Download App

Chapter 2: Ang Pagbabalik

"Pinsan huy gising na. Malapit na tayo." Tawag sa kanya ni Jon. "Sarap ng tulog mo ah." pansin nito.

Dahan-dahan na dinilat ni Derek ang mga mata. Tumingin siya sa pinsan na nagdadrive para sa kanya.

Ito ang sumundo sa kanya sa airport. Halos dalawang oras pa lang siyang nakakabalik sa Pilipinas. Kahit siya nga halos hindi pa makapaniwala na he really is back.

"Ilang taon na nga ba mula noong umalis ka?" tanong nito.

"Six years." Maiksi niyang sagot. Anim na taon na mula ng umalis siya ng Pilipinas at namalagi sa Amerika. Yon ay sa kahilingan na rin ng kanyang amang lubha ang pag-aalala sa kanya.

Pumayag siya agad sa suhestyon nito dahil gusto niyang makatakas sa mga bangungot na siya rin naman ang may kagagawan. Sa Amerika he found temporay relief at naipagpatuloy niya ang buhay kahit papaano.

Pero ngayong nagbalik na siya, napanaginipan na naman niya ang ginawa niyang pagtakas sa mga humahabol sa kanya noon.

Kahit namatay na ang mga nagtangka sa buhay niya hindi pa rin siya tuluyang makalaya sa mga bangungot.

"Kumusta na ang Papa? Tanong na lang niya sa pinsan para maiwasang isipin ang nakaraan.

"Ayon hinihintay ka na. Excited na iyon. Will you be staying here for good?" tanong nito.

"Hindi ko pa alam. Depende siguro sa mangyayari at kung napatawad na ba talaga ako ni Papa sa mga kagaguhan ko noon." sagot niya dito.

Ang totoo ay may plano na siyang magbalik noon pa dahil may gusto siyang asikasuhin, isang unfinished business.

"Huwag kang mag-alala matagal ka nang napatawad ni Tito at matagal ka na nung gustong makita. At ako rin i'm glad you're finally back pinsan. Hininto na nito ang sasakyan. "We're here." anunsyo nito.

Bumaba na siya ng sasakyan. Isang malaking maleta at balikbayan box lang naman ang dala niya. Pasalubong sa mga kasambahay na sakit din sya ng ulo noon.

"Sige pinsan may lakad pa ako. Kumusta mo na lang ako kay Tito." Paalam nito.

"Sige ingat sa'yo date mo." Biro niya dito. "At salamat sa paghatid." Tumango lang ito at ngumiti pagkatapos ay pinaharurot na ang sasakyan.

Siya naman ay tuluyan nang pumasok sa mansion. Sinalubong agad siya ng mga katulong na hindi naman niya kilala except sa ilang dekada na nilang katiwalang si Mang Ising.

Binati niya ito. "Hindi man lang kayo tumanda kahit isang taon."

"Welcome back po senorito." Balik tugon nito. Konting ngiti lang ang ganti nito. Hindi masyadong pinahahalata na masaya ito sa pagbabalik niya.

"Nasaan ang Papa?" hanap niya sa amang si Don Renato.

"Nasa study po niya senorito." Pormal pa rin talaga ito makipag-usap. Ganoon naman talaga sila sa bahay. Ang mama lang naman niya ang nagbibigay ng buhay sa bahay na iyon kaya ng mamatay ito parang tianakasan na rin ng sigla ang buhay nila.

"Salamat. Mamaya bibigyan ko kayong lahat ng pasalubong." At pagkatapos ay tuloy-tuloy na siyang pumasok sa study ng kanyang ama. Nakabukas yon kaya hindi na siya kumatok.

"I thought you're sick. You should be in your bedroom." Yon ang pagbati niya dito.

Pormal sila ng ama sa isa't-isa. No hugs nor kisses not even a simple greeting. They don't even deal with small talk. Ganoon sila noon sa bahay.

Kaya medyo nagulat siya ng ngumiti ito nang makita siya. "Welcome back Hijo sa wakas nagbalik ka na."

"So I assume you're fine."

"Well I am fine, but I'm sick of being alone in this house. Kung hindi ko pa pinasabing may sakit ako hindi ka pa uuwi." May himig tampo sa boses nito.

"You're the one who wants me to go to the US in the first place." Paalala naman niya dito.

"Ako nga ang may gusto pero hindi ko naman sinabi sayo na doon ka na habambuhay. But I think nakabuti sayo ang malayo ng ilang taon. You look well my son. I hope you're ready to take care of our business here. Alam mo namang ikaw lang ang kaisa-isa kung anak."

"Hindi pa ako sigurado Papa." pag-amin niya dito.

"Then you better make a decision soon hindi na ako bumabata."

"I'll give you my answer soon pero let me just take care of some personal business first.

"Bahala ka. Im just glad you're back." And the old man smiled again.

He looked genuinely pleased to see him. Lumapit siya dito and for the first time in many years niyakap niya ito.

"Sorry sa lahat Papa." Bulong niya dito.

"It's all right I'm just happy to have my son back."

Ngumiti lamang siya at sinamahan na niya itong bumalik sa sariling silid.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login