Download App

Chapter 3: Chapter 2 Muling Pagkikita

May pait sa mukha ng dalaga tuwing sumasagi sa alala niya ang mga nangyari noon. Kasalukuyan siyang nasa canteen ng hospital kung saan siya nagtrabaho.

Mula ng makagraduate siya ay wala na siyang naging balita pa sa binata at wala rin siyang naging ibang boyfriend mula noon.

Nakatingin lamang siya sa pagkain nang lumapit sa kan'ya ang kaibigang si Irene na kan'ya ring kasama roon sa hospital bilang isang nurse.

"Oy, tapusin mo na 'yang pagkain mo at baka matapos na ang break natin ay hindi pa tapos 'yan!" sermon pa ng kaibigan ni Kristine sa kan'ya.

"Oo na po, eto na at nagmamadali na nga ako," sabi ni Kristine na nakasimangot.

"Kasi tulala ka na naman, bakit ba? Ang lalaki na naman bang 'yon ang nasa isip mo?" nakataas ang kilay nito na banggit sa dalaga.

"Manghuhula ka ba? Paano mo nalaman na siya nga ang nasa isip ko?" tugon ni Kristine sa kaibigan.

"Hay, parang hindi kita kilala, samantala anim na taon na tayo magkakasama."

Nakangiting tiningnan ni Kristine ang kaibigan saka tumayo na sa lamesa at niyaya na niya ito para bumalik na sa ward.

"Kristine, matagal na 'yon kalimutan mo na si Allan. Hindi siya karapat-dapat sa pag-ibig mo. Move on na tayo, bhe!" saad ni Irene kay Kristine na parang nanunuya pa.

"Naalala ko lang naman 'yong tao, dami mo nang sinabi sa akin, Ano bang akala mo sa akin? Hindi pa nag-momove on?"

Naiinis na tinalikuran nito ang kaibigan at lumapit sa trolley ng mga gamot para siya ay magprepare sa mga pasyente na may gamot na pang-alas dos.

Maya-maya ay may tumawag sa head nurse nilang si Lydia. Sinabi ng kausap na kulang ang staff ng medical ward kaya ito ay sinabi kila Kristine at mga kasamahan.

Kailangan nila ang isang nurse para sa VIP nilang pasyente na tututok dito. Ganoon ang sistema nila kapag busy ang isang ward at kailangan ang nurse, dumudukot sila sa ibang ward ng mga nurse na hindi gaano busy at ito ay dadalhin sa ward na kailangan.

Si Kristine ang pinadala ng head nurse dahil dalawa sa pasyente ng dalaga ang uuwi na kaya naghanda nang pumunta ang dalaga. Siya ay nagreport na kaagad sa Male Medical Ward.

Sinamahan si Kristine ng supervisor para malaman ng mga kaanak ng pasyente kung sino ang mag-aalaga rito. Kumatok sila sa pinto at nang binuksan ito laking gulat ni Kristine dahil kilala niya ito at ang babae na nagbukas ay kapatid ni Allan.

"Good morning po, Miss Reyes! Gusto ko pong pakilala ang bago ninyong nurse at siya po ang mag-aasikaso sa pasyente."

"Wala bang ibang nurse na puwede ipalit sa kan'ya?" tanong nito na nakasimangot sa supervisor na kaharap nang makilala ang dalaga.

"Bakit po ma'am? Masipag po si Kristine at maasahan kaya wala kayong dapat na ikabahala," sagot pa nito na pagyayabang sa kapatid ni Allan.

"0 siya baka sabihin mo napakaarte ko at namimili pa ako. Pumasok ka na rito at nandito ang doktor niya nang makausap mo." Sabi nito sabay talikod papasok sa loob ng kuwarto.

Pumasok na ang supervisor at si Kristine, pinakilala rin nito ang dalaga sa doktor ng pasyente at pinaliwanag ng doktor na si Dr. Galvez ang kalagayan ng pasyente.

Lumaki ang mata ni Kristine dahil si Allan ang siang nakahiga sa kama at wala itong malay. Naaksidente raw ito at nahulog ang kotse sa bangin.

Katatapos lamang nito operahan dahil sa inalis ang namuong dugo sa ulo nito kaya nga maraming nakakabit pang aparato dito sa binata.

Tiningnan ni Kristine ang binata. Wala ito pagbabago, guwapo pa rin ito. Ang mata, ilong at ang labi nito na gusto niya halikan palagi noon ay bumalik na naman sa mga alaala niya.

Pagkatapos mag-usap ay iniwan na ng supervisor at doktor si Kristine. Panay ang tingin ni Kristine sa dati niyang nobyo na ngayon ay nakahiga sa kama at wala pang malay.

Lumapit siya rito at tiningnan ang vital signs ni Allan na nakarehistro sa monitor. Nakatingin lamang sa kan'ya ang kapatid ni Allan na si Malou. Lumapit ito sa kan'ya at nagsalita.

"Hindi porke pumayag ako na maging nurse ka niya ay maging kampante ka na! Isang mali mo lamang tiyak na ikakatalsik mo dito sa hospital." Mayabang nito na sambit kay Kristine.

Hindi sumagot ang dalaga at pinagpatuloy na lamang nito ang ginagawa. Noon pa man ay ayaw na sa kan'ya ni Malou kaya hindi niya inaasahan na maging maganda ang pakitungo nito sa kan'ya ngayon.

Maya-maya ay ang mga gamot naman ni Allan ang kan'yang tiningnan. Nasa may malaking trolley ang mga ito at bawat isa ng gamot ay may mga pangalan at kung anong oras na dapat dito ibigay.

May kumatok sa pinto at lalapit na sana si Kristine para buksan ito pero binuksan na ito ni Malou. Bumungad ang isang babae maganda ito at matangkad. May kaputian at makinis na kutis na para ba itong isang modelo.

"Ikaw pala, Viola! Buti at nadalaw ka, ang akala ko ay umalis ka ng bansa," malakas nitong saad na parang pinaririnig nito kay Kristine.

"Sana nga ngayon ang alis ko pero dahil sa tinawag mo sa akin kanina ay aking naisipan na ipagpaliban ito." Sambit ni Viola sa nakakatandang kapatid ni Allan.

"Oo nga pala, siya ang nurse ni Allan na si Kristine. Ito naman ang fiance ni Allan na si Viola ikakasal na sila next month kung hindi sana nangyari ito kay Allan. Itong si Kristine ang sinabi ko sa telepono kanina sa 'yo, Viola!" turan nito nakatingin nang masama kay Kristine, pagkatapos niyaya niya maupo si Viola sa sofa.

"Bakit ka pumayag na siya ang maging nurse ni Allan? Paano kapag nagising na ito at makita siya?" naninigkit ang mata nito na tinitingnan si Kristine.

"Huwag kang mag-alala at nakalimutan na siya ng kapatid ko! Walang sinabi sa iyo ang babaeng 'yan kaya huwag kang matatakot!" pagpakalma pa ni Malou kay Viola na nababahala.

"Kahit ano pa ang sabihin mo Ate Malou, ayaw ko na naririto ang babae na 'yan!"

Naririnig ni Kristine pagtatalo ng dalawa dahil malakas ang mga boses nito at siya ay natatawa. Dahil kung tutuusin ay wala siya talagang binatbat sa ganda nito kaya bakit ito takot sa kan'ya.

"Tama na 'yan kaya nga kita tinawagan para bantayan mo maige ang kapatid ko dahil baka kapag nagising siya ay maakit na naman ng malanding babae na "yan!"

"Iyan nga ang sinasabi ko sa iyo kaya nga dapat palitan mo na siya ng ibang nurse hanggang wala pang malay si Allan!" ani Viola na panay pa ang padyak ng paa.

"At ano? Para pagtsismisan kami ng mga nurse kung bakit namin siya pinalitan!"

Hindi na makasagot si Viola dahil alam niya na maaring mangyari 'yon dahil sa karamihan nang maritess ay nasa mga hosp.

Nang bigla nakarinig sila nang ingay na buhat sa aparato nakalagay kay Allan kaya kaagad na tiningnan ito ni Kristine at inayos.

"Ikaw ang may kasalanan nito, babae ka! Nagagalit tuloy si Allan sa amin kaya kung ako ikaw ay magpapalipat na ako. Sabihin mo sa visor mo na hindi mo kaya rito!"

Humarap si Kristine kay Viola at taas noo na sinipat ang kausap. Nagtatagis na ang mga ngipin niya sa galit sa mga ito dahil ayaw talaga siyang tantanan.

"Puwede ba, hayaan ninyo ako na gawin ang trabaho ko nang tahimik? Ano naman kung ako ay dati niyang nobya, hindi ba ikaw naman ang kan'yang pakakasalan!" galit na saad nitong si Kristine kay Viola.

Umalis siya at pumunta sa nurses station para magpalamig nang kaunti. Talaga yata siyang sinusubukan ng dalawa pero hindi siya magpapatalo hindi siya mahina para sumuko nang ganoon lamang.


CREATORS' THOUGHTS
Flordeliza_Sucgang Flordeliza_Sucgang

Like it ? Add to library!Thank You.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login