Download App

Chapter 3: Kabanata Tatlo

Sahara Xander a.k.a Avyanna

'Laugh out loud!' Paano ba naman kasi, gulat na gulat ang lalaking iyon ng makita ang babae na ka-date niya. "Buti nga sayo. Bleh!" Saad ko habang nakaupo sa di kalayuan ng lamesa kung nasaan si Ronan.

Ilang minuto pagkalabas nito ng restaurant, may incoming call akong natanggap. Si Ronan. He wants to act na naging maayos ang date namin. Ako na raw ang bahalang gumawa ng dahilan na sasabihin kay Mama. May urgent meeting raw siya kaya hindi raw siya makakapunta sa date namin.

Halos pigilan ko ang pagtawa ko! Hindi mawala sa akin ang reaksyon niya nang makita ang babaeng binayaran ko para magkunwaring ako.

"You did a great job, Miss." Hindi ko siya kilala. Nakita ko lang siya habang on the way ako papunta rito sa restaurant. Binihisan ko upang magmukhang mayaman.

"Ma'am, maraming salamat po. Napakalaki po nito para sa simpleng ginawa ko."

"It's okay. I am happy to help you. Thank you for helping me as well."

"Paano po itong damit na suot ko?" tanong nito.

"Sayo na yan! Treat it as my gift. I have to go, Miss. Thanks. Take care. Muah!"

Satisfied akong umalis sa restaurant. Habang nag da-drive papunta sa kumpanya ay tawang tawa talaga ako. Sana lang na-videohan ko.

"Baliw na? Malapit lang ang mental dito, Sahara. Anytime pwede na kita dalhin, sabihin mo lang."

"Chan, I'm just happy. You know!"

"After your date? Ngayon lang kita nakitang masaya pagkatapos ng mga ilan blind dates mo. Pogi ba?"

"Uhm! Just fine."

"Bet mo?"

"Not really."

"Husband material?"

"Maybe."

Nakita ko ang kakaibang reaksyon ni Chandy sa mga sagot ko kaya natawa na naman ako.

"Ano ba namang kasing klaseng sagot iyan! Yung totoo? Pasado?"

"Hindi! Kahit isang Parker pa siya." Saad ko. "Kaya ako masaya kasi nga sa ginawa ko sa kanya. I mean, ganito kasi iyon. I hire some girl out there. Binihisan ko at siya ang nagkunwaring ako sa harap ni Ronan. Binigay ko details ng reservation at kung sino ang hahanapin. Ayun, nag walk out ang g@go. Halos namumutla at pinagpapawisan na akala niya ako yung babaeng nakaharap niya kanina."

"Ronan ba kamo? Ronan Parker? May-ari ng Innovative Jewelry?"

"Yep! Pero kanina ko lang talaga siya personally nakita. Why? Bakit kilala mo?"

"Bukod kasi na sila ang kukuhanan natin ng Jewelry para sa fashion show. Kilala talaga siya lalo na sa mga babae."

"At kinikilig ka pa talaga habang sinasabi iyan?" Tugon ko na naiinis.

"Bff, minsan kasi labas-labas din sa comfort zone mo! Hindi puro papeles ang hawak mo." Mas lumapit si Chan sa akin at bumulong. "Crush ko kaya siya. Binigyan ko ng invitation para sa launch ng Avyanna Clothing Series. Sana pumunta para naman makilala ko. Oh my…"

"Kurutin ko kaya ang tinggil mo dahil sa kaharutan mo! Gwapong-gwapo ka 'ron?!"

"Oo naman! Kahit womanizer at paiba-iba ng babae every month, papayag na ako sa ganun set-up. Matikam ko lang ang kagwapuhan niya. Pwede na rin magpa-anak kahit hindi na panagutan. Imagine, magkakaroon ako ng gwapo o magandang anak."

Kinalas ko ang kamay ko sa pagkakayap ni Chandy.

"Ewan ko sayo, Chandy! Ikaw itong dapat dalhin sa mental dahil sa kahibangan mo."

Dumiretso ako sa opisina. Tinawagan ko si Mama. Naiinis ako dahil pipili lang ng lalaki ay isang babaero pa.

"Hi, anak."

"Ma! Mahal mo ba talaga ako bilang anak mo?"

"Oo naman. Bakit mo natanong?"

"Ma, pipili ka lang ng lalaki, womanizer pa. Cancel mo na kung ano mang mga iniisip mo na next date ko sa Ronan na iyan dahil ayoko gawin lang ako parausan niyan. He's not worth it! Ang ganda ko walang expiration at hindi pang isang buwan lang."

"Chismis lang iyon anak, huwag ka maniniwala."

I greeted my teeth and hang up the phone. 'Porket ba gwapo, kapani-paniwala na.' Ito si Mama mas mahalaga pa ang pisikal na kaanyuan at estado sa buhay kaysa sa lalaking bukal ang puso. Kahit dukha, kung mamahalin ako ng buo, a-asawahin ko. Kahit gaano pa kapangit, basta mahal akong totoo, pakakasalan ko.

I'm nervous but confident. Magiging successful ang gabing ito. All the hard work we've spent for the whole month will pay off tonight.

Nakaupo ako sa isang sulok habang pinapanood ang fashion show! All my staff did a great job tonight. Nakita ko si Chandy na papunta sa akin at sa mukha nito nababasa ko na may problema ito.

"Ma'am, we have a problem." Ani Chan habang on-going na ang fashion show.

She's calling me Ma'am kapag kasama ang ibang mga empleyado. Kapag dalawa lang kami, bff lang o kung ano man itawag niya sa akin. Ayos lang.

"What?" tanong ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa mga model.

"Tumawag ang last model na magsusuot ng best Avyanna Clothing Design na hindi makakapunta. Naghahanap ako ng pwede papalit pero wala. We have 30 minutes left para makahanap ng kapalit."

Tumayo ako at dumiretso sa backstage kung nasaan ang ibang mga model.

"Sabihin mo sa agency i-terminate na nila ang model nila." Galit na saad ko kay Chandy. "The show must go on! This will not ruin our reputation." Dugtong ko habang tinatanggal ang coat ko.

"What are you doing?" Takang tanong sa akin ni Chandy.

"Ano pa? Eh di ako ang mag mo-model sa damit! Ilabas mo rito lahat ng kailangan." Tumingin ako sa baklang nag me-make-up. "Make-up." Ma-awtoridad kong sabi. Nakatunganga lang ito at hindi maintindihan ang sinabi ko. "Akin na ang make-up!"

"A-ako na po, Madam."

"No! Do what I say."

Aligaga ibinigay ang make-up kit. Sinimulan kong i-retouch ang mukha ko.

"Ito na ang mga susuotin mo." Ani Chan.

After a few minutes of retouching my make-up, sinuot ko na ang alahas, shoes, and my own design clothes.

"I'm ready!"

Nakita ko na nakanganga lang ang mga staff ko. Pati mga hired model namin nakatingin lang sa akin.

"Perfect!" Iyon lang ang nasambit ni Chandy. "Iba ka talaga Ma'am. After 5 minutes ikaw na ang lalabas." Binigyan pa ako nito ng dalawang thumbs-up. "It's your time to shine, bff." Kindat nito.

Kinakabahan? 'Medyo!' Ilang beses ko pa lang nagagawa ito. Mabuti na lang at may knowledge ako sa mga basic cutwalk at fashion na ganito.

"Wala dapat makaalam kung ano ako rito! Sa mga press na kukuha ng picture ko, delete mo kaagad."

"Noted, Ma'am. Alam ko naman na ayaw mong sumikat. I will handle everything."

I hate exposure. Kahit ang mga investor sa company ko ay hindi alam kung ano ang estado ko sa buhay. Hanggat kayang humarap ni Chandy, ito ang pinapaharap ko. Iilan international investor lang ang pinakikiharapan ko. Gusto ko patunayan na umunlad ako dahil sa sarili kong galing at hindi dahil na isa akong Xander.

When I walked on the stage. Sinubukan kong maging natural. May mga ilan camera na nakatutok at may mga ilan reporter na kinunan ang bawat galaw na ginagawa ko.

"Shit!" Saad ko sa aking isip. "I really hate the flash of the camera." I try to smile, not too small, not too big.

Kapag naglalakad ako sa stage, never ako tumitingin sa crowd para walang distraction. Sa dinami-dami ng maaaring makita ng mata ko bakit ang lalaki pa na iyon. In my peripheral view, ni segundo hindi ako inalisan ng tingin ni Ronan.

"Playboy talaga!" Irap kong bulong ng pabalik na ako sa backstage.

May isang set pa at lahat kaming mga model ay pupunta sa stage para sa final walk at para makita lahat ang design ng Avyanna Clothing Design.

Sa gitna ang pinaka posisyon ko, dahil ang pinaka main design at favorite ko na ini-launch ay ang suot ko.

"Please welcome! Avyanna Clothing Series Design." Ani Chandy.

Nagpalakpakan ang lahat ng guest. Kahit naiilang ako na tumingin sa harapan, nasisilayan pa rin ng mga mata ko si Ronan. "Bakit parang kinakabahan ako?!"

"Thank you, everyone! This is the end of the fashion show. I'm sorry if Miss Avyanna can't speak in front of you but she is grateful and thankful for your full support." Nagkatinginan kami ni Chandy. "Please enjoy the night everyone. You can take a look at each design that catches your eyes. Once again, thank you and goodnight."

Naririndi na naman ako sa kakatalak ni Chandy.

"Bff, ang galing mo talaga. So proud of you! At take note, ang soon-to-be hubby mo, titig na titig sayo. Hindi man lang kumukurap habang nasa stage ka!"

"Shhh!" Saway ko. "Kapag may nakarinig sayo, ilang taon ka talagang walang sahod." Naiirita kong bulong kay Chandy.

Napatakip ito sa bibig at nag sign ng peace sa akin. Inirapan ko ito habang nagpapalit na ng damit.

"Asikasuhin mo na ang mga guest ako na ang bahala dito. Ang model paayusan mo na rin. Ipaready mo na rin ang mga pagkain sa banquet. "Tiis gandang walang kain ang mga iyon para hindi mahalata ang bilbil sa mga damit na suot nila."

"Opo, Ma'am. Napaka generous niyo talaga sa iba, pero sa aking kaibigan niyo, nga-nga!"

"May reklamo ka?"

"Wala nga po, Ma'am. Ito na po mag-aasikaso na."

We heard some noise sa pintuan ng backstage dahil sa mga nagtitilian na model. Isang beses lang ako napatingin sa kanya. Iniwas ko na ang mga mata ko kahit pa gusto makipag laban ng titigan sa akin.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login