Download App

Chapter 2: SIREN, WISCOSIN

Pagkauwi ko sa apartment na tinutuluyan namin ng kapatid ko, agad ako nag gayak ng mga dadalhin ko pauwi sa Siren, Wisconsin. Yun yung lugar kung saan ako lumaki, at dun din yung lugar kung san namatay si mama, kaya mas pinili na lang ni papa na mag stay dun at mag tayo ng sarili lang laboratory para sa pag eexperemento sa mga bagay na wala namang katotohanan. Habang tinitiklop ko yung damit na dadalhin ko pauwi, nahagip naman ng mata ko yung white folder na binigay sakin ni sir. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko sa mga tanong na yun, sigurado namang hindi yun alam sagutin ni papa.

Bahagya naman bumukas yung pintuan ng kwarto ko at -

" Kendrick, pauwi ka na ba satin?" bungad na tanong ng kapatid kong babae.

"Paalis na ako mamaya, sasabay ka ba sakin?" tanong ko din sa kanya

"Baka hindi ako makauwi, madami kaming research at projects na kailangan tapusin, kaya ikaw na lang muna umuwi mag- isa, pakikamusta na lang ako kay papa" sabi nya sabay sara ng pintuan, kaya napailing iling na lang ako. Alam ko naman ang dahilan nya kung bakit ayaw nya umuwi. Katwiran nya kasi, ano pa at uuwi sya kung hindi rin naman kami magkaka bonding bonding, laging busy si papa lalo na sa trabaho nya kasi desidido talaga sya na patunayan na may sirenang nabubuhay dito sa mundo.

Kinahapuan~Pag dating ko sa Wisconsin.

Sobrang kalma ng alon, kaya umupo muna ako dito sa may bangko at nanood ng sunset. Tabing dagat lang ang bahay namin dito sa Wisconsin, kaya magandang mag tambay at manood nood ng alon. Makalipas ang ilang minutong panonood ng alon sa dagat, napabuntong hininga na lang ako dahil naalala ko yung binigay na report sakin ni Sir, pag hindi ko naman ginawa yun babagsak ako sa subject nya, isang semester nalang ang bubunoin ko gragraduate na ako, ayaw ko na madagdagan ng isang semester para lang balikan yung subject nya. Pagkalubog ng araw, tumayo na ako at kinuha ko yung white folder sa bag ko saka pumunta sa research lab ni papa.

Pagdatingko sa research lab nya, gaya ng dati kong nadadatnan, busy na busy sya sa trabaho nya.

"Oh? andito ka pala?" bungad na tanong nya sakin, hindi man lang nangumusta.

"Tapos na ho ang first semester namin,andito ho ako para magbakasyon, binigyan ako ng professor ko ng report pagbalik namin next month" sagot ko.

"Anong report?" tanong nya habang derederetsyo sya sa ginagawa nya.

Ipinatong ko naman agad yung white folder ko sa table nya, kaya napatingin sya, kinuha nya naman at tinignan, kita ko namang napapakunot ang noo nya habang binabasa yung mga nakasulat na tanong.

"Hindi ko masasagot itong mga tanong dito" sabi nya, as expected. "Kelangan mo ng tunay na sirena para sagutin yan, masyado mga personal mga tanong na nakasulat dyan, isang totoong sirena lang makakasagot nyan" dagdang nyang paliwanag

"Wala ka ho bang research dyan tungkol sa mga tanong na andyan?" tanong ko sa kanya, kaya agad naman sya napalingon sakin.

"Sa tingin mo ba mag - papakahirap pa ako maghanap ng sirena kung alam ko ang sagot sa mga tanong na ito?" sagot nya sakin, kaya napatungo na lang ako. Kung hindi alam ni papa ang mga sagot sa katanungan na yun, hindi ko na din alam ang gagawin ko para sagutin mga katanungan na yun.

Lumipas ang ilang araw ng pag hahanap ng sagot sa mga tanong ni Sir, kahit anong gawin kong pag reresearch walang maibigay na sagot sakin ang google. Sumali na din ako sa iba't ibang groups ng mga Mythical Creatures researcher pero kahit isa sa kanila walang maibigay na kasagutan sakin, yung iba tinatawanan pa mga tanong ko. Kinuha ko naman agad yung phone ko at dinial number ni Sam.

"Hello?" sagot ni sam na akala mong bagong gising.

"Sam, tulungan mo nga ako mag research tungkol dun sa report ko" sagot ko sa kanya

"Kendrick naman, anong oras na ngayon ka pa talaga tumawag" reklamo nya sakin.

Napatingin naman ako sa wall clock na nakasabit dito sa kwarto ko, napahawak na lang ako sa batok ko nung nakita ko na mag aalastres na.

"Ay hehe, sory hindi ko napansin yung oras, akala ko alasiete pa lang"

"Ano ba kasi yang report mo?" tanong nya sakin

"Tungkol nga dun sa pinag aralan natin nung nakaraang linggo, ang daming tanong na kelangan sagutin" sagot ko naman

"Gaya ng ano?"

"Hanggang ilang taon nabubuhay ang isang sirena? Kung tumatanda ba sila?" tanong ko

"Alam mo Kendrick buti pa mang huli ka na lang ng sirena at yun ang tanungin mo" sabi nya sabay baba ng cellphone. Nakakainis naman kasi si Sir, kung sya nga hindi alam mga sagot dito sa mga tanong na to, ako pa kaya? At talagang sakin pa nya binigay itong report, san ako kukuha ng reference ng mga sagot kapag basta basta ko lang sinagotan to.

Napakamot na lang ako sa ulo habang pinapatay yung lampshade na gamit ko, pagkahiga ko sa kama ko,hindi pa din ako makatulog at tanging alon lang ng dagat ang maririnig mo, ang hirap kapag may insomnia, late na matutulog tapos sobrang aga pa magising. Maya maya pa, papikit na sana ako ng may narinig akong isang boses ng babae. Nangilabot naman ako bigla dahil sinong mag lalakas loob na lumabas ngayong oras sa labas para mag concert, isa pa high tide ngayon kaya walang makaka tawid dun sa may tulay na bamboo papunta dito malapit sa rest house namin. Kaya agad ulit ako napamulat, nang gagaling talaga yung boses dun sa labas, hindi ko alam pero automatic tumayo yung katawan ko at binuksan yung sliding door nitong kwarto ko papunta sa balcony ng kwarto ko, napanganga na lang ako dahil sa babaeng nakahubad na nakita ko habang nakaupo dun sa may bato, titig na titif sya sa buwan habang nag huhumming ng isang musika na sa buong talambuhay ko ngayon ko lang narinig, yung boses nya sobrang ganda, yung buhok nya medyo kulay abo na nakintab kapag natatapatan ng sinag ng buwan, hindi maalis ang pag kamangha ko sa kanya, sobrang ganda nya, pati ng boses nya, yung bawat pagbuka ng bibig nya at pag humming nya damang dama ko na akala mo ay naintindihan ko yung gusto nyang iparating, napalunok naman ako ng laway nung napadako yung mata ko sa may parteng dibdib nya na nakatakip yung mahaba nyang buhok, kung malakas lang ang hangin ngayon malamang kitang kita ko na bundok ng dibdib nya. Habang palakas ng palakas humming nya, pakalma naman ng pakalma yung mga malalakas na alon.

"Miss!" tawag ko pagkatapos nya mag humming, agad naman sya napalingon sakin tapos yung reaksyon ng mukha nya gulat na gulat.

"Antayin mo ko dyan, dadalhan kita ng damit" sigaw ko ulit at dali dali ako pumasok sa kwarto ko sabay bukas ng closet ko at kinuha ko yung bathrub ko saka nagtatakbo palabas. Ako lang kasi mag isa dito sa resthouse, si papa dun na natutulog sa research lab nya. Pagkadating ko dito sa may batuhan kung san nakita ko yung magandang babae wala na sya, nilinga linga ko naman yung paligid, wala na akong makitang bakas nya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login