Download App

Chapter 3: Child of the Owner

Tapos na ang klase ni Sephi. Nagmamadali itong umalis sa school dahil may importante pa siyang lakad. May bibilhin pa kasi siya sa mall tapos gagawa pa ng assignment. Ang buhay senior high ba naman~

Nasa second floor si Sephi at dahil sa pagmamadali, may nabunggo siya.

"Aray~" she winced in pain.

Pero hindi lang doon natatapos ang lahat, isang tunog ang kumuha sa atensiyon ni Sephi.

'KRAAAAK!'

Isang ingay na nagpakaba sa kanya. Nang tumingin siya sa sahig ay isang basag na mamahaling cellphone ang kanyang nakita.

'Lagot,' Ang sabi niya sa kanyang isipan.

She diverted her eyes to the man she bumped to. At sa laking gulat, nanlilisik na ang mga mata nito dahil sa galit.

Sino ba naman kasi ang hindi magagalit na yung bagong bili mong iPhone ay nabasag nang bigla dahil lang sa isang babae?

At ito namang si Sephi, alam na ngang nabasag yung cellphone ng nabangga niyang lalaki ay nagtanong pa, "Ay nabasag?"

At dahil sa katangahan niya, mas nagalit tuloy yung nabangga niyang lalaki. Halos lumabas na yung malalaki nitong mga mata dahil sa galit.

Nang mapansin iyon ni Sephi, yumuko siya at tatakas na sana. Sa ganitong mga sitwasyon, ang pagtakas lang ang solusyon.

Pero lingid sa kaalaman ng babaeng ito, tinali na ng lalaki ang kaniyang mga kamay sa isang ribbon.

"And where do you think you're going?" seryoso at nakakamatay na tanong ng lalaki.

Nilingon ni Sephi ang nabangga niya. Natulala siya, hindi dahil sa nag-aalburotong mukha ng lalaki, kundi dahil sa taglay na kagwapuhan nito. Tila nagpaulan ng mga diyos ang Panginoon.

Di maitatanggi na ang lalaki sa harap niya ay gwapo. Bilugan ngunit chinitong mga mata, matangos na ilong, magandang mga labi, at ang maliit nitong mukha.

'Parang kayang matabunan ng kamay ko yung mukha niya. Ang liit kasi. Pero in fairness, pogi siya.' malanding sabi niya sa isipan.

Pag ang babae naman talaga kung makakita ng pogi, daig pa ang pusa kung lumandi.

Dumagdag pa sa kagwapuhan ng lalaki ang itim nitong buhok na ang bango. Pati tuloy si Sephi ay nabaliw dito. Kulang na lang ay gupitan niya ng buhok yung lalaki at iuwi ito sa kanilang bahay para may souvenir. Adik na siya rito.

Tatanungin na sana niya kung ano yung shampoo na ginagamit nung lalaki dahil sa napaka-bango ng kanyang buhok ngunit siya'y natigilan pagkat hinawakan siya ng lalaki sa magkabilang braso.

'Wait. Manyak ba 'to? Virgin pa ako uy. Alam kong gwapo ka pero kung may balak kang gahasain ako ay pasensiya ka na. Ayaw ko mang pakawalan ang katulad mong pogi, pero kung manyak ka lang naman, ay sorry. Baka ma-crack ang bones mo,' ang nangnginig niyang sabi sa sarili.

Napalunok na lang si Sephi dahil titig na titig yung lalaki sa kanya. 'Nagagandahan siguro siya sa akin. Sus. Kung yun lang pala, sana di na niya ako hinawakan sa braso. Madali naman akong kausap, eh. Joke lang,' ang malandi niyang sabi sa kanyang isipan.

Kapag bumisita nga naman si kalandian at ang pagiging asyumera~ Kung may ranking talaga sa pagiging malandi at asyumera? Baka siya na yung mauna.

Dahil sa di matagong kilig, napangiti si Sephi. Ay sus~ Kung alam lang niya na tanga siya~

Kumunot ang noo ng lalaki. Hindi siya makapaniwala na ngumingiti 'tong babae sa harap niya. Napagkamalan tuloy si Sephi na takas sa mental. 'Is this an escapee? Or she thought that I'm interested on her?' nagtatakang tanong ng lalaki. Natawa siya sa pangalawang hula. Sino ba naman kasi ang hindi mag-a-assume sa pwesto nilang dalawa?

Pero ang pagiging asyumera ni Sephi ang dahilan kung bakit siya kinaiinisan ng lalaking ito.

'Tss. I thought that she's different from the others. But I was wrong. She's also a flirt,' ang galit na sabi niya sa sarili.

Pero, bakit nga ba inakala ng chinitong ito na iba sa Sephi sa ibang mga babae? Ang dahilan, hindi lang kasi ito ang una nilang pagkikita.

~~~~

Habang namimili si Sephi ng ireregalo niya para sa kaibigan, ay nahulog ang kanyang pitaka sa sahig. Pinulot niya ito at saktong pag-angat niya, nakita niya ang isang pares ng sapatos. Napatitig siya rito.

"Wow~" ang sabi niya dahil sa pagkamangha. Nilapitan niya ito at papalapit na ang kanyang kamay sa sapatos, ngunit napahinto siya dahil may iba ng kamay ang nakahawak sa sapatos.

Nilingon niya ang lalaki taglay ang naiinis na itsura. "Uy! Ako yung unang nakakita niyan!"

Pero walang ekspresyon siyang tinitigan ng lalaki mula ulo hanggang paa. " But I am the one who got it first."

Napanganga si Sephi dahil sa narinig. 'Kung makapagsabi ba naman ito parang siya yung may-ari ng mall,' reklamo niya sa sarili.

Tinignan ulit siya ng lalaki mula ulo hanggang paa. "And seems like you can't afford to buy this," cold na sabi nito pero nainsulto roon si Sephi anupa't kamunot din ang kanyang noo. "This is P35,000, though," dagdag pa nito.

'P35,000?! WEH?!' she gasped inwardly.

Alam ni Sephi na kahit siya pa yung nauna sa sapatos na iyon, wala naman siyang malaking halaga upang mabayaran iyon. Saan naman kasi siya kukuha ng ganun kalaking pera?

Napaatras si Sephi dahil sa kamahalan. "Ang mahal," nanghihinayang niyang sabi. Pero dahil napahiya siya, kailangan niyang magsinungaling. "Panget naman. Tss." she murmured at may pairap pa sa sapatos.

'Crazy,' ang tanging sabi ng chinito sa kanyang isipan.

'Hay. Nakakapanghinayang naman,' malungkot na sabi ni Sephi sa sarili.

Kinuha na nung lalaki ang sapatos at di man lang nagbayad sa counter. Ibinigay niya lang ito sa isang lalaki na mas matanda sa kanya at umalis na lang.

~~~~

Ngayong naalala na ng chinitong lalaki kung saan niya nakita 'tong si Sephi, naguhit sa kanyang mga labi ang nakakalokong ngisi.

'Luh. Mukhang rapist talaga 'to.' natatakot na sabi ni Sephi sa sarili.

"Do you remember me?" nakangising tanong ng chinitong.

'ANO? Do I remember him? Anong pinagsasabi neto? Adik ata.' nagtatakang tanong ni Sephi sa isipan.

Hindi talaga maaalala ni Sephi ang gwapong lalaking ito dahil naka-sunglasses ito noong nagkita sila. Tsaka, nalilimutan ni Sephi ang taong kanyang nakasalamuha pag di ito maganda o gwapo o di kaya'y di siya interesado rito.

Pero dahil umiral na naman ang pagiging tanga at asyumera niya...

"Dati ba kitang manliligaw?" tanong niya sa kaharap na lalaki. Napabitaw naman sa pagkakahawak sa kanya ang lalaki dahil natawa siya sa narinig mula sa dalaga.

'She thought that I was her suitor before? Pfffft!' natatawang sabi niya sa sarili.

'Bakit parang natatawa siya? Kung ganun, di ko siya manliligaw. Eh ,ano siya?' nagtatakang tanong ng dalaga sa kanyang isipan.

Nang maobserbahan ang kaharap na lalaki, may matindi namang hula si Sephi. Dahil sa mamahaling suot, napagkamalan tuloy ang isang gwapong lalaki na ito na dating inutangan ni Sephi.

"Uy! Huwag mong sabihing ikaw yung inutangan ko noon?! Uy, maawa ka naman... Wala pa akong pera..." nagmamakaawang pag-arte ni Sephi. "Sa susunod na lang ha? Alam mo naman kung ano yung sitwasyon ko ngayon. Bata pa ako at wala pang trabaho. Nag-aaral pa ak. May 10 akong kapatid at dalawa sa kanila ay nasa ospital. Ako yung panganay na anak kaya kailangan kong alagaan sila. Construction lang yung tatay ko samantalang kasambahay naman yung nanay ko. Please... Nagmamakaawa ako sa'yo. May alaga pa akong tatlong gagamba, 5 butiki, 10 ipis at apat na daga sa aming bahay. Kung babayaran kita ngayon, siguradong magugutom kaming pamilya lalo na't 14 kami sa bahay. Idag-dag mo pa yung mga alaga ko. May 2 pa akong daga na naghihingalo ngayon sa ospital. Please... Nagmamakaawa ako sayo..."

Lumuhod pa siya sabay dikit sa kanyang dalawang kamay na may pa-puppy eyes pa. May iyak-iyak pa siyang nalalaman para maging katotohanan yung acting niya. Kung sakaling sasali siya sa contest, baka siya pa yung tanghaling 'Best Actress'.

Natawa yung lalaking pinagmamakaawaan niya. "You're acting is good~" pagpuri niya kay Sephi.

Ito namang si Sephi, napaniwala. "Talaga?! Bagay na ba akong maging Best Actress?"

"Yes. And because of your good acting, hindi ako napaniwala. Better luck next time," pang-iinsulto nito.

Dahil sa natanggap na insulto, mas mabilis pa sa alas kwatro ang pag-iba sa mood ni Sephi.

"Aba! Kung makapagsalita ka ah parang ikaw yung may-ari ng mall na 'to ah! Sino ka ba ha?! Kung makag-insulto, wagas!" galit na sigaw ni Sephi anupa't napatingin ang mga tao sa kanila.

"Tss~ Gwapo sana... Dyablo naman~ " bulong ng dalaga ngunit sa kasamaang palad ay narinig iyon ng kanyang kaaway na lalaki.

"What did you say?!" nanlilisik na mga mata na nagtanong ang lalaki. "You...!"

Hinawakang muli ng lalaki ang mga braso ni Sephi at mas hinigpitan pa ito. Ang mga titig nito'y ani mo'y mga bala ng shot gun na kahit ano pang gawin mong pag-ilag ay di mo maiiwasan.

"I'm dyablo right?" nakangising tanong ng chinito. "Kaya ipapakita ko sayo kung gaano ako ka-dyablo."

Parang isang hayop sa desyerto na bigla-bigla na lang inilagay sa napakalamig na lugar, hindi makagalaw si Sephi. Kahit pagkurap ng mata ay 'di niya magawa. She even couldn't gulp nor say anything.

This chinito guy in front of him cuts every distance between them. Sa bawat lapit nito ay nadarama nila sa isa't isa ang maiinit na paghinga.

3 inches. 2 inches.

2 inch ang pagitan nila sa isa't isa. Parang nagboluntaryong pumikit ang mga mata ni Sephi.

'First ko 'to, lol.' she chuckled inwardly. 'Pero di ko dapat 'tong hayaan. Mali 'to! Di ko kilala ang lalaking ito! Baka nga adik 'to eh! Hindi talaga pwede! Pigilan mo sarili mo Sephi!'

"Aahh!!!" the chinito guy winced in pain.

Nanlaki ang mga bilog na mata ni Sephi. Isang bagay na di niya aasahang pagsisihan balang araw.

"What the f*ck! Why-- Argh!" pag-ungol ng lalaki. Sino ba naman kasi ang hindi mapapasigaw sa sakit nang ang mahalagang bagay ng mga kalalakihan ay nasaktan. Tulad ng isang itlog na nabasag. Sakit~

Ngayon na rin naproseso sa utak ni Sephi ang nagawa kanina.

"Young Master Xenan! Young Master!" sigaw ng isang lalaki na 48 taong gulang na nakasuot ng black suit. Lumapit ito sa lalaking pinatid ni Sephi at nag-aalala ito at mukhang hindi mapakali.

Muli itong nagtanong sa lalaki, " Are you fine, Young Master Xenan?" Tumango lang ang chinitong lalaki. Napakagat ito sa ibabang labi dahil namimilipit pa ito sa sakit.

"Y-young master?! X-xenan?!" gulat na gulat na tanong ni Sephi. ' Familiar yung pangalan niya ah. Sa'n ko nga ba 'yun nakita?' nagtatakang tanong nito sa sarili.

Tumingin sa kanya ang matandang lalaki. "Yes miss. He is-" di matuloy sa pagsasalita ang matandang lalaki dahil pinigilan siya ng chinitong lalaki gamit ang kamay nito.

Tumayo nang matuwid ang chinitong lalaki. Halatang hindi pa rin nawawala ang sakit. Napalakas ata ni

Sephi yung pagpatid. "Let's go. I don't want to waste my time with this foolishness," mala-awtoridad nitong utos at nagsimulang umalis.

Yumuko naman yung matandang lalaki at sinundan ang kaniyang young master. Napatingin ito sa basag na cellphone sa sahig at nagpatuloy sa paglalakad.

Naiwan namang tulala si Sephi at muling pinoproseso sa kanyang utak ang buong pangyayari. May lumapit sa kaniyang saleslady na kaibigan niya rin.

"Sephi..." her friend said in low pace. Napakagat ito sa kanyang ibabang labi at nagdadalawang-isip na ituloy ang sasabihin.

Napansin naman iyon ni Sephi. Kahit wala pang sinasabi ang kaibigan niya, basang-basa na siya sa sariling pawis. Kinakabahan siya sa susunod na maririnig mula sa kaibigan. Kahit di pa niya naririnig ang sasabihin ng kanyang kaibigan, masama na ang kutob niya rito.

Bumuntong hininga ang kaniyang kaibigan bago ipinagpatuloy ang sasabihin, "Siya si Sir Wang Xenan..." Muli itong huminto at huminga nang malalim. "Siya ang anak ng may-ari ng mall na 'to."

Nang marinig ang mga salita mula sa kanyang kaibigan, tila isang malakas na kidlat ang tumama kay Sephi at nakuryente siya.

Mukhang, isang pangyayaring pagsisisihan niya balang araw...

To be continued...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login