Download App

Chapter 2: Kabanata 01

"Maharot 'rin ako! Pero grabe ibang level na ito—"

Kinuha agad ni Sean yung cellphone ni Shine mula sa'kin at tinago ito sa bulsa niya.

"Hoy pugo balik mo 'yan!" Sigaw ni Shine habang ina-abot niya 'yung cellphone, "kahit kailan talaga napaka-panget mo!"

Shine filled me up with the things na na-miss ko kasi 'di ako masyado nagbubukas ng messenger, kabagot kasi. And isa sa mga nasagap kong balita na ang isang Sean Molina ay duma-the moves sa isang babaeng nangangalang Arabela.

Grabe talaga...Isang malaking Sana all.

Kung marunong lang sana ako humarot ng husto edi sana anim na ka-chat ko ngayon.

Pero ang sakit-sakit pa 'rin noh! Porket sila lang may love life ipinagmumukha samin, ew! So corny.

At ang mga walang-hiya sa group chat pa nagkalat! Anaknamputcha!

"Hay nako! Napa-rupokpok mo talaga pati apo ko sinasama mo!" Pagtataray ni Gerecho habang pinapaypayan ang sarili niya.

Tinuturing lola mamita ni Ara si Gerecho simula pa nung freshman kami at na sanay na 'rin ata yung isang 'to kaya niya tinatawag ang babaeng 'yun ng apo.

"Woah? Umagang-umaga may pag-atake na kayo kaagad?" Reklamo ni Sean habang pilit na inaabot ni Shine ang cellphone niya kay Sean na tinataas sa ere gamit kamay.

"Bigay mo na kasi! Pinanganak ka ba sa banyo at iniri sa toilet bowl kaya ganiyan utak mo?" Pagpapadyak ni Shine na ikinatawa naming tatlo.

Nasa school kami ngayon and last period namin bago mag-lunch. We're one step closer to getting out of Highschool because finally, we're now seniors. At bukas wala na ring pasok kasi sem-break  na 'rin.

I'm on my phone right now so hindi ko sila masyadong napapansin ng biglang hilahin ni Sean cellphone ko.

Itong lalaking 'to mahilig talaga manguha ng phone porket wala siya. Sinira niya kasi.

"Aba—pansin ko lagi ka na lang nagpho-phone ah! Raming kaharutan ba Joyce?" Asar ni Sean habang winawagay-way 'yung phone ko.

"Pinagsasabi mo? Tamad na nga ko magreply tas mapagkakamalan pang maraming kaharutan?"

Umupo siya sa armchair ng upuan niya at hindi ako pinansin. Clinick niya yung camera app at sunod-sunod kinuhaan yung sarili niya ng pics para ma-full storage ako, sumama na 'rin si Shine.

At na-full storage nga ako.

"Wala talaga kayong awa sa cellphone ko noh? Buti na lang hindi nag-crack yung screen nung nakita pagmumukha ninyo."

"Ay! Kakaiba ka diyan!" Tawa ni Sean.

Marami na kwento sa'kin si Sean at pinanggaralan na 'rin ako na mag-open man lang ng messenger once in a while kasi hindi na ako updated sa mga nangyayari, katulad ng nagsimula na pala si Jovelle ma-adik sa korean pop and si Gericho nakasalubong yung crush niyang si "DP" sa hallway, si Leah naman nag-adopt ng Askal from the shelter...nag fe-feeling Heart Evangelista ang peg at si Shine na na-yakap ang crush niya simula freshman.

"Weh?! Na-yakap mo?" Gulat na tanong ko sa kaniya.

"Huh? Huwag ka magpaniwala diyan kay Sean! Pugo 'yan!"

Umiling siya at sinamaan niya ng tingin si Sean sabay bato ng notebook. Sa kasamaang palad naiwasan ni Sean.

"Hoy-hoy-hoy! Don't me, Shine! Oo mabilis kamay mo sa pag delete ng photo sa gc pero... mas mabilis ang kamay ko mag-save ng photo sismars!"

"May proweba ka ha? Ha? Wala naman diba? kasi walang kang phone!pulubs!"

"Hay nako...Diyan ka nagkakamali kaibigan..."

Hinablot ni Sean ang cellphone ko ulet sa armchair at nag-switch account sa messenger. Binuksan niya ang account niya at doon nga ang picture ni Shine at ang crush niya na magkayakap kasama ng ibang kaklase.

"Luh!"

"Ha! Kala mo ah! Ekis ka kumpare chong!" Tawa ni Sean na mapangasar.

"Ikaw talagang pugo 'ka!"

At sinumulan na ni Shine sunggaban si Sean at sabunutin ang wavy niyang buhok.

"Ikaw talagang malandi ka! Pati ako dinadamay mo!" Sigaw ni Shine, buti na lang walang tumitingin sa'min na kaklase kasi sanay na sila.

Tumakbo sa kabilang pwesto si Sean, sa likod ni Gericho na na-aaliw sa kapanonood sa kanilang dalawa.

"O-hoy! Big mistake! Totally big mistake sinend mo sa gc ang picture na 'yun! Ibang-iba ka talaga Shine! Nabingwit mo si Rodriguez ang salmon sa ating pala-isdaang school! Grabe ka, saludo 'ko sayo!" Tinodo pa ni Sean ang asar dahilan para may mga lumipad na school supplies papunta sa kaniya.

Unfortunately, na-iwasan na naman niya lahat.

Pinulot ko yung ruler sa lapag at sinubukan kong batuhin siya. Duda akong hindi niya maiiwasan iyon, mabilis ang reflexes niya kasi eh...pero shet! Boy was I wrong...

Sapul!

Tumama yung ruler sa noo niya kaya napangiwi siya at hinaplos ito.

"Putcha!"

"Oh my gosh..." ani ni Gerecho.

Lumingon si Sean sa'kin at pinandilatan ako ng mata. Nagkibit-balikat na lang ako habang nakangiti at nag-peace sign sa kaniya.

"Anak ng—ang sakit ah! Bat mo ginawa 'yun?!"

"Yan bagay sayo! Tanga mo kasi Molina! And FYI ha group hug 'yun! Group hug! Hindi mo kasi pansin dahil ang liit ng mata mo katulad ng height mo!" Sigaw ni Shine.

Parang na-offend ata si Sean hindi dahil tinawag siyang tanga kung hindi tinawag siyang maliit.

"Wow! Okay! Ganyanan eh, Makasabi ka ah! Hanggang balikat lang kita bro!" Sabay pagpag sa balikat niya.

"Ang rami niyong alam eh pareho lang naman kayong bansot..." ani ni Gerecho sabay irap, "atsaka ikaw Sean ha!"

Turo niya kay Sean gamit ang pamaypay.

"Mga kaharutan mo'y 'di lalagpas sa'kin bata! Ano ulet sabi niya sa gc?"

Binuksan ko ang cellphone ko at hinanap ang chat niya at binasa.

"Ang...sakit ng puson ko...parang gusto ko ng Ara..."

"Ohoy! Yan pa 'rin topic natin? Damn bro!" Bungad ni Simon sabay akbay kay Sean.

Kakabalik niya lang sa classroom pagkatapos mag-cr—este tumakas at bumili ng maruya sa canteen. Halata eh, may umu-umbok sa bulsa niya.

"Talaga ba Miranda?" Sean mocked at na-patingin 'rin siya sa bulsa nito.

"Oh kala 'ko ba mag-iipon 'ka na? Bat 'ka bumili ng maruya! Sus! Scam."

Sumandal siya sa upuan, sa tabi ng upuan ni Sean at inilabas ang maruya na bagong luto pa.

"Kaya ko naman talaga mag-ipon eh...basta sarado lang lahat ng tindahan."

"Gago," sabi ko sabay batok sa kaniya.

Minsan ang bobo nito sumagot, kaya bumabagsak sa grades eh tapos dahilan niya marami daw masyadong distractions sa paligid pag may lesson.

Rami nitong alam!

Hindi pa natatapos ang isang minuto ng maubos na agad ang maruyang hawak-hawak ni Simon. Hindi dahil sa mabilis siya kumain...Pero dahil pinalilibutan siya ng mga buraot na kaibigan, for example, Sean at Shine.

"Hala! Taranta—"

Hindi ko na siya pinatapos ng makita ko crush ni Shine padaan sa corridor namin. Niyugyog ko si Shine na katabi ko na ngayon habang ngumunguya ng pagkain at nginuso si Lester. Na nakakunot na naglalakad habang hawak-hawak ang mga libro niya.

Muntik niya na ma-dura ang kinakain niya sa pagkataranta niya. At syempre nag decide siyang magtago...na para bang hinahanap na siya ng mga pulis na tago. As if naman lilingon 'yun dito noh! Kung makatago si gaga kala mo nasa watch list eh.

Sa pagkakaalam ko, matagal ng gusto ni Shine si Lester simula nung tumakbo ito para maging Secretary. Active student si Lester and was a Corps S3 in CAT (Citizenship Army Training), sumali 'rin si Shine 'dun at himala! na-punta siya under the supervision ni Major Lester Rodriguez aka S3.

"Wala na ba...?" Tanong ni Shine habang tinatago niya ang sarili gamit bimpo.

Napa-irap na lang kaming apat.

Nag-ring na ang bell, senyales na lunch na. Hinatak ko ka-agad si Shine papuntang CR kung saan wala akong inatupag kundi tingnan ang sarili at hindi umihi.

"Tingnan mo 'tong gagang 'to! CR ng CR hindi naman umiihi!"

Napa-irap na lang ako at patuloy inayos ang pagka-braid ng buhok ko.

Pagkatapos ay dumiretso na kami ni Shine sa benches kung saan nandoon ka-agad si Gerecho na kasama na si Jovelle at mukhang may seryosong pinag-uusapan.

"Nakuha mo na ba yung album ng Ikon?"

"Grabe hindi pa! Bukas pa!"

K-pop lang pala...

"Nasan sila Sean?" Tanong ko kay Jovelle nang maka-upo na kami ni Shine.

"Ayun," turo niya si Sean kasama si Ara at Simon, "nambuburaot sa kabilang table."

Napa-iling na lang ako at nagsimula nang kumain nang hinampas ni Gerecho ang lamesa dahilan para magulat kaming tatlo. Niyuyog niya ang katabi niya ng sobrang lakas parang magnitude 8.5. Sa kasamaang palad, si Shine 'yun.

"Hoy! Nakita niyo ba yung my-day ni DP?!"

"Ha?" Sabay na tanong namin nila Shine at Jovelle. Pero mukhang nahihilo pa si Shine habang hawak-hawak ang ulo.

"Nasa—"

"Halaman."

Naningkit mata ni Gericho sa'kin, "grabe...ang mature."

Nagkabit-balikat ako at nagpatuloy sa kinakain, habang hinihilot pa 'rin ni Shine ang ulo niya sa gilid. Medyo dumi-distansiya na siya kay Gericho habang sinasamaan ito ng tingin.

"Anyways nasa mall siya, sa Makati! Grabe...kung maaga ko lang nakita my-day niya edi sana sumunod na ako! Malay niyo magkabungguan kami 'nun!" Iyak niya sabay subo ng kanin.

"Ah...kaya pala..."

Napalingon kami kay Jovelle. Tinaasan siya ng kilay ni Gericho.

"Bakit anong me'ron? Anong pala?" Taas kilay na tanong ni Gericho.

"Kaya pala maharot 'rin apo mo," tinuro niya si Ara sabay turo kay Gerecho, "mana sayo..."

Napa-awang ang bibig ni Gerecho at biglang hinablot ang buhok ni Jovelle habang umiinom ito. Mukhang magsisimula na silang mag-away.

Nagkatinginan kami ni Shine at sabay napa-iling.

They're freaking lunatics, pero tanggap ko sila kahit ganiyan pa sila. Mga bobo...

Pinagmasdan ko ulit silang dalawa na nagbabangayan. Actually, kung hindi mo sila pagsasalitain, okay naman sila eh.

Si Jovelle maganda't maputi naman. Yung tipong pagkaputi niya 'yung namumula lang siya pag-naaarawan hindi umiitin. I know right? Sana lahat.

She has straight black hair na umaabot hanggang beywang. In all...maayos naman siya pero once na bumaka na ang bibig ng babaeng 'yan kala mo kung sinong gagang nagsisimula ng away.

At times ako sumasalo ng galit niyan. Na P-PMS sa magandang pagmumukha ko.

Welp can't blame her naman, ma-P-PMS 'rin naman ako sa mukhang 'to, like look at me! Hindi naman sa pagmamayabang...but I'm hit as fuck!

As for Gericho, he's a pretty swell guy. Hindi pa siya out kaya Girls tend to misunderstand things when they get closer to him...Hindi ko naman made-deny na kagwapuhan siya at matangkad 'rin, mas matangkad pa kayla Simon at Sean. Pero wala eh, hanap 'rin nito ka-uri niya.

At walang inatupag kung hindi magpapalit-palit ng crush every minute at certified fan ng GMA. He's also friendly even if hindi halata dahil hindi pala ngiti. Dahilan niya na yung jaw line niya tumataba pag ngumingiti siya.

Sa sobra pre-occupied ko nakalimutan kong ubos na pala ang iniinom kung tubig. I still felt thirsty kaya nagpaalam muna ako sakanila para bumili ng maiinom. Nang matapos ko nako maka-bili ng hotchoco ay dali dali akong pumunta sa table namin.

"Guys-Oh my gosh!" Sigaw ko nang na-bunggo 'ko yung tao at natapon sa ka niya lahat ng laman ng hotchoco ko, ang init pa naman nun!

Malamang, hotchoco nga diba.

Tumingala ako at nakasalubong ko ang mga mata niya.

Nanlaki bigla ang aking mga mata  ko samantala sakaniya ay halata ang pagkairita. He stood there silently still processing what happened while soaked with my hot drink.

"What the actual fuck..." bulong niya while looking at his uniform.

"I-I didn't-" I stammered when I tried to explained but he cut me off.

"You know what? never mind, just stay away, i don't want you to cause anymore damage near me..." malamig niyang sabi as he walked out of the cafeteria with his friends behind laughing their ass off.

I was left there alone, habang nakatingin yung ibang tao sa'kin pati na 'rin sila Shine na gulat na gulat at si Jovelle na nakabuka pa ang bibig.

What just happened?!


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login