Download App

Chapter 3: 01

01

"Kuya, ni minsan ba naisip mo kung gaano ka kaswerte dahil may pogi kang kapatid?" tila wala sa sariling sabi ng kapatid kong nakatayo sa tabi ko habang may hawak na pamaypay.

Naka-high na 'to?

Hinampas ko siya sa kanyang braso kaya gulat na gulat siya at halata pa ang inis sa kanyang buong mukha habang hinahaplos ang braso niyang hinampas ko.

"Problema mo?"

"High ka ba?"

"Oh, bakit?" sabi niya at tila hinihintay ang pick up line na sasabihin mo. Anong pick up line? Ulol.

"Gago. Ibig kong sabihin ay nakahithit ka ba ng ipinagbabawal na gamot!"

Kinunutan niya ako ng noo. "Anong akala mo sa akin? Adik?"

"Oo," agad kong sabi at kinuha ang pamaypay mula sa kanya para paypayan itong kalan de kahoy namin para palakasin ang apoy. Naubos 'yong laman ng gasul namin kaya tiis-tiis muna kami ngayon sa ganito at para mas makatipid na rin kami.

"Hindi ako gumagamit, Kuya."

"Mag-ani ka na ng gulay." tinulak ko siya at inambahan naman niya ako ng suntok. Ay, aba! Bastos 'to, a? Walang galang. Kuya niya kaya ako. Inambahan ko rin siya ng suntok pabalik pero tumakbo siya. Duwag pala, e.

Umiling na lang ako.

May gulayan kami rito sa bakuran ng bahay kung saan kami kumukuha ng ulam namin kung wala kaming pambili.

Sabado ngayon at walang klase ang mga kapatid ko pero may pasok si Mama sa trabaho niya. Pagkatapos naming kumain at ipahinga ang tiyan namin ay niyaya ko na si Rainer na maglaba. Hindi namin pwedeng iasa kay Mama ang ganitong gawain dahil laging pagod 'yon sa trabaho. Kaya naman namin kaya bakit hindi namin gawin? 'Tsaka binata na kami, bakit pa namin ipapalaba kay Mama mga damit namin? Wala namang damit panloob si Mama rito dahil nilalabhan na niya kaagad pagkatapos niyang maligo.

Hindi umubra sa akin 'yong kakasandali ni Rainer dahil kinaladkad ko na siya papunta rito sa poso. Kailangan kong magmadali dahil kailangan ko pang pumasok sa grocery store mamaya.

"Kuya naman, e! Patapos na 'yong panood, e." reklamo pa niya at umupo sa maliit na bangko.

"Buhay mo kaya tapusin ko?" banta ko sa kanya at umupo na rin dito sa isang bangko.

"Ay, huwag gano'n, Kuya. Marami pa akong pangarap sa buhay," tumawa siya at kinuha na ang isang damit para labhan nang mano-mano. Wala kaming washing machine, e, kaya magtiis kami sa ganitong paraan.

"Nasaan na kaya si Papa," sabi niya habang nakatingin sa kawalan.

"Huwag mo nang hanapin ang wala." sabi ko, tinatago ang aking inis. Mas lalo lang akong naiinis sa tatay namin sa tuwing hinahanap siya ng mga kapatid ko. Pinapaalala sa akin kung gaano namin siya kailangan sa buhay.

"Para kang tanga, Kuya. Alangan naman 'yong nandito ang hanapin ko? Syempre iyong wala. Para naman akong tanga nun." ismid niya. Binatukan ko siya at gumanti naman siya sa akin. Grabe, ayaw talagang magpatalo ng kumag na 'to.

"Ang ibig kong sabihin, huwag mong hanapin 'yong taong tinalikuran na tayo. Kaya naman natin na wala siya." sabi ko. Humigpit ang pagkakahawak ko rito sa damit na kinukuskos ko.

Kinakaya naman namin pero kailangan pa rin namin siya, kailangan na kailangan.

Pagkatapos naming maglaba at magsampay ni Rainer ay iniwan ko na sila ni Ana sa bahay dahil kailangan ko nang pumasok dito sa grocery store. Malakas ang bentahan dito lalo na kapag nandito ako. Biro lang, mas mura kasi ang bilihin dito kaysa sa ibang grocery store kaya mas pinipili nilang bumili rito para mas makatipid sila.

"Gideon, p're, tulong!" napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Aaron, isa sa mga tropa ko rito sa grocery store.

Lumapit ako sa kanya para tulungan siyang kunin ang isang karton na nasa itaas ng istante. Matangkad ako kaya hindi ko na kailangan ng hagdan, tinaas ko lang ang kamay ko ay abot ko na. Sino ba hindi tatangkad kung araw-araw akong natutulog ng tanghali noong bata ako. Pinipilit kong matulog noon kahit gustong-gusto kong maglaro dahil nasa tabi ko si Mama na may hawak na hanger. Ang sakit pa naman nun kapag pinapalo sa puwet.

"Oh," abot ko sa kanya ng karton pagkaabot ko.

"Salamat, pare. Birthday ko ngayon," sabi niya.

"Happy birthday, bro. Asan regalo ko?" biro ko at natatawa naman niya akong inambangan ng suntok.

"Punta ka mamayang gabi sa AHTC, mag-iinuman tayo." sabi niya at tumango.

"Hindi ako pwede, p're. Kailangan ko kasing pumasada mamaya. Pero salamat sa pag-imbita,"

Tinapik niya ang balikat ko. "Ayos lang, bro. Pero daan ka naman para mag-shot kahit dalawang beses lang."

Umiling ako. "Ayokong mamasada ng amoy alak, bro. Bad shot 'yon sa mga pasahero."

Tumawa siya at nagpaalam na para gawin ang kailangan niyang gawin.

Binuksan ko na ang isang malaking karton para ilagay rito sa istante ang mga laman. Ayos naman dito sa pinagtatrabahuhan ko dahil libre ang meryenda at pananghalian namin pero hindi nga lang kalakihan ang suweldo. Hindi naman mahirap ang trabaho namin kaya ayos lang. 'Tsaka mas mabuting na 'yong ganito kaysa naman tumunganga lang ako sa loob ng bahay at maghintay ng himalang may darating na pera. Maganda na rin na sanayin ko ang sarili ko sa trabaho para kapag nag-abroad na ako, hindi ako masyadong mahirapan dahil paniguradong mas mahirap ang trabahong kakaharapin ko roon.

Kailangan kong kumayod at maging malakas dahil ang daming tao ang umaasa sa akin. Hays, putang ina talaga ng tatay kong malandi. Napabuntong-hininga na lang at humingang malalim bago itinuon ang buong atensyon ko sa aking trabaho.

"Pare, sasali ka sa liga?" tanong sa akin ni Carl.

"Kailan ba 'yon, pare?" interesadong tanong ko. Syempre may cash prize rin 'yon kapag nanalo kami kaso naalala kong araw-araw pala ang training kapag malapit na magsimula kaya nawala ang kagustuhan kong sumali. Hindi naman pwedeng maglaro kung hindi ka nag-t training.

"Sa araw ng Casa Ethereal. May 'yon, 'di ba?"

Tumango ako nang maalala. "Oo pala. Pero hindi na muna siguro."

"Huh? Bakit? Sayang naman. Isa ka pa naman sa pinakamagaling na player ng Victorina."

"Maliit na bagay pero kailangan araw-araw training, e. Magtatrabaho na lang ako, mas marami pa kikitain ko kaysa sa cash prize kapag nanalo kami."

"Sayang naman. Gustong-gusto mo pa namang maglaro ng volleyball." sabi niya.

Oo, tama siya, pero maliit lang naman na sakripisyo 'yon para sa pangangailangan ng pamilya ko.

Napalingon ako rito sa babaeng kumalabit sa akin. "Paabot nga nung napkin." turo niya sa napkin na nasa itaas.

Grabe, hindi man lang maayos na humingi ng pabor. Hindi na rin ako nagulat nang makilala siya. Siya 'yong babaeng parang laging galit sa mundo.

Inabot ko na 'yong tinuturo niyang napkin at kaagad naman niyang kinuha ito sa akin. Nagpasalamat naman siya bago umalis kasama ang basket niya pero hindi maayos, tila walang gana iyong boses niya. Napailing na lang ako at muling pinagpatuloy ang ginagawa kong pag-aayos ng paninda.

Teka–iyong panyo! Gagi, sa kapatid ko pa naman 'yon. Hinahanap niya kaninang naglalaba kami pero hindi ko naman naalala kaninang pinahiram ko pala roon sa babae noong isang araw. Kailangan kong kunin 'yon dahil mahalaga 'yon sa kapatid ko, sa crush daw niya 'yon galing, e. Snatcher ng panyo 'yong kapatid ko. Napailing ako. Pambihirang bata talaga.

"Miss," tawag ko sa kanya, bumaling pa ang ibang nandito pero iyong tinutukoy ko hindi man lang bumaling sa akin at patuloy lang sa pagkuha ng noodles.

Kinuyom ko ang paa ko bago siya nilapitan. Bumaling naman siya sa akin at kaagad niyang tinaas ang isang kilay niya. Katakot naman ang babaeng 'to.

"Kailangan mo?" mataray niyang sabi.

"'Yong panyong pinahiram ko sa 'yo nung isang araw. Pwede bang makuha? Sa kapatid ko kasi 'yon, e." sabi ko at nahihiyang ngumiti sa kanya.

Kumunot ang noo niya at umismid bago muling kumuha ng noodles. "Ikaw 'yong tricycle driver?"

"Oo,"

"Mamaya na lang. Nandoon sa bahay, nalabhan ko naman na 'yon." sabi niya nang hindi bumabaling sa akin.

"Ah, sige. Kukunin ko ba sa bahay niyo?"

Bumaling siya sa akin. "Hindi. Tignan mo na lang ako mamaya roon sa A House to Chill. Pumapasada ka naman yata tuwing gabi, 'di ba?"

Tumango ako. "Ah, oo."

"Ganito na lang. If ever maghahatid ka ng pasahero na taga-Esmeralda, wait mo na lang ako sa kanto."

"Huh? Anong oras?" tanong ko.

"Hmmm, mga 7pm?"

Tumango ako. "Sige, titignan ko. Pero dapat saktong 7pm nandoon ka na."

"Yes. Kung wala pa ako in 5 minutes, alis ka na and then tignan mo na lang ako sa A House to Chill." sabi niya at tumango naman ako.

Buti na lang pagkauwi namin dito sa bahay ay nagsasaing na ang kapatid ko dahil kung hindi ay babatukan ko siya. Iyong natira sa inani niya kaninang gulay ang lulutuin ko ngayon. Pinakbet. Nagpatulong ako kay Rainer sa paglilinis dahil wala naman siyang ginagawa. Si Mama pinatulog ko muna para makapagpahinga siya. Si Ana naman nasa sala, nanonood.

"Kuya–"

"Ayoko." agad kong sabi kahit hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya.

"Wala pa akong sinasabi," singhal niya.

"Ano ba 'yon?" inis kong tanong.

"Mayon!" pilosopo niyang sabi kaya binato ko siya kaagad nitong balat ng kalabasa. "Ano kasi… nagyaya 'yong mga kaklase kong mag-swimming raw kami sa Esperanza Paradise bukas dahil nanalo kami ng filmmaking, icelebrate raw namin. Syempre kailangan ng pera…" sabi niya habang binabalatan ang kalabasa.

"Magkano ba kakailanganin mong pera?"

"Sabi naman nila contribution daw 50 para na sa pagkain at cottage. Idadagdag naman 'yong cash prize namin. Tapos 75 naman yata 'yong entrance fee."

"Bale 125 kailangan mo?"

Mangha siyang ngumiti. Parang gago talaga 'to. "Galing mo, a?"

"Ulol. Bukas ko na ibibigay,"

"Weh?" duda pa siya, a. "May pera ka ba, Kuya? Pwede naman akong hindi sumama–"

"Pwede naman pala, e di huwag ka na sumama."

"Pero gusto ko rin sumama, Kuya." maktol niya.

"E di sumama ka. Kikitain ko na lang ulit bukas 'yong ibibigay ko sayong perang baon mo."

"Ay, oh? Ayiee. Salamat. The best Kuya ka talaga."

"Nambola ka pa, a." binato ko ulit siya ng balat nitong kalabasa. "Basta mag-iingat ka bukas. Huwag kang iinom ng alak at huwag kang makikipag-away roon, Rainer." sabi ko sa kanya at binigyan siya nang nagbabantang tingin.

"Promise, Kuya. Nandoon crush ko kaya dapat good boy lang ako."

"Makikipaglandian ka lang doon, e." ismid ko.

"Huh? Hindi, a!" depensa niya.

May kailangan si Rainer kaya sumisipag ang gago. Dapat lang. Pagkatapos naming kumain ay siya na ang nag-ayos at naghugas ng mga pinagkainan naming lahat.

Hindi ako natuloy sa plano kong pumasada ngayon dahil pinuntahan ako ni Aaron dito sa bahay para yayaing uminom ng alak doon sa AHTC. Hindi naman na ako nakatanggi dahil pati sila Mama ay pinilit din akong pumunta.

"Pero saglit lang ako, pare. Walang makakasama ang pamilya ko rito. Baka mamaya may masasamang loob pa ang manakit sa kanila. Baka mapuyat din si Mama kakahintay sa akin." sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan na dala nila. "Ay, wow! Four wheels." tinulak ko ang kanyang braso.

"Hiniram ko lang 'yan doon sa bagong asawa ni Mama na nasa bahay. Astig, 'no?"

"Oo. Balang-araw magkakaroon din tayo ng sarili nating sasakyan." puno ng kumpyansang sabi ko at inakbayan siya. Hindi naman malabo 'yon dahil masipag at madiskarte naman kaming dalawa.

Pagkarating namin dito sa second floor ng A House to Chill, sa may bar, ay narindi kaagad ako sa kaingayan rito at amoy ng alak na sumalubong sa amin. Hindi naman 'to ang unang beses na nagtungo ako rito pero hindi lang talaga ako sanay sa ganitong lugar.

"Uy, pareng Gideon!" sabi ni Carl at tumayo para tapikin ang braso ko, tinapik ko naman siya pabalik bago kami umupo rito sa sofa. "Buti napilit mo 'to?" sabi niya kay Aaron na nakaupo sa kabilang sofa kasama ang dalawang kasama naming hindi ko kilala pero nakikita ko naman na sila noon.

"Medyo nahirapan pa ako, pero buti na lang tinulungan ako ni tita sa pagpayag sa kanya." sabi niya at marahan na tumawa. "Oo nga pala, p're. Si Gideon, kaibigan namin." pagpapakilala niya sa akin sa dalawa. "Gideon, si Marcus at Vincent."

Tumayo naman kaming tatlo para nagkamayan bago kami umupo at magsimulang uminom ng alak. Hindi naman ako mabilis malasing pero ayokong uminom ng marami at ayokong umuwing lasing sa bahay.

Nasa kalagitnaan kami nang pag-inom at pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay nang may biglang lumapit sa aming babae. Nakataas ang kilay niya sa akin. Tinaas ko rin ang isang kilay ko sa kanya bago ininom itong shot ko hanggang sa huling patak. Problema nito?

Ay, gagi! Oo nga pala may kasunduan kaming dalawa kanina. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ang taray ng tingin niya sa akin.

Nilagyan ko ng kaunting alak itong shot glass at inabot sa kanya. "Shot mo, Miss."

Kinuha niya 'yon mula sa akin. Akala ko ay iinumin niya pero nilapag niya 'yon sa lamesa bago niya ako hinila patayo bago ako kinaladkad. Kinantyawan naman kami ng mga kasama kong umiinom.

"Gumamit kayong condom, a!" natatawang sigaw ni Aaron.

"Galingan mo, Gideon!!" sigaw ni Carl.

"Ninong kami!" pahabol pang sigaw ni Aaron.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya at kaagad nagulat nang maproseso ito nang tuluyan sa utak ko.

Gago?! Hoy! Bata pa ako!

"Hoy, Miss…" sabi ko sa kanya at pinatigas ang katawan ko hanggang sa hindi na niya ako mahila. Galit siyang bumaling sa akin. "Problema mo? May balak ka sa akin, 'no? Pasensya na, a? Hindi kita type." sabi ko at natigilan ako dahil mas lalo yata siyang nagalit.

"Sa tingin mo type kita?" agad kong itinaas ang ulo ko nang lumapit siya sa akin at tumingala. Ang taray-taray nito pero hanggang balikat ko lang naman siya.

"Bakit mo ako hinihila? Sorry, hindi ako pumapatol sa lasing." malaki ang respeto ko sa babae, lalo na sa Nanay ko at kay Ana.

Itinulak niya ang dibdib ko. "Akala mo naman papatulan kita. Hindi kita papatulan, 'no! 'Tsaka, hindi pa ako lasing at alam mo kung bakit?" mas tumalim ang tingin niya sa akin na kahit anong oras ay sasakmalin na niya ako sa mukha. Tang ina. Ano bang kasalanan ko sa babaeng 'to? 'Tsaka, bakit ang ganda niyang magalit? Lasing na ba ako? Ngi? Nakalimang tagay pa lang yata ako.

'Tsaka hindi talaga ako papatulan nito. Mukha siyang mayaman, e. Parang poging mayaman lang ang papatulan niya. Hindi ako mayaman, e, pogi lang.

"Bakit?" kinakabahan kong sabi.

"Kasi…" mas nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Kasi pinaghintay mo ako!" sigaw niya sa mukha ko. Umiwas ako ng tingin. Ang bango ng hininga niya, a. Kumakain ba 'to?

Bumaling ako sa kanya nang umayos na siya ng pagkakatayo niya, naiinis pa rin siya. Ay, gagi! Ngayon ko lang naalala na nandito pala kami sa loob ng bar at hindi nga ako nagkamali ng hinala, ang daming mga mata na ang nakatingin sa amin. Luh, ang chichismosa at chichismoso, a! Baka isipin nilang girlfriend ko ito at nag-aaway kaming dalawa. Ang swerte ko naman kung gano'n sa isip nila dahil iniisip nilang girlfriend ko siya.

Marahan ko siyang hinila papunta sa balkonahe nitong bar at buti na lang ay walang ibang tao rito kundi kami lang.

"Ouch!" ungol ko sa sakit dahil sa paghampas niya sa braso ko.

Bakit siya namimisikal? Sasampahan ko 'to ng kaso.

"Problema mo?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Alam mo bang naghintay ako sa 'yo ng 30 minutes kasi akala ko darating ka? Tapos makikita kong nakikipag-inuman ka pala rito!" sigaw niya at muli na naman niya akong hinampas pero sa kabilang braso ko naman. Nakakadalawa na 'to, a? Isa nalang talaga sasampahan ko na 'to ng kaso.

"Pwedeng huminahon ka muna? Nakakatakot ka, e. Parang kakainin mo na lang ako bigla rito," mas lalo akong kinabahan dahil sa talim ng tingin niya sa akin.

Umangil siya at isinandal ang kanyang likuran dito sa grills. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. Yawa. Ano 'tong pinasok ko?

"Pasensya naman, nakalimutan ko, e." mahinahong sabi ko habang pinagmamasdang maigi ang galaw niya dahil baka hampasin na naman niya ako.

Tumalon sa kaba ang dibdib ko nang tiningnan niya ako ng masama. "Sinayang mo ang oras ko kanina."

"Huh?" ayoko nang depensahan pa ang sarili ko dahil baka mas hahaba pa ito at mas lalo lang siyang magalit. "Sorry na po." paumanhin ko pero tila mas lalo siyang nainis.

"Hindi ko ibabalik iyong panyo mo ngayon dahil pinaghintay mo ako kanina." sabi niya at naglakad na paalis.

Kailangan kong makuha 'yon, sa kapatid ko 'yon! Kinuha niya 'yon sa crush niya kaya sobrang halaga nun sa kanya. Buti sana kung sa akin, kahit huwag na niyang isauli. Bakit ba kasi 'yong panyo ni Rainer ang nakuha ko noon?

Natigilan ako sa plano kong pagsunod sa kanya para kunin iyong panyo nang makita siyang umupo na roon sa sofa, kasama niya 'yong ilang pamilyar sa akin na taga-rito sa Casa Ethereal. Kumunot ang noo ko. Taga-rito ba siya? Hindi kasi siya pamilyar sa akin.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login