Download App

Chapter 27: CHAPTER 25

Now playing: Love - Keyshia Cole

Elena POV

Nasa kwarto na si Kassandra kaya naisipan naming tatlo na manood na lang ng movie habang nagpapaantok.

Plano rin kasi ni Roxanne na dito na lang siya matulog sa unit ni Kassandra ngayong gabi. Nagdala na nga rin siya ng bihisan just incase.

Habang si Luna naman ay...hindi ko alam.

Mukhang kanina pa kasi siya tahimik at nakakunot na naman ang noo. Parang galit na naman sa mundo.

Habang nanonood kami, hindi ko mapigilan ang hindi tumawa kahit na wala namang nakakatawa sa pinapanood namin dahil thriller ito. Kung titignan para akong kinikilig kahit hindi naman dapat.

Kaya napatingin iyong dalawa sa akin. Bale nasa pagitan din kasi nila ako. Nasa kanan ko si Roxanne habang nasa kaliwang bahagi ko naman si Luna. At parehas silang kunot noong tinignan ako nang may pagtataka.

But I don't mind them.

Naaalala ko kasi iyong itsura ni Kassandra kanina na kunwaring natutulog at pasimpleng ibinukas ang kanyang mata. Sumakto kasi talagang nakatingin din ako sa kanya. At ang cute niyang tignan kapag nahihiya, biglang nagsusungit, may pa-walk out pa siyang nalalaman.

"Pffftt." Pigil tawa ko bago napatakip ng aking bibig.

"Will you please just watch?" Saway sa sakin ni Luna nang may mataray na tono bago ito napailing.

Iirapan ko lamang ito kaya ginantihan din niya ako ng pag-irap bago siya napa-cross arms.

"Panira talaga ito ng moment kahit na kailan." 

"May sinasabi ka?"

Hindi ko alam na napalakas pala ang pagkakasabi ko na dapat ay sa isip ko lang. Kaya muli ko siyang tinapunan ng pamatay na tingin.

"Wala." Tipid at inis na sagot ko.

Ngunit nawala ang pagkumot ng aking noo nung biglang maaninag ko na may paparating sa amin. Nakapatay na kasi lahat ng ilaw at tanging 'yung TV lamang ang nagsisilbi naming liwanag sa paligid.

Nagising pa yata namin si Kassandra. Ani ng aking isipan.

Umusod si Roxanne sa pinakadulong bahagi ng sofa. Kaya naman agad na tumabi si Kassandra sa akin habang nasa kaliwang bahagi ko pa rin si Luna.

Ayaw naman paawat sa pag-ovethink ng aking isipan dahil napapagitnaan na ako ngayon ng mga dyosa.

Naramdaman ko 'yung pagdikit ni Luna sa akin kaya medyo umurong ako ng konti kay Kassandra, ngunit ang hindi ko alam eh magiging sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa.

Sabay kaming napatikhim ni Kassandra at kapwa umiwas ng tingin sa isa't isa.

"Ba't ba kasi tayo nagsisiksikan rito? Eh pwede namang maupo sa iba." Reklamo ni Luna ngunit wala kahit isa sa kanya ang pumapansin dahil si Roxanne ay abala sa panonood at talagang naka-focus sa takbo ng story habang kami naman ni Kassandra ay medyo awkward.

Pikit na ibinabalik ko ang aking focus sa movie na pinanonood namin ngunit ang isip ko ay lumilipad na at naka-focus na lang kay Kassandra.

Argh! Frustrated na tumayo ako dahil parang biglang ang init ng pakiramdam ko.

"M-Magpapahangin lang ako." Paalam ko sa kanilang tatlo bago mabilis na nagtungo sa terrace ng unit ni Kassandra.

Agad na nagpakawala ako ng hangin sa ere noong makalabas ako. Sinalubong din ako ng malamig na simoy ng hangin kaya napayakap ako sa aking sarili.

Tahimik na pinagmasdan ko na lang ang mga kumukutikutitap na mga ilaw na nagmumula sa iba't ibang gusali mula sa unahan.

Nabanggit ko na ba na inyo na ang building ng Penthouse ni Kassandra ang pangalawa sa pinakamataas na gusali sa lugar na ito? At nasa 40th floor ang kanyang unit, at isa sa pinakamalaki at maganda.

Malamang. Kaya nga naka-VIP siya 'di ba? Tuya ng aking isipan.

Dahil naka ilang minuto na rin akong nagpapahangin kaya naisipan ko nang bumalik sa loob at plano na sa single sofa na lang ako maupo. Hindi na ako makikipagsiksikan sa kanilang tatlo dahil nag-iiba talaga ang pakiramdam ko sa tuwing masyadong malapit kami ni Kassandra.

Umikot na ako para makapasok nang muli noong biglang ma-out of balance dahil sa gulat nang makitang nakatayo sa likuran ko si Kassandra. Hindi ko kasi alam na kararating lamang din pala niya and she was about to approach me.

Mabuti na lang at mabilis ako nitong nasalo at agad na isinandal sa terrace grill.

Medyo napangiwi pa ako dahil ramdam ko ang pagtama ng backbone ko sa bakal.

Noon ko lamang din na-realize na masyadong malapit na naman ang mukha namin sa isa't isa. Mas malapit kumpara kaysa kaninang nakaupo kaming dalawa. Dahil isang inch na lamang ay pwede nang magdikit ang aming mga labi.

Mula sa mga mata ko ay dahan-dahan na bumaba ang mga mata ni Kassandra sa aking labi kaya naman napalunok ako. Ganoon din siya na animo'y uhaw na uhaw pa.

Hanggang sa pakiramdam ko palapit pa ng palapit ang mukha niya sa akin, kaya naman napapikit na lang ako at hinintay na lumapat ang labi niya.

Ngunit ang naramdaman ko ay ang mainit na hininga niya sa may kaliwang tenga ko bago narinig ang pagbulong niya na nagpatayo ng balahibo sa buong katawan ko.

"Hmmm. Nice smell." Pag amoy niya sa akin. "Sweet vanilla." Dagdag pa niya bago ako muling tinignan sa aking mga mata.

Nanatili pa rin kami sa ganung posisyon. Medyo nangangalay na rin ang leeg ko bes! Matangkad kasi siya sa akin at nakatangad lang ako the whole time.

Akala ko aalis na siya sa ganoong posisyon pero nakatitig pa rin siya sa labi ko mga mare. Parang may hinihintay na pagkakataon na hindi ko rin alam kung ano.

"Elena, I uhh..." Napalunok siyang muli.

Ang lakas-lakas na naman ng kabog sa dibdib ko. Jusko! Kassandra palagi mo na lang akong pinakakaba.

Atsaka niya dahan-dahan na inabot ang lower lip ko at hinaplos ng kanyang hinlalaki kaya napapikit ako ng disoras.

Waaaah! Nagwawal na ang aking inner self! A-Anong gagawin niya? Atsaka bakit hindi makapag-react ang katawan ko at hinahayaan lamang din siya?

"I wanna...kiss your lips." Halos pabulong nang sabi nito.

Pati ako ay napapalunok na rin ng mariin nung banggitin niya iyon. Pinagpapawisan ang noo ko at maging ako ay nauuhaw na rin sa paraan kung paano ako tignan ni Kassandra ngayon.

Ang init!

"I want to taste your...lips again." Dagdag pa niya bago muling sinalubong ang aking paningin.

Again? Yeah.

Alam kong hindi ako nagkakamali sa pagkadinig. I know she kissed me that day, the day I fell asleep in her room. I just pretended that I didn't know anything and didn't open it up to her dahil alam kong mahihiya siya at ayaw kong iwasan niya ako lalo pa't hindi niya alam na ako si Piggy.

"K-Kassandra..." Halos pabulong na ring pagbikas ko sa pangalan niya habang nag-uunahan pa sa pagtaas baba ang aking dibdib.

Naramdaman ko ang unti-unti na muling paglapit ng mukha niya sa akin kaya muli ring napapikit ang mga mata ko nang...

"Ahem!" Kapwa kami nagulat noong may biglang tumikhim kaya mabilis kaming humiwalay mula sa isa't isa at agad na itinulak ko siya palayo muna sa akin.

It's Luna.

"Nice view! Sa dilim talaga kayo, eh no?"

Komento nito bago ibinaling ang kanyang mga mata sa akin.

Agad na yumuko ako para makaiwas sa mga tingin niya.

"I'm hungry. Can I borrow your chef to cook something for us?" Tanong nito kay Kassandra ngunit sa akin pa rin diretsong nakatingin ang kanyang mga mata.

Awtomatikong tumirik ang mga mata ko dahil kay Luna.

Hmp! Istorbo! Reklamo ko sa loob loob ko.

Ang epal talaga n'ya. Di ko naman siya boss para utusan ako. 

"A-Anong gusto mong---"

"Anything." Sabay talikod na putol nito sa akin.

Aba't! Ang bastos talaga ng babaeng yun. Hindi pa nga ako tapos sa pagsasalita tinalikuran na ako.

Walang nagawa na huminga na lamang ako ng malalim bago padabog na nagtungo sa kusina at agad na nag-isip kung anong lulutuin ko para sa kanila.

Gagawa na lang siguro ako ng popcorn. Total iyon naman ang perfect na ngatain kapag nanonood at pinakamadaling lutuin.

But deep inside I wish si Kassandra ang nilalapa ko at kinakain.

Hays! Erase. Erase. Erase. Ano ba self! Focus! Kung anu-anong pumapasok isipan eh.

Habang nagpe-prepare ako nito ay bigla na lamang akong napaigtad noong basta na lang may humawak sa magkabilaang balakang ko mula sa likuran at hinaplos ako patungo sa aking t'yan.

Sa perfume pa lamang nito at gamit niyang shampoo ay kilala ko na agad kahit hindi ko pa man nakikita ang kanyang itsura.

Naramdaman ko rin ang pagpatong ng kanyang baba sa aking balikat, gayon din ang mainit na hininga nito na sumasagi na naman sa leeg ko. Nakakakiliti ito kaya naging dahilan para muling magtayuan ang balihibo sa aking batok pati na rin iyong balahibo sa ibaba--- este sa aking buong katawan.

Hindi ko alam kung sinasadya niya ba talagang gawin ito. Bakit ganito siya kung umakto ngayon, nakakapanghina na ng tuhod mga mare.

"What are you going to cook?" Tanong nito sa akin na parang wala lang sa kanya ang epekto na binibigay niya sa akin.

"Jusko ka naman Kassandra---" Natigilan ako sandali bago dahan-dahang umikot paharap sa kanya at marahan na itunulak siya palayo mula sa akin. "N-Nakakagulat ka naman!" Palatak ko.

Hindi niya pa rin inaalis ang kanyang mga mata sa akin habang kumukuha ng apron at isinuot iyon.

"Anong gagawin mo?"

"I'll help you." Sagot nito sa akin.

"Wala ka namang kailangang gawin. Isa pa hindi ka naman marunong magluto."

"Hindi nga. Taga kain lang naman ako eh!" Wala sa sariling sagot nito.

Hindi ko maiwasan ang manigas sa aming kinatatayuan at mamula ang itsura dahil sa sinabi niya.

Parang double meaning kasi.

"I-I mean taga kain lang ako ng FOOD." Bigay diin nito sa huling sinabi. "Pero kaya kitang tulungan para mabilis kang matapos d'yan." Dagdag pa niya.

"Ahhh." Iyon na lamang ang tanging nasabi ko bago siya tinalikuran at nagsimula na sa pagluto.

Ano ba naman kasi. Ang halay naman ng mga naiisip ko. Hayst. Saway ko sa aking sarili.

Ilang minuto lamang ay natapos na kaming magluto ni Kassandra. She was just humming a song hanggang sa dalhin namin ang popcorn na gawa namin at inilapag sa babasaging lamesa na nasa harapan nina Luna at Roxanne.

Mukhang good mood si Kassandra dahil hindi nawawala ang maliit na ngiti sa gilid ng kanyang labi. Dahil doon ay napapangiti na lamang din ako ng palihim. Minsan lamang kasi siya ganito sa harap ng iba, lalo na kapag walang camera na na nasa harapan niya, kaya sobrang natutuwa ako.

Nagtimpla na rin kami ng four seasons flavor juice na ang alam ko ay isa sa poborito nilang magkakaibigan, especially si Kassandra at Luna.

Naupo na rin ako pagkatapos but this time ay sa pang isahang sofa habang si Kassandra ay bumalik sa dating pwesto niya kanina.

Kumuha ng baso si Luna at nagsalin ng sarili niyang juice.

Akala ko iinumin na niya ito nang bigla at sadyang itinapon niya ang juice sa sahig at isinakto niya pa talaga sa kulay puting carpet.

A feather carpet to be exact.

Kaagad na nagmantsa ang kulay ng juice rito kaya mabilis pa sa alas kwatrong tinapunan ko na naman ng pamatay na tingin si Luna.

"OMG! Why did you do that?!" Maarte at baklang-bakla na komento ni Roxanne.

"What? Natapon eh!" Agad na depensa naman nito ngunit halatang sinadya niya talaga.

"Natapon o sinadya mong itapon." Ganting sabi ko rin kay Luna habang nakakunot pa rin ang noo.

"Natapon nga. Nakita mo naman 'di ba?" Pagtaas ng boses nito.

"Luna!" Saway ni Kassandra sa kanya.

Huminga lamang ng malalim si Luna na para bang wala lang sa kanya ang ginawa niya, bago sumilip sa suot niyang wrist watch. Kumuha muna rin ito ng ISANG PIRASONG popcorn bago tumayo.

"I think I need to go guys. Maaga pa ako sa office bukas." Pagkatapos ay tinapunan ako nito ng isang tingin sabay ngisi ng nakakabwisit.

"Paki linis na lang ah." Dagdag pa niya bago tumalikod na.

Napanganga ako in disbelief.

"Bastos na,wala pang modo!" Inis na bulong ko sa aking sarili pero pinagtawanan lamang ako habang naglalakad siya palabas ng unit.

Napahinga ng malalim si Kassandra noong sandaling sinisimulan ko nang ayusin para iligpit ang carpet.

"Let me do that for you." Mahinang sabi nito.

"Sweet-sweetan ang ferson kasi kinawawa ang kanyang disney princess." Rinig naming sabi ni Roxanne kaya agad siyang tinignan ng masama ni Kassandra.

"Wala akong sinasabi ah." Nakangising depensa nito.

Ako ba ang tinutukoy niyang disney princess ni Kassandra? Tanong ko sa aking sarili.

Kasi kung oo, kikiligin na ako ng mas malala. But I don't want to assume unless it's stated.

Pass midnight na nang maisipan naming huwag nang tapusin ang pinanonood namin. Halata na kasi sa mga mata ni Roxanne at Kassandra ang pagod kaya ako na mismo ang nagpatay ng TV.

Gusto pa nga nilang tapusin ito pero ako na ang nagsabing kailangan na nilang magpahinga.

Dalawa ang kwarto sa unit ni Kassandra, pero iyong isang kwarto ay hindi pwedeng pasukin at gamitin dahil...alam niyo na. Mahigpit niyang ipinagbabawal ang pagpasok rito lalo't walang pahintulot niya.

Kaya sa sala na lamang daw matutulog si Roxanne, pwede kasing gawing bed ang sofa na inuupuan namin kanina. Habang ako naman ay matutulog na naman sa iisang kwarto kasama si Kassandra.

Habang nagliligpit kami ni Roxanne ng mga kalat ay nauna nang nagtungo sa kwarto si Kassandra para maglinis ng katawan. Kaya noong sumunod ako ay nag-aayos na siya ng kanyang higaan sa sofa at handa na sa pagtulog.

Wait, sa sofa rin siya matutulog?

Ba't parang disappointed ako? Eh paano ba namang hindi eh nakaraan lang gustong-gusto niyang makatabi ako sa pagtulog.

"You sleep on my bed and I will sleep here." Saad niya.

"P-Pero..."

"No buts, no ifs." Putol nito sa akin.

Hindi na lang ako pumalag pa dahil alam ko namang siya ang mananalo sa aming dalawa.

Tss!

"Okay." Pag-surrender ko at tumango na lang din bilang pagpayag.

Inayos ko na ang bihisan ko at agad na pumasok na rin sa banyo para makapag-shower.

Dahil hindi feel magbihis sa loob ng banyo ngayon, kaya noong matapos na akong mag-shower ay ipinulupot ko na lang ang towel sa aking katawan bago tuluyang lumabas. 

Nadatnan ko namang nakahiga na si Kassandra sa sofa habang nag-i-scroll sa kanyang cellphone.

Nung napansin niyang nakalabas na ako ng banyo ay dahan-dahan nitong ibinaba ang kanyang hawak bago sinalubong ang mga tingin ko. 

Mabilis na umiwas ako ng tingin.

Sa banyo na lang siguro ako magbibihis. Sabi ko sa aking sarili dahil nagbago na bigla ang isip ko.

Ngunit sa hindi malamang dahilan ay biglang lumuwag 'yung towel na nakapulupot sa aking katawan kaya basta na lamang iyong nalaglag at sa mismong harapan pa talaga ni Kassandra kung saan nakatingin rin siya.

Kapwa nanlaki ang aming mga mata, pagkatapos ay sabay kaming napatiling dalawa habang nakatakip iyong magkabilaang kamay ko sa aking dibdib at sa ibabang parte ng aking katawan.

Mabilis na tumalikod ako mula sa kanya at bumalik sa loob ng banyo, habang siya naman ay parang si Flash na tumayo at tumakbo palabas ng aking kwarto.

"Mga punyetaaa! Magpatulog kayo!"

Narinig ko pang sigaw ni Roxanne dahil nagulat sa pagtili naming dalawa.


CREATORS' THOUGHTS
Jennex Jennex

Hahahahaha! Parang mga ano... :D

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C27
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login