Download App

Chapter 2: 2

Kinabukasan, nagising na lang ako sa tunog ng alarm clock ko. Bumangon ako agad para makaligo na at maka baba para kumain. Habang nagbibihis ako nag pop up sa notif ko ang isang unfamiliar name ng isang lalaki, kaya naman dinedma ko na lang ito. Pag baba ko naka handa na ang pagkain sa lamesa.

"'Nak, ihahatid ka ba ni Jude? Oh dadalhin mo ang sasakyan?" tanong sakin ni manang.

"Hatid na lang manang, late ako kahapon eh." sabi ko at natawa. Napatahimik naman ako agad sa sunod nyang tanong.

"Mommy at daddy mo ba naka usap mo na? 'Di pa daw sila uuwi." dahan-dahan nyang sabi kaya napatingin ako sakanya.

"Manang, buong buhay ko ikaw na ang kasama ko. Kaya naman kahit wala sila ayos lang sakin. Sanay na po ako." swerte ko lang dahil kahit hindi ko kamag-anak si manang ay sya pa rin ang tumayong nanay at tatay ko. Buti na lang din at walang syang anak at asawa.

"Haynako! Bilisan mo na jan at mukang mag iiyakan lang tayo dito." sabi nito at tumatawang tumayo.

Pagka dating ko sa room kaunti pa lang ang tao. Wala pa rin ang mga kaibigan ko. Maagap pa naman pero madami na ring students sa labas. Umupo na ako at sinuot muna ang earpods ko. Maya-maya dumami na rin ang tao at dumating na yung dalawa.

"Sana wala ulit si Ma'am hahahaha," sabi ni Lara.

"Magdasal ka na." mapang-asar na sagot ni Mela atsaka tumawa.

Napatigil ang dalawa at tumingin sa pinto kaya napalingon din ako do'n.

Tss si Miguel lang pala.

Umupo ito sa tabi ko at nagsuot din ng earpods nya. Napansin ko'ng may ka-chat sya kaya inalis ko na ang tingin. Dumating na rin naman ang adviser namin at nag chikahan lang ng kaunti. Orientation lang naman namin.

"Okay dismissed!" sigaw ni Ma'am at parang nasa zoo na naman kami sa sobrang ingay nang mga kaklase ko.

"Tara canteen, hahanap ng pogi!" kinikilig na sabi ni Mela.

"Chat nyo yung dalawa sabay tayo." sabi ko at lalabas na sana nang may humawak sa braso ko.

"Pa sabay." sabi ni Miguel.

"'Di pwede." mataray kong sagot at inalis ang hawak sa braso ko.

"Uhm, pwede sumabay?" tanong nya sa mga kaibigan ko.

Hindi nag atubiling tumanggi ang mga kaibigan ko kaya naman kasama namin sya hanggang sa canteen. Hell! Pinagtitinginan tuloy kami pag pasok namin ng canteen. b

"Here!" rinig kong sigaw Cas.

"Wala kaming pasok later. San tayo?" bungad na akit ni Lara.

"Oy, oo nga pala opening nga resto-bar namin! Tara?" masayang sabi ni Jasper na sinang ayunan naman ng lahat.

"Tahimik mo?" tanong sakin ni Mela. Ngumuso lang ako at napa irap na lang natawa na lang tuloy sya sa inasta ko. "Ikain mo yan!" sabi pa nito.

Kumain agad ako ng dumating si Miguel dala ang binili nyang pagkain. Iba nga lang saken dahil ang akin ay turon at lemonade lang.

"'Kano?" tipid kong tanong. Tiningnan nya lang ako at umiling. "Ano?" mataray ko ulit na tanong.

"Wag na. Libre ko na sayo." sagot nito. "Masarap yung turon?" tanong pa nya at tumingin sa turon ko.

"Oo, gusto mo?" alok ko sakanya kaya kinuha nya at kumagat. Nagulat ako sa ginawa nya kaya naman hinampas ko sya sa braso. "Sinabi ko ba'ng kagatan mo?! Bwisit ka!" singhal ko sakanya. Tawang-tawa naman sya sa reaksyon ko kaya inirapan ko sya at tumayo na.

"Alam nyo tara na. Baka mag sabunutan pa kayo jan." natatawang sabi ni Lara at hinigit na ako para di ko na mahampas ulit si Miguel.

Pagka pasok namin sa room nagdadal-dalan pa ang iba namin kaklase. Sakto lang ang dating namin at dumating na rin yung bagong teacher. Hays, pakilala na naman.

"Okay class. I'm Mr. Maquito, your Entrep teacher. So, for today's agenda magpapakilala lang kayo at mag group tayo into two." paliwanag nito. Tss kaumay paulit-ulit na pakilala na lang. "Start na." utos nito.

"Melany Clariz Alejandro, 17." pakilala ni Mela.

"Miguel Rui Alonzo, 17." nagtilian pa yung mga babae sa likod pagka pakilala ni Miguel kaya napa irap na naman ako.

"Rain Genesis Lopez, 16." pakilala ko naman. Napatingin ako kay Miguel na naka tingin din sakin.

"Lara Janice Montemayor, 16." sabi ni Lara habang kumakaway-akaway feeling miss universe. Muntanga lang.

Hanggang sa matapos ang pagpapa kilala naka tunganga lang ako. Yung dalawa naman ay tumitingin sa nagsasalita lalo na kung lalaki ang nagsasalita.

"Okay! Done. So about the groupings naman, group into two. Your going to search for a place that is famous about Entrepreneur. Example, in Calumpang. Kapag dumaan kayo 'don may makikita kayong mga gumagawa ng bahay kubo at mga sala set na gawa sa nara tree. I wan't you to perform an interview on how they do it and how they sell and distribute their products, Okay?" explain ni Sir. Shet lang, tatlo kami pano 'ko? For sure Mela and Lara will be pair.

"Hoy partner tayo ha. Partner na yang dalawa mong kaibigan eh." napalingon ako sa umimik na si Miguel. Maraming lumalapit sa kanyang mga babae para maging partner sya. "Ah, sorry. Partner na kami." sabi nito at hinatak ang braso ko para malapit sakanya.

"What the hell Migs!" sigaw ko sakanya,

"Migs?" nagtatakang tanong nya.

"Nahihirapan ako sa Miguel. so I'll call you Migs. Angal ka?" maangas na tanong ko. Tumawa lang sya at umupo na.

"Hoy bruha! Yiee partner sila." mapang asar na sabi ni Mela. Inirapan ko lang sya at kinurot sya ng mahina.

"Lagi naman 'di nyo ko pinapartner." malungkot 'kong sabi. Aasarin ko lang kung ano reaksyon.

"Hala seryoso ka? Uy," pangungulit ni Mela. "Hala Lara tampo si Rain." pananakot nya kay Lara kaya tumabi agad sakin si Lara.

"Okay lang yan mi, ka group mo naman bebe mo." hinapas ko tuloy sya dahil 'don! Bwisit na mga 'to!

After that subject di sumipot yung isa naming teacher para sa English. May nag inform din naman agad samin ni may meeting pala ang mga teachers kaya pwede na raw kaming umuwi. Kaya sobrang ingay na naman ng classroom.

"Commute ka?" tanong ko kay Mela. Umiling naman agad ito para sabihing hindi at may sundo sya. "Ikaw Lara?" tanong ko naman kay Lara.

"Hindi rin mii. Susunduin ako ni Dad. Diretso kami airport, susunduin si Mommy." masayang sabi ni Lara.

"Pasalubong namin ha." pabirong 'kong sabi sakanya.

Buti pa mommy nya uuwi na. Si mommy at daddy kaya?

Nang makita ko na si Kuya Jude, sumakay na agad ako sa sasakyan. Napansin 'kong hindi pa sumasakay si Miguel sa kotse nya at sinipa pa ang gulon. Mukang flat ata.

"Kuya Jude tabi mo po muna." sabi ko kay Kuya.

"Sige Ma'am." sabi nito at tinabi malapit sa kotse ni Miguel. Napalingon naman ito sa sasakyan namin. Di naman nya makikita kung sino ang nasa loob kasi tinted.

"Hey, problem?" tanong ko. Sinipa na naman tuloy nya yung gulong nya sa inis.

"Yeah, fucking tires. Flat," inis na sabi nito at may tinawagan.

"Sabay ka na sakin," malumanay kong sabi. Napalingon naman agad ito at tinaasan ako ng kilay. "Okay lang kung ayaw mo, tara na Kuya Jude." sabi ko at isasarado na sana ang bintana pero pinigil ito ni Miguel.

"Wait!" sigaw nito at pumunta sa kabilang side ng pinto. Binuksan ko naman agad ito para maka pasok sya.

"San po address nyo, Sir?" tanong ni Kuya Jude kay Miguel. Napalingon naman ako sa pwesto ni Miguel at naghintay ng sagot nya. Sinabi rin naman agad nito.

Nang maka rating kama sa tapat ng bahay nila sinalubong agad ito ng Mommy nya... ata. She looked so elegant, her dimples makes her look more young. Bumaba rin ako ng sasakyan para makapag paalam sa mommy nya.

"Hi po." bati ko at nginitian naman ako nito.

"Hi 'ija. Pasok ka muna." sabi nito at binuksan ng malaki ang gate nila. Nag panic naman ako agad kaya tumanggin ako.

"Ah, hindi na po hehe. Nag-aantay din po kasi service 'ko. Thank you po." sabi ko at aalis na sana nang hablutin ni Miguel ang braso ko.

"Thanks for the ride. Babawi ako." sabi nito at ngumiti. It's a genuine smile.

"It's fine!" sabi ko at tapik sakanya. Her Mom is looking at us and I felt uncomfortable. Kumaway lang ako sa Mom nya at sumakay na sa sasakyan.

Napatingin ako sa nag salitang si kuya Jude na ikina-gulat.

"Ma'am boyfriend mo?" chismosong tanong nya.

"No!" depensa ko agad kaya tumawa sya.

"Kuya ha, don't tell them. Classmate 'ko lang yun."

Mabilis lang din naman kaming nakarating sa bahay. Nagulat ako dahil parang madaming hinahanda si Manang na pagkain sa lamesa... at may mga bagahe din.

"So ano?! Ako na naman?!" napa-angat agad ang tingin ko sa taas ng maka rinig ng sigawan. It's my mom.

"I'm not saying anything, Elizabeth! Ang butthurt mo!" and yeah, that's my dad.

Aakyat na sana ako sa taas ng pigilan ako ni Manang. Ngumiti lang ako sakanya.

"I'm fine, Manang." sabi ko at dumiretso pa akyat na.

"Umuwi lang tayo dito tapos ganyan ka na naman?! Bakit sumama ka pa?! 'Di ka na lang nagpa-iwan sa babae mo!" sigaw ng mommy ko. I smile bitterly, alam ko naman na may babae ang daddy ko pero kasama nya pa rin ang mom ko kasi syempre, sila ang owners ng business namin. Natatakot ako any moment at baka mag collapse na ang nanay ko sa sobrang sakit ng nararamdaman nya.

"Wala ka na bang ibang mas--" di natuloy ni dad ang sasabihan ng makita nya ako sa labas ng kwarto nila. "Anak," napalingon ako at napangiti sakanya.

"Sana 'di na lang kayo umuwi kung mag sisigawan kayo. Kasi masaya kami nila manang na tahimik ang bahay na 'to." sabi ko at pumasok na lang sa kwarto ko.

Hindi ko na kinaya at bigla na lang ako napa-dapa sa kama at umiyak. Hindi na rin ako bumaba para sumabay sa kanilang kumain, pero dinalhan ako ni kuya Jude ng pagkain dito sa kwarto ko.

"Kumain ka na. Nag aalala si manang sa'yo." sabi nito at ibinaba sa side table ko ang tray ng pagkain.

"Salamat kuya," sabi ko at sinara na ang pinto.

Anong oras na at di pa rin ako maka tulog. 11:30 na at parang buhay na buhay pa rin ang kaluluwa ko. Bababa sana ako para mag lakwatsa muna nang mag ring ang phone ko.

Lara Janice is calling...

[Girl! Tara dito sa Dandicks!] sigaw nito sa kabilang linya.

"Bakit naman? Anong oras na Lara!" sagot ko. Pero nag dadalawang isip ako kung sasama ba ako kasi di rin ako maka-tulog. Hahanapin ako ni manang for sure.

[Wala lang! Dali na kasama ko si Mela at Cass!]

"Wait bihis lang ako." mabilis kong sagot at nag hanap ng su-suotin.

Nag bihis lang ako ng high-waisted shorts at white fitted crop top, nag sneakers na lang din ako. Kinuha ko lang ang phone at susi ng kotse para maka alis na ako.

Pag baba ko na abutan ko si daddy na nag iinom. Napatingin naman ito sakin at kumunot ang kilay dahil naka bihis ako at anong oras na!

"Where the heck are you going?" tanong nito. Di pa rin na aalis ang kunot sa kilay.

"I'm going to my friend's house dad. Biglaan eh. Baka dun na rin ako maki tulog." sinungaling ko'ng sagot at ngumiti.

"Ahuh?" di pa rin sya convince sa naging sagot ko.

"Yes po." sagot ko na lang at lumabas ng pinto, at binuksan ang sasakyan para i-start ang makina.

"Drive safely. Call me if you need something, okay?" sabi ni Dad habang naka sandal sa pinto.

"I wil." sabi ko naman habang nagbu-bukas ng gate.

"Do you have enough money?" tanong nito. Actually wala na akong pera, nag aantay na lang ulit ako ng allowance ko for the month.

Umiling ako bilang sagot.

"Inaantay ko pa dad allowance 'ko eh. Sakto naman siguro dala ko." sagot ko na lang.

"Wait, don't go yet. I'm going to give you something." sabi nya at pumasok sa loob ng bahay. Rinig ko dito ang bilis nang takbo nya pa akyat at baba ng hagdan.

"Get this. This is for you. Just credit everything there. You're being matured, anak. Hindi ka rin naman mahingi samin ng pera kaya I'm giving you the will to buy everything you want." sabi nito. Ngumiti ako sa kanya at yumakap.

"Thanks dad, love you." ito na lang ang naging sagot ko bago ako umalis ng bahay.

Mabilis naman akong naka rating dahil walang traffic at madaling araw na. Nakita ko rin agad sila Lara dahil halos malapit lang sila sa main door. Nagulat pa sila sa presensya ko dahil andito na nga ako.

"Sexy namarn." mapang-asar na sabi ni Mela atsaka tumawa.

"Sira. Hindi ako iinom dahil umuwi parents ko. Uuwi din ako." sabi ko agad sakanila.

"Don't worry, di naman ako nag hard drinks." sagot ni Cass.

"Who's with you guys?" tanong ko dahil parang andami nilang ka-table.

"Ayun oh, mga poging lalaki." sagot ni Lara na halos pabulong at ngumuso sa grupo ng kalalakihan na agad ko namang sinundan ng tingin.

Nagulat ako at nakita ko pa si Miguel, what the heck! Napatingin din sya sakin kaya lumingon din yung kausap nya sakin atsaka siniko sya. Omg.

Tumingin na lang ako sa iba habang nililibang ang sarili ko. Nag phone na lang din ako para lalo akong maabala para di ko sya mapansin. Naramdaman ko namang lumubog ang tabi ko senyales na may umupo. Napa tingin ako sa tabi kong si Cass dahil sa pagkurot nito sa bewang ko. Sinamaan ko lang sya ng tingin kaya napatawa ito.

"Why are you here?" rinig kong tanong ng isang lalaki. Pero di ako sumagot malay ko ba kung sino ang tinatanong. "Hey," tawag pa nito.

Kumuha lang ako ng juice pero bago ko pa 'to inumin may umagaw na dito.

"Ano?" mataray ko'ng tanong at sinamaan sya ng tingin.

"Tinatanong kita di ka sumasagot, bingi ka ba?" sabi nito at umakbay sa sandalan ng couch na inuupuan namin. "For the nth time, why are you here?" makulit nitong tanong.

"Bakit, bawal?" sagot ko naman. Napalingon sa harapan ko kung saan naka upo sina Lara at Mela. Napa tingin din ako sa gawi ni Jasper na kakarating lang.

"Nope." sabi nito at uminom sa hawak nyang baso ng alak.

Mga ilang minuto rin syang naka upo sa tabi ko pero umalis pa rin ng tawagin sya ng mga tropa nya. Pero napapa tingin pa rin naman sya sa gawi ko at ngumingiti.

Weird.

Habang nag chichikahan kami napansin kong di na stable ang mga loka. Si Mela namumula na at parang di na kaya.

"Guys, okay pa ba?" tanong ko sa kanila. Agad umiling si Lara at akmang nasusuka. Shet.

"Tara, samahan kita c.r," sabi ko at inalalayan syang tumayo. Inantay ko lang sya matapos sumuka atsaka bumalik sa table namin. Di na sila umiinom pero nag uusap-usap pa.

"You okay?" agad akong napa hawak sa dibdib ko sa gulat sa bumulong sa tenga ko. Agad ko itong na abot ng hampas.

"Bat ba nang gugulat ka?" asik ko dito. Tumawa lang sya at umupo sa tabi ko. "Usog, ang sikip." sabi ko pero sinandal pa nito ang ulo sa balikat ko.

"Sino may dalang sasakyan?" tanong ni Jasper saming lahat.

"Ako. I brought mine." sabi ko. Ramdam kong umangat ang ulo ni Miguel sa balikat ko kaya napa lingon ako sakanya.

"Marunong ka?" gulat nyang tanong.

"Hahah, oo naman." natatawang sagot ko. "Ano ko? Slow learner?" tanong ko pa.

"Isabay mo na tong si Lara at Cass, Ragee." sabi sakin ni Jasper, tumango naman ako. "Ako na mag hahatid kay Mela. Ako sumundo eh." sabi pa nya.

"Alis na, aalis na kami." sabi ko kay Miguel. Pero di ito umalis sa pag kaka sandal sa balikat ko.

"Sabay ako sayo." anito.

"Ano? Hindi ako uuwi. Sa apartment ni Cass kami tutulog." dire-diretso kong sagot.

"Edi dun din ako. Di ko na kaya please, I can't." paki-usap nito sakin.

"Hays, let's go."

========================================================


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login