Download App

Chapter 3: Ang mga pagsubok

Gumamit ng mahika si Light na sadyang ipinagbabawal sa unang pagsubok. Ibig sabihin ba nito ay matatanggal si Light sa unang phase ng demigods exam. Maraming katanungan ang pumasok sa kanyang utak sa mga oras na iyun habang estatwang nakatayo sa kanyang posisyon dahil hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan.

"Paano niya nagawa ito? Ibig sabihin ba ay mayroong mahika si Light at hindi ko alam." sabi niya sa isipan.

Maya-maya ay nagsalita na naman ang nakamikroponong boses.

"Sino ang gumamit ng mahika? Inuutusan kitang itigil mo ang iyong mahika." tanong at saad ng nakamikroponong boses.

Nakita niyang agad na itinaas ni Light ang kanyang kanang kamay at biglang ibinalik ang dating kulay-kayumanggi nitong mga mata. Nararamdaman niyang unti-unting nakikilos niya na ang kanyang mga kamay at paa hanggang tuluyan niya ng maigalaw ang mga ito at gayun narin ang lahat ng mga aplikanteng naroon. Kinalaunan ay napansin niyang unti-unting bumaba ang tinatapakan nilang sahig. Muli itong bumalik sa dating pwesto gayun na rin ang bubong ng venue.

"Ipinagbabawal na gamitin ang inyong mahika sa unang phase sa exam na ito ngunit…" putol na sabi ng nakamikroponong boses.

"May isa sa inyo na gumamit ng mahika." dagdag na saad nito.

Ang lahat ng mga aplikante ay napatingin sa kinaroroonan ni Light.

"Muli mong itaas ang iyong kamay."

Walang bakasakaling itinaas niya ang kanyang kanang kamay. Nagulat ang lahat ng mga aplikante at pati narin si Keith.

"Anong ginagawa mo!?" pagtatakang tanong ni Keith.

Nagulat rin sa kanyang ginawa si Light.

"Hindi. Ako ang gumamit ng mahika." malakas na tutol ni Light. Kaagad na itinaas rin nito ang kanang kamay.

"Hindi. Ako ang siyang gumamit ng mahika." malakas niyang sigaw.

Ang lahat ng mga aplikante ay kanya-kanyang nagkaroon ng usap-usapan sa kanila. Marahil ay naguguluhan ang mga ito sa kanilang ginagawa.

"Sino nga ba sa inyong dalawa ang gumamit ng mahika?" gulong-gulong tanong ng nakamikroponong boses.

"Ako talaga ang siyang gumamit ng mahika." aniya.

Hindi niya alam kung anong ginagawa niya ngunit nais niyang iligtas sa pagkakatanggal sa exam na ito si Light.

"Kung ganun… Ikaw ay awtomatikong maaalis sa demigods exam no. 891."

Napangiti siya sa kanyang narinig.

"Ngunit…" putol na sabi ng nakamikroponong boses.

"Dahil hindi nabawasan ang bilang ng mga aplikante sa inyong unang pagsubok… May isang paraan upang mabawasan ang inyong bilang… Ikaw no. 891 na lumabag sa unang phase ng inyong exam ay lalabanan ang mahigit kalahati ng mga aplikanteng narito at kung magtatagumpay man ang mga aplikanteng lalaban sayo ay awtomatiko silang makakapasok sa ikalawang phase ng demigods exam."

Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Lalabanan niya ang mahigit kalahati ng mga aplikanteng naroon. Paano niya magagawa iyun?

"Itaas niyo ang inyong kamay na gustong lumaban sa kanya?" saad ng nakamikroponong boses sa mga aplikanteng naroon.

Kanya-kanyang taas ng kanilang mga kanang kamay ang mga aplikanteng nais na lumaban sa kanya ngunit may ilan na hindi tumaas ng kamay.

"410 ang bilang mga aplikanteng nagtaas ng kanilang mga kamay at bilang parusa sa paglabag sa unang phase… Ikaw no. 891 ay lalabanan ang 410 na mga aplikanteng ito."

Maya-maya ay biglang tumaas ang sentrong sahig ng venue. Isang napakalaking bilog ito ngunit mayroong hagdanan upang makapunta roon.

"No. 891 maaari ka ng humakbang sa sentro gayun narin ang mga aplikanteng nagtaas ng kanilang mga kamay."

Ang 410 na mga aplikanteng nagtaas ng kanilang mga kamay ay kanya-kanyang hakbang sa sentro. Hahakbang na sana siya papunta roon ngunit nagulat siya ng may nagtulak sa kanya palayo. Kaagad rin siyang napatayo. Nakita niya si Light na humakbang papunta sa sentro hanggang tuluyan na itong makapunta roon. Galing sa kawalan ay biglang bumagsak sa sentro ang isang hawla. Naroon sa loob si Light kasama narin ang mga aplikanteng nais na lumaban.

"Light… Anong ginagawa mo!?" pag-aalalang sigaw niya rito.

"Ako ang siyang gumawa nito kaya hayaan mo akong gawin ang bagay na ito." narinig niyang sabi ni Light.

"Kagaya ng sinabi ko ay hindi kayo maaaring gumamit ng mahika ngunit…" putol na saad ng nakamikroponong boses.

"Ang lumabag sa unang phase ng inyong exam ay hindi maaaring gumamit ng sandata maliban na lamang sa mga aplikanteng nais na lumaban rito."

Mas lalo siyang nagulat sa sinabi nito. Tinanaw niya ang mukha ni Light. Napaka-kalmado ng mukha nito at walang bakas ng pag-aalala.

"Hindi niya tayo makakaya. Hindi ako makakapaniwalang mas mabilis tayong makakapunta sa second phase ng exam na ito." narinig niyang sabi ng isa sa mga aplikanteng nais na lumaban kay Light.

"Anong gagawin ko? Hindi patas ang paglalaban na ito." pag-aalalang tanong niya sa isipan.

"At ngayon simulan na ang inyong unang pagsubok." masayang saad ng nakamikropong boses.

Nakita niyang isinuot ni Light ang hood ng jacket nito. Ang mga aplikante naman ay inihanda na ang sarili sa pakikipaglaban at kaagad na itinutok ang kanilang mga sandata kay Light.

"Sabay-sabay tayong sumugod. Siguradong hindi niya tayo matatalo." malakas na sigaw ng isa sa mga aplikanteng naroon.

Pumaligid ang mga ito kay Light. Gaya ng sabi nito ay sabay-sabay na sumugod ang mga ito papunta sa kinaroroonan ng kanyang kapatid. Bakas parin sa kanyang mukha ang pag-aalala habang tinitingnan ang mga ito na sumusugod papunta kay Light ngunit nagulat siya ng sa isang sipa lamang ay napatumba ito lahat. May ibang aplikante na agad na tumayo ngunit sipa at suntok lamang ang inabot nito kay Light. Mahigit kalahating oras lamang na natapos ang labanan. Nanatiling nakatayo parin si Light sa kanyang kinaroroonan habang ang mga aplikanteng nakipaglaban rito ay nakahandusay sa sahig. Napahanga siya sa ginawa ng kanyang kapatid. Hindi niya inaakalang ganito kalakas si Light. Di-nagtagal ang malaking hawla ay unti-unting tumaas. Lumabas mula rito si Light. Dahan-dahan itong bumaba sa hagdanan at tumungo sa kinaroroonan niya.

"Bakit mo ginawa iyun? Ipinapahamak mo ang iyong sarili!" malakas niyang sigaw ngunit may pag-aalalang sabi niya kay Light habang papalapit ito sa kanya.

"Wag kang mag-alala. Wala namang nangyari sa'kin." mahinahong saad ni Light sa kanya.

"Yun na nga ang punto ko. Paano kung may nangyari sayo!" sabi niya sabay buntong-hininga.

Hindi na sumagot pa si Light. Ibinaba na lamang nito ang suot na hood.

"Napakagaling. Mahigit kalahating oras lamang ay natalo kaagad ang 410 na aplikanteng lumaban kay no. 890 at dahil diyan ang naiwang mga aplikante ay magpapatuloy sa ikalawang phase ng demigods exam." saad ng nakamikroponong boses.

Nasa ikalawang phase na sila ng demigods exam. Pumasok sila sa isang arena. Sa gilid ng arena ay makikita ang napakaraming upuan para sa mga manonood.

"Maligayang pagdating sa ikalawang phase sa exam na ito… Ako nga pala si Sairo, ang inyong ikalawang examiner." saad ng lalaking sumalubong sa kanila. Nakasuot ito ng black suite.

"Sa pagkakataong ito ay dalawa lamang sa inyo ang maglalaban upang patuloy na makapasok sa ikatlo at huling phase ng inyong exam…" putol na sabi ng ikalawang examiner.

"Dalawa lamang? Paano ang iba?" tanong ng isa sa mga aplikante.

"Pakinggan niyong mabuti ang sasabihin ko… Mula sa inyo ay pipili ako ng isang aplikanteng makikipaglaban sa arena na ito at kung sino man ang pipiliin ko ay pipili rin siya ng isang aplikante upang makipaglaban sa kanya… Ang naiwang mga aplikante ay pipili ng kanilang gustong fighter ngunit kailangan nyong pag-isipan ang inyong pagpili dahil kung matalo man ang fighter na inyong pinili ay awtomatikong matatanggal ang mga aplikanteng pumili sa natalong fighter." pagpapaliwanag ng ikalawang examiner.

"Ngayon… Sino sa inyo ang nais na makipaglaban sa arena?" dagdag na tanong nito.

Galing sa mga nagkukumpulang mga aplikante ay may nagtaas ng kanyang kamay. Pumunta ito sa gitna. Laking gulat niya ng makita ito. Isa itong napakatangkad na babae at napakalaki ng mga muscles. Tila kasali ito sa WWE.

"Hindi ba si Akira yan… Ang anak ng diyos ng araw na si Apolaki." narinig niyang saad ng isa sa mga aplikanteng naroon.

"Isa siya sa makapangyarihang demigod sa mundong ito… Siguradong walang makakatalo sa kanya." dagdag naman na sabi ng isa sa mga aplikante.

"Magaling… Mayroon na tayong unang fighter. Ngayon maaari ka ng pumili ng aplikanteng nais mong labanan." saad ng ikalawang examiner sa babaeng nagtaas ng kanyang kamay.

"Siya." garalgal na sabi ng unang fighter ngunit nagulat siya sa aplikanteng itinuro nito. Ito ay si Light.

"Nakagpasya na ang unang fighter sa aplikanteng nais niyang labanan… Ngayon ang natirang mga aplikante ay pipili ng kanilang gustong fighter. Pumarito ka sa gitna ikalawang fighter."

Dahan-dahang pumunta sa gitna si Light. Nakayuko lamang ito habang papunta sa gitna. Wala siyang narinig na pagtutol mula rito at napakakalmado lamang nito.

"Ngayon… Sino sa inyo ang boboto sa unang fighter." saad ng ikalawang examiner sabay turo sa babaeng nagngangalang Akira.

Halos lahat ng mga aplikanteng naroon ay nagtaas ng kanilang kanang kamay maliban sa kanya at ni Keith.

"Sino sa inyo ang boboto sa ikalawang fighter." dagdag na saad ng ikalawang examiner sabay turo sa kinaroroonan ni Light.

Tumaas siya ng kanyang kanang kamay at kasama na roon si Keith.

"Mukhang nakapagdesisyon na ang mga aplikante ng fighter na nais nila… Ngayon sisimulan na natin ang ikalawang pagsubok." masayang sabi ng ikalawang examiner.

Nakaupo siya sa upuan katabi si Keith. Nakaupo sila sa gilid ng arena upang manood sa paglalaban nina Light at ng babaeng nagngangalang Akira. Tinanaw niya ang upuan para sa mga manonood. Hindi balanse ito dahil maliban sa kanila ni Keith ay nakaupo ang karamihang mga aplikante sa kanang bahagi ng arena samantalang silang dalawa ni Keith ay nasa kaliwang bahagi naman ng arena. Sa sentro ng arena ay makikita sina Light at Akira na magkaharap sa isa't-isa. Ang ikalawang examiner ang siyang referee sa paglalabang ito.

"Nais kong sabihin sa inyo na maaari kayong gumamit ng mahika sa pagkakataong ito ngunit ipinagbabawal ang paggamit ng sobrang mahika para sa ikabubuti ninyo." ngiting sabi ng ikalawang examiner kina Light.

May pag-aalalang tinanaw niya ang kinaroroonan ni Light. Nakita niyang muli na naman nitong isinuot ang kanyang hood at nanatili parin rito ang kalmadong mukha samantalang ang babaeng nagngangalang Akira ay inihanda na ang sarili upang makipaglaban. Mas pinalaki pa nito ang mga muscles sa balikat.

"Talunin mo siya! Talunin mo na siya!" malakas na sigaw ng mga aplikanteng nasa kanang bahagi ng arena.

"Light… Wag kang magpapatalo! Kaya mo to!" malakas naman niyang sigaw.

Hindi niya na napigilan ang sarili. Napatayo siya habang sumisigaw kay Light ngunit hindi parin mawala ang kanyang pangamba para rito.

"Ngayon… Simulan na natin ang labanan." sigaw ng ikalawang examiner.

"Siguradong matatalo kita ngayon bata." malakas na sabi ng unang fighter na si Akira.

Napangiti lamang si Light bilang tugon rito. Maya-maya ay parang hanging napatakbo si Akira sa kinaroroonan ni Light.

"Kamatayang suntok." mahinang bigkas ni Akira habang itinutok nito ang malaking kamao kay Light. Nagbabaga ang kamao nito at handa upang magbigay ng malaking suntok.

Nang makalapit na ang suntok rito kay Light ay laking mangha niya ng biglang sinalo ni Light ang suntok ni Akira. Napatigil ang lahat. Ang mga aplikanteng naroon sa kanang bahagi ng arena gayun narin ang ikalawang examiner ay hindi makapagsalita.

"Maitim na anino." mahinang bigkas ni Light kasabay nun ay biglang lumaki ang anino nito sa likuran.

Naghugis halimaw ang anino nito. Si Akira naman ay hindi makagalaw sa kanyang posisyon. Tila naging estatwa ito sa kinatatayuan. Ang hugis halimaw na anino ni Light ay biglang nagkabuhay. Parang isang napakalaking lobo ito at may hawak na napakatulis na espada. Nakita naman niyang naging kulay itim ang lahat ng mata ni Light. Ang napakalaking anino nito ay itinutok ang sandata kay Akira ngunit nagulat siya ng biglang inihinto ng ikalawang examiner ang labanan.

"Ihinto ang paglalaban." pag-aalalang sigaw ng ikalawang examiner.

Kaagad itong pumagitna sa kinaroroonan nina Light at Akira. Kinalaunan ay nakita niyang unti-unting nawala ang malahalimaw na anino ni Light. Si Akira ay tila hindi parin makagalaw sa posisyon nito dahil sa takot.

"Ngayon ay nakapagdesisyon na ako." malumanay na sabi ng ikalawang examiner.

Itinutok nito ang daliri sa kinaroroonan ni Light.

"Ang nanalo sa labanang ito ay walang iba kundi ang ikalawang fighter. Ibig sabihin ay makakapagpatuloy sa ikatlong phase ang bumuto sa ikalawang fighter at awtomatikong matatanggal ang mga aplikanteng bumoto sa unang fighter." pagpapaliwanag na sigaw nito.

Napatalon siya sa tuwa. Bigla siyang napatayo sa kanyang kinauupuan.

"Ano kayo ngayon mga talunan! Hahaha…" malakas niyang tawa sa mga aplikanteng nasa kanang bahagi ng arena.

Kinalaunan ay pinapunta silang tatlo ng ikalawang examiner sa gitna ng arena. Pumila silang tatlo sa harapan nito.

"Kayong tatlo ang siyang magpapatuloy sa huli at ikatlong bahagi ng demigods exam." masayang saad ng ikalawang examiner sa kanila.

"Maaari na kayong pumasok." dagdag na saad nito.

Itinuro nito ang isang ginintuang pintuan na lumabas mula sa kawalan. Dahan-dahan silang pumasok rito. Pagkapasok nila sa loob ay biglang nawala na parang bula ang ginintuang pintuan.

Mula sa loob ay natanaw nila ang isang napakalawak na karagatan. Sa gitna nito ay makikita ang isang kalsada na siyang kanilang kinatatayuan. Sa dulo ng kalsada ay makikita ang isang napakalaking mall subalit ang nakatatak rito ay Mangechay mall. Nagpatuloy sila sa paglalakad ngunit bigla niyang pinauna si Keith at pinahinto si Light sa paglalakad.

"Teka muna… Kailangan nating mag-usap." aniya habang seryosong tinitigan sa mukha si Light.

"Sabihin mo nga sakin… Bakit hindi mo sinabing kaya mo palang gumawa ng mahika." dagdag na saad niya.

Naghihintay siya sa kasagutan nito ngunit nagpatuloy ito sa paglalakad at iniwan siyang mag-isa.

"Si ama na ang bahalang magpaliwanag sayo." seryoso nitong saad.

"Light… Pwedeng sabihin mo na sakin ngayon… Please." parang-batang nagsusumamong sabi niya rito.

Alam niyang hindi niya ito mapipilit ngunit nais niyang malaman ang dahilan kung bakit kaya nitong gumawa ng mahika. Sa halip na sagutin siya ni Light ay nagpatuloy parin ito sa paglalakad. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod rito hanggang makarating sila sa pintuan ng mall.

"Pagkatapos ng lahat ng ito… Kailangan mong sabihin sakin ang dahilan kung bakit kaya mong gumawa ng mahika." saad niya kay Light.

Tinitigan lamang siya ito at pumasok na sa loob.

"Guys… Nakikita nyo ba ang nakikita ko." masayang sabi sa kanila ni Keith.

Sa loob ay makikita ang napakaraming mga damit. Lahat ng nasa loob ay mga damit lamang.

"Syempre naman." masayang tugon niya rito at kumaripas ng takbo sa paligid.

Tila batang lumilinga-linga siya sa paligid. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Kapwa panlalake at pambabae ang mga damit na naroon.

"Wow… Napakarami naman nitong damit." masayang sabi niya.

Kinalaunan ay nakarinig sila ng isang nakamikroponong boses. Isang lalaki ang nagsasalita rito.

"Maligayang pagdating sa Mangechay mall. Ang mga damit na iyong nakikita ay habi ng dakilang nakakatanda." saad ng nakamikroponong boses.

"Dakilang nakatatanda?" tanong niya kay Keith na nasa kanyang kanan.

"Mangechay rin ang pangalan niya. Narinig ko ring ang kalangitan ang kanyang obra at ang liwanag ng mga bituin ay sanhi ng mga maliliit na butas sa kanyang habi." pagpapaliwang ni Keith sa kanya.

"Ganoon ba." tugon niya kay Keith.

"Kayo ay maaaring pumili ng kanit na anong damit na inyong nais… Ang damit na inyong mapipili ay siyang inyong susuotin sa ikahuling phase ng demigods exam." dagdag na saad ng nakamikroponong boses.

Nakakita siya ng isang napakagandang gown. Kulay asul ito.

"Light… Baka nais mong suotin to." malakas niyang sigaw sa kinaroroonan ni Light.

Nasa malayo ito kaya kailangan niyang sumigaw. Napangiti pa siya sa pagsigaw rito. Tumigin sa kanya si Light. Hindi ito tumugon sa kanyang sinabi.

"Okay… Alam ko namang hindi mo type na magsuot ng ganitong mga damit." sabi na lamang niya sa sarili.

Sa buong buhay niya ay hindi pa niya nakita si Light na nagsuot ng pambabaeng damit. Palagi niya lamang itong nakikita na nakajacket kahit sa loob ng bahay nila. Pumili na lamang siya ng damit na kanyang susuotin gayun narin si Keith. Maya-maya ay nakapili na siya ng damit na nais niyang suotin. Isa itong kulay marine blue na jacket at mayroong hood samantala ang napili naman ni Keith ay isang kulay berde na t-shirt. Pumunta sila sa dressing room at agad nila itong isinuot. Napalingon sila sa kinaroroonan ni Light. Namimili pa ito ng damit na susuotin. Pinuntahan niya ito.

"Wag ka nang mamili… Ito pwede na sayo to." saad niya kay Light sabay kuha sa isang kulay dilaw na dress.

"Ayoko niyan." tugon ni Light sa kanya.

Napailing-iling siya sa sinabi nito.

"Kaya walang nagkakagusto sayo kasi ang palaging mong sinusuot ay panlalaki." aniya.

Tinitigan siya ng matulis ni Light. Agad naman niyang binawi ang kanyang sinabi.

"Hindi. Joke lang naman yun… Bakit kasi hindi ka mabiro."

Maya-maya ay may hinablot si Light na damit at lumayo ito sa kanya.

"Light… Saan ka papunta?" sigaw na tanong niya.

"Magpapalit lang ako ng damit." mahinang tugon ni Light at agad itong pumunta sa dressing room.

Naghihintay silang dalawa ni Keith sa paglabas ni Light sa dressing room. Mahigit kalahating oras na ito sa loob. Naghihintay sila sa labas ng pintuan ng mall.

"Hayyy… Magpapalit lang ng damit ngunit napakatagal." mahinang saad niya.

"Pagpasensiyahan mo na ang kapatid ko… Sadyang mapili talaga yan." sabi niya kay Keith.

"Ano ka ba. Okay lang… Medyo dagdag points nga yan sakin eh." ngiting tugon nito sa kanya.

Nagulat siya sa sinabi nito. Tila naguguluhan siya.

"Anong dagdag points ang pinagsasabi mo?"

"Wag mong sabihing may…" putol na saad niya rito.

Nakita niyang namula ang pisngi ni Keith. Tama nga ang hinala niya.

"Tama nga ako. May gusto ka sa kapatid ko."

"Medyo lang naman."

"Medyo-medyo ka pa diyan." tawang sabi niya.

Di-nagtagal ay napahinto siya sa kakatawa.

"Pero sinasabi ko sayo… Wag kang umasa… Masasaktan ka lang."

"Ano?"

"Masasaktan ka lang… Asal lalaki ang kapatid ko."

"Asal lalaki?"

"Oo… Napaka-asal lalaki niyan. Naalala ko nga noon nung mga bata pa kami… May nagkagusto sa kanya tapos di-sadyang nahalikan siya sa pisngi… Alam mo ba kung anong ginawa niya."

"Ano?" seryosong tanong ni Keith.

Pinalapit niya ito sa kanya at bumulong siya sa tenga nito.

"Mga pasa ang inabot nito."

Nagulat sa sinabi niya si Keith.

"Kasi suntok at sipa ang ginawa niya." tawang saad niya.

"Lahat naman ng tao nagbabago." saad ni Keith.

"Naku… Sadyang tinamaan ka ata ng husto ahhh."

Napatawa ng malakas si Keith sa sinabi niya.

"Pero sadyang may pagka-malupit lang yang kapatid ko pero sa totoo napakabait niyan." seryososong saad niya.

"Alam ko naman." tugon ni Keith.

Maya-maya ay natanaw nilang lumabas na ng pintuan ng mall si Light ngunit nagulat sila ng husto ng nakita nila ito. Isang kulay itim na jacket at mayroong hood ang suot nito ngunit hindi natatakpan ang mga braso. Ngayon niya lang nakita si Light na nagsuot ng damit na hindi natatakpan ang mga braso nito ngunit isang bagay ang ikinagulat nila. Makikita sa braso ni Light ang napakadami nitong tattoo. Tila kaliskis ng dragon ang tattoo nito.

"Paanong…" pagkagulat na sabi niya.

Si Light ay patuloy lamang ang paglalakad papunta sa kanila.

"Bakit hindi mo sinabi sa'king yan pala ang bagay na pinagtatakpan mo." sigaw na sabi niya rito ng tuluyan na itong makalapit sa kanila.

Napayuko lamang si Light.

"Napakadami nating kailangang pag-usapan." aniya.

"Ilang ulit ko bang kailangang sabihin sayo na si ama na ang bahalang magpaliwanag sayo." seryosong saad ni Light.

Kinalaunan ay muli nilang narinig ang nakamikroponong boses.

"Dahil nakapili na kayo ng damit na nais niyong suotin. Ngayon ay maari na kayong pumasok sa pinakahuling phase ng demigods exam."

Hindi na niya pinansin pa si Light at itinuon ang atensiyon sa dapat nilang gawin. Mula sa kawalan ay muli na naman nilang nakita ang ginintuang pintuan at dahan-dahan silang pumasok rito. Nang tuluyan na silang makapasok sa loob ay muling unti-unting nawala ang ginintuang pintuan.

"Nasaan tayo?" tanong niya sa isipan ng makita ang nasa loob. Nasa isang napakalaking kwarto sila ngunit blangko ito at kulay puti ang bawat sulok ng kwarto.

Maya-maya ay may lumitaw na tatlong upuan sa unahan nila. Kulay pilak ang mga ito.

"Ikinalulugod kong sabihin sa inyo na narito na kayo sa pinakahuling phase ng demigods exam. Maaari na kayong umupo sa tatlong upuan na inyong nakikita." saad ng nakamikroponong boses.

Pumunta sila sa kinaroroonan ng tatlong kulay pilak na upuan at dahan-dahan silang umupo rito.

"Tinatawag ang ikatlong exam na ito na pananginip. Simple lamang ipaliwanag… dahil ang inyong gagawin ay matutulog sa upuan." masayang sambit ng ikatlong examiner.

"Kayo ay mapupunta sa isang pananginip na siyang inyong kinatatakutan… Isang pananginip na maaaring maging tulay upang makabalik kayo sa nakaraan." dagdag na paliwanag nito.

Di-nagtagal sa pagkakaupo ay naramdaman niyang tila inaantok siya hanggang tuluyan siyang makatulog gayun narin sina Light at Keith.


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login