Download App

Chapter 2: Chapter 1: Ang Simula

Ang Simula

Selene Caz

Normal day in my ordinary life.

Isang studyanteng pinipilit magsumikap, pero gaya nang ibang kabataan... ayoko na din mag-aral. Nakakapagod bilang isang studyante ih. Pero dahil pinapahalagahan ko ang lahat ng ginagastos ng mga magulang ko para lang makapag-aral ako ay hindi ako humihinto.

Santiago Senior highschool ang paaralang pinapasukan ko. Hindi ganon kalaki pero kilala ang school namin pagdating sa usaping art.

Kilala ako sa school bilang president ng section na ICT at bilang SSG Vice President. Isang responsibilidad na kaylan man ay di ko gugustuhing gampanan. Sadyang no choice lang ako.

At sa mga oras na to dapat nasa classroom na ko. Pero male-late ako ngayon sa first subject ko dahil nagka-meeting kami nang mga SSG officers.

Kilala ako bilang isang responsable, mabait at magandang studyante sa school namin. Pero hindi naman talaga ako mabait, maganda lang. Siguro kaya ako natawag na mabait ay dahil sa responsable ako.

Bilang isang officer ng room at ng SSG ay tinuring ko nang responsibilidad ang lahat ng studyante sa paaralan namin.

Nung una ayoko nang role ko sa school na'to kasi matutulog akong puyat at gigising akong bangag. Pero simula nang maging officer ako at nakilala nang maraming studyante ay nakaramdam ako nang saya. At dahil sa responsibilidad na yon, tingin ko na sa lahat ng studyante dito ay importante. Tingin ko naging responsibilidad ko na rin sila.

"Selene, nakita mo ba si Chara?"

"Mukha ba kong hanapan ng nawawalang studyante? Mukha ba kong guard? Ha? Chester? Tsk!" mataray na sabi ko sa kanya.

Meet Chester Zapiro. My dear ex boyfriend.

Sya ang Vice President ng klase namin. Ang ICT. Pero simula nang maghiwalay kami, hindi na nya inisip yung tungkulin at responsibilidad nya sa klase namin. Kaya heto, ako ang taga-bitbit ng lahat ng tungkulin nya. Hindi namin sya tinatanggal bilang vice kasi matalino at may leadership skills talaga sya, sadyang matigas lang talaga ang ulo nya.

Pero wag kayong masyadong magalit sa kanya, ako kasi ang nakipaghiwalay sa kanya. Actually sinunod ko lang naman yung isang qoute na 'Kapag hindi mo na mahal ang isang tao, pakawalan mo na lang nang hindi na sya masaktan pa'

Malay ko bang masasaktan pa rin sya kahit pinakawalan ko na sya.

Ewan, siguro nga na-out of love na ko. Pero kasi, pareho din kaming busy. Lalo na ko, andami kong gampanin sa school at sa bahay bilang panganay saming magkapatid. And I have a deeper reason.

Naisip ko na baka hindi to yung tamang oras para isipin ko yung sarili ko.

Atsaka hindi naman sya yung first boyfriend ko kaya may mga experience na ko about sa mga ganyang bagay.

"Ang sungit mo talaga, pero sabagay baka late na naman yon" pagtutukoy nya kay Chara.

Simula nang maghiwalay kami lagi na syang dumidikit sa kaibigan kong si Chara.

As if nagseselos ako. Hindi naman saking image ang pumapanget ih.

"Ano pa bang aasahan mo don? Eh ikaw? Kanina pa nagsisimula ang klase ha? Late ka na nang ten minutes, bat nasa labas ka pa?"

"Inaantay kita, tawag ka ni Ms. France sa faculty."

Napairap naman ako.

"Anong silbi mo bilang Vice President ng ICT? Hindi mo ba kayang pumunta nang faculty ha?!" Inis na sabi ko sa kanya.

Loko to! Kakagaling ko lang ng meeting tas uutusan ako sa faculty?!

"Eh anong magagawa ko? Ikaw ang tinatawag ih!" sabi nya naman.

"Ewan ko sayo! Oh! Dalin mo na sa loob yung bag ko nang may pakinabang ka naman!" sabay abot ko sa kanya nang bag ko staka ko sya sinimulang talikuran.

Putspa! Faculty lang di pa kayang puntahan! Ano bang kaya nyang gawin?! Nawalan lang sya nang girlfriend pati commonsense nya nawala na rin.

Hawak ko ba yung utak nya? At sinama ko sa pag iwan ko sa kanya?!

Napahinto ako sa pag iisip nang biglang may mapansin akong kakaiba.

Bat parang may mali?

Yung mga janitor at ibang teachers na nasa hallway ay parang natataranta at may kanya kanyang tinatawagan.

Anong nangyayare?

Napatingin ako sa mga kotseng naka park sa harap ng building namin. Isa-isa na silang nagsisipag alisan.

Teka, sa mga head teachers and principal namin yun ha?

Pero bakit para silang nagmamadali?

Napatingin ako kay Ms. Fiona na may katawagan sa phone habang papalapit sa direksyon ko.

At saktong malapit na sya sakin ay para syang ma a-out of balance dahil sa narinig nya sa katawagan nya kaya agad akong lumapit sa kanya at inalalayan sya.

"Ma'am, okay lang po ba kayo? Teka lang po, dadalhin ko po kayo sa clinic" agad naman syang nataranta tsaka nya ibinaba yung tawag.

"W-wag na! Wag na! Uuwi lang ako. Sigi na, hinahanap kana ni Ms. France sa loob"

"Sigurado po kayo?" nag-aalalang tanong ko.

Hindi na sya sumagot, sa halip ay kumaripas sya nang takbo papunta sa pulang sasakyan.

Ngayon wala na talagang natirang sasakyan sa tapat ng building namin at tanging ang dalawang school bus nalang ang naiwan.

May sarili kasi kaming bus, pagmamay-ari mismo nang school at ginagamit namin yon pag may camping o kaya naman eh may event ang school.

Yung ibang teachers naman walang dalang sasakyan at sumasakay lang sa tricycle o kaya naman sa jeep.

Napatingin ako sa pinanggalingan ni Ms. Fiona tsaka ako nagkibit balikat.

Ang weird.

Nagsimula na ulit akong maglakad papunta sa faculty at habang tumatagal bumibigat ang pakiramdam ko sa hindi ko malamang dahilan.

Agad akong kumatok sa faculty room tsaka ko yon binuksan. Napakunot noo ako nang maabutan kong nagkakagulo yung mga teachers at para silang natataranta.

Ano bang nangyayare?

"Ms. France? Pinapatawag nyo daw po ako" pag agaw ko nang atensyon kay Ms. France pero lahat sila ay napahinto at nagkunwareng nag re-relax.

Nagkibit balikat na lang ako tsaka ako dumiretso sa desk ni Ma'am.

"A-ah here. Ipasulat mo yan sa mga kaklase m-mo. H-hindi ako makaka-pasok sa klase nyo dahil busy kami ngayon" sagot nya naman.

Inabot ko naman ang librong hawak nya.

"Sige po" maikling sagot ko staka ako tumalikod sa kanya at nagsimula na kong maglakad papunta sa pinto.

Pero agad din akong napahinto nang biglang magsalita ang isa naming teacher. Si Sir James.

"Ms. Caz?" agad ko naman syang nilingon.

"Po?"

"P-please lead your classmates. I trust you. Ikaw nang bahala sa kanila. And please lock your room"

Napakunot noo ako. Bat kaylangang i-lock?! Jusko! Ang init kaya sa loob ng room! Palibhasa sila naka aircon dito ih!

"B-bakit po?"

"A-ah kasi... kasi may mga visitors tayong dadating. Hindi pwede ang pagala-gala sa corridor kaya mas mainam na wag kang magpapalabas" sagot nya naman.

Nginitian ko sya sabay tango ko.

Weird.

Pagpasok ko nang room ay agad kong ni lock yon atsaka ko ibinagsak sa teacher's desk yung book na dala ko.

"Ano yan?" tanong nang isa naming kaklase.

Napairap naman ako

"Libro, kainin mo baka mabusog ka" pambabara ko sa kanya.

"Ang sama talaga nang ugali mo!" sagot nya naman.

"Di ka pa nasanay jan, maldita naman talaga yan" sagot ng isa naming kaklase.

"Kaya nga" Pagsang ayon naman ng isa.

"Psh! Ano ba kasing gagawin dyan?" tanong nya pa rin.

"Malamang mag susulat tayo! Wala si Ms. France kaya magsusulat lang daw tayo ngayon. Busy sila ih"

"Ano ba yan, nakakatamad" sabi nung isa kong kaklase. Inirapan ko lang sya. Tamad ka naman talaga.

"Nicole, pasulat naman nito sa board oh" utos ko sa secretary namin.

Agad naman syang tumayo at nagsulat sa board.

"Eh bakit kaylangan pang i-lock yung room? Ang init kaya?" Sabi naman ng isang babae kong kaklase.

Arte neto! Kala mo maganda!

"Naknang! Don't tell me may balak ka sa katawan ko Selene?! Okay okay! Payag nako--- Aray! Ano ba?! Selos na selos?!" sigaw nang pinaka joker namin dito sa klase kay Chester, si Jack.

Lagi syang masaya at tumatawa kahit wala namang nakakatawa. Pero kahit ganon, isa sya sa nagpapa-ingay nang room na to.

"Hindi ko alam okay?! Basta i-lock nalang daw! May visitors tayo! Dun ka sa faculty mag reklamo kung may problema ka!" sigaw ko sa kanya sabay upo ko.

Grabe! Inaantok na ko! Pero dahil isa akong responsableng mag aaral ay pinipilit ko pa ring magsulat. Pero hindi magbabago ang katotohanang labag to sa kalooban ko!

Napa-hinto ako sa pagsusulat ng makarinig ako nang kalampag, pati mga kaklase ko napahinto na rin.

At napatayo na ko nang sunod-sunod na malalakas na kalampag na ang nagmumula sa pinto nang room namin.

Napakunot noo ako.

Sino na namang siraulong late na kaklase namin ang nanti-trip neto?

Napairap ako sabay lakad ko papunta sa pinto. Tinignan ko muna ang mga kaklase ko.

"Tuloy nyo lang yang sinusulat nyo" utos ko sa kanila at nagpatuloy naman sila sa pagsusulat.

Pinihit ko ang doorknob staka ko ito binuksan pero nagulat ako nang biglang may yumakap sakin pagbukas pa lang nang pinto.

Tinignan ko ang kabuuan nya.

Chara?

Ang dungis dungis nya at ang gulo nang buhok nya, pero ang mas ikinagulat ko ay yung mga mantya nang dugo sa uniform at sa katawan nya, pati na rin sa binti nya. Halata ang mga bahid ng dugo sa binti nya dahil maikli lang ang palda namin. Above the knee.

"C-Cha? Anong nangyare sayo?" nag aalalang tanong ko sa kanya pero agad syang humiwalay sakin tsaka nya ni-lock yung pinto at para na rin syang natataranta.

Napatayo na rin ang mga kaklase namin at bakas na ang takot, gulat at pagkalito sa mga mukha nila.

Pagkatapos i-lock ni Chara yung pinto ay agad nya kong inatak sa gitna nang room at niyakap ng sobrang higpit.

"Anong nangyare sa kanya?" tanong ni Chester na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.

"Ako ba ang gumawa nito sa kanya para malaman ko?" pilosopong bulong ko sa kanya.

"May mali talaga ih" serysosong sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ha?"

"Sa faculty, sa mga teachers and staff ng school. May mali sa kanila. May mali sa paligid."

Napakunot noo ako sa sinabi nya.

"Napansin mo rin pala" seryosong sabi ko.

Nagulat ako nang magsimulang umiyak si Chara.

"A-anjan na sila! Mamamatay tayo! Ahh! Mamamatay tayo Selene! Mamamatay tayo!" natatarantang sabi nya habang umiiyak kaya lalong natakot at kinabahan ang mga kaklase namin.

"Shhh..." Pagpapatahan ko sa kanya sabay paghimas ko sa likod nya para pakalmahin sya.

Dumoble ang takot at kabog ng dibdib ko nang marinig namin ang sigawan at iyakan ng mga studyante sa labas.

Nanginginig ang mga tuhod ko sa naririnig ko.

Bat sila umiiyak?!

Bat may sumisigaw?!

Nataranta ako at hindi ko na alam ang uunahin ko nang marinig ko ang sigawan at iyakan ng mga kaklase ko lalo na ang mga babae. Ganon din si Chara.

Wala sa sariling binitiwan ko si Chara at iniabot kay Nicka na isa sa mga kaibigan namin.

Lumakad ako papunta sa bintana. Narinig ko naman ang pagpigil nila sakin pero diko yon pinansin. Naramdaman ko rin ang presensya ni Chester sa likod ko.

Yumuko ako nang kaunti at binuksan nang maliit ang bintana para makasilip ako.

Nagulat ako nang makita kong nagkakagulo sa corridor, nagsisigawan, umiiyak, tumatakbo at nagtutulakan ang mga studyante.

Madungis at puno sila nang mga dugo sa katawan.

Anong nangyayare?!

Napatakip ako sa bibig ko nang biglang may nadapang babae sa harap mismo nang sinisilipan ko.

"T-tulong! Tulong! T-teka Ms. Caz ikaw ba yan?! Tulungan mo ko parang awa mo na! Tulungan mo ko! Tulong!" sigaw nang babaeng studyante.

Tatayo na dapat ako at didiretso sa pinto nang mapahinto ako.

Nanigas ako sa pwesto ko.

"Tulong! Ahh! Tulong! Ackk! Ackk! T-tulong!"

Napasalampak ako sa sahig at para akong natulala. Agad naman akong inalalayan ni Chester.

Ano yon?!

Tama ba ko nang nakita?!

B-bakit?!

"Selene, b-bakit? Ano yung nakita mo?" tanong nang isa naming kaklase.

Napatingin ako sa kanya tsaka nagsimulang tumulo ang mga luha ko.

That thing is f*cking impossible to exist. Impossible!

"Z-zombie..." maikling sabi ko staka ako napahagulgol.

Y-yung babae...

Yung babae!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login