Download App

Chapter 2: Chapter Two: Contract Signing

Alijah

"So ito ang kuwarto mo," aniya habang isinusuot ang susi sa door knob. Binuksan niya 'yon at normal lang ang kuwarto. Hindi gaano kalakihan pero sapat na sa akin. "You have your own bathroom, meron ka ring sariling desk at closet. Yung kama mo, Queen size," aniya at pinapasok ako. Malaki pala yung kuwarto. Sa labas lang siya mukhang maliit, pero pagkapasok mo, mas malaki pa sa normal na kuwarto. Grabe pala talaga yung yaman niya, spending a million para lang maging maging bestfriend tapos ngayon may sarili pa akong kuwarto. But I don't see myself living here.

"Hindi ako puwedeng umuwi?" tanong ko.

"Hmm. Sige. I'll let you go home. Pero saturday and sundays lang," aniya na nakapagpalungkot sa akin, paano na si Papa?

"Hindi ba puwedeng umuwi ako at bumalik nalang kinaumagahan?" tanong ko, nagbabakasakali na payagan.

"Sige. Pero remember, may kontrata tayo," aniya at itinuro ang papel sa desk sa room. Lumapit ako ron at kinuha ang papel. Mumhang mahaba-habang

"Pwede ba lumabas ka muna habang binabasa ko itong kontrata?"

"As you wish," aniya tsaka lumabas, ako naman itong napabuntong hininga.

Habang binabasa ko ang mga salitang naka-print sa kontrata ay siya namang dagdag sa aking kaba.

Tutuloy pa ba ako?

Malamang! Dahil bayad na ako! Sa sarili kong katangahan! Paano kapag nalaman ito ni Papa? Hays!

Malamang! Lalo kang itinakwil non!

Sa pag-iisip pa lang na itatakwil ako ni Papa, ikakamatay ko na. Jusko po.

"The submissive shall follow the rules and regulations of the dominant person. She shall not be against the orders and acts of the dominant person--." napatigil ako sa pagbabasa ng kumatok siya sa pinto, 'di ba siya makapaghintay manlang?

"Hindi ka pa ba tapos magbasa? Ang tagal." aniya na para bang may meeting pa na pupuntahan.

"Ito na nga po oh tapos na." ani ko sabay pirma, kahit hindi pa nababasa yung ibabang bahagi. What could possiby go wrong, right?

"Now hand me those papers and let's go downstairs." inabot ko naman sa kaniya yung papel.

"Anong gagawin sa baba..?" nakaka-kaba baway binibigkas niyang salita, napaparanoid lang ata ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang hindi niya ako binili for sex, I mean, ganun ba kapag mayaman bumibili nalang ng tao...

"Kakain." woooh.

Bumaba na kami at wow, scrambled egg at tuyo! Hindi ko ine-expect. Sa mga nababasa ko kasi ay magaling magluto yung mga fictional character na boys tapos masasarap ulam tapos possessive tapos—argh!

"Pasensya na. Paborito ko kasi 'tong tuyo. May noodles naman dito tsaka scrambled egg." paumanhin niya.

"Ha? Paborito ko rin 'tong tuyo.."

"Talaga? Siya kasi, ayaw niya ng tuyo. Ayaw niya rin sa simpleng scrambled egg. Ayaw sa instant noodles. Pero mahal ko siya.."

Hindi na ako nakapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. 

"Ahm.. So anong nagustuhan mo sa kaniya?" tanong ko tsaka umupo at kumuha ng plato. Sumandok ako ng kanin, wala ng hiya hiya 'to, nakakagutom kaya.

"Hindi ko rin masagot. Ayaw ng magulang ko sa kaniya, ng mga kaibigan ko. Pero siya tinitibok ng puso ko."

"Saan kayo nagkakilala?" ang sarap ng tuyo!

Napatingin ako sa kaniya ng natagalan siya sa pag-salita. Shet! Natyempuhan ko siyang naghuhubad ng t-shirt! Ang sexy naman nito mas sexy pa sakin! Bakla ata 'to? Jowa lalaki. Joke lang.

Napatitig ako sa dibdib niya, tama nga ang iba. Once na nasa harap mo na, tititigan mo talaga.

"What?" aniya na nakapagpabalik sa akin sa katinuan.

"Ah, ano.. Sabi ko saan kayo nagkakilala." nahihiya kong sabi tsaka tumingin sa kinakain ko. Gosh.

"Hmm sa isang friend ko na friend din niya. Nasa club kami, and then she was crying," napatigil siya saglit at uminom ng tubig. "I told my self, 'who's the bastard who hurt this girl?' damn. She was beautiful and all, bakit pa siya nagawang lokohin?" pagku-kwento niya.

Sumubo muna siya ng pagkain tsaka nagsalita muna pagkaubos. "And then nilapitan ko siya. I comforted her. Hmm. The typical love story. Nag-kuhanan ng number, nagchat, text, call. Hanggang sa nafall," pasaway 'to bigla bigla tumitigik. Sumubo pala ng pagkain. Hehe. Samantalang ako, puro subo. "Tumagal kami ng 1 year and 5 months, and then all of a sudden, nawala. You remembered kanina sinabi ko sa'yo paano ko nakilala? Yung friend ko na friend niya?"

"Oo, bakit?"

"Siya pala yung dahilan ng pag-iyak Hannah. She was his ex. At nagkabalikan sila, ako ang rebound. And it hurts. Kasi mahal ko siya." Hannah pala ang pangalan ng babae. Hmm.

"A-Ano. Hindi ko alam ang sasabihin ko.."

"It's okay, tapos ka na ba kumain?" tanong niya.

"Ahh, oo tapos na."

"Edi maghugas ka na ng plato." aniya saka tumayo at pumunta sa kuwarto niya, siguro?

Iniligpit ko na ang mga pinagkainan sa lamesa at hinugasan. Pagtingin ko sa orasan, sht.

3:44 am.

Umakyat ako sa kuwarto niya at kumatok, tama ba? Dalawa lang naman kasi ang kuwarto e. Isa sa akin. I'm guessing kaniya 'tong isa.

"Sir?" pagtawag ko sabay katok.

"Yes? Pumasok ka." bakit kailangan pa pumasok?

"Magpapaalam lang po, uuwi na po sana ako. Babalik nalang po ako mamaya." paalam ko ng hindi pumapasok sa kuwarto niya.

Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto, "Are you kidding me? It's 3 am in the morning! Do you think it's safe to travel back at your home?"

"Kaya ko naman po," kahit pa wala akong experience sa fighting, kaya naman siguro ng pepper spray ko pumalag, 'no!

"Stay here or I'll kiss you," nanlaki ang mga mata ko sa salitang binigkas niya, wala pa kaya akong first kiss! Lalo naman akong kinabahan nung bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

"Stay po, Sir." mabilis kong sinabi saka umalis sa harap niya. Paniguradong parang kamatis na yung mukha ko sa pula, dadaigin pa ata ang mansanas.

So wala akong nagawa kung hindi pumasok sa kuwarto ko at doon nahiga. Paktay! Sana pag-uwi ko tulog na tatay ko. Gabi na naman uwi ko ito mamaya. Sanay na ako sa mga bugbog o hampas niya, iniisip ko nalang na yun yung paraan na pinapakita niya para iparamdam sa akin na mahal niya rin ako.


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login