Download App

Chapter 3: Chapter 3

Chapter 3

- Irish's POV -

Bumaba ako ng taxi tapos saka ako nagbayad. Inakay ko ang mga gamit ko hanggang sa makarating ako sa may pinto pagkatapos ay kumatok ako ng pinto. Pagbukas ng pinto ay napakunot ang noo ko dahil ang sasama ng tingin sa akin ng mga lalaking nasa harap ko.

"Ano nanaman ba?" Inis kong tanong habang nakakunot ang noo.

"Tsk!" Singhal nilang lahat at saka sila umalis ng daan. Doon na ako pumasok tapos pasimple kong inikot ang mata ko sa bahay.

"Maganda." Saad ko.

"Doon ka sa pinakadulong kwarto sa may kanan. May mga pangalan naman doon sa mga kwarto, ehh. Yung sayo, shempre, wala. Umakyat ka na." Saad nito. Humarap ako at napakurap-kurap. Ang iba sa kanila ay walang suot na pang taas, ang iba naman ay naka sleeveless or sando.

Napalunok ako at saka ko sila sinamaan ng tingin bago ako umakyat ng pangalawang palapag. Pag-akyat ko ay inilibot ako ang paningin ko. Pag-akyat mo sa hallway ay may makikita kang sofa sa may gilid ng hagdan.

Tapos doon mo na makikita ang mga pinto at may mga pangalan nga ang mga pinto. Iba't ibang penmanship, may maganda, may ayos lang, may hindi maintindihan, at may parang kinayod ng manok.

Napatingin ako sa pintong walang pangalan at pumasok ako doon. Ang kwarto ay may pagkagirly na may pagkalalaki din.

Well, ganito naman talaga ang gusto ko.

Mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko at saka ako naligo at nagbabad sa bathtub na nasa bahay na to. Paglipas ng ilang minuto kong pagbababad sa bathtub ay nagbanlaw na ako saka ako nagbihis ng pajama.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagbukas ko ng pinto ko ay may ilang ilaw nalang ang nakabukas at muhkang natutulog na ang mga Rintaro Gayz.

Isinara ko ulit ang pinto at kinuha ang gitara ko at saka na ako bumaba sa kusina. Pagbaba ko doon sa kusina ay may mga grocery naman kaya naisipan ko nalang magluto. Nagsimula na akong hiwain ang nga ingredients at saka ko binuksan ang stool.

Patuloy lang ako sa pagluluto at marami itong niluto ko. Pwede naman itong initin ng mga Rintaro Gayz na yon para bukas. Habang nagluluto ay nagsaing din ako ng kanin. Madami din para pwede din silang kumain.

Pagkalipas ng ilang minuto ay tinakpan ko na ang sinigang na niluluto ko para mas lumambot at nakita kong luto na rin ang kanin. Pinatay ko na ang stool at nag-ayos na ng makakain.

Susubo na sana ako ng bigla akong mapatingin sa may pinto. Nandoon ang lahat ng lalaki nakatingin sa akin at nakanganga na parang sila ang susubuan ko. Inilapag ko ang kutsarang hawak ko at bumuntong-hininga.

"Kumain na nga kayo dito. Nakakaasiwa kayo tignan dyan, ehh." Saad ko at inirapan sila. Dali-dali silang umupo at tiningnan ko naman sila ng hindi makapaniwalang tingin. "Gagawin nyo pa ata akong kasambahay, ahh? Kumilos kayo, aba!" Saad ko at umirap sa hangin.

"Hindi kami marunong." Saad ni Theo.

"Ano? Seryoso?" Kunot-noo kong tanong.

"O-oo nga!" Saad nito at nag-iwas ng tingin.

"Grabe, ibang klase." Sakrastikong saad ko at pumalakpak pa. Tumayo ako at kinuhaan sila ng plato at nagsandok ako ng kanin at ng ulam. Pagkalagay ko ng kanin at ulam. Nagmamadali silang kumuha na parang hindi kumain ng tatlong buwan.

"Tigilan nyo nga yan. Para kayong mga patay gutom." Saad ko at inirapan sila. Nakailang apat na plato ako at naka-anim na sandok ng kanin at ulam. Malakas din pala kumain ang mga gonggong.

Pagkatapos naming kumain ay nandoon parin sila pero niligpit ko na ang mga pinagkainan namin at ako na din ang naghugas. Pagkatapos kong maghugas ay nandoon na sa sala ang mga lalaki at saka ako pumunta ng teresa.

- Theo's POV -

"Grabe, akala ko busog na ako don sa pizza. Mas nakakabusog pala kapag kanin ang kinain sa gabi?" Saad ni Neil habang hinihimas pa ang tyan nya.

"Oo nga. Tapos ang sarap pa magluto ni Irish. Solved talaga." Saad pa ni Kaito. Napatigil kami sa paglalakad ng bigla kaming makarinig ng parang may kumakanta sa may teresa.

(Now playing: I like you so much, we lost it by Ysabelle Cuevas)

I liked your eyes, you looked away

when you pretended to care

I like the dimples on the corners

of the simple that you wear

You more them more with her

I knew and I was scared

I let myself fall deeper

but I was prepared

I liked you shirt, the one I gave you

can't forget how you smell

But now on different shoulder hang

the jacket I use to wear

I loved you for so long

sometimes it's hard to bear

But after all this time

I wish you well from here

I loved you every minute, every second

I loved you everywhere and any moment

Always and forever was just for a moment 'cause

I was not the one, I don't know how

I loved till the last of snow disappeared

Missed you on the rainy days of the year

Never knew of pain like this, now I've got to know

Thought I loved you so, why did you go?

Hindi na sya kumanta pa pero nagpatuloy parin ang pagtugtog nya ng gitara. Sobrang ganda ng boses nya na parang gusto mo nalang sya biglang palakpakan dahil doon. Tumingin ako sa mga kasama ko at nagsalita.

"Tara na. Matulog na tayo." Saad ko at  nauna nang pumasok ng kwarto ko. Saka ko narinig ang sunod-sunod na pagsara ng pinto. Binilang ko pa lahat iyon hanggang sa umabot ng labing-isa. Pagkatapos ay nahiga na ako saka ako natulog.

- Irish's POV -

Ilang minuto pa muna akong nag-stay sa teresa saka ko napag-desisyonang pumasok na ng kwarto ko. Pagkapasok ko ng kwarto ko ay nahiga ako ng kama ay mabilis akong nakatulog.

KINABUKASAN. . .

Maaga akong nagising ng walang dahilan. Siguro dahil sa lungkot na dala ng pag-iyak ko kagabi. Tumayo na agad ako at nagluto na ng pagkain kasi alam kong di marunong magluto ang mga lalaki sa taas.

Tapos umakyat ako para maligo at magbihis para sa pagpasok ko. Pagbaba ko ulit ay nandoon na sila at kumakain. Kumuha ako ng plato at nagsandok ako ng kanin at kumuha ng isang itlog at dalawang hotdog.

Umupo ako sa bakanteng upuan at nagulat ako ng bigla akong manglagkit tapos biglang parang nagpipigil ng tawa ang mga lalaki sa harap ko. Tumayo ako at uminit ang ulo ko ng makita kong may inilagay silang itlog doon sa upuan at may catsup pa.

"Ano ba?!" Bigla kong sigaw. Bigla naman silang napatingin sa akin na parang nagulat. "Alam kong hindi nyo ko nirerespeto, pero pwede ba?! Respetohin nyo naman yong pagkain!! Hindi nyo kasi alam kung anong hirap mag-trabaho kasi puro kayo pasarap!! Inisip nyo bang dugo at pawis yan ng mga magulang nyo?!" Inis kong saad at itinapon ang itlog na nilagay nila sa upuan ko. "Mahiya kayo sa grasya!! Baka magabaan kayo!!" Sigaw ko pa saka ako umakyat at nagpalit ng uniform. Pagbaba ko ay wala na ang mga bakla.

Tapos ako naman ay bumalik sa kusina para tignan kung may natira pa silang ulam. Pagdating ko doon ay kumuha ako ng topperware at naglagay ng kanin doon. Naglagay din ako ng hotdog at itlog sa topperware. Tiningnan ko ang oras at muhkang kaya ko pang magluto.

Mabilis ang naging paluluto ko at nakapagluto ako ng adobo at may baon pa akong anim na sandwich tapos nilagyan ko ng tubig ang 1.5mL ng softdrinks na binili ko kahapon. Tapos inilagay ko iyon sa isang bag na hindi masyadong magagalaw.

A Few Moments Later. . .

Pagdating sa school ay nilagay ko muna sa locker ko ang bag kong dala saka ako pumasok ng classroom namin.

- Theo's POV -

Dumating na ang ang Advicer namin pero hindi parin dumadating si Irish. Siguro ay masyado syang nagalit sa amin dahil sa ginawa namin. Lumipas ang dalawang minuto ay dumating na sya.

"You're late, Miss Martinez." Saad ni Miss.

"I'm sorry po. Nagluto pa po kasi ako ng ulam ko kasi wala po akong pera ngayon. Tapos mamaya pa po yung raket ko para sa tuition ko at iba pang payments so.... I'm late nga po." Saad nito habang namumula sabay nag-iwas ng tingin. "I-im sorry po talaga. Hindi na po mauulit." Saad pa nya.

"Sige. Next time, agahan mo ang pagluluto." Saad ni Miss.

"Maaga naman po sana. May mga lalaki lang pong nagsayang ng oras ko sa pagpalit ng damit." Saad ni Irish at masama ang tingin na nilingon kami.

"Sige, maupo ka na." Saad ni Miss at bumalik na sa pinagsasabi nya kanina pa.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

LUNCH BREAK

"Nakita nyo na ba sya dito sa cafeteria?" Tanong ko.

"Wala ata. Kanina pa tayo lumabas lahat, ehh." Saad ni Kaito.

"Nandito na nga halos mga classmates natin, ehh." Saad ni Aieon.

"Sigee. Bayaan nyo na sya." Saad ko at nagpatuloy na sa pagkain.

"Irish!" Biglang sigaw ni Ushii. Napalingon naman kami sa kinaroroonan ni Irish habang sya ay naglalakad papalapit sa amin.

"Ano nanaman?" Masungit nitong tanong ng makalapit sa amin. "Tsk. Kung wala kayong kailangan, wag nyo na akong tawagin." Saad nito at naglakad na papalayo sa amin.

- Irish's POV -

Naglakad na ako papalayo sa mga gonggong na baklang iyon at bigla akong binangga ng isang babae.

"Owemji! Why can't you see me?" Saad ng babae.

Ano daw?

"Ahm... Miss conyo, sorry ha? Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo." Saad ko ng mahinahon.

"Excuse me?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

"Yan, yan ang dapat sinabi mo. Hindi yung bigla-bigla ka nalang nangbabangga tapos e-englishan mo pa ako, ehh, mali mali naman." Mataray kong saad sabay irap sa hangin.

"Ang yabang mo, ahh? Kilala mo ba kung sino ako?" Mayabang na saad nito habang nakataas ang kilay.

"Hindi. Kailangan ba kilala kita?" Mayabang ko ding saad. Nagulat ako ng bigla syang kumuha ng juice at napapikit nalang ako bigla. Paglipas ng ilang minto ay wala akong naramdamang malamig sa katawan ko kaya dumilat na ako.

Nakita kong nasa harapan ko Theo habang ang iba nyang mga kaibigan ay nakapaligid sa akin na para bang pinuprotektahan nila akong lahat.

"Makinig kayo buong EAV!! This girl is under Rintaro Boyz protection!! If someone want to harm her, then drop out!!" Sigaw nito at saka na ako hinila ng kung sino sa kanila at wala akong nagawa kung hindi ang magpalit.

"Bakit ka ba nakikipag-away sa mga yon?" Tanong ng isa.

"Alam mo bang pwede ka nilang basagan ng bungo?" Tanong pa ng isa.

"Ano namang paki ko? Sya naman yung nangbabangga." Mataray kong saad.

"Ayan. Kaya ka napapaaway, mayabang ka kasi." Saad ni Theo.

"Ano namang paki ko? Anong bang paki nila? Tyaka bakit basa uniform mo?" Kunot-noo kong tanong. Tapos bigla akong napatakip sa bibig ko. "T*ngina, Theo. Magpalit ka, malamig binuhus sayo ng babaeng yon." Saad ko habang hawak ang damit nya. Kumunot nanaman ang noo ko ng biglang akong magtaas ng tingin at nakita kong sobrang pula nya. Hapos bigla kong hinawakan ang noo nya. "May lagnat ka ba? Ang pula mo, ehh." Saad ko habang hawak ang noo nya. Bigla naman nyang inalis ang kamay ko.

"A-aalis na a-ako." Saad nito at nagmamadaling umalis. Kunot-noo kong hinarap ang mga kasama ko.

"Anong nangyari don sa leader nyong bakla?" Tanong ko.

"Ayon. Nagdadalaga na. Halika na. Kakain pa tayo." Saad nito.

"Wait! I don't talk to strangers." Saad ko at inirapan sila.

"What?! Magkakasama tayo sa iisang bahay pero hindi mo kami kilala lahat?!" OA na saad ng isa sa kanila.

"Tsk. Ehh, sa si Theo lang ang kilala ko sa inyo, ehh." Saad ko at inirapan sila.

"Sige, I'm Dexter Franza Jr." Pakilala ng kaninang humila sa akin.

"I'm Ushii Diaz. You can call me handsome." Saad nito sabay kindat.

"Im Aeion." Saad nito tapos nag-iwas ng tingin.

"I'm Kaito Miller. The Cutest." Saad nito at sumaludo.

"No, That's me. By the way, I'm Seiji Lopez."

"Ako si Senji Takahiro. I'm just new here in the Philippines." Saad nito at yumuko-yuko pa. Ginaya ko nalang.

"Ahm... I'm Dirk and I don't care about you, slut." Saad nito tapos irap sakin.

"Makaslut ka, ahh. Nilandi ba kita?" Sakrastikong saad ko tapos inirapan din sya.

"I'm Cairo!"

"Neil!

"Akio!"

"At kami ang Rintaro---"

"---gayz." Lahat sila napalingon sa akin dahil sa sinabi ko. "Tara na. Balik na tayo ng cafeteria. Bibili ako ng softdrinks. May baon akong kanin. At ulam." Saad ko.

"Tara. Kain na tayo!" Sigaw nila na ikinatawa ko at napailing-iling nalang ako. Pagkagaling namin ng cafeteria ay dumiretso kami ng locker room at doon na namin naabutan si Theo.

"Theo, bumili kami ng kanin sa cafeteria, kakain na tayo!" Sigaw ni Neil.

"Ganyan ka ba palagi? Para kang patay gutom." Saad ko ulit.

"Gutom lang yan, Irish. Namahimik ka na nga, Neil." Saad ni Theo at sumunod na sa kanila. Pagdating nila sa isang room ay agad na silang naupo.

"Nasaan tayo?" Tanong ko.

"Nandito sa private room namin." Saad ni Theo na mapula parin ang pisnge. Lumapit ako at hinawakan ang pisnge nya.

"Ang init ng pisnge mo. Tingin ko may lagnat ka. Umayos ka nga, Theo. Para kang tanga." Saad ko at inirapan sya.

"Kumain na nga kayo. Ang lolonde." Saad ni Cairo. Inirapan ko lang sya.

"By the way, Irish. Ano yung sinabi mong raket kanina?" Tanong ni Neil.

"Ahh... Yung raket ko. Kumakanta kasi ako para magkapera. Minsan sa kasal, sa parties, sa reunions, at kung ano-ano pa." Saad ko.

"Ahh..." Saad nila at tumango-tango.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

DISMISSAL

- Theo's POV -

Pauwi na kaming lahat at pag-dating namin ay may naabutan kaming lalaking nakatayo sa harap ng bahay namin. Muhkang may hinahanap sya.

"Ahm... Sino ka?" Tanong ko.

"Ahh... Kayo sino kayo? Dito ba nakatira si Irish?" Tanong nito.

"Oo. Kaano-ano ka ba ni Irish?" Naguguluhang tanong ko.

"I'm her fiancé." Saad nito na nagpasikip ng dibdib ko. "Where is she? Is she's here now?" Tanong nito.

"Bakit di pa kayo pum---" napatigil sa pagsasalita si Irish ng nakita nya kung sino ang nasaharapan namin. Biglang dumilim ang muhka nya.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ni Irish habang madilim ang muhka.

"Umuwi ka na, please. Nag-aalala na kami sayo." Saad nito.

"Ano ba kasing pakialam nyo?! Wala naman akong halaga sa inyo diba?! Ipapakasal nyo nga ako sa hindi ko mahal, ehh!!" Sigaw ni Irish.

"Pero---!!"

"Alis na!!" Sigaw pa ni Irish.

"Irish, wag mo naman sigawan yung fiancé mo." Saad ni Dexter. Nanlilisik ang mata na hinarap sya ni Irish.

"Ano? Fiancee? Ko yan?" Saad nito sabay turo sa lalaki. "Sinong nagsabi sa inyo nyan?" Saad pa nito.

"Siya!!" Sabay-sabay naming saad. Nanlilisik ang mata naman na hinarap ni Irish ang lalaki.

"Bakit mo naman sinabing fiancee kita?! Kuya, nababaliw ka na ba?!" Sigaw ni Irish.

"Bakit puro lalaki ang kasama mo, ha?! Lesbiana ka na ba, ha?!" Sigaw din nito. Biglang bumagal ang takbo ng lahat ng biglang sapakin ni Irish ang lalaki.

"Ilang beses ko bang sasabihing hindi ako lesbiana?!!" Galit na sigaw ni Irish. Biglang may lumabas pa na isang lalaki at hinila ang kuya daw ni Irish. "Kuya Ian, bati ba naman ikaw kasama?!" Sigaw pa ulit ni Irish.

"Hoy, babae! Hindi namin kasalanang masunurin kami kay Mommy at Daddy! Kung pwede nga lang, ehh, sana katabi ko ang fiancee ko." Saad nito. Binatukan naman sya ng sinapak ni Irish.

"Tanga! Bawal yon! Gusto mo bang hindi kayo ikasal?" Saad ng isa pang lalaki.

"Pumasok nga muna kayo! Bakit ba tayo sigaw ng sigaw?! Para tayong mga tanga!! Hoy, Rintaro Gayz--- este Boyz. Tulungan nyo nga Kuya ko. Kukunin ko lang yung first aid kit." Saad ni Irish at nauna nang pumasok ng bahay. Binuhat namin ang isa sa mga kuya nya at pinaupo namin sa may sofa.

"Tsk. Yari nanaman ako sa sawa ko nito." Saad ng lalaki.

"Teka, sino ba kayo? Bakit nyo ba nigugulo si Irish?" Saad ni Senji.

"Tsk. Hindi ka ba nakikinig?" Saad ni Ian. "Kuya nya nga kami, diba? Pinapauwi nanamin sya." Saad pa nito.

"Ahh. Okiy." Saad ni Senji at dumiretso ng kusina. Ako naman ay pumunta din doon. Pagdating ko ay palabas na ng kusina si Senji at nakita kong nandoon din si Irish na may hawak na first aid.

"Irish, aalis ka na ba?" Wala sa sariling tanong ko habang hawak ang balikat nya.

"Bitawan mo nga ko, Theo. Hindi ako aalis. Mamamatay kayo dito kung aalis ako. Para kayong mga batang walang alam kung hindi kumain at maglaro." Saad nito sabay irap sa akin saka iniwan ako sa kusina.

Dahil sa sinabi nya ay.....

Napangiti ako.

- To Be Continued -


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login