Download App

Chapter 19: TP: 17

Now playing: Here With Me - D4vd

Skyler POV

Ilang buwan na muli ang nakalipas magmula noong halos ayaw na akong lapitan pa ni Kulot. Ngunit sa araw-araw na iyon ay sobrang sinikap ko talaga na makuha muli ang loob niya at maging kampante siyang muli sa akin.

Paunti-unti ay nangyari naman ang inaasam ko. Hanggang sa muling naging komportable na siya sa akin. Kaya naman mas lalong napalapit muli ang loob namin sa isa't isa.

Hindi ko nga alam kung paghanga pa ba itong nararamdaman ko para sa kanya o higit na roon. Basta ang tanging alam ko lang she made me a better person. Palagi niyang pinakakalma ang kalooban ko. At totally, natigil ko na talaga ang lahat ng kalokohan na meron ako.

Pansin ko na mas naging seryoso na rin ako ngayon sa buhay. Hindi nga maintindihan ni Dada Billy kung bakit paunti-unti ay nakikita niya ang malaking pagbabago sa akin. Bagay na ikina-proud ko naman sa aking sarili.

Hindi gaya noong wala pa sa buhay ko si Felicia at hindi ko pa siya nakikilala, sobrang napakawalang direksyon ng buhay ko. Siya talaga ang dahilan kung bakit unti-unti ay nabago ko ang aking sarili.

Ang buong akala ko rin dati, hanggang doon na lang ako. Sa Skyler na walang ibang alam gawin sa buhay kundi ang mag-party at ang mambabae.

Iyong tipong araw-araw may kinikilalang bago. At may tinatawag pang flavor of the day. Kahit na alam ko naman talaga na bukod sa galing ko sa kama...ahem! Ay yaman lamang ng pamilya namin ang habol nila sa akin. Pagmamayabang ko sa aking sarili.

Felicia is truly my angel in disguise.

At ang Skyler na unti-unting nagbabago ngayon, ay hindi na gugustuhin pang muling balikan ang Skyler sa nakaraan.

Pakiramdam ko rin mas nagkaroon ngayon ng saysay ang buhay ko. Felicia makes me feel complete.

Hindi ko man alam kung anong matatawag talaga sa relasyon namin dahil sa maraming beses ko na siyang nadala sa langit.

Yes! Tama kayo ng nadinig. Maraming beses na at hindi ko na rin mabilang pa. I love making love with her. At ginagawa namin iyon sa kahit na anong oras naming dalawa gustuhin. Morning, in the middle of the day, sa hapon, sa gabi at kahit na anong oras pa yan. Madalas sa kwarto niya, minsan sa kwarto ko, sa kotse ko, sa shower room at ang pinakapaborito niya ay sa parking lot. Gustong-gustio niya lalo rin kapag nasa loob ng sasakyan.

Gosh! Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa aking sarili sabay kagat labi habang nagda-drive patungo sa bahay nina Nicole.

Muli ko na naman kasing naalala kung gaano ka-hot si Felicia sa tuwing nasa ibabaw niya ako at nakikita ang mga namumungay niyang mga mata.

Very satisfying.

Siguro kung ibang babae lamang siya, I will just call it a mistake or just sex. At isa lamang sa sa mga sex slave ko. But with Kulot? No. Hinding-hindi ko iko-consider na sex lamang iyon o pagkakamali. Dahil para sa akin, ginagawa ko palagi iyon out of love.

Bigla akong napapreno noong sandaling sumagi sa aking isipan ang katagang iyon.

Love?

Napalunok ako ng mariin.

Wait... don't tell me. Napatawa ako na parang siraulo.

Don't tell me, I'm in love with her. I'm in love with Kulot.

Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng buong pisngi ko noong ma-realize ko ang mga pinagsasabi ko sa aking sarili bago parang kinikilig na gago sa loob ng aking sasakyan with matching hampas pa sa manobela.

Pucha! In love na ako! Masayang pag-amin ko sa aking sarili.

And it feels so good to admit na finally, naramdaman ko na rin ngayon ang sinasabi nilang 'IN LOVE'. It was like an electric charge through my whole being, down through my veins to admit that I already love Felicia.

Napatango ako ng maraming beses sa aking sarili bago muling pinatakbo ang aking sasakyan. Noon din sumagi sa aking isipan, natikman na namin lahat-lahat ang isa't isa, pero never pang may nag-confess sa aming dalawa kung ano ba ang nararamdaman namin.

And now, I know to myself that I should be the first to confess my feelings to her. At syempre, ang kasunod noon ay liligawan ko siya. Wait kailanga ko pa bang ligawan siya? I mean, uso pa ba 'yun ngayon?

Kailangan kong panagutan si Kulot at panindigan ang anumang gagawin ko pang desisyon kasama siya.

But the problem is, how? How do I do that? Ni hindi ko nga alam kung paano sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman ang manligaw pa kaya?

Like! Dude, sanay ako na ako ang nililigawan ng mga babae. Sila ang nagfi-first move sakin. Sanay ako na ang palay ang lumalapit sa akin at tutukain ko na lang pagkatapos but now? I really don't know.

Mabuti na lang talaga at papunta ako ngayon kay Nicole.

Good timing dahil sa kanya ako magtatanong. Napapangiti na wika ko sa aking sarili.

Pagdating ko sa kanilang bahay ay dumiretso ako sa kanilang kusina. Naabutan ko naman itong naglalabas ng mga prutas mula sa ref para kainin.

Agad naman na tinulungan ko ito sa pag-prepare at ipinaghiwa na rin siya ng mansanas.

Habang abala siya sa kanyang pang nguya, napansin niya yata na kanina pa rin ako pasulyap-sulyap sa kanya. Awtomatikong napakunot ang noo nito na animo'y handa na sa pagtataray.

Ito talagang babaeng ito nabuntis lang ubod na sungit at maldita.

Haaayyy! Ganyan talaga kapag hindi na nadidiligan o minsan na lang madiligan. Nagsusungit na. Mapayuhan nga si Violet. Pilyang komento ko sa aking isipan.

"Alam mo kung may sasabihin ka, sabihin mo na. At baka biglang uminit ang ulo ko sa ginagawa mo. Ayaw ko kayang maging kamukha mo ang baby ko." Pananakot na sabi nito sa akin bago ako inirapan.

"Grabe siya!" Napapairap na sagot ko rin sa kanya. "Ang ganda-ganda ko kaya, tapos ginaganyan-ganyan mo lang ako. Hmp!" Nagtatampo kunwari na dagdag ko pa.

"Eh ano nga kasi?! Kanina ka pa pasulyap-sulyap riyan eh."

Frustrated naman na napakamot ako sa aking batok. Hayst! Kung bakit naman kasi natatakot ako sa ganitong bagay, lalo kapag ligawan na ang usapan at tapatan na ng feelings. Kasunod na kasi noon eh commitment. Doon ako mas kinakabahan. Hindi ko alam kung paano panindigan ang salitang iyon pero kung para naman kasi kay Felicia, why not?

Right?

"Paano ba sasabihin sa isang babae na---" Bigla akong natigilan at napakagat sa dulo ng aking dila.

Hayst! Baka naman kasi asarin lang ako nito. Kilala ko na kasi silang mga kaibigan ko eh! Tsk.

"Na?" Nauubusan na ng pasensya na tanong nito sa akin.

"Wala!" Tipid na sagot ko. Kaya naman agad na tinignan niya ako ng masama habang napapahawak sa bowl na mayroong lamang mga prutas.

"Gusto mong lumipad itong bowl sa'yo?" Tanong nito sa akin habang nakataas ang kaliwang kilay. Mabilis naman na napailing ako.

"Nakakatakot ka namang magbuntis, Nic." Natatawa na saway at panunukso ko sa kanya. "Pumapangit ugali mo, alam mo 'yun? Tang*nang ugali 'yan." Dagdag ko pa. Ngunit sa halip na mapikon ito sa akin ay bigla na lamang siyang nagpakawala ng malutong na pagtawa.

"Eh kasi masyado kang pabitin." Sabay pout na wika nito habang naluluha na.

Gosh! Ang moody naman! Pasalamat talaga siya at buntis siya. Hay naku!

"Itatanong ko lang naman kung paano ang tamang pagyaya sa babae, p-para makipag-date." Medyo utal na sabi nito sa akin.

"Ahhhh." Napapatango na lamang nito habang nangingiti ng pagkatamis-tamis. Habang tinitignan ako sa aking kabuuan at tila ba lihim ding nang-aasar sa kanyang isipan.

Hindi ko tuloy napigilan ang muli siyang irapan.

"So, sino muna 'yung yayayain mo?" Panunukso pa niya.

"Just... just asking for a friend." Taas noo at confident na sagot ko naman.

Ah huh! There's no way na aamin ako at sasabihin ko sa kanya kung sino. Nagbago na ang isip ko.

"Just asking for a friend mong mukha mo!" Pag-ulit nito sa aking sinabi. "Obvious naman na para sa'yo!"

Napahinga ako ng malalim.

"Seryoso kasi...paano nga?" 'Yung itsura ko bigla na lang sumimangot at nalungkot. May makukuha ba akong matinong sagot mula sa kanya? Hayst! "Please?" Pakiusap ko pa kahit ayaw na ayaw ko pero kailangan.

Desperada na kung desperada.

This time, hindi na nito napigilan ang mapatulala sa aking mukha. Siguro dahil nagulat siya na ginamit ko ang salitang 'please' para lang makakuha ng sagot mula sa kanya. O dahil ngayon lamang ako nagtanong ng tungkol sa ganitong bagay at ang seryoso ko pa.

"Woah!" She looks so amazed habang nagniningning pa ang mga matang nakatingin sa akin.

"Sky... wait! In love ka ba?" Bigla na lamang iyong lumabas sa kanyang labi.

Mabilis naman na nangamatis ang itsura ko dahil dito at agad na napaiwas ng tingin mula sa kanya.

Ganoon lang ba ako kadaling basahin kapag in love? P-Paano niya nalaman agad? Natataranta na tanong ko sa aking sarili.

"Sino na nga ulit 'yun?" Kunwaring nag-iisip pa na tanong nito ngunit alam ko naman talaga at kilala na niya kung para kanino kaya ako nagtatanong sa kanya.

Napairap ako at mabilis na tumayo. "Stop it! Kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, aalis na lang ako." Kunwaring nawala sa mood na sabi ko sa kanya.

Pero hindi niya ako pinakinggan. Para bang wala siyang narinig at nagpatuloy pa.

"What's her name again? Fe...Feli...Felicia?" Dagdag na panunukso pa niya. Pagkatapos noon ay bigla na lamang akong tumalikod mula sa kanya at walang sabi na nag-walk out. Kunwari na tuluyan na akong na-badtrip ngunit ang totoo ay ayaw ko lamang ng confrontation.

Dahil dito ay muli itong nagpakawala ng malutong na tawa habang tinatawag ang pangalan ko ngunit hindi na ako muling lumingon pa.

Natitiyak ko na bago pa man ako makauwi, tatawag na ang ibang kaibigan namin para asarin din ako. Oo na, sila na ang mga Marites ng buhay ko. Letche!

---

Pagdating na pagdating sa mansyon ay agad na hinanap ng dalawang mga mata ko si Felicia. Hindi naman na ako nahirapang hanapin siya dahil mabilis na nakita ko ito habang tumatakbo papalapit sa akin.

Awtomatikong napangiti ako at sinalubong siya.

"Miss mo'ko?" Nakangiti na tanong ko sa kanya at niyakap siya. "Ako kasi, miss kita."

Nagtataka man ang kanyang mga mata ay hinayaan niya lamang din ako na yakapin siya. Ngunit hindi ito yumakap pabalik sa akin. Hmp!

Pagkatapos ng ilang segundo ay muling kumalas ako mula sa kanya. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok nito na humarang sa mukha niya.

"Kulot, gusto mo bang umuwi sa inyo, sa isla?" Tanong ko sa kanya na agad na ikinaliwanag ng kanyang itsura kasabay ang malawak na pag ngiti.

"T-Talaga, Sky? Pwede tayong bumisita roon?" Hindi maitago ang saya at excitement sa kanyang mukha.

Napatango ako habang may malawak na ngiti rin sa aking labi.

"Yes. Para mabisita mo na rin ang mga kabigan mo roon." Dagdag ko pa.

Noong sabihin ko iyon ay mahigpit na niyakap niya ako bago ako hinalikan ng maraming beses sa aking pisngi habang nagpapasalamat sa akin ng paulit-ulit.

Habang ako naman ay pigil na pigil ang kilig na nararamdaman bago napapakagat sa aking labi.

I'm glad na masaya siya sa ibinalita ko sa kanya. Mabuti na lamang at naisipan ko ang bagay na iyon habang binabaybay ang daan pauwi galing kina Nicole.

"Bukas na bukas aalis tayo." Wika ko.

"Yeheeeyyyy! Thank you, Sky." Muling pasasalamat ni Kulot habang napapatalon pa sa tuwa.

Napapailing na lamang din ako sa saya habang pinagmamasdan ang masaya niyang mukha.

So priceless!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C19
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login