gumawa ng hakbang para sa buhay mo pag alam mo ng settle na ang lahat. No worries na about sa responsibidad lalo na at katatapos lang ng bunso namin last year. Kaya eager ako ngayong ibigay sa sarili ko yung mga bagay na gusto ko. At first nun ay yung dream house ko.

Kumatok ako sa pinto ng opisina nya "Sir si Bella ito" sabay bukas ng pinto.

Naabutan ko ang boss ko na nakikipaglaro ng scrabble sa isa mga  dance instructor dito sa kompanya, si Hayden.

"Uy, Bella! Kamusta ? " Bati sakin ni Hayden. Ngitian ko lang sya at binalingan ang boss ko.

"Sir bakit mo ako pinatawag?"

"Bella please give us coffee and also snack" sagot nya habang nakatingin sa mga letters na hawak nya. Kaagad ako umirap sa hangin at pumunta sa mini kitchen nitong opisina.

"Nga pala Alex, sabi pala ni pareng Dylan na hindi mo na raw sya makakapunta dito" dinig kong sabi ni Hayden.

"Yup Dylan told me about that"

"Mukhang may pinagkakaabalahan sya ngayon. Tingin mo ano kaya yun?"

"Maybe a girl?"

"Hmmm pede"

Tapos ko ng matimpla yung kape kaya ang pinagkabalahan ko naman ay yung sandwich. Tuna sandwich nalang ang gagawin tutal ayoko magluto.

"Ikaw ba pre, wala ka bang babaeng pinagkakaabalahan ngayon? Yung mga kaibigan natin mga busy dahil sa mga babae. Balita ko nga si Ben laging may binibisitang babae sa kabilang village eh"

Inilagay ko na sa tray ang kape at snacks nila boss at nagtungo sa kanila para iabot ito.

"Boss here's your coffee" sabay lapag sa tapat nya sa may lamesa. Inilapag ko rin sa tapat ni Hoshi yung kanya at nagpasalamat sya. Binaba ko na rin yung mga sandwich nila. Binalik ko sa kitchen ang tray at bumalik sa kinaroroonan nila.

"Sir balik na ko sa opisina" sabay talikod ko.

"Wait" pigil sakin ni Boss. Napairap ako bago ako humarap sa kanya.

Ano na naman kaya ang kailangan nya?!

"Help me with this letters"

"Duga naman!" reklamo ni Hayden. " Wag mo ngang tulungan yan Bella. Namimihasa yan sayo" sabay tingin sakin.

Naku ayoko nga din tulungan yan eh

"Bella" tawag sakin ni boss.

"Oo na ito na oh" lumapit ako at tinignan ang letters nya.

D W L A O V S

Tinignan ko ang board. Agad kong kinuha ang letter na L O V at dinugtog ko sa E.

"O ayan na boss. Pede na akong umalis" naglakad na ako palabas para hindi na nya ako utusan. Nunkang magtagal pa ako doon sa loob. Mamaya may iutos pa yun sakin.

_

"Bye Miss Bella. Una na kong umuwi" Paalam ni Mae sakin. Tumango lang ako at tinitigan ang computer.

Hindi ko na namalayan ang oras ng may kumatok sa opisina ko. Hindi ko na pinansin kung sino iyon dahil busy ako sa binabasa story sa wattpad account ko.

"Are you going home or stay here reading all night?" sambit ng taong kakapasok lang. Binalingan ko yung nagsalita at hindi nga ako nagkamaling ang boss ko ang nandoon. Mariin na nakatingin sakin. Naka T shirt nalang syang puti at pants na itim. Medyo magulo ang buhok. Kung iisipin para syang modelo na isang magazine kung tumindig sa harapan ko ngayon.

"You can take a picture if you want" Doon lang bumalik ang wisyo ko at masamang tinignan ang boss ko.

"Panira ka ng araw boss. Ngayon nga lang ako nagkatime para dito eh" Sabay patay ng computer. Hindi narin naman ako titigilan nyan kaya mabuti ng umuwi na. Doon nalang sa bahay ako magbabasa tutal day off ko bukas.

"Let's go. Im hungry" sabay labas sa opisina.

"Pede naman kasing umuwi mag isa eh. Kelangan kasabay ako ganun? Tas isisi nya sakin kung bakit sya nalipasan" bulong ko. Baka kasi marinig nya eh. Kelangan mag ingat.

"Let's go Bella" saka sya sumakay sa kotse nya. Ako naman ay sumakay sa passenger seat at nagseat belt.

"Bella anong masarap na hapunan?" tanong nya sakin bigla habang nagbyabyahe.

"Ewan ko" sagot ko at tinignan ang tanawin sa labas ng kotse. Wala na kong narinig sa kanyang sagot kaya pinikit ko ang aking mata para hindi nya ako isturbuhin.

_

"Bella wake up"

Nagising ako dahil mahinang yugyog at agad tumambad sakin ang mukha ng boss ko. Bigla nalang ako humikab kaya bigla kong tinakpan ang bibig ko at nahihiyang tumingin sa boss.

"Sorry boss"

"Yeah. Let's get inside. Magluluto pa ng hapunan" Saka sya lumabas. Sumunod narin ako. Hindi ko manlang namalayan na nakarating na kami. Ang sarap kasi ng tulog ko. Nananaginip daw akong nasa Cruise Ship at kinakasal sa walang mukhang lalaki. Pero pakiramdam ko pogi iyon kaya tuwang tuwa ako.

"I will go upstairs. Magluto ka na" sabi nya sakin pagkatapos namin pumasok. Naiinis akong inilapag ang bag ko sa sofa at tumungo sa kitchen. Napakabossy naman!

Nagsuot ako ng apron at naghugas ng kamay. Kumuha ako ng itlog sa ref. Dahil tinatamad ako, fried egg nalang ang lulutuin ko. Sinilip ko muna kung may kanin. Pero wala kaya nagsalang ako habang inaantay kong uminit ang kawali.

"Luto na ba?"

"Saglit lang. Tawagin nalang kita"

Nawala ang presensya nya sa likod ko kaya napabuntong hininga ako. Oh well, day off naman ako  bukas kaya mag eenjoy ako bukas.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login