Download App
66.66% In Her Dreams

Chapter 2: Amnesiac

"Ouuuch!"

Narinig kong tumawa si Kelly, childhood BFF slash dorm mate ko.

"You sleep so soundly, Aria. What do elders call that? You sleep like an oil daw?" Si Charlotte. Nag tunog Amerikana pa.

"Tulog mantika, shunga. Oil sleep, oil sleep. Kala mo naman 'to amerikanang hilaw. Hindi bagay, uy," Sabat ni Kelly.

Natawa ako sa dalawa. Palagi nalang silang nagtatalo. Para ka tuloy may kasamang aso't pusa sa bahay.

Kelly looked at me. "Tatawa-tawa ka diyan, Aria, ha. Late ka na sa pagpasok 'kala mo."

Tinignan ko ang orasan namin sa kuwarto. Nanlaki 'yung mata ko. It's already 7:30 AM, at sampung minuto nalang ay mags-start na ang first subject namin. Kung kailan ba naman patapos na ang sem tsaka ako ma-lelate? There's no way!

Hindi ako nag padalos-dalos at tumakbo na ako papuntang bathroom sa loob ng kwarto namin. Hinubad ko na lahat ng suot ko at nagumpisang maligo.

"HAHAHAHAHAHA!" Narinig kong tawa nila Kelly at Charlotte.

Hindi ko pinansin ang tawa nila at nagpatuloy sa pagligo.

Naglalagay na ako ng shampoo sa ulo ko, pero hindi parin sila tumitigil at mas lumakas pa nga ang tawa nila.

What's their problem? Pag sila pinalayas ng landlady dahil sa ingay nila, bahala sila d'yan. Kala mo mga evil witches dahil sa klase ng tawa, eh.

"AriaHAHAHAHAH youHAHAHA." Charlotte called in between her laughters, catching her breath.

"Mga baliw!" Sigaw ko galing CR.

"Baliw pala ha, sino kayang naligo ng ganito ka-aga!" Sigaw ni Kelly. Enough for me to hear hanggang sa loob ng kulob na CR.

Napahinto ako sa pagsasabon.

"Ano bang sinasabi mo, Kelly?!" Sigaw ko pabalik sa kaniya.

"We pranked you, Aria!" Charlotte announced and they roared into waves of laughters once again.

"Anak ng tupa. What prank?!" Sigaw ko pabalik.

Tinapos ko na ang pagligo ko para alamin kung anong prank ba ang sinasabi nila.

Sinuot ko na ang towel na naka-sampay sa likod ng pintuan at nagmadaling lumabas.

Pagkasarado ko ng pinto, hinarap ko silang dalawa, at tinignan ng maigi. Nakapang-tulog parin sila at ang mga buhok nila, akala mo pugad ng mulawin. 

I arched my brows. 

"Kung ayaw niyong pumasok, huwag niyo akong idamay."

"Kelly started it." Tinuro ni Charlotte si Kelly na parang ayaw madamay sa kalokohan.

"Alas-sais palang, Aria. In-adjust ko lang 'yung orasan." Turo pa ni Kelly sa orasan namin.

Tinignan ko yung orasan namin at hindi nga ito gumagana. Mula sa kaninang 7:30 AM pagkagising ko, ganoon parin 'yung oras na nakalagay.

"Nakakainis talaga kayo. Argh!" Inirapan ko sila at tumakbo papuntang closet ko.

They're busted. Wala silang Aria na makakausap later.

Okay na rin siguro na maaga akong maligo para magising yung diwa ko para sa pagrereview ng notes. Ngayon nagbigay ng test si Ma'am Santos, eh. Professor namin sa General math.

Nagbihis na ako ng casual clothes ko para sa School at nagmadaling pumunta sa study spot ko sa dorm. Hindi maliit ang dorm na inuupahan naming tatlong magkakaibigan, dahil isang buong apartment ito.

Lahat kami ay HUMSS student ang pinili, pero hiwa-hiwalay ang section namin. Ako, section B, si Charlotte naman ay C, at si Kelly ay A.

Pumwesto na ako sa swivel chair sa mini study room ng dorm namin at inayos ang mga irereview ko. Actually, dapat ay kwarto ni Kelly at Charlotte 'to, pero napagdesisyonan namin na para hindi magkalat-kalat ang mga school stuffs namin sa kung saang parte ng bahay, ginawa nalang naming study room 'to. Malaki rin naman ang kwarto namin kaya hindi kami nagkaroon ng problema.

Sisimulan ko na sanang ireview ang topic namin nang biglang sumagi sa isip ko 'yung lalaking napanaginipan ko. And take note, it's been a week simula nang mapanaginipan ko siya. Hindi ko alam kung paano at bakit, pero biglaan nalang siyang sumulpot sa panahinip ko.

I can't do anything about it since I can't do lucid dreaming, kaya hinayaan ko nalang. Besides, baka isa lang 'yon sa mga nakasalamuha ko bago pa ako nagka-amnesia.

Speaking of amnesia. . .

FLASHBACK:

I opened my eyes slowly as beam of lights passed through. Nang mamulat ko na ang mata ko, puro white  walls ang makikita sa paligid. Inikot ko ang mata ko at nahagip nito ang  apat na taong nakatayo sa gilig ng kama na hinihigaan ko. Sa tingin ko'y isang pamilya sila dahil may dalawang matanda silang kasama, isang babae at isang lalaki. Ang dalawa naman ay mga babaeng anak siguro nila. 

Humagusgos  bigla 'yung matandang babae at inalalayan naman siya nung asawa niya. 

Everything felt weird. What's worse is that, I don't know who they are and what am I doing here. I don't even know who I am and my mind is completely blank at the moment. 

Lumapit 'yung babae sa akin, ages around 35-40 years old . She gently touched my hand and as I look at it, there was a dextrose attached. 

"A-Aria, my daughter. You're finally awake," Mouthed the woman in between her tears. 

She patted her cheeks with the handkerchief she was holding. 

"S-sorry, ma'am, but I don't know you," sambit ko. 

Mas lalong umiyak ang babae at inutusan niya 'yung lalaki na tawagin ang doctor.  Agad naman tumakbo ang lalaki, pero bago 'yon ay binigyan muna ako nito ng nag-aalalang tingnin. 

What's happening?

Lumapit 'yung dalawang babae sa akin habang umiiyak. 

"Bestie naman, 'wag kang magloko ng ganiyan," The girl from the left cried. 

"Aria, please tell us what happened," Sabi naman ng babae na katabi nung nasa kaliwa. 

"Who are you? And what am I doing here?" Ang mga salitang tangi kong nabanggit. 

END OF FLASHBACK. 

Nalaman ko nalang na mga magulang ko pala 'yung dalawa roon. Si Charlotte at kelly naman 'yung napagkamalan kong anak nila, na bestriend ko pala. Dalawang linggo raw akong hindi nagising at buti nalang raw ay hindi tulad ng iba na inaabot ng taon. Hanggang ngayon ay limitado parin ang mga nalalalaman at na-aalala ko. No'ng tinanong ko naman sa kanila kung bakit ako nadisgrasiya at kung paano, ang sabi lang nila sa akin ay car accident no'ng pauwi daw ako galing party, which is weird kasi ang alam ko, hindi ako mahilig magpunta sa social events. Pero sila ang mas nakaka-alam, kaya hinayaan ko nalang. Isa pang masama sa kalagayan ko ay si Kelly, Charlotte at ang parents ko lang ang tanging kilala ko ngayon. Hindi ko pa matandaaan ang mga memories namin, kaya wala akong ka alam-alam sa kanila. Medyo nakakalungkot, pero okay na rin dahil nabuhay pa'ko.

Maya-maya ay natapos ko na ang pagrereview at sakto namang tinawag ako ng dalawa para kumain muna bago pumasok. After that, we all went to school, sakay ng kotse ni Charlotte. 


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login