Download App

Chapter 23: CHAPTER 21

Elena's POV

Maagang umalis sina Kassandra at Roxanne. Ni hindi na nga nakapag-almusal ang mga ito dahil halatang nagmamadali. Bibiyahe pa raw kasi sila ng tatlong oras para maagang makarating before call time.

Ngayong araw kasi ang simula at pagbabalik shoot ni Kassandra. At sa pagkakaalala ko sa sinabi ng talent manager niyang si Roxanne, merong limang scenes na gagawin si Kassandra ngayong araw.

Sigurado akong pagod na pagod siya mamaya. Haaayyy.

Habang ako naman, heto. Maaga na lamang ding nag-asikaso dahil meron ding sariling lakad na kailangang puntahan. Kaysa naman mamatay ako sa loob ng penthouse ni Kassandra sa sobrang boredom ay tinanggap ko na lamang ang isang imbitasyon sa akin sa isang importantent okasyon.

Mabuti na lang nga at may dala akong sariling bihisan. Hindi na kasi ako nagpahatid kay Kassandra or Roxanne kahapon sa apartment ko. Alam ko naman kasing pagod na sila.

Isa pa, nakakahiya na.

Isama mo pa iyong sasakyan na binili ni Kassandra. Hays! Ako lang yata ang binilhan ng sasakyan na hindi natuwa. Paano naman kasi ako matutuwa eh hindi naman ako marunong magmaneho.

Hindi ko mapigilan ang magpakawala ng malalim na paghinga habang nakatingin sa labas ng bintana ng taxi na sinasakyan ko.

Maya-maya lamang ay nakatanggap ako ng isang text message kaya mabilis kong binuksan at tinignan kung sino ito.

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi noong mabasa ko sa screen ng aking cellphone ang pangalan ni Kassandra.

"See you later. I'll be a bit busy today but I'll make time for you later." Ang sabi sa text message nito. 

Hindi ko naman mapigilan ang hindi kiligin. Haaayyy! Napaka-thoughtful at sweet talaga niya kahit na kailan.

Pero bakit kailangang may paganitong mmessage? Tanong ko sa aking sarili.

Kung assuming lang ako masyado, iisipin kong may something or deep meaning sa text niyang ito. Para kasing jowa ko lang siya kung magsabi. Hindi naman niya kailangang gawin ang mga ito dahil baka umasa lang ako sa wala.

Kasi baka sweet lang talaga siya, gaya ng dati. Right?

Pero...napahawak ako sa sarili kong labi.

We kissed before.

Siya 'yung first kiss ko na hanggang ngayon ayaw ko nang sundan pa ulit kung hindi lang din naman siya ang magiging second, third, hanggang sa hindi ko na mabilang.

Hayst! Napapakamot na lamang ako sa aking batok. Bakit ko ba iniisip ang mga bagay na iyon?

Paalala lang self. 'Wag masyadong magpapadala sa mga sweet words and gestures ng tao. Lalo na kay Kassandra kasi tandaan mong hindi ka pwedeng mabuko.

Hindi pa man ako tapos sa kilig na aking nararamdaman nang mag-text ito muli.

"Can I take you out later for dinner? I will pick you up." Ang sabi nito sa pangalawang text message niya.

Wait...magdi-date ba kaming dalawa mamaya?

Siguro kung wala lang ako sa loob ng taxi ngayon, nagtitili na naman ako sa kilig o nagtatatalon.

Jusko! Bakit naman ganito si Kassandra Lord?

Masyado niya na yata akong pinakikilig these days. Hmp! Aba! Hindi na maganda ito ah. Kailangan na niyang panindigan ang mga kilig ko.

Pero joke lang. Hays! Napailing ako sa aking sarili. Pati ako naguguluhan na rin sa dapat kong maramdaman.

Focus, Elena. Focus! Paalala ni inner self.

Muli akong nagbaling ng tingin sa labas ng bintana at hindi na nag-abala pang mag-reply kay Kassandra. Mamaya ko na lamang siguro siya ire-reply. Baka sabihin pa niyang fast replier ako.

Syempre, kailangan ko ring magbigay ng ilang minuto o oras, 'no? Kahit na ang totoo ay kating-kati na ang mga daliri ko sa pag-reply sa kanya.

Isang malawak na ngiti muli ang gumuhit sa aking labi noong natatanaw ko na ang gate ng St. Claire University.

I cannot believe na pagkatapos ng mahabang panahon ay babalikan ko rin pala ang eskwelahan kung saan ko nakilala si Kassandra.

Iyong eskwelahan na marami akong bad experiences dahil sa pambubully sa akin nina Annia, pero dahil kay Kassandra, natuldukan ang mga iyon.

Inimbitahan kasi ako ng dating Classs Adviser ko, na ngayon ay Principal na, na umattend sa isang cooking contest ng mga estudyante at ako raw ang magiging Board of Judges.

Actually, hindi lamang ito ang kauna-unahang inimbitahan niya ako. Maraming beses na pero ngayon ko lamang siya napagbigyan dahil nagkataon na nandito na rin naman ako muli sa Manila. Wala na akong rason pa para tumanggi.

Pagbaba ko ng taxi ay hindi na muna ako kaagad pumasok sa loob ng gate. Nakangiting pinagmamasdan ko muna ang mga estudyanteng papasok at palabas dito, habang inaalala iyong mga panahong madalas akong hintayin ni Kassandra dito sa labas para sabayan sa pagpasok noon.

At mula sa gate hanggang sa makapasok ako, sa hallway at sa mga pader na makikita, karamihan na poster na nakapaskil o nakadikit ay may mukha ni Kassandra.

Grabe! Ganon ka proud ang St. Claire sa kanya.

Sobrang nakakataba naman sa puso ang appreciation nila kay Kassandra. Well, sino ba naman ang hindi magiging proud, lalo pa at estudyante at sponsor ng University si Kassandra.

Balita ko rin kasi si Kassandra ang nagsisilbing main model ng St. Claire, kaya ang dami niyang posters na nakapaskil rito. Pati nga yata sa website, kapag bibisitahin online, mukha ni Kassandra ang unang pambungad.

Grabeee! Lalo tuloy akong nagiging proud sa kanya. Lalo lang din pinapamukha ng mundo na ang layo-layo na ng narating niya at mas naging malayo pa ang pagitan naming dalawa.

Literal na langit at lupa na yata talaga kaming dalawa.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa Faculty Office. Hindi ko akalain na may pa-welcome surprise pa sila sa akin pagdating ko at may konting salu-salo. Nakakatuwa lang kasi ang saya-saya nila na muli akong nakita.

Merong mga bagong teacher na hindi ako kilala at hindi ko na rin nakilala, pero dahil sa mga dating teachers ko, eh nakilala na lamang din daw nila ako dahil history sa eskwelahang ito ang pambu-bully sa akin noon.

Natatawa na lamang ako sa sarili ko. Magiging history na lamang ako sa eskwelahang ito pero sa ganoong bagay pa. Hayst.

Pero hindi na bale, dahil ang importante eh malayo na rin naman ako sa kawawa at lampang Elena noon.

Pagkatapos ng salu-salo ay nagsimula na nga ang program kung saan isa ako sa mga magiging judges. Hindi naman iyon masyadong nagtagal at inabot lamang ng dalawa, hanggang tatlong oras.

Pagkatapos noon ay muli na naman akong nakipagdaldalan sa mga teachers.

Nakakatuwa lang kasi kahit na halata na sa kanila na medyo may edad na sila, kung makitungo sila sa akin eh parang nasa dating age pa rin nila. Alagang-alaga pa rin nila ako at mahahalatang na-miss nila ako.

Aba! Syempre, top student ako noon kahit palagi akong binu-bully, 'no?

"Alam mo ba nung umalis ka noon?" Panimula ni Mrs. Madrigal. "Pabalik-balik si Kassandra rito. Paulit-ulit na nakikiusap na kung alam ko raw kung nasaan ka, sabihin ko sa kanya. Kahit na ang totoo, maging ako, wala ring ideya kung saang probinsya lilipat ang inyong pamilya." Dagdag pa niya habang nakatingin sa isang poster ni Kassandra na nakapaskil sa may unahan.

Magsasalita na sana ako noong nagpatuloy siya.

"Pero huli na noong nalaman ko na sa Palawan pala kayo. Nagsisimula na rin sa pag-aartista si Kassandra noon. Kasi nung time na sasabihin ko na sa kanya kung nasaan kayo, eh ayaw na niyang ipaalam ko sa kanya." Pagpapatuloy niya. "Ang sabi niya sa akin, 'wag ko na arw sabihin o babanggitin dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niya at puntahan ka niya."

Binigyan ako ni Mrs. Madrigal ng isang mabagal na ngiti.

"Sabi ni Kassandra, for sure raw kasi na may reason kung bakit kayo umalis. At may rason din kung bakit hindi ninyo pinaalam. Kung bakit hindi ka na nagpaalam. At nirerespeto raw niya iyong desisyon na iyon."  Hanggang sa tinitigan ako nito sa aking mukha.

"Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit siya nag-artista, hija?" 

Dire-diretsahang sabi nito kaya dahil doon ay awtomatikong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko na para bang gustong sumabog nito. Napalunok ako ng mariin.

"P-Po? A-Anong ibig ninyong... sabihin?"

"She entered showbiz because of you. That's all I know. At kung ano man ang dahilan niya, sigurado akong siya lamang din ang makakasagot kung bakit." Sagot ni Mrs. Madrigal sa akin.

At hanggang sa makaalis ako, ang sinabing iyon ni Mrs. Madrigal pa rin ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko.

"She entered showbiz because of me?????" Pero bakit?!"

"Hindi ba dapat para sa sarili niya? Kasi gusto niya? Kasi pangarap niya?"

"Wag niyang sabihin na dahil sinabi ko sa kanya noon na bagay siyang maging artista?"

Hayst! Parang tanga akong kinakausap ang sarili ko at napapasabunot sa aking buhok habang naglalakad palabas ng gate ng St. Claire.

Kailangan kong malaman bakit ako ang kinailangan na maging dahilan.

Kasi kung hindi ko malalaman, baka mabaliw ako ng tuluyan.

Pero...paano ko naman itatanong sa kanya iyon? For sure hindi niya sasabihin sa akin dahil ang alam niya, hindi naman ako 'yung taong tinatawag niyang Piggy noon.

Hayst! Muli akong napasabunot sa aking ulo dahil nagtatalo ang aking isipan at sarili.

"Parang...TANGA lang." Rinig kong sabi ng kilala kong boses.

Dahilan para matigilan ako at dahan-dahan na napalingon sa pinanggalingan ng kanyang boses.

And there, I saw a woman standing in front of her car while smiling foolishly at me. Looking at me as if I was going crazy.

"A-Annia?" Utal na pagbanggit ko sa pangalan niya.

Anong ginagawa niya rito? At sa dami talaga ng pagkakataon at lugar na pwede kaming magkita muli ngayong araw pa at dito pa talaga sa St. Claire.

"The one and only." Tugon nito habang nakangisi at mabilis ang mga hakbang na lumapit sa akin.

Pagkatapos ay hinawakan ako ng mahigpit sa aking braso at walang sabi na kinaladkad papasok sa kanyang sasakyan. Binuksan ang pintuan at parang damit na ipinasok ako sa loob ng kanyang kotse.

I was trying to escapre but it's too late dahil ini-lock nito kaagad ang pintunan bago siya umikot sa driver seat.

What the hell?!

"Anong ginagawa mo? This is harrassment and kidnapping." Walang preno ang bibig na sabi ko sa kanya nang makapasok siya ng kanyang kotse at mabilis na binuhay ang makina.

"Well, hindi naman kung walang makakaalam. 'Di ba? ELENA?" Bigay diin nito sa aking pangalan.

Ano ba talagang problema niya?

"Saan mo ba ako dadalhin---"

"Shut the fuck up, bitch!" Malditang sabi nito habang pinahaharurot ang kanyang kotse.

"Shit! Ano bang ginagawa mo?! M-Magpapapakamatay ka na lang mandadamay ka pa!" Sigaw ko sa loob dahil ang bilis ng patakbo niya lalo at naka-sports car pa siya.

Oh my gosh! Ito na ba ang huling araw ko?

Ang lakas lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Jusmiyo!

"Wag ka ngang OA?! Atsaka kung mamamatay ako ikaw muna ang uunahiin ko."

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?!" Pag-ulit ko sa aking tanong na hindi niya sinagot kanina.

Hindi nagtagal ay inihinto na nito ang sasakyan sa--- sa hindi ko alam na lugar. Pero meron akong natatanaw na malapit na mall kaya sa tingin ko eh ayos lang. Tingin ko naman kapag nakatakas ako sa kanya eh mabilis akong makakasakay.

Hindi muna kaagad ito nagsalita. Napa-cross arms siya bago ako hinarap nang nakataas ang kanyang isang kilay.

Akala niya ba matatakot niya pa ako sa pagmamaldita niya? Tss!

"First, why do you need to pretend that you don't know me, especially in front of Kassandra? You probably thought I wouldn't recognize you, right?" Pagkatapos ay isang malakas na sampal ang natamo ko mula sa kanya.

Mabilis na napahawak ako sa aking pisngi. Ang sakit! Halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasampal niya. Gusto ko ring maiyak sa sobrang sakit.

Lalong naging malakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabi niya. Huwag niyang sabihing...

Bigla na lamang siyang napatawa na para bang nababaliw sa harap ko.

"Kahit na anong anyo pa ang meron ka, makikilala pa rin kita! Nagulat ka bang namukhaan kita kaagad? Bakit? Akala mo ba kahit limang taon na ang nakalipas, magbabago na ang turing ko sa'yo? No freaking way! Kahit na pumayat ka na at pumuti pangit ka pa rin sa paningin ko." Pagpapatuloy niya.

"A-Annia...a-anong ibig mong sabihin?" Pagmamang-maangan ko.

"SHUT UP!" Sigaw nito sa mukha ko.

"If Kassandra can be deceived by your looks now, well, I can't. Because for me, you're still the same weak, fat, dark, and ugly person we used to bully in high school." Napayuko ako sa sinabi niyang iyon.

Sumusobra na naman siya. Pero hindi na niya ako madadaan sa mga panlalait niya.

Pero wait... so alam na niya pala kaagad. At nag-pretend lang siya na hindi niya ako namumukhaan. Kaya ba binuhusan niya ako ng tubig noong nakaraang araw?!

Well, that makes sense now.

"Bakit?" Lakas loob na tanong ko sa kanya. "Natatakot ka ba?" Habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

"Natatakot ka bang malaman ni Kassandra na ako 'yung Piggy na binu-bully ninyo dati?" Napalunok siya ng mariin. "Natatakot ka bang tuluyan siyang mawala sa'yo at---"

Pero hindi ko na naituloy ang susunod na gusto kong sabihin nang muling sampalin niya ako sa kabilang pisngi ko. Ngunit naging pagkakataon ko iyon para makalabas ng sasakyan dahil ini-unlock niya ang pintuan at lumabas siya para makalanghap ng hangin.

Narinig ko itong natawa muli noong makalabas na ako ng sasakyan. Habang napapalakpak pa siya na animo'y tuwang tuwa sa kanyang nasasaksihan.

"Akala mo ba natatakot ako sa'yo?" Tanong nito. "Of course not! Because it's now the time for Kassandra to find out that you're lying and keeping secrets from her, sino sa tingin mo ang dapat na matakot na mawala sa buhay niya?"

Napaisip ako sandali sa sinabi niyang iyon.

Oo nga pala. Ako nga pala itong ayaw ipaalam kay Kassandra na ako at 'yung Piggy na matagal na niyang gustong makita muli ay iisa.

Sigurado akong hindi niya magugustuhan na all this time, nililinlang ko lamang siya at---

"That's it, Elena. That's it. Mabuti naman at may utak ka rin pala. Nag-iisip ka!" Muling wika ni Annia habang napapapalakpak pa habang humahakbang muli palapit sa akin.

"Hindi ko hahayaan na ang katulad mo lang ang hihila pababa kay Kassandra. Especially now, na isa na siyang Superstar." May pagbabantang wika nito sa akin.

"I won't allow your disgusting appearance back then to ruin her career." Pagpapatuloy niya.

Kaya muli akong napahinga ng malalim, trying to calm myself down dahil ayokong patulan si Annia. Ayoko ko siyang i-trigger.

Hindi pwedeng malaman ni Kassandra na ako 'yung taong matagal na niyang hinihintay, 'yung taong nang iwan sa kanya. At higit sa lahat, hindi pwedeng ako ang maging dahilan para masira ang pinaghirapan niyang career ngayon.

Napapailing ako sa aking sarili.

No, hindi pwede.

Mabilis na hinawakan ko si Annia sa kanyang braso.

"A-Annia...please. Nakikiusap ako, 'wag mong sasabihin kay Kassandra." Ngunit tinignan lamang ako nito na parang nang-aasar pa.

"Ow! Poor, Elena. Madali ka naman palang kausap eh." Sabay hawak nito sa balikat ko at pinagpag iyon.

"Don't worry, your secret is safe with me BUT on one condition..."

"A-Anong kondisyon?" Tanong ko sa kanya.

"You will stay away from Kassandra." Napalunok at napaatras dahil sa sinabi niya.

"Ayaw mo?" Tanong nito kaagad.

"I-Imposible 'yang gusto mong mangyari. Alam mo namang ako lang ang hinahayaan niyang magluto para sa kanya." Habang napapailing ako.

"Bobita! Edi gumawa ka ng paraan! Unless na lang sabihin ko sa kanya ang totoo at---"

"O-Okay. Iiwasan ko siya." Nakapikit ako habang binibitiwan ang mga katagang iyon. Kahit na anong totoo ay hindi ko alam kung papaano ko nga ba iyon magagawa.

Bahala na.

"Good." Sabi nito habang nakangiti ng matagumpay para sa kanyang sarili.

"Then, it's settled." Tatalikod na sana siya nang muli niyang hablutin ang braso ko.

"At 'wag na 'wag kang magkakamaling suwayin ang pinag-usapan natin dahil malalaman ng buong mundo kung sino ka at ikaw rin... magiging dahilan 'yun ng pagkasira ng career ni Kassandra." 

Napatango na lamang ako bilang sagot sa kanyang sinabi dahil wala na akong lakas pa para magsalita.

Nanlulumo ang aking mga tuhod noong tuluyang makaalis si Annia. Ang totoo niyan, hindi naman ako natatakot na malaman ng buong mundo kung ano man ang itsura ko noon. Pero natatakot ako doon sa katotohanan na baka iyon ang maging dahilan para masira at mawala ang pinaghihirapang career ngayon ni Kassandra.

Hindi ko iyon kakayanin. Ako ang unang taong mawawasak at masasaktan kapag nagkataon.

Kaya mas mabuti nang sundin ko na lamang muna ngayon si Annia. Dahil kilala ko siya, wala sa hulog ang takbo ng utak no'n eh. Hays!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C23
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login